You are on page 1of 2

TEKSTONG IMPORMATIBO

Iba't ibang Epekto ng Teknolohiya


Joshua E. Zape ABM- A

Teknolohiya, ano ang mga epekto nito sa atin? Sa ibang tao? At sa mga taong hindi na kayang
mabuhay kung wala ang mga kagamitan ng teknolohiya. Ang tekstong ito'y naglalaman ng iba't ibang
epekto ng teknolohiya sa ating buhay kung paano nabago ang ating buhay ng dahil lamang sa
teknolohiyang ito at kung paano naorganisa ang iba't ibang uri ng teknolohiya maging sa mga
applikasyon nito.

Ang teknolohiya ay isang sistematikong kaalaman sa sining ng industriya at napapadali ang mga
gawain ng isang tao. Nangangahulugang na ito'y isang kaalaman na maililipat mo sa makinarya o
anumang bagay na nagagamitan ng kuryente. Mas malaking porsyento ang napapakinabangan ang
teknolohiya sa araw-araw na gawain ng tao. Nakatutulong din ito sa larangan ng edukasyon dahil
napapadali lamang ang pagsasaliksik ng mag- aaral sa kompyuter kaysa maghanap sa mga libro.

Ayon kay Juan Dela Cruz sa kanyang Blog na Teknolohistang Pinoy, ang teknolohiya ay isang
kagamitan na kung saan nasa saiyong mga kamaykung papaano ito gagamitin at paunlarin. Nailathala
din nya ang mga posible at mga nangyari nang mga epekto sa kanyang blog ito ay ang mga sumusunod
na epekto na nahahati sa dalawang parte: Ang Positibo at Negatibong Epekto. Sa Positibong epekto'y
naglalaman ng: Pag unlad ng antas ng libangan na kung saan nakawawala ng stress at nakakaenganyo
pang gamitin. Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan gaya nito ay ang mga CCTV na kung
saan nagsisilbing ebidensya sa bawat krimeng nangyayari. Ikatlo ay Global Networking na kung saan
dito napag uusapan ang pakikipagkalakalan hindi lamang dito sa bansa kundi sa buong mundo. Sa
ikalima at ika anim na epekto naman ay, Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan na komunikasyon
gamit ang teknolohiya at Mas makakamura sa ibang paraan, na aking nakapahulugan na ang tinatawag
na Social Medias gaya ng facebook, twitter, at anu pa mang bagay na magagamit sa
pakikipagkomunikasyon sa ibang tao, at mas nakatitipid pang gamitin kahit saang lugar.

Sa negatibong epekto naman ay nahahati sa anim na magiging gabay at babala sa paggamit ng


teknolohiya. Una, nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao na magiging sanhi ng pag iisip ng hindi
tama. Ikalawa, ay Maaring gamitin sa karahasan na magiging sanhi ng paggawa ng krimen buhat sa
paggamit ng teknolohiya. Ikatlo naman ay technicism na nakapahulugang pagiging kampante sa
paggamit ng teknolohiya. Ikaapat ay Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaring humantong sa
mali-maling sitwasyon. At ang pang huli ay ang teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access na
maaring makasira o makaapekto sa pag- aaral ng kabataan gaya nito ay DOTA at COC.

Kung pagsama- samahin ang mga epekto ng teknolohiya, mayroong itong mabuti at masamang
epekto ang teknolohiya dahil sa marami sa kagamitan ng teknolohiya ay malaki ang kapakinabangan sa
lipunan, at higit sa lahat nakatutulong ito ng malaki sa pag- aaral ng mga mag - aaral. Kung merong
mabuti siyempre meron ding itong masamang epekto nito dahil natututo ang tao na maging tamad sa
kanilang gawain.

You might also like