You are on page 1of 6

Social Media: Maimpluwensyang

Instrumento ng Modernisasyon sa
Lipunan, Kultura at Sikolohiyang Pilipino

Isang pananaliksik na iniharap para kay


Gng. Joy Manaligod

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa


Asignaturang Filipino I

Nina:
Jemarie Bautista
Precious May Bautista
Earl John Gargaceran
Liza Mercado
Edmar Oducayen
Joreen May Tamayo
Joshua Valdez
Ma. Angelica Valdez
Ano ang social media?
Ang social media ay isang paraan ng komunikasyon na kayang maakses ng lahat sa
pamamagitan ng internet technology. Marami itong naidudulot sa mga Pilipino. Halos araw-
araw, dumarami ang bilang ng gumagamit nito.

Malaki ang naitutulong ng social media sa kahit anong uri ng negosyo, maliit man ito o malaki
laluna sa mga negosyong online. Kung kaya, ang social media ay katumbas ng advertising,
marketing at online communication.

Sa pamamagitan din nito, nahahasa ang kakayanan ng isang indibidwal laluna ng kabataan
sa pakikipagtalastasan sa iba pang tao. Maaari silang magkaroon ng mga bagong kaibigan,
makipagpalitan ng ideya, at gumawa ng bagong hilig at karanasan sa pamamagitan ng social
media sites. Malaya tayong magpahayag ng ating opinyon at nararamdaman sa mga
networking sites.

Nagiging tulay ang social media upang makabuo nang madali at mabilis ng ugnayan sa ibang
tao nang hindi nakikita kung ano ang masamang bahagi nito. Maaari tayong gumawa ng bago
nating identidad batay sa kung ano ang gusto nating ipakita sa ibang tao na maaaring iba sa
kung ano ang totoong tayo.

Kung kaya, ang social media ay isang abanteng teknolohiya na ginagamit natin sa
komunikasyon, nagsusulong ng bagong pakikipagkaibigan ngunit, nagdudulot din ito ng
hindi maganda sa atin kaysa magandang bagay.

Kalagayan ng Paggamit ng Social Media sa Pilipinas


Sa inilabas na taunang digital report ang “We Are Social and Hootsuite”, ipinakita nito ang
pangkalahatang pagtanaw sa buong daigdig ng bilang ng online users, social media users,
ginugugol na oras sa pag-oonline at kung anong application ang madalas na ginagamit.

Sa pandaigdigang saklaw, tumaas ng 100 milyon mula sa nakaraang taon ang mobile users
kung saan umaabot na ito sa 5.11 bilyon. Samantala, lumaki naman ang bilang ng gumagamit
ng internet mula 4.24 bilyon tungong 4.39 bilyon na may siyam na porsyentong pagtaas mula
Enero 2018.

Noong nakaraang taon, naitala ang 3.19 bilyong gumagamit ng social media. Ngayon,
bumibilang na ito sa 3.48 bilyon na may paglaki rin ng siyam na porsyento. Sa 3.48 bilyong
gumagamit nito, 3.26 bilyon sa kanila ang gumagamit ng social media sa kanilang mobile
devices na may 10% paglaki mula noong nakaraang taon.

Sa Pilipinas, mula sa dating 9 na oras at 29 na minuto tungong 10 oras at dalawang minuto


ang ginugugol na oras sa pag-oonline araw-araw. Dahil dito, naitala ang bansa sa
pinakamatagal na ginugugol na oras sa buong sa mundo. Sunod dito ang Brazil na may 9 oras
at 29 minuto at pumapangatlo naman ang Thailand na may 9 oras at 11 minuto. Sa nakaraang
taon, pumapangalawa lamang ang Pilipinas sa Thailand na may 9 oras at 38 minuto.

Sa pandaigdigang saklaw, aabot sa 6 oras at 42 minuto ang abereyds ng ginugugol ng


mamamayan sa pag-iinternet. Naitala naman ang Japan sa pinakamababang oras na
ginugugol na mayroon lamang 3 oras at 45 minuto.

Nangunguna rin ang Pilipinas sa paggamit ng internet sa mga desktop o laptop computers na
may 5 oras at apat na minuto araw-araw, kumpara sa 3 oras at 28 minutong pandaigdigang
abereyds.

Kaakibat ng paglaki ng bilang ng internet users at pagtaas ng oras na ginugugol dito, dumami
rin ang bilang ng social media users mula sa dating 67 milyon tungong 76 milyon ngayong
taon. Sa 76 milyong social media users na ito, 75 milyon dito ang gumagamit ng Facebook.
Sa apat na magkakasunod na taon, nanguna ang Pilipinas sa pinakamatagal na ginugugol na
oras sa social media na aabot sa 4 oras at 12 minuto mula sa 3 oras at 57 minuto. Mas mataas
ito sa naitalang pandaigdigang abereyds na 2 oras at 16 minuto.

Para naman sa paggamit ng social media sa mobile phones, aabot sa 67% ng mga Pilipino ang
may akses dito na nagpapanatili sa social media bilang impluwensyal na pwersa sa
mamamayan. Habang ang pandaigdigang abereyds ay aabot sa 42%.

Social Media sa Lipunan


Sa kasalukuyang panahon, nagiging talamak na ang pagkalat ng pekeng balita laluna sa social
media at digital technology. Ayon sa isang pag-aaral ng Kantar TNS noong 2017, 59% ng
konsumer ang may mapagkakatiwalaang posts sa kanilang feed, mas mataas sa global trust
rate na 35%. Nagmula ang mga posts na ito sa mga mensaheng inilalabas ng mga malalaking
brands sa buong daigdig.

Dagdag pa rito, aabot sa 15% Pilipino ang nagsasabing nababahala sila sa mga personal na
datos na hinihingi sa kanila ng mga kumpanya (kapag sila ay bumibili ng kanilang produkto),
kumpara sa 40% sa buong daigdig. Lumalabas naman sa sarbey na 20% ng mga Pilipino ang
tumututol sa mga gadgets na nakakonekta online para i-monitor ang kanilang mga aktibidad,
kumpara sa 43% sa buong daigdig. Isinasagawa ng mga kumpanya ang ganitong monitoring
sa mga online activities ng mga konsumer upang maging madali para sa kanila na
magrekomend ng mga produktong akma sa interes ng isang indibidwal.

Habang ang natitira namang halos kalahati o 40% ng mga Pilipinong online consumer ang
nagtitiwala sa mga malalaking brands, ayon sa inilabas ng Kantar.

Ayon sa pahayag ni Nicco de Jesus, Digital Director ng Kantar TNS sa bansa, ang mga Pilipino
ang pinakabukas sa mga pakikipagtalastasan online laluna sa iba’t ibang social media
channels. Pinagkakatiwalaan nila ang kanilang mga nababasa online. Kung kaya, ito ang
nagdala sa Pilipinas sa pinakanagtitiwalang bansa sa rehiyon ng Asya, pangalawa sa
Indonesia.

Mula sa mga nakalap na datos ng pag-aaral, mataas ang kumpyansa ng mga konsyumer sa
mga inilalabas ng malalaking brands sa online world. Kung kaya, nagiging kumportable ang
mga konsyumer na magbigay ng kanilang personal na datos sa mga kumpanya. Samantala,
hindi naman basta-bastang nagbibigay ng personal na impormasyon ang mga indibidwal sa
ibang bahagi ng mundo.

Social Media sa Kultura


Sa kasalukuyan, ang pinakamakapangyarihang katalista sa patuloy na pagmodernisa ng
kulturang kabataan ay ang masmidya. Hinuhubog nito ang paraan ng pagkonsumo,
pananamit, pag-aaliw, pag-uugali at iba pa ng kabataan. Dagdag pa, sa pag-aaral ni Lanuza,
ang modernisasyon sa kabataan ay dala ng impluwensya ng masmidya, hindi pa ng mga
barkada at eskwelahan.

Habang dinadala ng masmidya ang agos ng modernisasyon laluna sa kultura ng kabataan,


may layunin din itong magpalaganap ng mabubuting asal na taglay ng mga Pilipino.
Halimbawa, ang telebisyon ang syang nagsisilbing daluyan upang panatilihin ang kulturang
Pilipino tulad ng paggalang sa nakatatanda at pagkakaisa ng pamilya. Bukod dito, nagsisilbi
rin itong daluyan upang magpalaganap ng kaalaman sa lipunan.

Ayon sa mga panlipunang siyentista, pumapasok na ang ating mundo sa panahon ng “late
modernity” bilang resulta ng napakalaking pandaigdigang pagbabago. Sa terminong kultural,
ang “late modernity” o “postmodernism” ay kinatatangian ng hindi malinaw na pag-iiba ng
mababa at mataas na antas ng sining, ang pag-usbong ng konsumerismo (ang pagbili sa mga
produktong hindi naman kinakailangan o luho), pagtangkilik sa mga produkto ng dayuhan
kaysa sa sariling atin at marami pang iba.

Sa panahon ding ito ang pagsilang ng virtual reality at ang pagbubuo ng “cybersociety”
dahilan ng dumaraming tekonolohiyang naiimbento. Tila napapalapit nito ang malalayong
distansya sa pamamagitan ng text messaging at cellular phones bilang paraan ng
komunikasyon.

Dahil sa pagkakabuo ng virtual reality, nagiging virtual na lamang din ang antas ng
pagkakaisa sa pagitan ng kabataan kaysa personal. Sa halip na personal na magkikita ang
mga estudyante para sa kanilang aktibidad sa paaralan, idinadaan na lamang ito sa social
networking sites upang pag-usapan at gawin ang mga ito.

Ngayon, ang kultura ng kabataan ay unti-unti nang nagbabago. Ang ilan sa kanila ay
sumasabay na lamang sa agos ng kung ano ang itinatampok ng kulturang “late modernity”.
Isang malaking implwensya rin ang mga commercials na pinapalabas sa social media at
digital technologies. Sa kabuuan, ipinapakita na ang katangian ng kabataan sa kasalukuyan
ay malakas ang loob, maraming insecurities sa sarili, at madaling maimpluwensyahan ng
dayuhang kultura.

Sa pag-aaral ni Manahan (2002) tungkol sa impluwensya ng anime sa mga telebisyon sa


piling estudyante ng University of the Philippines – Diliman, umuusbong ang “otaku-ismo” o
kultura ng anime fans sa kolehiyo. Hindi makikita ang ganitong subculture sa mga
ordinaryong manonood ng anime. Sinasaklaw nito ang pag-unawa sa lenggwaheng Hapon,
pagkahilig sa anime theme song, pangogolekta ng mga posters at larawan, at ang
pangangampanya sa mga TV networks na palitan ang dati nang mga palabas na anime.

Sa kasalukuyang henerasyon, ang ilan pa rin sa kabataan ay nahihilig sa paglalaro ng mga


tradisyunal na larong may pisikal na pakikisangkot. Ngunit, patuloy na rin itong napapalitan
ng mga laro sa gamit ang social media at digital technology. Ayon sa mga pag-aaral,
nababaling na ang kagustuhan ng kabataan, laluna ng mga edad 7-12, sa mga bagay na
purong pantasya o di makatotohanan. Dulot nito, ang mga network gamers ay nawawalan ng
ugnayan sa kalikasan, emosyonal na ugnayan sa iba pang tao, nababawasan ang kanilang
kaalaman sa pakikipagsabayan sa kalikasan at hindi na naglalaro sa labas ng kanilang bahay.
Napapansin din ito maging sa mga batang gumagamit ng mga interactive multimedia learning
materials.

Social Media sa Sikolohiyang Pilipino


Ayon sa inilathala ni Pe-Pua at Protacio-Marcelino batay sa mga salita ni Enriquez, ang
konsepto ng kapwa (shared identity) ay bilang ubod ng panlipunang sikolohiya ng Pilipino,
at kung saan ito ang puso ng istruktura ng pag-uugaling Pilpino. Nadiskubre nyang ang
pakikipagkapwa para sa mga Pilipino ay hindi lamang pagmamantini ng “smooth
interpersonal relationships” kundi kung paano itrato ang ibang tao bilang kapwa.

Bahagi ng ganitong pag-uugali ng mga Pilipino ang relasyon ng kabataan sa kanilang mga
pamilya. Kilala tayo bilang family-oriented o may mataas na pagpapahalaga sa ating pamilya.
Sa kasalukuyan kung saan nagiging talamak na ang paggamit ng social media, ang ilan sa mga
mananaliksik ay nababahala sa kung anong maaaring epekto nito sa relasyon nila sa kanilang
mga magulang.

Ayon sa mga mananaliksik ng De La Salle University – Manila, ang paraan ng komunikasyon


ang patuloy na nagbabago sa lipunan sa mga nakalipas na taon. Sa pamamagitan ito ng social
networking sites. Dahil sa patuloy na pagdodomina ng social media sa buhay ng mga tao,
mayroong umuusbong na pag-iisip ng mga magulang na ang paggamit nito ay magdudulot
lamang ng pagkalulong dito na syang magiging sanhi ng kawalan ng pokus sa pag-aaral at
kawalan ng interes sa iba pang nakalilibang na aktibidad na nangangailangan ng pisikal na
pakikisangkot.

Sa kanilang isinagawang pag-aaral sa Asia Pacific College sa Makati City, hindi laging masama
ang maidudulot ng social media sa mga kabataan at sa mga taong nasa kanilang paligid.
Bagkus, nakatutulong ito sa kanila upang panatilihin ang kanilang koneksyon at kontak sa
kanilang mga magulang kung wala sila sa kanilang pamamahay. Kung kaya, ang social media
ay hindi lamang isang paraan upang makapagmantini ng malusog na relasyon sa kanilang
magulang kundi nakatutulong rin ito upang gabayan nila ang kanilang mga anak sa araw-
araw.

Bagama’t positibo ang naging resulta ng pag-aaral, maaaring may iba pang bagay na dapat
bigyang konsiderasyon upang lalo’t higit na malaman kung ano ang epekto ng social media
sa relasyon ng kabataan sa kanilang magulang. Dagdag pa, ang ilan sa mga respondents ng
pag-aaral ay walang mataas na ugnayan sa kanilang mga magulang batay sa kanilang
indibidwal na pagsusulit sa mga sinaklaw ng sarbey.

Kailangan bigyang konsiderasyon din ang kalagayan ng bawat pamilya laluna’t ang iba ay
may mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa, maaaring ang iba naman ay may mga
magulang na sundalo o pulis na nakadestino sa ibang lugar, o kapwa ang kanilang magulang
ay nasa probinsya habang nag-aaral sila sa Manila.

Sa kabuuan, maituturing na impluwensyal ang social media sa lipunan, kultura at


sikolohiyang Pilipino. May magagandang naidudulot ito sa mamamayang Pilipino, ngunit
hindi natin dapat ipagkaila kung anumang negatibong epekto ang maidulot nito sa atin.

Nagsisilbing tulay sa ugnayan ng mamamayang Pilipino ang social media. Ito rin ang
tumutulong sa paghuhubog ng ating interpersonal skills sa pamamagitan ng mga networking
sites kung saan makakakilala tayo ng mga bagong tao mula sa iba’t ibang lugar. Paraan din
ang mga ito upang makalikha ng opinyong publiko tungkol sa iba’t ibang usapin laluna sa
mga isyung panlipunan na kinakaharap ng ating bansa hanggang sa pandaigdigang saklaw.
Nagbibigay ito ng mga impormasyon na makadaragdag sa ating mga kaalaman. Ang mga
kaalamang ito ang syang humuhubog sa ating pag-uugali at pagkatao.

Dahil sa social media, lumilikha tayo ng sarili nating identidad batay sa kung ano ang nais
nating ipakita sa iba pang tao. Ngunit maaaring ang identidad na ito ay kaiba sa kung ano ang
nasa realidad. Pinapanatili rin nitong updated ang bawat isa sa mga trends pagdating sa
musika, panoorin, sayaw, fashion, bagong tuklas sa siyensya at marami pang iba. Kung kaya,
malaki rin ang nagiging epekto nito sa kulturang Pilipino, kapwa positibo at negatibo.
Maaaring magsilbing daan ang social media upang mapalaganap ang sariling atin, o di kaya’y
maging daan upang higit na tangkilikin ang kulturang ipinapalaganap ng dayuhan sa bansa.

Sa kabila ng mga positibong dulot nito, maaaring ang pagkalulong sa paggamit ng social
media ang syang maglagay sa kabataan sa alanganin. Sa inilabas na dyornal na “The Lancet
Chield & Adolescent Health” ng England noong August 19, 2019, ang social media ay
maaaring makaapekto sa mental health ng kabataan laluna ng kababaihan dulot ng tumataas
na exposure sa bullying at kakulangan ng tulog at ehersisyo.

Kasabay ng pagsabay natin sa agos ng modernisasyon ang ibayong pag-iingat at pagiging


mulat sa kung paanong matalinong gagamitin ito sa benepisyo ng bawat isa. Maging
impluwensyal man ito sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay, huwag nating hayaang ito ang
manaig at mamayani sa atin.
TALASANGGUNIAN

Mga nakalimbag na Hanguan:

Duque, G., et. al. 2017. A Correlational Study on Social Media Involvement and Parental
Relationship among Students of Asia Pacific College. Presented at the DLSU Research
Congress 2017. Manila: De La Salle University.

Lanuza, G. The Mediatization of Filipino Youth Culture: A Review of Literature. Global Media
Journal.

Manahan, M. A. 2001. Anime-ting the Filipino youth: An exploratory study in the articulation
of anime programs on the youth of the University of the Philippines, Diliman.
Unpublished undergraduate thesis. Quezon City: Department of Sociology, University
of the Philippines, Diliman.

Pe-Pua, R. & Protacio-Marcelino, E. 2000. Sikolohiyang Pilipino (Filipino psychology): A


Legacy of Virgilio G. Enriquez. Asian Journal of Psychology.

Mga Hanguang Elektroniko:

The Effect of Social Media in the Philippines. www.lookupgrade.com. December 4, 2019.

Gonzales, G. 2019. Filipinos spend most time online, on social media worldwide – report.
www.rappler.com. November 27, 2019.

www.bworldonline.com

Asmelash, L. 2019. Social media use may harm teens’ mental health by disrupting positive
activities, study says. https://cnnphilippines.com/lifestyle/2019/8/15/social-
media-mental-health-teens.html?fbclid=G3nnpy0TXErc4UvlLlGuucB9U. December
12, 2019

You might also like