You are on page 1of 4

University of the Philippines – Manila

School of Health Sciences


Palo, Leyte

PAGSUSURI NG MGA VARAYTI NG WIKA SA IBA’T IBANG MEDIA


AT SOCIAL NETWORKING SITES

Bilang pagtupad sa takdang aralin sa asignaturang.


Wika, Kultura at Lipunan

Ipinasa ni:
Marwin Joyce Odita

Ipinasa kay:
Prof. Ben. O. De Paz
Kabanata I
Introduksyon

Sa makalipas na dalawampung taon, napakarami na ng mga pagbabagong naganap sa


sanlibutan. Isa na dito ang pandaig-digang paggamit ng social media o social networking
sites. Ang social media o social networking ay ang pakikihalubilo sa lipunan ng mga tao sa
buong mundo sa pamamagitan ng mga elektronikong gamit tulad ng kompyuter, cellphone,
tablet at iba pa na pwedeng ibahagi ang iyong mga ginagawa, mga larawan, musika, mga
aktibidad, mga gusto at ayaw, mga video at marami pang iba na pwede mong maisip.
Napakabilis ng pamamaraang ito sa pagpapadala ng mensahe at impormasyon anupat ang
ilang mga tao ay ginagamit ang social media o social networking upang iparating sa iba ang
maski ang kanilang hinanaing at mga gustong ibalita sa lahat ng kanilang mga kaibigan sa
social networks tulad ng facebook, instragram, twitter, reddit, atbp.

Dahil sa pagiging makapangyarihang media o social networking, Malaki ang epekto


nito sa wikang Filipino. Dahil ang media at social networking na kaakibat ng mga kabataan
sa araw araw na paglilibang, pakikipagkomunikasyon, madali nitong naiimpluwensiyahan
ang mga kabataan. Sa malaking tulong ng nito, ang laki din ng epekto nito sa ating wika. Sa
pananaliksik na ito, aking susuriin ang mga varayti ng wika sa iba’t ibang klase ng media at
social networking. Higit na bibigyang pansin ang pahayagan sa TV, magazine, dyaryo,
blogspots, facebook, Instagram, at twitter.

Kabanata II
Disenyo ng Pananaliksik

Ang pagpili ng aking mga sinuring magazine, dyaryo, blogspots, at mga pahayagan sa
TV ay sa pamamagitan ng random sampling. Saklaw ng mga pinagpilian ay ang mga
pangunahing pamahayagan dito sa ating bansa.

Sa pagpili ng mga sinuring datos o posts at mga bidyu ng mga gumagamit nga social
networking sites ay sa pamamagitan din ng random sampling. Sa pamamagitan nito, aking
nasuri ang mga ginagamit na mga varayti ng wika ng mga sikat at iniidolong mga
personalidad, at sa mga ordinaryong mga tao.
Kabanata III
Presentasyon at Interpretasyon ng Datos

Sa sampu (10) na aking nasuri sa iba’t ibang anyo ng medyang ginagamit ng mga
pahayagan sa ating bansa, nagpakita na mas marami ang gumagamit ng register na varayti ng
wika na nasa poryentong walompu (80) at mas kaunti naman ang gumagamit ng dayalek, na
nasa porsyentong dalawampu (20). Ang mayoridad ng mga pamahayagan na gumagamit nga
register ay sa kadahilanang napakarami ng saklaw na madlang gusto nilang maabot, hindi
lang sa loob, kundi sa labas na din ng ating bansa, kaya’t napaka pormal ng kanilang
pagpapa-hayag. Ang minoridad naman na gumagamit ng dayalek ay pawang mga local na
pamahayagan sa kani-kanilang mga probinsya, na kung saan kaunti lang ang kanilang mga
madlaw.

Sa pagsusuri naman sa mga gumagamit ng social networking sites, lahat ng dayalek


ay aking nakita. Sa bilang na 20, 40 porsyento ang gumagamit ng register, dalawampung (20)
porsyento ang gumagamit ng sosyolek, dalawampung (20) porsyento ang gumagamit ng
dayalek, sampung (10) porsyento ang gumagamit ng idyolek, at sampung (10) porsyento ang
gumagamit ng ekolek.

Kabanata IV
Konklusyon

Ayon sa mga nakalap na datos, naipakitang mas ginagamit ang register sa iba’t ibang
klase ng media. Sapagkat propesyunal o pormal ang pagpapahayag ng mga balita at iba pang
ipinapahayag gamit ito. Ang paggamit ng register sa iba’t ibang klase ng media ay
nakakatulong upang marami ang makapanuod at makapag-basa nito.

Sa mga social networking sites, magkaka-iba o diverse ang mga varayti na ginagamit.
Sapagkat dito ipinapahayag ang personal na saloobin at kahit na anong bagay na gustong
ibahagi ng gumagamit nito.

Ang varayti ng wikang ginagamit ay naaayon sa paraan kung saan ito gustong
ipaparating.

You might also like