You are on page 1of 6

Globalisasyong

teknolohikal
Ano nga ba talaga ang
Globalisasyong
Teknolohikal?
Ito ay ang mabilis na paggamit ng
makabagong teknolohiya na
nagreresulta ng malaking
impluwensiya sa pamumuhay ng
mga tao.
Mabilis na tinangkilik ng mamamayan sa developing countries ang paggamit ng teknolohiya tulad ng mobile phones na nagsimula sa mauunlad na bansa. Sa paggamit nito,
mabilis na nakakahingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. Isa rin dito ang mabilisang transaksiyon sa pagitan ng tao. Sa Pilipinas, talamak ang
paggamit ng mobile phones, sa katunayan, ang pagtetext ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng marami.

Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang buhay ng maraming gumagamit nito, higit na
pagbabago ang dinala ng computer at internet sa nakararami. Ito au nakaagapay sa pagbibigay ng iba't
ibang uri ng serbisyo tulad ng email, napabibilis din nito ang pag-apply sa mga kompanya, pag-alam sa
resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan, pagkuha ng impormasyon at balita, at pagbili ng
produkto at serbisyo na mas kilala sa tawag na e-commerce.
•Kaalinsabay ng pag-usbong ng mga
social networking sites, tulad ng
Facebook, Twitter, Instagram, at
Tiktok ay ang pagbibigay kakayahan
sa mga ordinaryong mamamayan na
ipahayag ang kanilang saloobin sa
iba't ibang paksa o usapin.
Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat dito ay ang mga suliraning may kinalaman sa
pagkakalat ng iba't ibang uri ng mga computer viruses at spam na sumisira ng electronic files at
minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan.

Bukod dito, nagkakaroon din ng mga pagkakataon na makagawa ng intelectual dishonesty dahil sa
madaling pag copy at paste ng mga impormasyon mula sa internet.

Huwag din kalilimutan ang isyu ng pambansang siguridad, ginagamit ng ibang mga terorista at
masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga
target nito.
DULOT NG
1. Sa pagbili ng produkto, ang paggamit ng cellphone at serbisyo
ng internet na lubhang kapakipakinabang sa mga mamamayan ng
bansa.
MGA
TEKNOLOHIYA 2. Sa iyong pag-aaral, kapag nais mong maging updated sa mga isyu
sa bansa, maaari kang magsaliksik ng mga makabagong
SA impormasyon tungkol sa paksang iyong pinag-aaralan.

PAMUMUHAY
NG MGA TAO: 3. Sa paglago ng ekonomiya ng bansa, malaking tulong ang paglago
ng online shop bilang bahagi ng globalisasyon karaniwan nang
ginagamit na paraan upang maging mabilis na makabili ng produkto
na ayon sa pangangailangan o kagustuhan ng tao

You might also like