You are on page 1of 2

Irish G.

Duenas November 16, 2019

11-Einstein Gng.Choryn Modina

Teknolohiya sa Makabagong Henerasyon

Sa bawat oras at araw na nagdaan may mga bagay nagbago.Pagbabago sa ating bansang kinagisnan.
Ito ay ang pagmulat ng mga tao sa modernong bagay na nagbibigay ng malaking tulong sa buhay ng tao. Isa
na rito ang "Teknolohiya". Ayon kay Rabano 2019, Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga
kasangkapan, makina,kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang
masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Subalit di maiaalis dito ang mga positibo na may
kaakibat na negatibo na maidudulot sa pamumuhay ng isang tao.

Ang teknolohiya ay napakaimportante sa lahat ng tao sa mundo, lalo na sa mga kabataan ngayon na
siyang kinahuhumalingan at kinaaadikan ng mga tao ngayong panahon.Ngunit di maikakaila na ang paggamit
nito ay may kaakibat na negatibo sa pamumuhay ng isang tao. Hindi lahat nito ay mabuti ang naidudulot .
Kailangan parin nito ang masining na paggamit at maingat sa lahat ng bagay. Sa paggamit nito ay kailangan
alamin muna kung ano ba ang tamang proseso , paano ba ang gumamit nito magkaroon dapat ng limitasyon
sa paggamit nito . Sapagkat ang lahat ng sobra ay nakakasama at nagsisilbing lason,na siyang hadlang sa
pag kamit ng minimthi. Isa sa tatlong Pilipino ang gumagamit ng internet, ayon sa pinakahuling ulat ng Internet
and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP).Sa taong ito, naitalang mahigit 38 milyong
Pilipino ang gumagamit ng internet. Karamihan sa mga ito ay kabataan nasa edad 30 pababa.Tinatayang
pumalo na sa 100 milyon ang populasyon ng bansa ngayong taon.Mas maraming Pilipino pa ang inaasahang
gumamit ng internet ngayon taon dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo nito, paliwanag ng IMMAP.Ayon pa
sa pag-aaral ng IMMAP, nitong Setyembre lamang, mahigit 22 milyong Pinoy ang gumamit ng kanilang
Facebook gamit ang kanilang mga smartphone. Ayon kay Dela Cruz, na mula paman noon at hanggang
ngayon marami nang mga tao na nagtatalo talo dahilan sa kung ang teknolohiya ba ay may masamang
naidudulot sa pamumuhay ng isang tao.Hindi iyan mawawala sapagkat lahat ng bagay maganda man ito may
kapangitan ding tinatago dahil sa teknolohiyang ito naipapadali ang mga gawain lalo na sa mga kabataan
ngayon kapag sila ay may mga gawain na na aangkop sa mga pag aaral nila . Ito ang pinagkukunan nila ng
mga iba't ibang inpormasyon.At naipapaunlad din nito ang ating lipunan. Subalit laging tandaan ma ang
teknolohiya ay nakakatulong ngunit gaano man ito nakatulong ay ganun ito nakakapahamak kung pabanayaan
ang sarili at pag inabuso ito. Disiplina ang kailangan. Isa sa mga patok na gamit sa teknolohiya ay ang
kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga kabataan ngayon. Isa sa mga gamit nito
ay pagbibigay ng internet at maaring makagawa ng isang indibidwal na account sa ano mang social
networking site, tulad ng facebook at instagram. Gamit ang internet ay nakakukuha ng impormasyon tungkol
sa isang bagay o katanungan. Bukod sa libro na ginagamit ng mga studyante dito na rin sila kumukuha ng
dagdag na impormasyon. Ito rin ay nagbibigay aliw, at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan
ng mga karagdagang programa. Marami itong positibong apekto sa tao tulad ng Global networking, mas
mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya, mas makakamura sa ibang
paraan, at mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan. Ngunit meron din itong negatibong epekto
tulad ng nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao, nakakasira ng mga tao, maaring gamitin sa karahasan, at
ang pagiging bagsak ng marka ng mga mag-aaral.

     May malaki nang naitulong ang teknolohiya sa buhay ng tao imbes na itoy abusuhin .Mas mabuti na ito'y
payamanin. At alamin at piliin lamang ang mga positibong bagay na maidudulot nito sa pamumuhay ng tao.

You might also like