You are on page 1of 5

EPEKTO NG PAGKAKAIBA NG IBA’T IBANG RELIHIYON NG

IKA-WALONG BAITANG SA OCCIDENTAL MINDORO STATE COLLEGE

BULAWIN, ELONA JAMES I.

REMO, CALVIN JEFF

DELA CRUZ, DORAINE G.

MELLIZA, MARIEL S.
PANIMULA:

Aang pag-aaral na ito ay mayroong layunin na intindihin ang pagkakaiba ng aspekto mga
relihiyon. Dito maaring malaman ang iba’t- ibang paniniwala. Kasama nadin ang pagkatuto at
pagkalaman ng mga uri ng relihiyon. .Maraming paniniwala ang mga tao na nabubuhay sa
mundo.

Ito ay nagdudulot ng mga iba’t- ibang epekto. Ito ma’y tradisyon, kaalaman, karunungan
at iba pa. Sa pag-aaral na ito malalaman natin kung ano ang nagsisilbing epekto ng mga uri ng
relihiyon at paniniwala. Ito rin ang magsisilbing batayan kung papaano malaman ang dapat
iwasan tuwing nakikipagsalamuha sa iba’t ibang uri ng tao ng ikawalong baitang.

Ang mga ikawalong baitang ang pinaka bibigyang pansin sa pananaliksik na ito. Dito
bibigyang halaga ang pananaw ng mga istudyante dahil pag-aaralan ito. Dahil Narin sa
makabagong pag-iisip.

Layuning ilahad ang mga impormasyong nakalap upang mabigyang kaliwanagan aat
pagbigay kahulugan ng paksa. Maaari ring pagbasehan kung papaano nagkakawatak ang mga tao
dahil sa iba’t ibang paniniwala. Malalaman din dito kung kailan nagsisilbing pananandigan ang
mga paniniwala.

Kaya kailanagang intindihin at pakinggan ang mga pananaw ng mga estudyanteng


ikawalong baitang. Upang matukoy kung bakit at kung ano ang nagdudulot ng pagkakaiba sa
paniniwala at kung paano nag kakaroon ng away at gulo sa pagitan nila. Kung kaya’t kailanagan
itong pag-aralan.
HAKBANG:

I. Tukuyin ang mga pangunahing pagkakaiba-iba sa doktrina at paniniwala ng iba't


ibang relihiyon.

II. Ilahad ang Layunin.


Ang layunin ng pag sasagawa naming ng pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng
mga ikawalong baitang mula sa occidental Mindoro state college sa iba’t ibang
relihiyon. Para malaman ang epekto sakanila at ang gusto nilang ipahiwatig sa atin.
Sa aking pag kakaalam sa occidental Mindoro state college ay marami naman ang
nakakaintind para malaman o mas malaman pa ng ayos kung may naaapektuhan pa o
hindi malaman kung bakit may ibang naaapektuhan at hindi naiintindihan kung bakit
binigyan tayo ng Diyos ng iba’t ibang relihiyon.

III. Itala o Ilista ang mga tanong

1. Paano nakaaapekto ang relihiyon sa indibidwal na antas ng pag-aaral?


2. Paano nakakaapekto ang relihiyon sa edukasyon?
3. Mahalaga ba ang relihiyon sa isang indibidwal, bakit?
4. Bakit natin kailangan paunlarin ang pananampalataya sa pinaniniwalan?
5. Ano ang mga rason bakit iba’t iba ang ating relihiyon?
6. Bakit natin kailangan ang pananalig sa ating buhay at ano ang epekto nito sa pag-aaral?
7. Bakit kailangan natin isabuhay ang mga tinuturo sa atin?
8. Paano mo natutuhang balansehin ang iyong relihiyon sa pag-aaral?
9. Bakit natin kailangan respetuhin ang relihiyon ng bawat isa?
10. Ano ang epekto ng pananampalataya mo sa iyong pag-aaral?

Nangangailangan ng 10 kalahok para mapatunayan ang aming solusyon.


IV. Pangatwiran ang Kahalagahan ng paksa.

Ang paksang iba't ibang relihiyon sa mga kabataan ng ikawalong baitang ng Occidental
Mindoro State College, ay maaaring pag-aralan ng mga mananaliksik o mga mag-aaral upang
malaman kung paano nakakaapekto ang relihiyon sa pag-unlad at pagkakakilanlan ng
kabataan. Ang pananaliksik na ito ay maaaring tumutok sa impluwensya ng relihiyon sa
moralidad, pananampalataya, pag-uugali at pagkakaisa ng mga kabataan. Para sa mga mag-
aaral sa ika-8 baitang sa Occidental Mindoro State College, makikita kung paano
nakakaapekto ang relihiyon sa kanilang pananaw sa mundo, pang-araw-araw na buhay,
etika at integrasyon sa iba't ibang larangan ng lipunan.

You might also like