You are on page 1of 29

1

ADAMSON UNIVERSITY PAHINA


Apektado ka sis?: Ang Social Media bilang lunsaran sa pagsasalin ng
Kulturang Pilipino sa panahon ng mga Gen Z

Isang Panimulang Pananaliksik

na Iprinesenta

sa Pakulti ng Senior High School ng

ADAMSON UNIVERSITY

Bilang Pagtupad

sa mga Pangangailangan sa

PAGBASA AT PAGSUSURI NG

IBA’T IBANG TEKSTO

TUNGO SA PANANALIKSIK

Nina:

Kiyohito V. Takagi

Daniel Achilles A. Castillo

Mikaela A. Castroverde

John Paul G. Froilan

Jake Agustin B. Maribao

11 STECH 04

Marso 31, 2022

SENIOR HIGH SCHOOL


2
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Kabanata 1
Introduksyon

Kaligiran ng Pag-aaral ……………………………………… 5

Paglalahad ng Suliranin …………………………………… 6

Kuwadrong Teoretikal …………………..…………………… 7

Kuwadrong Konseptuwal ………………………………….. 9


Kahalagahan ng Pag-aaral ….…………………………….. 10

Kabanata 2
Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik ..……………………………….... 11

Lokal at Mga Kalahok ...……………………………………. 11

Pagkalap ng Datos ………………....……………………….. 12

SENIOR HIGH SCHOOL


3
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Instrumento sa Pag-aaral …………………………………. 12

Pagsusuri ng Datos ....………….…………………………… 14

Etikal na Konsiderasyon …………………………………… 14

Kabanata 3
Resulta

Presentasyon, Analisis,
at Interpretasyon ng mga Datos ..………………………15 - 19

Kabanata 4
Diskusyon

Kongklusyon ..………………………………............. 20

Rekomendasyon ...……………………………………. 21

Sanggunian …………………………………………………… 23

Apendiks ………………………………………………………. 25

SENIOR HIGH SCHOOL


4
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA

ABSTRAKT

Kasalukuyan tayong namumuhay sa Digital Age kung saan ang


teknolohiya, partikular na ang handog nitong Social Media, ay malaking parte ng
ating pang araw-araw na pamumuhay. Ang pananaliksik na ito ay nais na alamin
kung naiimpluwensyahan ba ng Social Media na Facebook ang Kultura sa
makabagong panahon at kung ang Digital Age ba ay magiging daan upang ang
Kultura ay mapreserba gamit ang Social Media. Tatalakayin sa pananaliksik na
ito kung magiging dahilan ba ang Digital Age sa pagkawala ng ating kultura o
magiging daan ito upang ang Kultura ay mapreserba. Piniling gamitin ng mga
mananaliksik ang research design na Penomenolohiya at nakipagpanayam ng
anim (6) na mga propesyonal sa Kultura at Filipino. Inilunsad ng mga
mananaliksik sa Zoom ang pakikipagpanayam gamit ang inihandang
talatanungan. Upang bigyang-kahulugan ang mga datos na nakalap nagsagawa
ng Thematic Coding o Analysis ang mga mananaliksik. Tinalakay ang mga
nabuong tema gamit ang review of related literature at ang mga sagot ng mga
kalahok bilang suporta. Natuklasan ng mga mananaliksik na posible at malaki
ang maitutulong ng Social Media na Facebook at ang maraming salik na
nakapaloob dito upang maisalin ang Kulturang Pilipino. Maaaring magpalaganap
ng impormasyon tungkol sa mga kaugalian at kulturang Pilipino sa pamamagitan

SENIOR HIGH SCHOOL


5
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
ng paglalathala at pagbabahagi sa Facebook. Dagdag pa, ang mga trends,
memes at OPM ay maaaring gamitin upang ihatid ang kultural na impormasyon
sa mga gumagamit ng social media. Ang social media ay nakakaimpluwensya
hindi lamang sa mga kabataan, ngunit sa lahat ng gumagamit nito.

INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik dahil kasalukuyan


tayong namumuhay sa Digital Age na kung saan ang teknolohiya ay malaking
parte ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Isa sa balangkas ng teknolohiya
ay ang Social Media, ito ang naging daan natin upang magkaroon ng
komunikasyon sa isa’t isa lalo na sa panahon ng pandemya. Ayon kay Rancea
(2021), tinutulungan ng digital at social media ang mga tao na malaman ang mga
kaganapan at istorya sa iba’t ibang bahagi ng mundo na kung saan nagbibigay
ito ng kamalayan sa atin ukol sa mga kaganapan sa ating bansa gayundin sa
ibang bansa. Ang Social Media ay nagkakaroon ng impluwensiya sa mga
gumagamit nito, maaaring ito ay positibo o negatibo depende sa nilalaman. Ang
pananaliksik na ito ay nais na alamin kung naiimpluwensyahan ba ng Social
Media na Facebook ang Kultura sa makabagong panahon at kung ang Digital
Age ba ay magiging daan upang ang Kultura ay mapreserba gamit ang Social
Media. Ayon kay Ilumin (2016), ang kultura ay ipinasa sa atin ng ating mga
ninuno sa pamamagitan ng mga kwento o istorya. Tatalakayin sa pananaliksik na

SENIOR HIGH SCHOOL


6
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
ito kung magiging dahilan ba ang Digital Age sa pagkawala ng ating kultura o
magiging daan ito upang ang Kultura ay mapreserba.

Ayon sa taunang ulat ng We Are Social Global Digital taong 2019 sa


https://www.hootsuite.com/resources/digital-in-2019, ang dami ng oras na
ginugugol sa online araw-araw sa Pilipinas ay tumaas mula 9 na oras at 29
minuto noong mga nakaraang taon hanggang 10 oras at 2 minuto ngayong taon.
Ngayong taon, ang mga gumagamit ng social media ng Pilipinas ay tumaas mula
67 milyon hanggang 76 milyon. 75 milyon sa 76 milyong tao, ang gumagamit ng
Facebook. Base sa datos, ang social media, partikular ang Facebook, ay may
malaking epekto sa ating buhay. Magiging epektibo ang pagbabahagi ng
impormasyon sa platapormang ito dahil sa laki ng impluwensya nito sa
henerasyon ngayon. Gayunpaman, maaaring magkaroon ito ng epekto sa kung
paano napapasa at nagagamit ang impormasyon partikular sa impormasyon ukol
sa Kultura. Ayon kay Travers (2021), ang Facebook ay kilala dahil sa
pagpapakalat nito ng Fake News, kaya’t kung may relasyon man ang Social
Media na Facebook at Kulturang Pilipino ay maaaring ang mga nakalap na
impormasyon ukol sa Kulturang Pilipino sa Facebook ay maling impormasyon.
Dahil dito ay maaaring mabago ang Kulturang Pilipino. Ayon kay Furedi (2017),
makikita na ang digital technology at social media ay may malaking epekto sa
Kultura. Kaya’t masasabi na ang Social Media bilang lunsaran ng Kultura ay
posible ngunit kinakailangan na ang mga impormasyon ukol sa Kulturang Pilipino
ay hindi galing sa disinformation upang ito ay mapreserba.

Napili ng mga mananaliksik ang Teoryang Kultibasyon o “Cultivation Theory”


dahil pinag-uugnay ng teoryang ito ang Media at Kultura. Maaaring
mapakinabangan ang pananaliksik na ito ng mga Kabataan o mga Gen Z, Mga
Eksperto, Mga Debelopers ng mga Plataporma ng Sosyal Midya, Agham
Panlipunan, at mga darating na mananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin

SENIOR HIGH SCHOOL


7
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Ang Pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy kung may relasyon ba ang
Social Media upang maisalin ang Kulturang Pilipino sa makabagong henerasyon
partikular ang Gen Z

Upang makamit ang nabanggit na layunin, inihanda ng mga mananaliksik ang


sumusunod na espisipikong tanong:

1. Sa paanong paraan nagkakaroon ng relasyon ang Social Media


(Facebook) sa pagsasalin ng Kulturang Pilipino?

Kuwadrong Teoretikal

Paradigm 1.1 Ang Teoryang Kultibasyon, Midya at Kultura

SENIOR HIGH SCHOOL


8
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Napili ng mga mananaliksik ang Teoryang Kultibasyon o “Cultivation Theory”
dahil pinag-uugnay ng teoryang ito ang Media at Kultura.

Ayon kay Perera (2021), “Ang Cultivation theory ay pinaniniwalaan na ang


pangmatagalang pagkakalantad sa media ay humuhubog sa kung paano nakikita
ng mga mamimili ng media ang mundo at ginagawa ang kanilang sarili. Ang
cultivation hypothesis ay nagsasaad na ang mas maraming mga tao sa
telebisyon ay nanonood, mas malamang na sila ay magkaroon ng isang
pagtingin sa realidad na mas malapit sa pagsasalarawan ng telebisyon ng
realidad.” Ang teoryang ito ang aming napili dahil ito ay nagsasaad na ang pang
matagalan na paggamit ng midya ay makatutulong kung paano nakikita ng mga
tao ang reyalidad mula sa media at disiplinahin ang kanilang sarili. Ito ay
konektado sa aming paksa dahil tungkol rin ito sa epekto ng paggamit ng social
media, kung magiging epekto ba nito ang pagsasalin ng Kulturang Pilipino sa
panahon ng mga Gen Z o magiging hadlang ba ito sa kanilang paniniwala
kumpara sa reyalidad na mundo. Ang teoryang ito ay nagsasabi din na ang mga
taong mahilig gumamit ng social media tulad na lamang ng facebook ay maaring
ma-apektuhan ang kanilang paniniwala sa napapanood o nakikita nila sa media.
Ayon kay Gerbner (2015), “Sinusuri ng teorya ng paglilinang ang mga
pangmatagalang epekto ng panonood ng telebisyon sa mga kuru-kuro ng mga
manonood sa realidad ng lipunan. Ang sentral na hypothesis ng cultivation
analysis ay ang mga taong gumugugol ng mas maraming oras sa panonood ng
telebisyon ay mas malamang na madama ang totoong mundo sa paraang
pinakakaraniwang inilalarawan sa mga mensahe sa telebisyon, kumpara sa mga
taong nanonood ng mas kaunting telebisyon, ngunit kung hindi man ay
maihahambing sa pangunahing demograpiko.” Dahil madalas at marami ang
gumagamit ngayon ng social media ay maaaring gamitin ang social media upang
maging epektibo ang pagsasalin ng kulturang pilipino. Ang higit pa na paggamit
ng social media ay mas lalong malalaman ng mga tao lalo na ang mga Gen Z
ang kahalagahan ng Kulturang Pilipino.

SENIOR HIGH SCHOOL


9
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA

Kuwadrong Konseptwal

SENIOR HIGH SCHOOL


10
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Paradigm 1.2 Ang Kuwadrong Konseptwal ng Social Media sa Kulturang
Pilipino.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga Gen Z na gumagamit ng Social media


partikular ang Facebook. Malalaman dito kung paano naaapektuhan ang Kulturang
Pilipino sa paggamit ng Facebook bilang isang paaran ng panghihikayat ng ating
kultura. Dadaan ang mga kalahok sa pakikipanayam bilang paraan sa pagkuha ng
datos. Ang mga nakalap na impormasyon ay sasailalim sa Thematic analysis upang
makita ang hinahanap sa pananaliksik na ito. Sa tulong ng Cultivation theory
malalaman dito kung paano nakakaepekto ang Facebook bilang lunsaran ng Kulturang
Pilipino ng mga Gen Z.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito na naglalayong matukoy kung may relasyon ba


ang Social Media upang maisalin ang Kulturang Pilipino sa makabagong henerasyon
partikular ang Gen Z ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod na mga
institusyon particular na ang mga kabataan o ang gen-z, mga eksperto, sosyal midya,
pambansang komisyon ng kultura at sining, agham panlipunan, at mga sumusunod na
pag-aaral.

Kabataan o Gen-Z. Magagawa ng pag-aaral na ito na mapaunawa sa mga


kabataan ngayon ang relasyon at papel ng ginagampanan ng sosyal media sa
pagsasalin ng kultura. Magkakaroon sila ng ideya sa kapangyarihan at
kapasidad ng sosyal midya particular ang mga epekto nito sa kultura.

Mga Eksperto. Ang kaalamanng makakalap sa pag-aaral na ito ay mag-aambag


at maaaring maging basehan nila sa kanilang mga pag-aaral.

SENIOR HIGH SCHOOL


11
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Mga Debelopers ng mga Plataporma ng Sosyal Midya. Ito’y makakatulong sa
mga debelopers sa pagbuo nila ng mas mahusay at relebanteng mga
plataporma ng sosyal midya.

Pambansang Komisyon ng Kultura at Sining. Sa pamamagitan ng pag-aaral


na ito, mabubuksan ang isipan at magkakaroon ng ideya ang mga nasa posisyon
upang magtatag ng mga polisiya at programang makatutulong sa preserba ng
kultura.

Agham Panlipunan. Ang kaalamang makakalap sa pag-aaral na ito


magdadagdag at magpapayaman sa katawan ng mga kaalaman sa larangan ng
agham panlipunan.

Sumusunod na mga Pag-aaral. Makatutulong at maaaring maging basehan ng

mga susunod na pag-aaral ang pananaliksik na ito.

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Penomenolohiya. Ayon sa


Stanford Encyclopedia of Philosophy (2013), ito ang pag-aaral ng mga
Phenomenon na nanggaling mula sa pananaw ng mga nakaranas ng
phenomena na nakasaad. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil ayon sa
Pamagat ng Pananaliksik ni Boyd (2015), Ang Social Media ay isang Penomena
na kinakailangang suriin. Ayon din kay Boyd (2015), ang Penomena ng Social
Media ay mas may kinalaman ukol sa Kultura kaysa sa Teknolohiya. Dahil sa
mga datos na nakalap, isinasaad na ang Social Media ay isang Penomena na
kaugnay ang Kultura kaya’t marapat na gamitin ang Penomenolohiya.

Lokal at mga Kalahok

SENIOR HIGH SCHOOL


12
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Ang lokal na nais pagsagawan ng panayam ng mananaliksik ay mga
eksperto o propesyunal sa kultura at Filipino. Ang mga mananaliksik ay
makikipagpanayam ng hindi bababa sa anim (6) na mga kalahok. Sapat na ang
anim(6) hanggang dalawampung (20) kalahok sa isang penomenolohiyang pag-
aaral (Ellis, 2016). Sapagkat ang mga propesyonal sa kultura at Filipino ay
malawak ang kaalaman tungkol sa Kultura at makapagbibigay ng kredibilidad na
opinyon ukol sa Social Media bilang lunsaran ng pagpapasa ng Kultura.
Isinasaalang-alang ang lahat ng mga kadahilanang iyon, napagtanto ng mga
mananaliksik na ang nasabing populasyon ay nararapat para sa pag-aaral. Ang
sampling teknik na gagamitin ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga kalahok
ay ang purposive sampling technique. Ayon kay Crossman (2020), ang
purposive sample ay isang non-probability sample na pinili batay sa katangian ng
populasyon na nakahanay sa layunin ng pananaliksik.

Instrumento sa Pag-aaral

Upang makamit ang layunin na ang Social Media bilang lunsaran sa


pagsasalin ng Kulturang Pilipino sa panahon ng mga Gen Z, gagamit ang mga
mananaliksik ng pamamaraang talatanungan upang makalikom ng
kinakailangang datos. Ang instrumento ng pananaliksik ay sariling likha,
panayam. Ipinasuri ito sa mga propesyonal na eksperto sa pilosopiya upang
masiguro ang baliditi, relayabiliti at kredibilidad. Ayon kay Lester (1999), ang
layunin ng phenomenological na diskarte ay upang maipaliwanag ng tiyak at
makilala ang mga phenomena sa pamamagitan ng kung paano sila nakikita ng
mga aktor sa isang sitwasyon. Sa larangan ng tao ito ay normal na isinasalin sa
pangangalap ng 'malalim' na impormasyon at mga perception sa pamamagitan
ng inductive at qualitative na pamamaraan tulad ng mga panayam, talakayan at
obserbasyon ng kalahok, at kinakatawan ito mula sa pananaw ng mga kalahok
sa pananaliksik. Ayon rin kay Bhandari (2022), ang talatanungan ay isang
listahan ng mga tanong o aytem na ginagamit sa pangangalap ng datos mula sa
mga respondente tungkol sa kanilang mga saloobin, karanasan, o opinyon.

SENIOR HIGH SCHOOL


13
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Maaaring gamitin ang mga talatanungan upang mangolekta ng quantitative at/o
qualitative na impormasyon.

Pagkalap ng Datos

Upang makakuha ng malalim na pagsisiyasat at pag-unawa sa mga opinyon

at pananaw para sa aming pag-aaral, ang mga mananaliksik ay

nakipagpanayam ng hindi bababa sa anim (6) na mga propesyonal sa Kultura at

Filipino.

Nakipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa kanilang mga dating guro mula

sa dati nilang paaralan na isang propesyonal sa kultura at Filipino. Ang mga

propesyonal na sumang-ayon na magboluntaryo ay aming kinontak sa

pamamagitan ng messenger at hiniling ang kanilang email address na aming

pinadalhan ng consent form. Ang mga Mananaliksik ay kumuha ng pahintulot ng

kalahok bago isinagawa ang online na panayam. Kasama sa form ng pahintulot

ang buod ng aming pag-aaral gayundin ang pahintulot ng kinakapanayam.

Iniskedyul ng mga mananaliksik ang panayam gamit ang zoom link na ibinigay

pagkatapos magbigay ng pahintulot ang mga kinakapanayam. Pagdating ng

nakaplanong petsa, isinagawa ng mga mananaliksik ang panayam gamit ang

aming mga pre-written na mga tanong sa pakikipanayam. Ito ay para magkaroon

ng detalyadong panayam tungkol sa kanilang mga karanasan, pananaw, at

opinyon patungkol sa relasyon ng Social Media sa pagsalin ng Kulturang Pilipino

sa makabagong henerasyon.

SENIOR HIGH SCHOOL


14
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Kasunod ng panayam, ang mga mananaliksik ay inayos at ikinategorya ang

lahat ng mga datos na nakalap upang masuri at makabuo ng isang

interpretasyon. Ang mga mananaliksik ay nakagawa ng konklusyon tungkol sa

kung paano naiimpluwensyahan ng social media ang kultura ng Pilipinas batay

sa datos na ito.

Pagsusuri ng Datos

Ang Datos ay masusuri sa pamamagitan ng Thematic Coding o Analysis

dahil pakikipanayam ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik. Ayon kay

Caulfield (2022), ang Thematic Analysis ay marapat na gamitin kapag

pakikipanayam ang instrumento upang makabuo ng tema o themes batay sa

mga datos na nakalap ng mga mananaliksik. Thematic Analysis ang napili ng

mga mananaliksik upang masuri nang mabuti ang mga datos na makukuha mula

sa pakikipanayam. Maliban dito, ang Thematic Analysis ay ang magiging daan

upang maging organisado ang mga datos na makakalap sa pamamagitan ng

pagbuo ng mga tema batay sa kanilang magkaparehas na mga katangian.

Etikal na Konsiderasyon

Tinitiyak ng mga mananaliksik na sila ay mapagkakatiwalaan sa gagawin na

pananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay ng liham ng mga mananaliksik sa

SENIOR HIGH SCHOOL


15
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
mga makakapanayam na kung saan nakasaad dito na ang mga impormasyon ng

mga makakapanayam ay confidential. Sisiguraduhin ng mga mananaliksik na

maaaring tumanggi ang mga kalahok kung hindi nila nais makibahagi sa

pananaliksik, magbukas ng camera, o kaya naman ay maaari rin silang humiling

na hindi isaad ang kanilang pangalan sa Research Paper ng mga mananaliksik.

Ang mga kalahok ay maaaring tumanggi sa pakikibahagi sa gagawin na

pananaliksik o mag back out sa kahit anumang oras habang isinasagawa ang

pakikipanayam at tumanggi na sumagot sa mga partikular na tanong. Upang

maipakita ang dalisay na intensyon ng mga mananaliksik, ang mga signatura ng

mga mananaliksik ay nakapaloob sa liham.

RESULTA

Presentasyon ng mga Datos

Ang Pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy kung may relasyon ba ang


Social Media upang maisalin ang Kulturang Pilipino sa makabagong henerasyon
partikular ang Gen Z

Upang makamit ang nabanggit na layunin, inihanda ng mga mananaliksik ang


sumusunod na espisipikong tanong:

1. Sa paanong paraan nagkakaroon ng relasyon ang Social Media


(Facebook) sa pagsasalin ng Kulturang Pilipino?

Na kung saan naghanda ng talatanungan ang mga mananaliksik upang


magkaroon ng sapat na datos na makasasagot sa espisipikong tanong.

SENIOR HIGH SCHOOL


16
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
1.1. Sa paanong paraan naisasalin ang Kulturang Pilipino sa Social
Media partikular ang Facebook?
1.2. May kinalaman ba ang trends sa Social Media sa pagsasalin ng
Kulturang Pilipino? Kung meron, ano ang mga ito?

Analisis ng mga Datos

Sa paanong paraan naisasalin ang Kulturang Pilipino sa Social Media partikular


ang Facebook?

TEMA 1 PAHAYAG NG MGA KALAHOK

Pagsasagawa ng Kulturang Pilipino sa “Ako bilang Guro sa Pilipino maaaring


Social Media ang pagsagot ko sa mga komento sa
Facebook ay may paggalang na parang
ang kinakausap mo ay kaharap mo.”
kalahok #2

“Pagcocomment ng magalang kung


saan makikita natin ang mga salitang
PO at OPO.” kalahok #6

TEMA 2 PAHAYAG NG MGA KALAHOK

Pagpost o pagshare “Maaari din akong mag post sa aking

SENIOR HIGH SCHOOL


17
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
timeline ng may mga salitang kakikitaan
ng po at opo” kalahok #2

“Maaari kong ipost na nanalangin kami


bago matulog at bago kumain, maaari
kong ipost na nagmamano sa akin ang
aking anak kapag ako ay dumadating
galing trabaho, maaari din akong
magshare o magpost ng mga dapat at
hindi dapat na ugali sa pagtanggap ng
bisita at sa pakikipagusap sa kapwa.”
kalahok #2

“Naisasalin ang kulturang Pilipino sa


pamamagitan ng mga litrato, bidyo,
posts at maging sa musika.” kalahok #3

“Naisasalin ang mga kulturang Pilipino


sa Social Media lalo na sa Facebook sa
pamamagitan ng pagpopost ng mga tao
na may kinalaman sa kultura ng Pilipino
tulad na lamang ng pagmamano,
pagdadasal, bayanihan, at iba pa.”
kalahok #6

May kinalaman ba ang trends sa Social Media sa pagsasalin ng Kulturang


Pilipino? Kung meron, ano ang mga ito?

TEMA 1 PAHAYAG NG MGA KALAHOK

Nakakaaliw na trends bilang salik sa “Ngayon, ang trends kase kung ano
pagpapasa ng Kultura yung nauuso ngayon sa lipunan, meron
'yang uhh impact–o meron 'yang
uhmm.. kung baga.. may epekto ang
trends sa lipunan natin sa
pagpapalaganap ng kulturang pilipino.
ang mga kabataan kase sabi 'ko nga,
mabilis mahikayat ng kahit na sino at
kung ano ang trend sa kasalukuyan
kaya para sa akin, may epekto ang uh..
kung ano ang trend sa kasalukuyan sa
pagpapalaganap sa kulturang pilipino
natin, kase kung ano ang uso, kung ano
ang sikat ngayon, nababasa,

SENIOR HIGH SCHOOL


18
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
napapakinggan, napapanood, doon
tayo.” kalahok #1

“Naniniwala ako na nakatutulong ang


mga trends sa Social Media upang
maisalin ang Kulturang Pilipino tulad ng
mga Memes, tweets, mga kwento sa
wattpad, mga vlogs sa youtube at
maging mga litratong ina-upload sa
instagram.” kalahok #3

“Maraming paraan dahil iba’t-ibang


paraan kung paano gumamit ang mga
tao ng social media pero sa tingin ko sa
mga kabataan ginagamitan nila ito ng
mga memes na kung saan may halong
humor at aral.” “Mayroon, kasama dito
ang pag-usbong ng tiktok na kung saan
pinipilit na pagkasyahin ang tradisyon
ng mga Pilipino sa isang 15 secs na
bidyo.” kalahok #4

“Naisasalin ang Kulturang Pilipino sa


Social Media partikular ang Facebook
sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
mga video/skits/short films ukol sa
kung anumang mga nangyayari sa
panahon ngayon.” “Maraming mga
nagawang music video tulad ng
Liwanag Sa Dilim ni Yeng Constantino,
na nagpapakita ng iba’t ibang kultura na
mayroon tayo: ang tulungan,
pagmamahal, pag-galang, respeto, at
iba pa.” “Ang mga trends na sa tingin ko
ay may kinalaman sa pagsalin ng
Kulturang Pilipino ay ang pagv-viral ng
mga nakakatawang memes o ‘di kaya
naman ay mga video na nagpapasaya
ng libo-libong katao sa bansa, o kahit sa
ibang bansa.” kalahok #5

“Isa sa magagandang halimbawa ng


mga trends sa Social Media na
nakakasalin ng Kulturang Pilipino ay ang
mga viral memes, entertainments, at
ang mga OPM.” “Pagpopost, share, or
comment ng mga musikang yari ng
isang Pilipino.” kalahok #6

SENIOR HIGH SCHOOL


19
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA

Interpretasyon ng mga Datos

Ang Datos na nakuha ay nagmula sa anim na kalahok. Ang mga kalahok

na ito ay mga Eksperto sa Filipino at Kultura.

Inihayag ng ikalawa at ika-anim na kalahok na ang Kulturang Pilipino ay

naipapasa sa Social Media partikular ang Facebook sa pamamagitan ng pag-

uugali ng Kulturang Pilipino sa loob ng digital world.

SENIOR HIGH SCHOOL


20
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Ipinahayag ng ikalawa at ikatlong kalahok na ang Kulturang Pilipino ay

maaaring masalin sa pamamagitan ng pagpost at pagshare sa Facebook ng mga

nilalaman na may kaugnayan sa Kulturang Pilipino, maaaring ito ay ang

pagbahagi ng litrato na nagpapakita ng Kulturang Pilipino o kaya naman ay ang

kanilang personal na buhay na may kinalaman sa paggalang at pagrespeto.

Makikita sa sagot ng kalahok #1, #3, #4, #5, at #6 na ang pag-usbong ng

mga viral na memes na may kinalaman sa Kulturang Pilipino ay nagiging salik

upang mapalaganap at ma preserba ang Kulturang Pilipino. Bukod dito, inihayag

din ng ika-lima at ika-anim na kalahok na ang Musikang Pilipino o OPM na

sumisikat ay isa rin sa elemento upang ang Kulturang Pilipino ay maipasa sa

makabagong henerasyon partikular ang Gen Z.

DISKUSYON

Konklusyon

Ang kultura ay mahalaga sa buhay ng isang tao at lipunan. Ang kultura ng

isang bansa ay sumasalamin at nagbibigay-kahulugan sa moral na prinsipyo,

paniniwala, at mithiin, na tumutukoy sa pambansang pagkakakilanlan ng isang

tao. Mahalagang mapanatili ang ating kultural na pamana upang mapanatili ang

ating pagkakakilanlan bilang isang bansa. Ang pangunahing layunin ng

pananaliksik na ito ay tukuyin at bigyang-konsepto kung paano maipapasa ang

kulturang Pilipino sa pamamagitan ng social media, partikular ang Facebook,

SENIOR HIGH SCHOOL


21
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
upang mapanatili ito, at kung ito ay posible. Ang pananaliksik na ito ay nilalayon

sa mga kabataan upang magkaroon ng pang-unawa tungkol sa kung paano

nakikipag-ugnayan ang kultura at social media, gayundin ang kanilang kapasidad

na impluwensyahan ang mga tao at ipagpatuloy ang mga kultura. Dahil sa

kanilang kaalaman at kredibilidad ng mga impormasyong kanilang ihahandog,

ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga propesyonal sa larangan ng kultura at

Filipino.

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang kaugnayan ng social media at kultura.

Kinapanayam namin ang anim na propesyonal na guro at nakarating sa mga

sumusunod na konklusyon batay sa nakalap na datos: (1) Ayon sa mga kalahok

posible at malaki ang maitutulong ng Social Media na Facebook at maraming

salik na nakapaloob dito upang maisalin ang Kulturang Pilipino. (2) Maaari

tayong magpalaganap ng impormasyon tungkol sa mga kaugalian at kulturang

Pilipino sa pamamagitan ng paglalathala at pagbabahagi sa Facebook. (3) Ang

mga trends, memes at OPM ay maaaring gamitin upang ihatid ang kultural na

impormasyon sa mga gumagamit ng social media. (4) Ang ilang mga kalahok ay

dumating sa konklusyon na ang social media ay nakakaimpluwensya hindi

lamang sa mga kabataan, ngunit sa lahat ng gumagamit nito. Lumilitaw ang mga

trends sa paglipas ng panahon at sa kalaunan ay nagiging social norm.

Sinusuportahan nito ang pag-angkin ng Teoryang Paglinang sa pag-aaral na ito.

Tulad ng ipinakita sa aming mga natuklasan, ang paggamit ng social media

upang ipasa at mapanatili ang kultura ay lumilikha ng isang link sa pagitan ng

social media at kultura. Ang dalawang ito ay may malakas na impluwensya sa

SENIOR HIGH SCHOOL


22
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
isa't isa at kapwa makikinabang. Sa kabila ng mga benepisyo at pakinabang na

ibinibigay ng dalawang variable na ito, dapat nating tandaan na mag-ingat at

gamitin ang mga ito nang maayos at responsable.

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod ay ang rekomendasyon ng mga mananaliksik sa mga

magbebenepisyo sa pananaliksik na pinamagatang “Apektado ka sis?: Ang

Social Media bilang lunsaran sa pagsasalin ng Kulturang Pilipino sa panahon ng

mga Gen Z”

Kabataan o Gen-Z. Ang mga Kabataan o Gen Z ay maaaring makipag interact

sa mga posts sa Social Media na may kinalaman sa Kulturang Pilipino upang

mapayabong ang Kulturang Pilipino sa pamamagitan ng Social Media

Mga Eksperto. Ang mga Eksperto ay maaaring gamitin ang Social Media

Platforms upang ilathala ang kanilang mga kaalaman ukol sa Kulturang Pilipino,

sa paraan na ito ay magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga Kabataan

partikular ang mga Gen Z ukol sa Kulturang Pilipino.

Mga Debelopers ng mga Plataporma ng Sosyal Midya. Ang mga debelopers

ng mga plataporma ng sosyal midya ay maaaring bumuo o gumawa ng “All

About Culture” sa loob ng Social Media Platforms upang higit na mabigyan

pansin ang Kultura; hindi lamang Kulturang Pilipino ngunit pati na rin ang Kultura

ng iba’t ibang bansa.

SENIOR HIGH SCHOOL


23
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Agham Panlipunan. Ang Agham Panlipunan ay maaaring tumulong sa

pagpapaintindi sa kabataan tungkol sa Kulturang Pilipino na mayroon tayo

ngayon at mas palawakin pa nila ang ideyang mayroon ang mga kabataan.

Sumusunod na mga Pag-aaral. Ang sumusunod na mga pag-aaral ay

maaaring magkaroon ng mas maraming kalahok upang magkaroon ng mas

malalim na kaalaman ukol sa pagpapasa ng Kulturang Pilipino sa pamamagitan

ng Social Media.

Sanggunian

Rancea, B. (2021, September 15). Paano Nakakaapekto ang Digital Media sa


Pamumuhay at Kultura. Ecommerce Platforms. Nakuha mula sa
https://ecommerce-platforms.com/tl/articles/how-digital-media-is-impacting-
lifestyle-and-culture

Hootsuite Inc. (n.d.). The global state of digital in 2019. Hootsuite. Nakuha mula
sa https://www.hootsuite.com/resources/digital-in-2019

Gonzales, G. (2019, January 31). Filipinos spend most time online, on social
media worldwide – report. RAPPLER. Nakuha mula sa
https://www.rappler.com/technology/222407-philippines-online-use-2019-
hootsuite-we-are-social-report/

Travers, M. (2021, December 10). Facebook Spreads Fake News Faster Than
Any Other Social Website, According To New Research. Forbes.

SENIOR HIGH SCHOOL


24
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
https://www.forbes.com/sites/traversmark/2020/03/21/facebook-spreads-fake-
news-faster-than-any-other-social-website-according-to-new-research/?
sh=1f26f10f6e1a

Perera, A. (2021, May 26). Cultivation Theory. Simply Psychology. Nakuha mula
sa https://www.simplypsychology.org/cultivation-theory.html

Furedi, F. (2017, March 15). How the Internet and Social Media Are Changing
Culture. Aspen Review. Nakuha mula sa
https://www.aspen.review/article/2017/internet-social-media-changing-culture/

Ilumin, Cherrylyn. (2016, October 7). Kulturang Pilipino atbp.. Smart Box PH.
Nakuha mula sa https://smartboxph.wixsite.com/arts-culture/kulturang-pinoy

Stanford Encyclopedia of Philosophy. (2013, December 16). Phenomenology.

Stanford Encyclopedia of Philosophy. Nakuha mula sa

https://plato.stanford.edu/entries/phenomenology/

Crossman, A. (2020). Understanding Purposive Sampling: An Overview of the


Method and Its Applications. ThoughtCo. Nakuha mula sa: Purposive Sampling
Definition and Types (thoughtco.com)

Ellis, P. (2016). The language of research (part 8): phenomenological research.


WoundsUK. Nakuha mula sa: Wounds UK- Issue: 21-03-2016, Vol 12, No 1 -
article: The language of research (part 8): phenomenological research - Wounds
UK (wounds-uk.com)

Boyd, D. (2015, May 11). Social Media: A Phenomenon to be Analyzed. Sage

Journals. Nakuha mula sa

https://journals.sagepub.com/doi/10.1177/2056305115580148

SENIOR HIGH SCHOOL


25
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA
Caulfield, J. (2022, March 10). How to Do Thematic Analysis | A Step-by-Step

Guide & Examples. Scribbr. Nakuha mula sa

https://www.scribbr.com/methodology/thematic-analysis/

APENDIKS 1

SENIOR HIGH SCHOOL


26
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA

SENIOR HIGH SCHOOL


27
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA

SENIOR HIGH SCHOOL


28
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA

SENIOR HIGH SCHOOL


29
ADAMSON UNIVERSITY PAHINA

APENDIKS 2

SENIOR HIGH SCHOOL

You might also like