You are on page 1of 7

PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA

TEKNOLOHIYA- Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga


kahulugan ang pagsulong at paglapat ng
mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin
ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang
kailan lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din
ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang naimbento katulad ng gulong.
Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang ang
kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga
kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng ating
kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang
ating kaalaman dito. https://tl.wikipedia.org/wiki/Teknolohiya

CYBERBULLYING- Ang katawagang "cyber-bullying" sa Ingles ay nilikha at binigyang


kahulugan ni Bill Besev bilang “paggamit ng teknolohiyang pang-impormasyon at
pangkomunikasyon para suportahan ang sinasadya at paulit ulit na mapanirang pamamaraan ng
isang indibidwal o grupo upang makasakit ng tao.” Kinalaunan, ang cyber-bullying ay tinuring na
“kapag ginagamit ang Internet, teleponong selular at iba pa sa paghahatid ng mensahe o mga
larawan na naglalayong manakit o magpahiya ng kapwa”. Ang ilan sa mga mananaliksik ay
ginamit ang parehong lenggwahe upang ipaliwanag ang nasabing katawagan.
Ang pagmamaton sa Internet ay ang patuloy na pagpapadala ng mensahe sa isang tao na
nagsasabing hindi nila kilala kung sino ang nasa likod nito na may kasamang pagbabanta,
seksuwal na nilalaman, nakakainsultong pananalita, panghahamak at pagpapahatid ng mga
maling pahayag na nagdudulot ng pagkawala ng kahihiyan ng isang tao.
Ang mga bata ay nagsisimula ng maging malupit sa isa’t isa kapag nasa Internet sila, kahit nasa
ikalawang baitang pa lamang. Ayon sa pananaliksik, mas maagang nagpakita nito ang mga
batang lalaki kaysa sa mga batang babae. Ngunit pagtapak sa kalagitnaang baitang, ang mga
batang babae naman ang karaniwang gumagawa ng pagmamaton. Mapa-lalaki man o babae
ang maton (bully), ang layunin nila ay intensiyonal na magpahiya, guluhin, mang-insulto at
magbanta sa isa’t isa. Ang pagbubuling ito ay nagaganap sa pamamagitan ng elektronikong
liham, mabilisang pagmemensahe (texting), at ang pagpapaskil ng mga sulatin sa mga blog at
websayt.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagmamaton_sa_Internet
KABANATA

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay RHODERICKV. NUNCIO kailangan bagtasin ang


landas sa virtual na mundo ng internet, lalo na sa nakahuhumaling na online
games. Gamit ang survey, interbyu,textual/visual na analisis at kritikal na
pagdalumat,sinuri ang larong ragnarok at ang implikasyonnito sa pagbubuo ng
bagong mundo at kaakuhan ng mga kabataan sa ngayon . Binigyang diin din
ang diskurso ng adiksyon sa mga online game at kung paano nito nililikha ang
isang realidad na linyar na sumasaklaw sa aktuwal na realidad ng mga tao.
RHODERICK V NUNCIO (ANG MUNDO NG ONLINE GAME:REALIDAD
NG ADIKSYON AT PAGTATANGHAL NG BAGONG MUNDO AT KAAKUHAN .GOOGLE
SCHOLAR.COM https://ejournals.ph/article.php?id=7911

Ayon din sa battlecase.ru,Ang mga modernong bata ay


mahusay sa mga digital na espasyo: Alam nila kung paano haharapin ang lahat
ng uri ng mga gadget, at kailangan nila ng isang account sa mga social network
hindi lamang para sa entertainment kundi pati narin para sap ag-
aaral ,Halimbawa , Pakikipag usap sa mga guro at mga kaklase sa mga may
katuturang gropu ,Nguni tang komunikasyon sa internet ay maaring hindi
lamang kapaki-pakinabang kundi pati narin napuno ng panganib kung paano
bumuo ng isang ligtas na ugnayan sa pagitan ng bata at mga social network.
BATTLECASE.RU(MAG-INGAT :MGA BATA SA MGA SOCIAL
NETWORK! MGA BATA AT MGA SOCIAL NETWORK. GOOGLE SCHOLAR.COM
https://battlecase.ru/tl/ostorozhno-deti-v-socialnyh-setyah-deti-i-socialnye/

Ayon din ni S.R.LAU , Mas lalo na sa panahong ito, hindi na


maaring matanggi na ang teknolohiya ay patuloy na sa pagtutulong sa mga tao
upang pagkamit nila ang mga malalawak na posilidad. Maaring lalo na madama
ito sa mga aspeto ng komunikasyon .Bago ang pagdating ng selpon karamihan
sa mga tao ay umaasa sa mabagal nap ag-eemail o mas masahol pa sa pagawa
ng liham upang maipadala ang mensahe sa isang minamahal .Ngayon ,Ang mga
tao mula sa iba’t ibang mga kontinente ay maaring makipag-ugnayan kaagad-
agad sa pamamagitan ng isang simpleng pagpindot ng selpon.
S.R.LAU,TATAK PINOY,FILI2HHHGROUP5.WORDPRESS.COM ANG
NAWAWALA: EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA KOMUNIKASYON.
https://fil12hhhgroup5.wordpress.com/ang-nawawala-epekto-ng-teknolohiya-sa-komunikasyon/
KABANATA

Ayon sa akda ni JAR-EL BEATRICE GARCIA ang teknolohiya


inimbento para mabilis ang bawat gawain .Ginagamit natin ito sa pangaraw-
araw nating pamumuhay. Maari nga na kapag wala ito ,Mas kukumplikado ang
mga buhay natin . Tunay na nakakagaan ng mga gawain ang pagtulong sa atin
ng teknolohiya pero naabuso kaya nagkakaroon ng masasamang epekto.
Teknolohiya ay parang droga, makakatulong pero kapag naabuso nang lubha
masama na ang epekto. Mula sa pagmulat ng ating mga mga bagay dulot ng
teknolohiya agad ang ating natatanaw. Sa ating mga bahay ,Kadalasan
matatagpuan ang refrigerator na tumulong sa imbak ng ating mga pagkain . Isa
lamang ito sa dinadaming gamit sa bahay natin na nakakatulong satin. Bilang
mag aaral naman , nakakatulong ang cellphone at computer o maging ang ilang
mga gadgets sa mas mabilis na paggawa ng mga proyekto at asignatura.
PANGKAT-TATLO.TUMBLR.COM(MABUTI AT MASAMANG EPEKTO
NG TEKNOLOHIYA) https://pangkat-tatlo.tumblr.com/post/158475171231/mabuti-at-masamang-
epekto-ng-teknolohiya

Ayon sa TEKNOLOHISTANGPINOY.WORDPREES.COM,
Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o
nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya dahil ito ay nagbibigay
ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino .Ang mga pananaw na ito
ay tama subalit kailangan nating pag-aaral ng mabuti kung ang teknolohiya ng
aba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakakasalalay sa
ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin.
TEKNOLOHISTANG PINOY.WORDPRESS.COM(EPEKTO NG
TEKNOLOHIYA) https://teknolohistangpinoy.wordpress.com/2008/03/18/c-epekto-ng-teknolohiya-
nakakatulong-nga-ba-o-nakakasama/
KABANATA

KAUGNAY NA PAG -AARAL

Ayon sa pag-aaral ni princessvhalerie,Ang paggamit ng


teknolohiya sa edukasyon ay isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas
maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang
mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na mga taon.Ito
ay nagsilbing mahalagang instrument sa mga mag- aaral ng astronomiya. Sunod
dito ay ang makinarya na nagbibigay daan para sa hustong pagbabago ng
Sistema ng pagtuturo kung saan mas mabilis at epektibo ang pagbuo ng mga
basahin . Sa loob lamang ng ilang dekada ,Ang kompyuter naman ay naging
pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo.
PRINCESSVHALERIE(PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA
EDUKASYON) https://vhalerieoandasan.wordpress.com/2014/12/15/ppaggmamit-ng-teknolohiya-sa-
edukasyon/
Ayon sa pag –aaral, Ang teknolohiya ay isa sa
pinakaimportanting mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga mag-aaral sa
panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone,laptop,computer, At projectors.
Sa pamamagitan ng pagreresearch ay makikita mo na ang hinahanap mong
impormasyon hindi katulad noon kailangan pa ng mga libro upang makahanap
ang mga kailangang impormasyon sa madaling sabi ang teknolohiya ay
makakatulong sa atin dahil napabilis nito ang ibat’ ibang gawain ng tao sa
kanilang araw-araw na pamumuhay . Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya
upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase.
FILIPINOBLOG161 (ANG KAHALAGAHAN NG TEKNOLOHIYA
SA PAG-AARAL) https://filipinoblog161.wordpress.com/2017/06/30/ang-kahalagahan-ng-
teknolohiya-sa-pag-aaral/
Ayon sa pag-aaral , Tayo ngayon ay nasa makabagong
panahon na kung saan nakadepende na sa teknolohiya ang mga gawain ng tao .
Ang teknolohiya ay isang imbensyon sa paglapat ng
kasangkapan ,kagamitan,makina at proceso upang madali ang pang araw-araw
na gawain ng tao. Umuunlad na nga ang mga bagong teknlohiya gaya ng
cellphone,computer,ipod,mp3 ,mp4 at iba pa. May iilan na nagtatalo kung
nakabubuti o nakakasama baa ng epekto ng teknolohiya sa ating lipunan ngunit
marami rin namang pabor sa pag –angat ng teknolohiya sa kadahilanang
nagbibigay ng mga tao at wala na sa lugar gaya kapag nasa hapag-kainan ang
buong pamilya at ang bawat isa ay gumagamit ng cellphone.
ABANTE.TONITE.COM.PH(EPEKTO NG TEKNOLOHIYA)
https://tonite.abante.com.ph/epekto-ng-teknolohiya.htm
KABANATA

BUOD
Batay sa nakalap na impormasyon dito sa paaralang COGON
NATIONAL HIGHSCHOOL, Makikita nati na mas maraming estudyante ang
sumasang-ayon sa paano gamitin sa pamaraang mabuti o masamang epekto ang
naidulot ng teknolohiya sa mga kabataan . Nasa bandang ibaba nito ang mga
pahayag namay malaking kahigitang pursyento na sumasang- ayon sa aming
nakalap .

*Ang talahanayan 1 ay nagsasaad na ang cyberbullying ay isa


sa mga masasamang epekto ng teknolohiya sa kabataan na umabot hanggang
93% habang;
*Ang talahanayan 3,4,5 ay may kaparehong pursyento na
umabot ng 87% at nagsasaad ito na ang pagiging bihasa sa speaking English
skills at pag-unlad ng mga kasanayan ng kabataan at ang sagot na nanggagaling
sa computer ay isa sa mga magagandang epekto ng teknolohiya: Samantalang;

*Ang talahanayan 2 ay may 83 lamang na pursyento na


nagsasaad na ang paglakas ng transportasyon ay isa ring mabuting epekto ng
teknolohiya.

KONKLUSYON
*Karamihan sa kabataan ay sumasang-ayon na ang
cyberbullying ay isa sa pinakamasamang epekto ng teknolohiya para sa kanila
na umabot ng 93 pursyento at 7 pursyento lamang sa kanila ang hindi sumasang
–ayon na makikita sa talahanayan 1.

*Karamihan din sa kabataan ay sumasang-ayon na ang


paglakas ng transportasyon at pag –unlad ng kasanayan sa kabataan gamit ang
teknolohiya ay isa sa mga pinakamagandang epekto nito na umabot ng 83
pursyento at 87 pursyento , At 17 – 13 pursyento lamang sa kanila ang hindi
sumasang- ayon na makikita sa talahanayan 2 at talahanayan 4.
KABANATA

REKOMENDASYON
-Ang teknolohiya ay may mabuti at masamang epekto sa mga kabataan ngunit ang
teknolohiya ay maabuso at mas nangingibabaw ang masamang epekto nito sa mga
kabataan .Ang mga guro at mga magulang ay may malaking responsibilidad ukol dito upang
magabayan ang mga kabataan sa paggamit ng teknolohiya.
1. Dapat libutin ng mga guro ang mga computer shops at kausapin ang may ari na dapat
limitado lamang ang sites na nakalagay sa computer.
2.Dapat magkaroon ng body guards ang mga computer shops at i-remind sila na bawal
papasukin ang mga kabataan sa computer kapag class hours.
3.Para sa magulang , Dapat magkaroon ng time limitasyon ang mga kabataan sa paggamit ng
gadgets.
4.Dapat striktong ipatupad ang no use of gadgets during classes sa lahat ng school institutions
maliban lamang kung importante ito.
5. Dapat sakto lamang ang ibigay na perang pangbaon ng mga magulang sa kanilang anak
upang maiwasan ang pagpunta ng mga kabataan sa computer shops.

BIBLIOGRAPIYA
- RHODERICK V NUNCIO (ANG MUNDO NG ONLINE GAME:REALIDAD NG
ADIKSYON AT PAGTATANGHAL NG BAGONG MUNDO AT
KAAKUHAN .GOOGLE SCHOLAR.COM https://ejournals.ph/article.php?id=7911

- BATTLECASE.RU(MAG-INGAT :MGA BATA SA MGA SOCIAL NETWORK! MGA


BATA AT MGA SOCIAL NETWORK. GOOGLE SCHOLAR.COM
https://battlecase.ru/tl/ostorozhno-deti-v-socialnyh-setyah-deti-i-socialnye/
-S.R.LAU,TATAK PINOY,FILI2HHHGROUP5.WORDPRESS.COM ANG NAWAWALA:
EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA KOMUNIKASYON.
https://fil12hhhgroup5.wordpress.com/ang-nawawala-epekto-ng-teknolohiya-sa-komunikasyon/

- PANGKAT-TATLO.TUMBLR.COM(MABUTI AT MASAMANG EPEKTO NG


TEKNOLOHIYA) https://pangkat-tatlo.tumblr.com/post/158475171231/mabuti-at-masamang-
epekto-ng-teknolohiya

- TEKNOLOHISTANG PINOY.WORDPRESS.COM(EPEKTO NG TEKNOLOHIYA)


https://teknolohistangpinoy.wordpress.com/2008/03/18/c-epekto-ng-teknolohiya-nakakatulong-nga-
ba-o-nakakasama/

- PRINCESSVHALERIE(PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON)


https://vhalerieoandasan.wordpress.com/2014/12/15/ppaggmamit-ng-teknolohiya-sa-edukasyon/

- FILIPINOBLOG161 (ANG KAHALAGAHAN NG TEKNOLOHIYA SA PAG-AARAL) )


https://filipinoblog161.wordpress.com/2017/06/30/ang-kahalagahan-ng-teknolohiya-sa-pag-aaral/

- ABANTE.TONITE.COM.PH(EPEKTO NG TEKNOLOHIYA)
https://tonite.abante.com.ph/epekto-ng-teknolohiya.htm
KABANATA

You might also like