You are on page 1of 5

GROUP 3

OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon


Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang
mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay.
Sa katunayan, malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba’t ibang panig
ng daigdig partikular sa Timog-kanlurang Asya tulad ng Qatar, Saudi Arabia, United Arab
Emirates at Silangang Asya tulad ng South Korea,Japan, Taiwan, Hongkong at China.
Maging sa kontinente ng Europe at America tulad ng Canada at United States ay kakikitaan ng
mga manggagawang Pilipino.
Ang pangingibang-bayan ng manggagawang Pilipino ay nagsimula sa panahon ni dating
Pangulong Ferdinand Marcos bilang panandaliang tugon sa budget deficit ng kaniyang
administrasyon. Naging matagumpay ang stop gap measure na ito.
Nang makita ng pamahalaan ang malaking kapakinabangang makukuha dito’y pinaigting pa ang
pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa.Kaya naman nagpapatuloy ito hanggang sa
kasalukuyan. (Higit na palalalimin ang paksang ito sa susunod na aralin.)
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL
Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng globalisasyon. Mababanaag din ito
sa aspetong teknolohikal at sosyo-kultural ng mga bansa sa daigdig.
Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang pagggamit ng cellular
phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga bansang tulad
ng Pilipinas, Bangladesh at India.
Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. Sa paggamit nito,
mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. Isa rin dito
ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.
Halimbawa nito’y ang pakinabang na nakukuha ng mga mangingisda ng Kerala sa India. Bago pa
man pumalaot ang mga mangingisda ay tinatawagan na nila ang mga ‘prospektibong’ mamimili
kaya naman nabibigyang kasiguruhan na sila ay kikita. Sa katunayan, higit walong porsyento ang
itinaas ng kanilang kita dahil sa sistemang ito.
Sa Pilipinas, talamak ang paggamit ng mobile phones. Sa katunayan, ang pagte-text ay naging
bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng marami. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra,
marami sa mga cellphone users ay hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang isang
communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi
madaling maihiwalay ito sa kanila.
Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang buhay ng maraming gumagamit nito,
higit na pagbabago ang dinala ng computer at internet sa nakararami.

Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri ng serbisyo tulad ng e-mail. Napabibilis din
nito ang pag-aaplay sa mga kompanya, pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at
pamantasan, pagkuha ng impormasyon at balita, pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala sa
tawag na e-commerce.
Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at
konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form. Ang
mga ideyang ito ay nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng musika, pelikula, videos, larawan, e-
books at iba pa na makikita sa iba’t ibang social networking sites at service provider.
Ang mga sikat na awitin, pelikulang, palabas sa telebisyon, viral videos at pictures, hashtags,
memes at mga tulad nito ay ilan lamang sa mga mabilis na kinokonsumo gamit ang electronic
device na may internet access.
Kalakip nito ang pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa partikular ang mga
nagmumula sa United States.
Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng Koreans sa anyo ng pop
culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela, K-pop culture, at mga kauri nito.
Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa pananamit, pagsasalita at
pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan.
Kaalinsabay ng pag-usbong ng mga social networking sites tulad ng facebook, twitter, instagram
at Myspace ay ang pagbibigay kakanyahan sa mga ordinaryong mamamayan na ipahayag ang
kanilang saloobin sa iba’t ibang paksa o usapin. Aktibo nang nakikibahagi ang mga netizen sa mga
usaping lubos na nakakaapekto sa kanila. Netizen ang terminong ginagamit sa mga taong
gumagamit ng social networking site bilang midyum o entablado ng pagpapahayag. Hindi na sila
maituturing na pasibong consumer lamang na tumatangkilik ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
Sa katunayan, ginagamit ng marami ang mga ito upang maipakita nila ang talento at talino sa
paglikha ng mga music videos, documentaries at iba’t ibang digital art forms. Maituturing silang
prosumers na nangangahulugan ng pagkonsumo ng isang bagay o ideya habang nagpo-produce ng
bagong ideya.
Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga suliraning may kinalaman sa
pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng electronic files at minsan
ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan.
Bukod dito nagkakaroon din ng mga pagkakataon na makagawa ng intellectual dishonesty dahil
sa madaling pag-copy and paste ng mga impormasyon mula sa internet.
Huwag ding kalilimutan ang isyu ng pambansang seguridad. Ginagamit ng ilang mga terorista at
masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa
mga target nito.
Sang-ayon ka ba sa cyber crime law upang mabigyang-tugon ang suliranin ukol dito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ang mga penomenong ito ay nakabubuo ng mga bagong ideyang kultural na mabilis namang
naipalalaganap sa iba’t ibang panig ng mundo.

Cyber-bullying via social media seen as crime

PICKING on someone on Facebook may soon become a crime.


A bill has been filed at the House of Representatives defining and penalizing “cyber-bullying,” or
the act of posting rude, offensive or insulting messages against the victim on the Internet.

“By penalizing acts of cyber-bullying, people are encouraged to become responsible netizens and
make them accountable for their cyber-actions,” the author, Camarines Sur Rep. Rolando Andaya
Jr., said in an explanatory note.
ADVERTISEMENT
Cyber-bullying, he said, would refer to “acts of cruelty committed using the Internet or any form
of electronic media or technology that has the effect of stripping one’s dignity or causing
reasonable fear or physical or emotional harm.”
Offensive acts include the following:
a) Repeatedly sending offensive, rude and insulting message;
Ads by Kiosked

b) Distributing derogatory information about the victim;


c) Posting or sending offensive photos of the victim, whether these are digitally altered or not, or
were taken with or without consent, with the intention to humiliate and embarrass the victim;
d) Breaking into an email, social networking or any electronic account and using the victim’s
virtual identity to send, upload or distribute embarrassing materials to or about others;
e) Sharing the victim’s personal information or any embarrassing information, or tricking the
victim into revealing personal or embarrassing information and sharing it to others; and
f) Repeatedly sending messages that include threats of harm or engaging in online activities that
cause fear on the victim’s safety.
ADVERTISEMENT

“Cyber-bullying is one such problem that the advancement in technology and social media has
generated. It can potentially affect not only school-aged children, but also any individual who has
access to a mobile phone or the internet,” Andaya said.
Under House Bill 5718, or the proposed “Anti Cyber-Bullying Act of 2015,” cyber-bullies shall
face a penalty of fines ranging from P50,000 to P100,000, or imprisonment between six months
and six years, or both, at the discretion of the court.
“The onset of the Internet has shattered world barriers empowering users with immense
information and allowed them to be socially connected to virtually anybody around the globe in
the comfort of their own homes,” Andaya said.
“Because of the anonymity that the Internet gives, social and moral norms are easily switched off
and users are emboldened to just say or post anything online without accountability,” he added.
As a result, “Internet bashing” has become a culture among Internet users and even spawned
problems that involve hostility and aggression, Andaya said.
The measure provides that the Commission on Information and Communications Technology
(CICT), Department of Justice (DOJ), and the Department of Interior and Local Government
(DILG) shall jointly formulate the necessary rules and regulations within 90 days of passage.
HB 5718 has been referred to the information communication technology committee chaired by
Rizal Rep. Joel Roy Duavit. SFM/ABC

Read more: http://technology.inquirer.net/42356/cyber-bullying-via-social-media-seen-as-


crime#ixzz4pqcKggaD
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

You might also like