You are on page 1of 16

AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

EPEKTO NG MAKABAGONG TRANSPORTASYON SA PAGSULONG NG


INDUSTRIYA NG TURISMO SA CAVITE: PANANAW NG PILING MAG – AARAL SA
IKALAWANG TAON SA KOLEHIYO NA KUMUKUHA NG KURSONG TURISMO SA
AISAT COLLEGE DASMARIÑAS TAONG PANURUAN 2023 -2024

Proyektong Pananaliksik

Iniharap sa

Mga Guro ng Departmento ng Kolehiyo

AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Bilang Bahagyang Katuparan

Ng mga Kinakailangan sa Kolehiyo

BS TM

Pangkat: BT4MB

Isinumite Nina:

Jireh Concepcion

Kurt Denzel Lopez – Dee

Ejay Reloban

G. GRACIANO E. LABIO III

Gurong Tagapayo sa Proyektong Pananaliksik


AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

Hunyo 2023

PAGPAPATIBAY
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “EPEKTO NG MAKABAGONG TRANSPORTASYON
SA PAGSULONG NG INDUSTRIYA NG TURISMO SA CAVITE: PANANAW NG PILING
MAG – AARAL SA IKALAWANG TAON SA KOLEHIYO NA KUMUKUHA NG
KURSONG TURISMO SA AISAT COLLEGE DASMARIÑAS TAONG PANURUAN 2023 -
2024”, inihanda at isinumite nina Jireh Concepcion, Kurt Denzel Lopez – Dee, at Ejay Reloban
ay sinusuri at inerekomenda bilang bahagyang katuparan sa mga kinakailangan sa kolehiyo ng
Departamento ng Turismo.

G. GRACIANO E. LABIO III

Gurong Tagapayo sa Proyektong Pananaliksik

Panel ng Tagasuri
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

PAGKILALA

Buong pusong pasasalamat ang nais naming ipaabot sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa
kanilang pagtulong sa kontribusyon na kanilang ibinigay upang maisagawa namin ng maayos
ang pananaliksik na ito. Lubos ang aming pasasalamat sa kanilang walang sawang pag suporta
upang matagumpay na maisaayos at maisagawa ang pananaliksik.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng determinasyon upang isakatuparan ang pag aaral at


pagbibigay ng kaalaman na kailangan namin upang maisagawa ng maayos ang pananaliksik na
ito.

Sa mga magulang namin, na walang sawa gumabay sa amin at sumuporta sa aming pinansyal na
pangangailangan.

Sa aming guro na si Ginoong. Graciano E. Labio III, sa pagbibigay ng mga ideya at payo sa
paggawa at pagrerebisa ng pag aaral.

Sa mga estudyante sa kursong Turismo sa mga kolehiyo ng Dasmariñas, sa pagbibigay ng


kanilang ideya at suporta sa pag sagot ng survey-kwestyoneyr.

Sa mga mamayan sa lungsod ng Dasmariñas, sa pagbibigay ng kanilang ideya at suporta sa pag


sagot ng survey-kwestyoneyr.

Muli nais kong ipahatid ang aming taos pusong pasasalamat sa inyo.
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

Maraming salamat po!

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanta I:

Kaligiran ng Pag-aaral

a. Introduksyon
b. Paglalahad ng Suliranin
c. Layunin ng Pag-aaral
d. Batayang Teoretikal
e. Kahalagahan ng Pag-aaral
f. Saklaw at Limitation ng Pag-aaral
g. Kahulugan ng Termino

Kabanata II:

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

a. Mga kaugnay ng Literatura


b. Mga kaugnay na Pag-aaral

Kabanata III:

Metodolohiya

a. Disenyo ng Pananaliksik
b. Respondente
c. Instrumento ng Pananaliksik
d. Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos
e. Pagsusuri ng mga Datos
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

KABANATA 1

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

I - Introduksyon

Ang Cavite ay isa sa mga lalawigan ng Pilipinas na may mayamang kasaysayan at kultura. Para
sa kadahilanang ito, ito ay isang magandang destinasyon para sa mga turista na gustong
malaman ang tungkol sa kasaysayan at kultura ng bansang ito. Ngayon, ang industriya ng
turismo ng Cavite ay patuloy na lumalaki, sa bahagi dahil sa pagkakaroon ng modernong
transportasyon.

Ang mga modernong paraan ng transportasyon tulad ng mga commuter train, express bus at
highway ay nagbibigay ng mas mabilis at mas maaasahang transportasyon para sa mga turista.
Pinapadali nito ang pag-access sa mga atraksyon at destinasyong panturista sa Cavite, na
nakakaakit ng parami ng mga turista sa lalawigan. Bilang karagdagan, binabawasan din ng
modernong transportasyon ang mga gastos sa paglalakbay. Ang mga pamasahe para sa mga
lokal na tren at express bus ay naging mas mura, na nagpapahintulot sa mas maraming tao na
lumipat sa paligid ng Cavite. Dagdag pa, mas mabilis kang makakabalik sa iyong tinitirhan at
mas mapadali ang iyong mga biyahe.

Sa kabuuan, masasabing ang paggamit ng makabagong transportasyon ay nakatulong sa


pagsulong ng industriya ng turismo sa Cavite. Ito ay humantong sa mas maraming turista na
pumupunta sa estado at ginagawang mas madali ang paghahanap ng mga atraksyon at lugar na
bibisitahin.
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

II – Paglalahad ng Suliranin

Pangkalahatan- sa pangkalahatan ang pag-aaral ay naglalayong malaman ng mga mananaliksik


ang epekto ng makabagong transportasyon sa pagsulong ng industriya ng turismo sa cavite sa
pag – aaral ng piling mag –aaral sa ikalawang taon sa kolehiyo ng Aisat College Dasmariñas.

Tiyak- sa pagkatiyak ay nag lalayong masagutan ang mga sumusunod:

1. Ano ang denograpiyang propayl ng respondante batay sa kanilang?


1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Estado ng Buhay
2. Ano ang epekto ng makabagong transportasyon sa pagsulong ng industriya ng turismo sa
Cavite?
3. Ano ang kaugnayan ng denograpiyang propayl sa agression sa pananaw tungkol sa epekto
ng makabagong transportasyon sa pagsulong ng industriya ng tursimo sa Cavite?

III – Layunin ng Pag-aaral

Pangkalahatan - Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang epekto ng


makabagong transportasyon sa pagsulong ng industriya ng turismo sa cavite.

Tiyak - Tiyak na layunin ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod:

1. Malaman ang denograpiyang propayl ng repondante batay sa kanilang edad, kasarian, at


estado ng buhay.
2. Matukoy ang epekto ng makabagong transportasyon sa pagsulong ng industriya ng
turismo sa Cavite.
3. Masuri ang kaugnayan ng denograpiyang propayl sa agression sa pananaw tungkol sa
epekto ng makabagong transportasyon sa pagsulong ng industriya ng tursimo sa Cavite
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

IV – Batayang Teoritikal

INPUT PROSESO AWTPUT

Ang mga  Kumalap ng Base sa isinasagawa


mananaliksik ay datos sa pananaliksik nalaman at
naglalayong pamamagitan ng natukoy ng mananaliksik ang
masugutan ang mga Survey. mga sumusunod.
sumusunod.
1. Para sa mga mag-aaral at sa
 Pangungulekta ng
turista, pinapadali nito ang
datos at
1. Ano ang pag-access sa mga
impormasyon
mahalagang atraksyon at destinasyong
maidudulot ng kanilang gustong puntahan
makabagong
 Pag-aaralan ang at pupuntahan gaya na
transportasyon sa
nakolekta na datos lamang para sa mga mag-
piling mag-aaral
at pag-interpreta aaral mapapabilis ang
sa Aisat College
ng mga pagrating nila sa
ng Dasmariñas at
impormasyon. eskwelahan.
mamamayan?
2. Ano ang maganda 2. Mapapabilis ang pagpunta ng
at masamang mga mamamayan sa kanilag
epekto ng destinasyong pupuntahan at
makabagong gustong puntahan dahil sa
transportasyon? pag usbong ng makabagong
3. Malaman ang transportasyon sa lungsod ng
kahalagan ng Dasmariñas.
makabagong 3. Nabibigyan ng pagkakataon
transportasyon sa ang mga piling mag – aaral
mga mamamayan sa Aisat College ng
sa lungsod ng Dasmariñas na malaman ang
Dasmariñas kahalagahan ng makabagong
transportasyon sa kanilang
pang araw-araw na
pamumuhay sa paggamit ng
transportasyon kung paano
gaano ka bias ito upang
makapunta sila sa
destinasyon na kanilang
pupuntahan.
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

V – Kahalagahan ng Pag-aaral

 Paaralan/Tagapangasiwa ng Paaralan
Magiging daan ito upang mas maging kawili wili at maging epektibo ang turo ng
guro sa kaniyang magaaral at maunawaan ang kabihasaan ng pag-aaral na
sinaliksik.

 Mag-aaral
Natutulungan nito ang mga mag-aaral na mas lalo lumalim at mapagtibayan ang
kanilang kaalaman patungkol sa epekto ng makabagong transportasyon sa
lungsod ng Dasmariñas. At dahil sa kaalaman na ito magiging bukas ang kanilang
isipan tungkol sa modernong paraan ng transportasyon.

 Magulang
Natutulungan din ng pag-aaral na ito ang mga magulang na mabuksan ang
kanilang kaisipan sa pagpili ng masasakyang transportasyon upang mabilis nilang
mararating ang kanilang naisp na pagpapasyalan.

 Mananaliksik
Sa aming pag-aaral naman nalaman naming ang kahalagahan ng makabagong
transportasyon sa lungsod ng Dasmariñas pati narin sa buong panig ng Cavite at
ibang lupalop ng bansa.
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

VI – Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sa aming pananaliksik ay patungkol sa maaaring maging epekto ng makabagong transportasyon


sa pagsulong ng industriya ng turismo sa Cavite sa piling mag-aaral ng Aisat College
Dasmariñas. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa epekto ng makabagong transportasyon.
Ang saklaw ng aming pag-aaral ay 20 bahagdan ng mga piling mag-aaral na nasa ikalawang taon
na kumukuha ng kursong turismo at ang mga nasabing mag-aaral lamang ang masasaklaw nito.

VII – Kahulugan ng mga Termino

RESPONDANTE – Ito ang mga taong sasagot o sumasagot sa mga tanong na binibigay ng mga
mananaliksik.

TRANSPORTASYON – Ito ay paggalaw ng mga tao at bagay mula sa isang pook hanggang isa
pang pook.

ATRAKSYON - Ito ay kaakit akit na inprastruktura o destinasyon na makikita sa isang lugar na


may kakaibang kagandahan at walang katulad na saya na madarama.

TURISMO – Ito ay isang lugar upang makita ang isang lugar. Tinatawag na turista ang
sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na layo mula sa kanyang tirahan at
napakahalaga sa ito sa ekonomiya ng isang bansa.
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

I – Mga Kaugnay ng Literatura

Ayon kay Frasco, ang DOT ay kasalukuyan nang nakatutok sa pitong pangunahing
layunin. Una rito, ang pagpapabuti ng mga imprastrakturang pang turismo at accessibility sa mga
ito; Ikalawa, ang komprehensibong digitalisasyon at connectivity; Ikatlo, ang pagpapahusay sa
pangkalahatang karanasan ng mga turista; Pang-apat, ang pagkaka pantay-pantay sa
pagpapaunlad at promosyon ng mga produktong pang turismo; Panglima, ang pag diversify ng
portfolio sa pamamagitan ng multidimensional na turismo; Ikaanim, ang pag-maximize sa
domestikong turismo; At ang panghuli, ang pagpapalakas ng pamamahala sa turismo sa
pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang stakeholder.

https://pia.gov.ph/news/2022/10/17/turismo

Kasama ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), ginanap ang
tatlong groundbreaking ng mga Tourist Rest Areas (TRAs) sa iba’t ibang panig ng bansa nitong
buwan lamang. Ayon kay Frasco, ang mga imprastrakturang ito ay magsisilbing tuluyan ng mga
turista na mangangailangan ng malinis na banyo at lugar upang makapagpahinga sa pagitan ng
kanilang mga paglalakbay. Ang mga TRA na ito ay gagamitan ng mga lokal na materyales at
disenyo na tunay na magpapakilala sa tatak Pinoy..

https://pia.gov.ph/news/2022/10/17/turismo

Ang turismo ng Filipinas ay maituturing na isa sa mga haligi ng ekonomiya dahil sa perang
naipapasok nito sa bansa. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 12.7% ng
kabuuang kita ng ekonomiya ng bansa noong 2018 ay mula sa industriya ng turismo. Umabot sa
higit pitong milyong turista ang naitalang dumayo sa ating bansa mula Enero hanggang Oktubre
ng nakaraang taon. Malaking bilang ng mga turistang ito ay mga Tsino. Ayon sa datos ng DOT,
umabot sa 1.49 milyong Tsino ang dumayo sa bansa at bago pa man tumama ang pandemyang
COVID-19 sa bansa ay tinatayang aabot pa ito sa apat na milyon pagdating ng 2022.

(pilipinomirror.com)
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

Ayon sa resulta ng Labor Force Survey (LFS) ng PSA noong huling apat na buwan ng 2019,
tinatayang aabot ng dalawang milyong tao na nagtatrabaho sa industriya ng turismo ang
naapektuhan ng pandemya. Ang mga taong ito ay mga empleyado sa mga negosyong may
kinalaman sa accommodation gaya ng mga hotel, at mga kainan. Ayon sa datos ng PSA, ikalima
sa may pinakamalaking bilang ng mga empleyado at trabahador ay ang industriya ng turismo.
Nakakita rin ng pagtaas sa bilang ng mga negosyong may kinalaman sa turismo na nasasagad na
ang pisi at malapit nang magsara nang tuluyan dahil sa pandemyang ito.

(pilipinomirror.com)

Ang pagbagsak ng kita mula sa turismo ay hindi na kataka-taka. Bahagi ng mga hakbang na
ginawa ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa ay ang
pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa mga lugar na may naitalang
positibong kaso ng COVID-19 simula noong Marso. Bagama’t ang ECQ ay inasahang matapos
noong Mayo, batid ng Department of Tourism (DOT) na walang kasiguraduhan na kapag
naibaba mula sa ECQ ang restriksiyon ay mabibigyan na ng pahintulot na manumbalik ang
turismo sa bansa.

(pilipinomirror.com)

Sa pagpapatupad ng ECQ, maraming mga biyaheng panghimpapawid, biyahe ng mga bus na


patungo sa mga probinsya, maging ang mga biyahe ng mga barko ang kinansela. Ang operasyon
ng mga hotel ay inihinto bilang bahagi ng mga panuntunan ng ECQ. Ang mga publiko at
pribadong pook pasyalan ay nanatili ring sarado para sa kaligtasan ng mga tao.

(pilipinomirror.com)

Ang turismo ng Filipinas ay maituturing na isa sa mga haligi ng ekonomiya dahil sa


perang naipapasok nito sa bansa. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 12.7%
ng kabuuang kita ng ekonomiya ng bansa noong 2018 ay mula sa industriya ng turismo. Umabot
sa higit pitong milyong turista ang naitalang dumayo sa ating bansa mula Enero hanggang
Oktubre ng nakaraang taon. Malaking bilang ng mga turistang ito ay mga Tsino. Ayon sa datos
ng DOT, umabot sa 1.49 milyong Tsino ang dumayo sa bansa at bago pa man tumama ang
pandemyang COVID-19 sa bansa ay tinatayang aabot pa ito sa apat na milyon pagdating ng
2022..

(pilipinomirror.com)
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

Ang turismo ng Filipinas ay maituturing na isa sa mga haligi ng ekonomiya dahil


sa perang naipapasok nito sa bansa. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority
(PSA), 12.7% ng kabuuang kita ng ekonomiya ng bansa noong 2018 ay mula sa
industriya ng turismo. Umabot sa higit pitong milyong turista ang naitalang dumayo sa
ating bansa mula Enero hanggang Oktubre ng nakaraang taon. Malaking bilang ng mga
turistang ito ay mga Tsino. Ayon sa datos ng DOT, umabot sa 1.49 milyong Tsino ang
dumayo sa bansa at bago pa man tumama ang pandemyang COVID-19 sa bansa ay
tinatayang aabot pa ito sa apat na milyon pagdating ng 2022.

(pilipinomirror.com)

Umaasa ang DOT na sa huling bahagi ng taon ay makapagsisimula na itong bumangon. Kung
hindi man ngayong taon, ay baka sa taong 2021. Inaasikaso rin ng DOT ang Tourism Response
and Recovery Program kung saan ang prayoridad ay nasa pagsusulong ng lokal na turismo sa
bansa.

(pilipinomirror.com)

Nito ngang nakaraang buwan ng Mayo ay inaasahang magbubukas na muli ang Bohol para sa
turismo sa susunod na mga buwan. Ayon kay Task Force Chief Implementer Carlito Galvez, Jr.,
susubukan nilang buksan ang Bohol para sa turismo at gawin itong ehemplo ng kung paano ang
magiging sistema ng turismo sa panahon ng bagong normal. Nakatakdang isagawa ang
simulasyon ng planong ito ngayong Hunyo at sa susunod na buwan ng Hulyo. Dalawang kaso
lamang ng COVID-19 ang naitala sa Bohol kaya batid ni Galvez na maaari na itong buksan para
sa turismo nang paunti-unti.

(pilipinomirror.com)

Sa kabila ng pagbagsak ng turismo bunsod ng pandemya, masuwerte pa rin ang Filipinas na


hindi kumalat ang virus at kaunti lamang ang naitalang kaso ng COVID-19 sa mga lugar na
dinadayo ng mga turista. Kailangan lamang ng ibayong pag-iingat at masusing pagpaplano
upang makahanap ng diskarte kung paano manunumbalik ang turismo nang hindi
naikokompromiso ang physical distancing at iba pang mga hakbang kung paano maiiwasan ang
pagkalat ng virus.

(pilipinomirror.com)
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

II – Mga Kaugnay ng Pag-aaral

Ang Pilipinas ay may 199,950 kilometro (124,240 milya) ng mga daan, at sa habang ito 39,590
kilometro (24,600 milya) ay nailatag. Noong 2004, iniulat na ang kabuuang haba ng buong
pinag-ugnay na daan na hindi mabilisang daanan ay nasa 202,860 kilometro. Sa habang ito, 15%
ay mga pambansang daan (national roads), 13% ay mga panlalawigang daan (provincial roads),
12% ay mga daang panlungsod/pambayan (city/municipal roads), at 60% ay mga daang
barangay (barangay roads).

https://pia.gov.ph/news/2022/10/17/turismo

Ang pagbubukod ng mga daan ay nakabatay sa mga pananagutan ng namamahala (maliban


lamang sa mga barangay), iyan ay kung anong antas ng pamahalaan ang nagtayo at nagpondo ng
mga daan. Karamihan sa mga daang barangay ay mga hindi nailatag na daang-nayon na itinayo
noon ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), subalit ang pananagutan ng
pagpapanatili ng mga daang ito ay nailipat na ngayon sa mga pangkat ng pamahalaang pampook
(o LGU). Ang mga daang sakahan-papuntang-pamilihan (farm-to-market roads) ay nakabukod sa
kategoryang ito, at ang ilan ay pinopondo ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan (DAR) at
Kagawaran ng Pagsasaka (DA). Bagaman may malaking sistema ng mga daan na naitayo sa
bansa, nananatiling kalunos-lunos ang kalagayan ng malaking bahagi ng sistemang ito, at 20
porsyento ng kabuuang sistema ng mga daan ay nailatag (ng aspalto).

https://pia.gov.ph/news/2022/10/17/turismo
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

II – Mga Kaugnay ng Pag-aaral

KABANATA 3

METODOLOHIYA

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sap ag-aaral at paglalarawan sa mga
hakbang na isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan nang mga walong pangunahing wika
at wikang cultural. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik at ng linggwistikang pagsusuri
ng mga walong pangunahing wika at wikang kultural.

I – Disenyo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang mga impoormasyon tungkol sa
pag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng isang “descriptive research method”. Kung saan ito
ay naglalaman ng mga nararapat na impormasyong kailangan sa pag-aaral.

II – Respondente

Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga respondenteng napili nila ay


may malaking kaugnayan sa kanilang pag-aaral. Pinili nila ang kursong TOURISM dahil alam
ng mga mananaliksik na malaking tulong ito para sa kanila, hindi lamang para mag-aral kundi
nakakadagdag ito ng kaalaman sa bawat mag-aaral.

Alam ng mga mananaliksik na ang kanilang mga respondente ay may malaking


maitutulong sa ginawa nilang pag-aaral upang malaman ang mabuting naidulot nito. Ang
naturang pagsagot ng mga respondenteng ito sa mga katanungan ng mga mananaliksik ibabase
ang resulta ng isinagawang pag-aaral.
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

III – Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang instrumento sa pangangalap ng mga


datos upang malaman ang damdamin ng mga kalahok sa Kahalagahan ng Promenade sa Pag-
Usbong ng Modernisasyon sa Lungsod ng Dasmariñas sa Pag-aaral ng mga mag-aaral sa mga
piling mamamayan sa Lungsod ng Dasmariñas.

IV – Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang
mga saklaw at mga posibilidad sap ag-aaral upang matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos.

Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga
mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling
oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging kompidensyal ng mga nakakalap na
datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas makapagpahayag ang mga sasagot ng
tanong.

Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula Mayo hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan. Ang
pagkolekta ng datos ay sinagawa ng isang linggo kung saan maalwan na oras para sa mga piling

mamamayan.
AISAT COLLEGE-DASMARIÑAS

Aisat Building, Aguinaldo Highway, Zone IV Dasmariñas City Cavite

V– Istatistikal na Pagsusuri ng mga Datos

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Gagamit ng
Descriptive Statiscal Analysis ang mga mananaliksik upang ipresenta ang mga datos kung saan
gagamit ng mga talaan upang suriin ang mga datos. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil
mas madaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga datos.

Gamit ang iba’t ivang uri ng talaan gaya ng talahanayan, tsarts at graphs gayon din ay may
pagtatalakay sa mga resulta ng datos.

Sa pagbuo ng interpretasyon at resulta, pinakamaigi at mabilis na maintindihan para sa mga


mananaliksik ay ang paggamit ng talahayan at graphs kung gayon ay magiging Descriptive
Stastical Analysis sa pag-aaral na ito.

You might also like