You are on page 1of 42

KALAGAYAN AT EPEKTO SA RELASYON NG MGA ESTUDYANTE NA

MAY IBA’T IBANG RELIHIYON AT PANANAW NG MGA ESTUDYANTE SA

ISANG SILID-ARALAN NG OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

Isang Pamanahong Papel na iniharap sa Departamento ng Senior High School

Our Lady of Fatima University

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik

Ipinasa nina:

Abalajen, Samantha

Advincula, Mjay Rose

Bajet, John Lloyd

Caballero, Kyla Karryl

Camo, Rafael Aaron

Co, Mary Rose

De los Santos, Jheschel May

Miclat, Roninne Elijah

Paderna, Danielle Vien

Rodil, Jazryll

Torrente, Zachary

HUMSS 11P-1
Ipinasa kay:

Gng. Vanessa Gruspe

Tagapayo

Disyembre 2019

Kabanata I

Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Iba’t iba ang relihiyon ng mga Pilipino. Ang pagkakaroon at pagpili ng sariling

relihiyon ay isa sa karapatan ng tao. Ang relihiyon ay talaan ng mga paniniwala ng

mga tao, bansa, at ang mga wika. Ito ay sistema ng may isang paniniwala at

pananaw na kinabibilangan ng isang tao. Ang pagkakaroon ng relihiyon ay ang

naghuhulma sa isang indibidwal ng kanyang pananaw sa daigdig, iniuugnay nito ang

sangkatauhan sa espirituwalidad at minsan ay sa moralidad. Ito ay mga tradisyon at

mga sagradong kasaysayan o ritwal na naglalayon na magbigay ng kahulugan sa

buhay.

Ayon kina Hill (2000), “galing ang relihiyon sa ‘religio’ na ang ibig sabihin ay

pag-iisa ng sangkatauhan sa ibang kapangyarihan na higit pa sa tao.” Ang relihiyon

ay mayroong simbolo, kultura, mitolohiya at mga kasaysayan na nakapaloob.


Noong unang panahon maraming magkasalungat na ideya tungkol sa iba’t

ibang relihiyon ngunit sa kasalukuyan ay patuloy itong nagbabago sapagkat natututo

na ang mga bagong henerasyon na respetuhin ang iba’t ibang paniniwala ng

kanilang kapwa. Natututo na galangin ang pagkaibaiba ng relihiyon at pagtanggap

na ito ay naiiba sa kinasanayan nila. Sa Pilipinas, isang malaking parte ng pagiging

Pilipino ang pagkakaroon ng relihiyon o paniniwala sa Diyos. Maraming kaugalian

ang nabuo dahil dito kagaya ng pagdalo sa Simbang Gabi, pagdaraos ng Quiapo

Fiesta, pagkakaroon ng Holy Week at iba pa. Ayon sa Gallup International (2017),

panglima ang Pilipinas sa mga pinaka-relihiyosong bansa sa mundo habang

nangunguna ang Thailand na sinundan naman ng Nigeria habang panghuli ang

China.

Dahil sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa, patuloy na dumarami ang

relihiyon sa Pilipinas. Hindi maiiwasan na makihalubilo ng mga tao sa iba ang

relihiyon sa kanila. Sa paaralan, partikular sa mga pampublikong paaralan,

mayroong iba't ibang relihiyon ang mga mag-aaral. Makikita sa isang klase ang mga

relihiyon ng bawat isa.

Ang paksang ito ay nagbibigay liwanag sa mga epekto ng pagkakaroon ng

iba't ibang relihiyon sa isang silid-aralan. Tatalakayin nito kung paano ang

pakikitungo ng bawat estudyante sa iba na may ibang relihiyon, at kung may positibo

o negatibong epekto man ito sa kanila.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang iba't ibang kalagayan ng

mga estudyante na may iba't ibang relihiyon at paniniwala sa loob ng isang

silid-aralan, at kung mayroon ba itong epekto sa kanilang pag-aaral at pakikitungo sa

isa't isa.

Ang mga problema na nangangailangan ng kaukulang pansin ay ang mga

sumusunod:

1. Ano-ano ang iba't ibang relihiyon at paniniwala sa loob ng isang klase?

2. Paano nakakaapekto ang iba't ibang relihiyon sa pag-aaral ng mga estudyante?

3. Ano-ano ang positibo at negatibong epekto nito sa mga mag-aaral at sa relasyon

ng mga estudyante?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na binigyang halaga ng mga

mananaliksik ay “Malaman ang iba't ibang kalagayan at epekto ng may iba't ibang

relihiyon at paniniwala sa loob ng isang silid-aralan sa mga estudyante”.

Ang mga iba pang layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Maipakita ang iba't-ibang relihiyon at paniniwala sa loob ng isang klase


2. Matuklasan kung ano-ano ang epekto ng pagkakaroon ng iba't-ibang relihiyon

sa pag-aaral ng mga estudyante

3. Upang malaman kung mayroon bang mga positibo at negatibong epekto ang

pagkakaroon ng pag-kakaiba ng relihiyon sa mga mag-aaral

Kahalagahan ng Pananaliksik

Kahalagahan ng pag-aaral.

Ang pag-aaral at pananaliksik na siyang isinasagawa ng aming grupo ay

maaaring makatulong at magbigay ng benepisyo sa mga mag aaral na may suliranin

dahil sa pagkakaroon ng marami at iba't-ibang relihiyon sa loob o labas man ng silid

aralan. Sa pag-aaral na ito, tatalakayin namin ano ang mga posibleng maging

suliranin at maging ang kalagayan ng pagkakaroon ng iba't-ibang relihiyon at

pananaw sa loob ng silid-aralan. Maaaring matalakay dito ang pagkakaroon ng

diskriminasyon, pang bubully (pisikal o emosyonal)

Mahalagang malaman ang kaisipan ng bawat magaaral at kung ano nga ba

ang kanilang saloobin sa pagkakaroon ng iba't-ibang relihiyon sa loob ng kanilang

silid aralan, maging sa labas at kung paano ito nakaaapekto at makaapekto sa

akademikong pag-aral, pakikitungo, at maging relasyon at interaksyon nila sa

isa't-isa.
Ang pag-aaral na ito ay pakikinabangan ng mga estudyante, guro at mga

mananaliksik sapagkat tumutugon ito sa epekto ng pagkakaiba ng relihiyon sa loob

ng silid-aralan. Makakapagtuklas rin ng mga solusyon sa mga negatibong epekto

nito.

Kahalagahan ng relihiyon

Ang tunay na mabuting tao sa mata ng Diyos ay hindi lamang ito sa

pakikitungo sa kapwa tao, bagkus ang tunay na mabuting tao ay alam niya ang

kahalagahan ng relihiyon at kanyang inuuna ang pakikitungo ng mabuti sa Diyos

bago ang Kanyang mga nilikha, dahil aanhin natin ang mabuting pakikitungo sa

kapwa tao kung hindi naman tayo nagiging mabuti sa Diyos sa unang pagkakataon.

Walang saysay ang ating mga gawaing mabuti sa kapwa kung wala ang

pinaka-pundasyon na tamang pananampalataya.

"Kaya hindi sapat ang pagiging mabuting tao o pagiging mabuti sa kapwa

lamang, dapat samahan ito ng tamang paniniwala sa tunay na nag-iisang Diyos, ang

Allah, at huwag Siyang ipagtambal sa kahit na anong bagay. Ito ang tunay na

kahulugan ng pagiging Mabuti.


Ang tunay na relihiyon ay ganap at kompleto, ito ay hindi lamang tumatalakay

sa isa, dalawa o tatlong aspeto ng buhay ng tao, bagkus ang relihiyon ay sakop nito

ang lahat ng aspeto ng buhay ng tao, sa pamamaraan ng buhay, sa pananamit,

pagkain, kasalan, edukasyon, panalangin at pagdarasal, mana at marami pang iba.

Kaya iyong isaisip ang kahalagahan ng relihiyon, hindi ito pwedeng alisin sa iyong

pang-araw araw na pamumuhay dahil ang iyong buhay ay relihiyon.

Benepisyo ng pagkakaroon ng relihiyon sa mga mag-aaral

Maraming maaaring maging benipisyo ang pagkakaroon ng relihiyon.

Maaaring makatulong ito sa iyong pananampalataya. Ito rin ay makakatulong sa

paghubog ng iyong espirituwalidad, pagiging makatao, at pagiging maka-Diyos.

Paradigma

Sa pag-aaral at pagsusuri na ito, ipinapakita ng Pigura 1 ay ang paksa ng

pag-aaral. Ang magiging daan o tulong sa pag-aaral, at ang resulta ng pananaliksik.


INPUT PROSESO OUTPUT

Ang kalagayan at epekto ng ● Pagsasagawa Inaasahan na magkaroon ng

pagkakaroon ng iba’t ibang ng sarbey impormasyon kung nakakaapekto

relihiyon at paniniwala sa ba sa relasyon ng mga estudyante

isang silid-aralan sa mga ● Pagsasaliksik sa mga ang pagkakaroon ng iba’t ibang

Senior High School sa Our libro at internet relihiyon sa loob ng silid-aralan

Lady of Fatima University

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kasalukuyang sitwasyon ng

pagkakaroon ng iba't- ibang relihiyon at pananaw sa isang silid-aralan at ang mga

epekto nito. Makikita sa pamanahunang papel na ito ang mga naging reaksiyon,

kasagutan at ang mga naging opinyon ng mga mag-aaral sa Senior High School ng

Our Lady of Fatima University. Mayroong 60 na estudyante na magiging


respondente, ang bilang na ito ay ang inestima na bilang ng mga mag-aaral sa isang

silid-aralan.

Ang mga magiging kasagutan at opinyon ng mga mag-aaral ay isa sa mga

pagbabatayan ng mga mananaliksik sa gagawing pag-aaral.


Depinisyon o Kahulugan ng mga Terminong Ginamit

● Estudyante — ay ang tawag sa mga taong nag-aaral at pumapasok sa

isang eskwelahan.

● Kamag-aral — ay ang tawag sa mga taong nasa parehas na klase or

eskwelahan.

● Kristiyanismo — ay ang pinaka laganap na relihiyon sa Pilipinas.

● Mag-aaral — ay ang mga taong nag-aaral sa isang eskwelahan.

● Mananaliksik — ay ang mga taong naghahanap ng impormasyon

patungkol sa isang paksa, at ang mga nagsasagawa ng pananaliksik.

● Pananaliksik — ay ang paghahanap o proseso ng pangangalap ng

impormasyon tungkol sa isang partikular na paksa.

● Paniniwala — ay ang pinapaniwalaan at sinusunod ng mga tao ayon

sa kanilang relihiyon, o kung saan sila lumaki.

● Relihiyon — ay ang isang koleksyon ng paniniwala at pagsamba sa

isang Diyos o mga diyos.

● Silid-aralan — ay ang lugar o silid kung saan nag-aaral ang mga

estudyante.

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Lokal na Literatura

Ayon kay Balotlot (2017) ay mayroong iba’t ibang klase ng relihiyon na

pinaniniwalaan ang isang indibidwal at may sariling sinusunod. Ibang kultura, ibang

pananaw sa daigdig at ibang prinsipyo sa buhay ang nag uugnay sa sangkatauhan

sa espirtiwilidad at mentalidad. Ngunit iba-iba man tayo ayon sa kanya ay hindi ito

hadlang upang mag-aral lalo na sa mga muslim na gusto mag aral at matuto sa

labas ng kanilang paaralan. May diskriminasyon rin na nagaganap kung saan ang

mga taong may ibang paraan ng pagsamba ay nalilimitahan ang kanilang pag-aaral

tungkol sa sangkatauhan.

Sa isang pananaliksik na ginawa nila Fagan, Johnson , at Butcher (2006) na

ang pag-aaral ay sobrang importante para sa nakararaming tao, ito ay isang susi

para sa kinabukasan ngunit kanila ding iminungkahi na ang mga praktis na ating

ginagawa o nakaugallian sa relihiyon ay nakakaapekto sa ating pag-aaral sa paraan

na hindi na nila nakakamit ang ekspektasyon ng kanilang paaralan sa kanilang

pagdalo sa klase, sa kanilang pag-ganap sa loob ng paaralan isa pa lamang ito sa

mga halimbawa ng mga naapektuhan dahil sa ating mga kultura sa sariling relihyon.

Ayon sa isang pag-aaral nila Johnson at Larson (2000) ang epekto ng

pagkaroon ng magkakaibang relihiyon ay away sa pagitan ng mga relihiyon. Ngunit

kung papanatiliin ang pagiging relihoyoso ng tao ay nakakaapekto ito ng husto sa


krimen sa isang natural na lugar sa direkta mismong pagbawas ng mga krimen na

magaan hanggang sa mabibigat na krimen. Dahil ang persyento daw na hustong

nabawasan ay ang pag kakaroon ng konkeksyon ukol sa droga sa persyentong 39%

na nabawas. Naimungkahi din nila ang mga bata daw na lumaki sa kulturang

pagiging relihyoso ay mas nababawasan ang tiyansa na makagawa sila ng sala at

ang mga batang lumaki ng relihiyoso ay mas bihira at onti ang pag kakaroon ng

asosayon sa alak na mga inumin.

Ayon sa isang pananaliksik na naigawa nila Brett at Webb (2002) na ayon

daw sa kanilang napansin na nakakaapekto din ang relihiyon sa ating kalusugan,

ang maayos na pag kain at ang mga praktis dito ay nag hahatid sa paghaba pa ng

buhay ng isang indibidwal at pansin na nabawasan ang kaso ng mga may problema

sa kalusugan at sa kanser. Kanila din na nabanggit na napapalakas din nito ang

ating kumpyansa sa ating loob at at tiwala natin sa ating mga sarili.

Sa pag aaral ni Bradfor (2004) na ang iba’t ibang relihiyon ay mayroon ibang

proseso pagdating sa kasalan. Ang pagiging relihyoso ng isang tao ay hindi lamang

pinapatibay ang kalagyan ng isang taong kasal na, ngunit pinapganda din nito ang

kalidad ng isang taong mag asawa. Nakasaad sa kanilang pananaliksik na ang mga

mag asawa daw na mas madalas dumalo sa isang pangrelihiyon na gawain ay mas

masaya at mas naiiaayos nila ang kanilang mga simpleng alitan tulad ng mga hindi

pag kakaunawaan at mas lalo silang nagiging mas maunawa pag dating sa isa’t-isa.

Lokal na Pag-aaral
Sa isang pahayag ni Rasband para sa Religious Freedom and Fairness For

All (2015), nakasaad na ang lipunan ngayon ay nakatuon sa pagtitigil ng

diskriminasyon sa ibat ibang grupo ng mga tao na siyang makakapaglikha ng

panibagong uri ng mga biktima, ang mga nananampalataya. Ang ilang mga paaralan

na pagmamay-ari ng mga simbahan ay pinagdududahan na dahil diumano sa

paghiling ng katapan at kalinisang- puri o honor code sa mga estudyante. Sa mga

kompanya nama'y napipilitan ang mga CEO na magbitiw sa pwesto dahil sa mga

pananaw ng mga ito patungkol sa relihiyon na para sa nakararami ay hindi na

katanggap-tanggap. Maging ang ilang mga negosyante ay napipilitang isara ang

kanilang mga negosyo dahil sa pag sabi ng mga paniniwala nito. Gayunpaman,

patuloy na naninindigan ang Simbahan ni Jesukristo ng mga Banal sa mga Huling

Araw sa kalayaang pumili at pagiging tapat sa paniniwala.

Ayon kay Credo (2015), magkakaroon ng kapayapaan sa daigdig kung

magkakaroon ng kapayapaan sa bawat relihiyon. Maiiwasan ang alitan sa bawat

relihiyon kung matututo ang bawat isa na tanggapin ang pagkakaiba. Noong unang

panahon, umaabot sa hidwaan at digmaan ang hindi pagkakaunawaan dahil sa

relihiyon. Maraming mga inosenteng tao na nadadamay dahil dito. Dapat ay maging

sensitibo ang bawat isa sa paniniwala ng ibang tao at marunong tumanggap ng

pagkakaiba sa nakasanayan.

"Ang palaban sa diskriminasyon at di-pagkakapantay pantay ay isang

mahalagang priyoridad ng National Education"- Secretary Officers ng Minintry of


Education (2014). Ang mga kabataan ay pinoprotektahan mula sa gawain ng

nagtataguyod ng diskriminasyon at kawalang-pagpaparaya sa relihiyon.

Nahayag ang problema nang 52 estudyante saksi ang pagtakas mula sa

isang paaralang pinatatakbo ng relihiyong organisasyon sa Abumombazi, Equateur

Province.

(2011), Si Mme. Bazizane Maheshe, Minister of Education ng North Kivu

Province, "Ban Placed on Discrimination Based on Religion" ipinadala sa mga

probinsya, na inilarawan ang sitwasyon na "napakasama". Tinukoy ng isyu sa

pagsasabing "Ang mga estudyante na kabilang sa ilang relihiyon ay dumaranas ng

diskriminasyon dahil sa sariling patakaran ng mga paaralan na labag sa mga

regulasyong ipinatutupad." Sa paggawa nito, naitataguyod ng paaralan ang

Konstitusyon ng DRC at ang decree ng Minister of Education, at nakapagpapakita

rin sila ng halimbawa sa pagiging patas sa mga kabataan.

Tinalakay ni Pedrosa (2019), na ang pagkaibaiba ng relihiyon ay nagreresulta

ng terorismo at ang dahilan kung bakit hindi ito dapat abusahin. Ang pagkakaroon ng

iba’t ibang relihiyon ay naging isang problema sa bansang Pilipinas. Ang mga pinuno

ng dalawang relihiyon ay nagsanib pwersa para masugpo ang pag gamit ng dahas.

Dahil sa pangyayaring ito nagudyok ang pangulo ng Pilipinas upang tanggalin ang

pagkakahati ng mindanao at gawin itong pederalismo upang ang dalawang relihiyon

ay maging mapayapa.

Banyagang Literatura
Ayon sa Amnesty International, hindi tinatanggap sa trabaho ang mga

babaeng Muslim, at ang mga kabataang babae ay hindi pinahintulutan na pumasok

sa paaralan. Ito ay dahil sa kanilang mga tradisyonal sa kasuotan gaya ng mga

headscarf. Ang mga lalaking Islam naman ay pwedeng matanggal sa trabaho

hangga’t hindi nila tinatanggal ang kanilang mga balbas (Perolini, 2012)

Sa Europa madalas nagkakaroon ng diskriminasyon sa relihiyon, lalo na sa

mga bansang Belgium, France, Netherlands, Spain at Switzerland, kung saan ang

Amnesty International ay naglabas na ng isyu tungkol dito. Lahat ng tao ay may

karapatang ipahayag ang gusto nila lalo na sa pananamit dahil ito ay kabilang sa

freedom of expression (Perolini, 2012)

Ayon sa Pew Research Center Survey (2019), 82% ng mga Amerikano na

may edad na ang dinisikrimina ang mga Muslim kaysa sa ibang mga relihiyon.

Maraming mga US citizen na mga Muslim ang nakakaranas ng diskriminasyon ayon

sa Muslim-American sa taong 2017. Sa taong ito, nag-iba ang porsyento ng

diskriminasyon, mas nangibabaw ang sa relihiyong Jews. Naipapakita na ang

pagkakaroon ng ibang relihiyon sa United States ay madalas na nagreresulta ng

diskriminasyon. Ang paglalagay ng pagsasambahan sa ibang lugar ng partikular na

relihiyon ay ipinagbabawal sa iba't ibang bansa. Mas kapansin-pansin na mataas

ang kawalan ng trabaho sa mga US citizen na may relihiyong Jew at Muslim.


Tinalakay ni Taylor at Francis Group, LLC (2012) ang sinusuri ng

kasalukuyang pag-aaral ang napansin na diskriminasyon na kinakaharap ng mga

Relihiyosong Nones. Matapos makilala ang pagitan ng mga Ateyista, Agnostiko, at

Nones na Deists o Theists, ang data ng kinatawan ng pambansa mula sa 2008

American Religious Identification Survey (ARIS). Pinag-aralan nila ang mga

konteksto kung saan ang iba't ibang mga uri ng mga Relihiyosong Nones ay naiulat

na nakakaranas ng diskriminasyon. Ang pinakamalakas na taga hula ng naturang

diskriminasyon ay hindi Teolohikal na Ateyismo o Agnosticism, ngunit ang pagkilala

sa sarili bilang isang Ateyista o Agnostiko kapag tinanong kung ano ang relihiyon.

Ang mga mahuhulaan sa konteksto ng diskriminasyon ay edad, rehiyon ng bansa,

kanayunan kumpara sa lokasyon ng lunsod, pagkilala sa relihiyon ng mga

magulang, tagumpay sa edukasyon, etniko at lahi. Ang mga resulta ay naaayon sa

pagtingin na ang mga taong may higit na binibigkas na mga pananaw ay mas

malamang na mag-ulat ng diskriminasyon

Ayon sa ginawa nina Chuah, Gächter, Hoffmann, at Tan (2016),

ipinapanukala nila na ang relihiyon ay nakakaapekto sa tiwala at pagiging tapat sa

mga paraan na nakasalalay sa kung paano ang mga indibidwal ay nakikilala at

nakakonekta. Ang pagka mahinahon at kaakibat ng relihiyon ay maaaring magsilbing

mga daan para sa diskriminasyon. Karagdagan, ang pakikipag-ugnay sa parehong

relihiyon ay maaaring mapahusay ang pagkakakilanlan ng grupo, o kaakibat na hindi

pagsasaalang-alang ng kredo ay maaaring magpahiram ng pagkakakilanlan sa

lipunan, at sa gayo’y mapupuksa ang diskriminasyon na batay sa panlasa. Ang

pagkabahala ay maaari ring nauugnay sa pangkalahatang pagkiling. Sinubukan nila


ang mga hypotheses sa buong tatlong magkakaibang kultura sa mga bansa.

Nalaman nila na ang pagkakatulad ng interpersonal sa religiosity at ugnayan ay

nagtataguyod ng tiwala sa pamamagitan ng mga paniniwala ng katumbas.

Naniniwala rin ang mga kalahok ng relihiyon na ang mga kabilang sa ilang

pananampalataya ay mapagkakatiwalaan, ngunit ang pamumuhunan ay higit na

pinagkakatiwalaan lamang sa parehong relihiyon — ang relihiyoso ay nagpapalakas

ng epekto na ito. Sa buong mga di-relihiyosong mga kategorya, samantalang mas

maraming mga kalahok sa relihiyon ang mas handang mag-diskriminasyon, mas

kaunting mga kalahok sa relihiyon ang malamang na magpakita ng mga pangkat ng

pangkat.

Ayon kina Ameline , Ndobo, and Roussiau (2019), ang kanilang pag aaral ay

tumutugon sa layunin na epekto ng pag tingin sa diskriminasyon sa relihiyon. Ito ay

tumutukoy sa mga balita tungkol sa diskriminasyon at iba’t ibang uri ng media na

nag babase sa iisang layunin. Ito din ay tumutugon sa pag kilala bilang isang ​coping

mechanism.​ Kinukumpirma nito ang pag kilala ng hiwalay na mga grupo para sa pag

ganap sa isang importanteng parte upang may sapat na moderasyon sa mga

indirektong ugnayan sa mga kinikilalang ​religious discrimination sa balita at media

upang mabawasan ang ​stress at pressure​.

Ang epekto ng relihiyon sa ating panahon ay ang regular na pag bibigay ng

oras ay na dederekta sa pag uunlad ng kalusugan, pag aayos ng sari-sariling

pamilya at pagtitibay ng mga kasal pati na rin ang maayos na pag laki ng mga anak.

Ang pag samba din ay nakikita din na tumuturo sa pag iwas ng mga aksidente sa
mga kaso na tulad ng ​domestic abuse​, at paggamit ng mga pinag babawal na gamot

(Marripedia, 2017)

Banyagang Pag-aaral

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa nina Syed, Ngunjiri, Klarsfeld at Hartel

para sa kanilang librong Religious Diversity in the Workplace (2017), nakasaad na

ang pagkakaroon ng ibat ibang relihiyon sa isang trabaho ay isang pribadong bagay

na binibigyan ng kakaunti o kaya naman ay walang konsiderasyon. Ngayon, dahil sa

muling pagkakaroon ng ibat- ibang relihiyon at paniniwala, naging mas mahirap para

sa mga kompanya at mga taga-gawa ng batas. ​Ang mga empleyadong galing sa

ibang grupo ay madalas nakakapagbibigay ng kakaibang kaisipan at kaugalian. Ang

mga taong nakasalamuha na ng ganito ay madalas hindi na nahihirapan sa mga

sitwasyon kung saan naiiba ang kaugalian sa kanyang nakasanayan sapagkat

nakakaya na niyang intindihin ito. Dahil dito, nagkakaroon ng kalamangan ang isang

organisasyon o kompanya sapagkat alam na nila kung paano maging sensitibo sa

mga paniniwala at kaugalian ng mga kliyente. Natuto ang mga tao sa kahalagahan

ng pagkakaroon ng ibat- ibang relihiyon, kung paano ito iintindihin at rerespetuhin at

higit sa lahat, kung paano mapananatiling patas ang mga bagay sa loob ng isang

kompanya, bansa at sa buong mundo.


Tinalakay ni Chuhang (2019) ang pangmatagalang epekto ng pagkakaroon

ng iba't ibang relihiyon sa mga komunidad. Ayon sa kanyang pag-aaral, ang iba't

ibang relihiyon ay mayroong sariling politikal at kultural na paniniwala. Ito ay

nagdudulot ng diskriminasyon at hindi pagkaka-intindihan ng mga indibiduwal sa

komunidad. Nakita din niya na ang relihiyon ay may epekto sa pakikitungo ng mga

miyembro ng komunidad sa isa't isa. Ang mga Katoliko ay mas pinipili na makisama

sa kapwa Katoliko, ganun din ang mga Protestante sa kapwa Protestante.

Ayon sa isang pag aaral sa syudad ng New York City nina Lee, Matzkin at

Arthur (2004), sa isang paaralan sa New York City, na ang mga tao na

pangkaraniwan ay mga estudyante ay mas nararamdaman nila na kabilang sila sa

mga kaibigan nilang halos pareho nila ng relihiyon. Karamihan ng estudyante ay

maginhawa na ipinapapakita ang totoong sila o normal lamang sa paglalahad kung

ano man ang kanilang relihiyon. Sila ay nagsagawa ng ilang ulit na surbey at

nakatuklas ng ibat ibang resulta dito, maraming relihiyon sa kanilang paaralan kaya

sila ay nagkaroon ng iba’t ibang pagkakatuto sa bawat isa dito ngunit ang kanilang

naging pinaka resulta dito ukol sa kanilang paaralan ay ang mga estudyante ay mas

maginhawa lang na maghayag ng kanilang nararamdaman sa mga taong ka-ugali at

katulad nila dahil sa tingin nila ay mas maiintindihan sila nito.

Ayon sa pag-aaral ng Pew Research Center (2016), maapektuhan ng

relihiyon ang educational attainment ng mga estudyante. Nakasaad na ang mga iba’t

ibang relihiyon ay nakaimpluwensiya sa kasalukuyang edukasyon. Maaring hindi


tugma sa relihiyon ang trabaho na gustong kunin ng isang estudyante sa kanyang

pagtatapos. May mga batas ang kanyang nagustuhan na kunin sapagkat ito ay hindi

pwede sa kanilang relihiyon o paniniwala.

Ang pag-aaral nina Amaliyah, Anwar, at Nuqul (2017), ay tungkol sa epekto

ng pagkakaiba ng relihiyon sa akademikong pagganap ng mga estudyante. Ayon sa

pag-aaral, ang mga estudyante ay mas nagiging aktibo sa akademiko kapag may ka

parehas sila na relihiyon. Ngunit kapag ang estudyante ay walang katulad ay

madalas na nagkakaroon ng diskriminasyon sa isang klase na nagsisilbi ng

pagkawala ng kahalingan sa edukasyon.

Kabanata 3

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa

pag-aaral. Nakapaloob dito ang disenyo ng pananaliksik, lugar kung saan isinagawa

ang pag-aaral, instrumentong ginamit sa pag-aaral, at mga hakbang sa paglikom ng

datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng isang sarbey, na magsisilbing paraan

upang malaman at makakuha ng impormasiyon tungkol sa kalagayan at epekto ng


iba’t ibang relihiyon sa isang silid aralan sa mga estudyante ng ​Senior High School

ng ​Our Lady of Fatima University.​

Instrumentong Pananaliksik

Sarbey-Kwestyuner:

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng istrumentong ito sa pagkuha ng

impormasyon. Ang sarbey-kwestyuner ay naglalaman ng mga katanungan na

masasagot ng oo, neutral o hindi. Ang pagkukuhanan ng mga sagot ay mga

respondente na may kaugnay tungkol sa iba’t ibang relihyon. Sinasagot nito ang

mga katanungan ng mga mananaliksik ukol sa kalagayan at epekto sa relasyon ng

mga ​Senior High School na may iba’t ibang relihiyon. Kung ang mga respondente ay

natapos na sagutan ang kwestyuner ay agad na isinasagawa ang pagkuha ng mga

datos. Pagkatapos ay ang paggawa naman ng graph base sa mga sagot ng mga

SHS

Mga Respondente

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay binubuo ng 60 ​Senior High School ​na

estudyante na nag-aaral sa ​Our Lady of Fatima University.​ Ang mga respondente na

pipiliin ay magmumula sa lahat ng ​strand​ ng ​Senior High School.

Pangangalap ng Datos

Unang hakbang na ginawa ng mga mananaliksik ay ang paghanda ng

kwestyuner na ibibigay sa mga respondente upang masagutan. Ang mga

mananaliksik ay naghanap ng respondente na magsasagot ng kwestyuner. Ang mga


respondenteng ito ay nagbigay ng kanilang permiso upang gamitin ang kanilang

mga sagot sa pag-aaral. Pagkatapos sagutan ang kwestyuner, inisa-isa ng mga

mananaliksik ang mga kwestyuner at binilang at pinag-isa ang mga

magkakaparehong sagot kada tanong. Kinuha ng mga mananaliksik ang porsyento

ng magkakaparehong sagot sa kada tanong. Ito ay ang magiging basehan ng buod

at konklusyon ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral. Sa paraang ito,

makukuha ng mga mananaliksik ang kalagayan at epekto ng iba’t ibang relihiyon at

paniniwala ng mga estudyanteng ​Senior High School ​ng ​Our Lady of Fatima

University.
Kabanata IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Binubuo ito ng mga resultang nakuha ng mga mananaliksik mula sa sarbey

kwestyuner na sinagutan ng mga mag-aaral na ​Senior High School s​ a Unibersidad

ng Fatima.

Propayl ng mga Estudyante

Talahanayan Blg. 1

Edad ng mga Respondente

Edad Bilang Bahagdan

18 10 16.6%

17 32 53.4%

16 18 30%

Kabuuan 60 100%

Sa animnapung (60) respondente ng pananaliksik, labing-anim na

porsyento(16.6%) na may bilang na sampu (10) ang nasa edad na 18, limampu’t

walong porsyento (53.4%) na may bilang na tatlumpu’t dalawa (32) ang nasa edad
na 17, tatlumpung porsyento (30%) na may bilang na labingwalo (18) ang nasa edad

na 16.

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, nasa edad ng labimpito (17)

ang mayroon na pinaka maraming sumagot sa sarbey kwestyuner.

Talahanayan Blg. 2

Akademikong Strand ng mga Respondente

Strand Bilang Bahagdan

STEM 28 46.6%

HUMSS 6 10%

GAS 12 20%

ABM 14 23.4%

Kabuuan 60 100%

Sa animnapung (60) respondente sa pananaliksik, apatnapu’t anim na

porsyento (46.6%) na may bilang na dalawampu’t walo (28) ang kabilang sa

akademikong strand na ​STEM​, sampung porsyento (10%) na may bilang na anim (6)

​ alawampung porsyento (20%) na


ang kabilang sa akademikong strand na ​HUMSS, d

may bilang na labindalawa (12) ang kabilang sa akademikong strand na GAS at


dalawampu’t tatlong porsyento (23.4%) na may bilang na labing-apat (14) ang

kabilang sa akademikong strand na ​ABM​.

Ayon sa datos na nakuha ng mga mananaliksik, ang akademikong strand na

STEM​ ang may pinakamaraming sumagot sa sarbey kwestyuner.

Talahanayan Blg. 3

Relihiyon ng mga Respondente

Relihiyon Bilang Bahagdan

Catholic 41 68.3%

Christian 11 18.3%

Iglesia Ni Cristo 6 10%

Atheist 1 1.7%

Islam 1 1.7%

Kabuuan 60 100%

Sa animnapung (60) respondente sa pananaliksik, animnapu’t walong

porsyento (68.3%) na may bilang na apatnapu’t isa (41) ang may relihiyon na
Catholic,​ labingwalong porsyento (18.3%) na may bilang na labing-isa (11) ang may

relihiyon na Christian​, sampung porsyento (10%) na may bilang na anim (6) ang may

relihiyon na Iglesia Ni Cristo, i​ sang porsyento (1.7%) na may bilang na isa (1) ang

nabibilang sa ​Atheist at isang porsyento (1.7%) na may bilang na isa (1) ang may

relihiyon na​ Islam​.

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, ang relihiyon na ​Catholic

ang may pinakamaraming sumagot sa sarbey kwestyuner.


Graph Blg. 1

Interpretasyon

​Ayon sa ​graph,​ tatlumpu't tatlong porsyento (33.3%) o labingdalawang katao

(20) ang sumagot ng oo, na maaring maging dahilan nang diskriminasyon ang

pagkakaroon ng ibat-ibang relihiyon. Walong porsyento (8.3%) o limang katao (5)

ang hindi sigurado. Samantalang, limampu’t walong porsyento naman (58.4%) o

tatlumpu't tatlong katao (35) ang hindi sumasang-ayon na maaring maging dahilan

ng diskriminasyon ang pagkakaroon ng Iba't-ibang relihiyon

Analisis

​Hindi maaaring maging dahilan ang pagkakaiba-iba ng relihiyon ayon kay

Roxean Padesas, isang Katoliko (15). Kung itinuturing ng mga tao na dahilan ang

pagkakaroon ng iba’t ibang relihiyon sa pagkakaroon ng diskriminasyon, dapat itong

bigyan ng pansin. Dapat na lang na ipagsantabi ang relihiyon, upang hindi

magkaroon ng diskriminasyon.
Graph Blg. 2

Interpretasyon

Batay sa ​graph na ito, tatlumpung porsyento (30%) o labingwalo (18) na katao

ang tumugon na nakaranas na sila ng pagkakaroon ng alitan sa isang tao na hindi

nila kapareho ng relihiyon. Habang, dalawampu’t tatlong porsyento (23.4%) o

labing-apat (14) na katao naman ang hindi sigurado. Apatnapu’t anim (46.6%) o

dalawampu’t walong (28) katao ang tumugon ng hindi.

Analisis

Ayon kay Yeinah Concepcion (17), isang Katoliko, hindi pa nakakaranas ng

alitan sa ibang tao na hindi niya kapareho ng relihiyon. Dahil ito sa pagkakaroon niya

ng respeto sa relihiyon at pananaw ng ibang tao.


Graph Blg. 3

Interpretasyon

Ayon sa ​graph na ito, dalawamput tatlo na porsyento (23.4%) o labing apat na

katao (14) ang sumagot na nakakaapekto ang iba't-ibang relihiyon sa pagkakaroon

ng kaibigan. Sampung porsyento naman (10%) o anim na katao (6) ang sumagot ng

hindi tiyak o hindi sigurado. Samantala, animnapu’t anim na porsyento (66.6%) o

apatnapu na katao (40) ang sumagot ng hindi ito nakakaapekto.

Analisis

Hindi dapat maging hadlang ang pagkakaroon ng ibang relihiyon sa

pagkakaibigan ayon kay Angelika Sawit (16). Hindi nakabase ang pagkakaibigan sa

relihiyon. Kahit na iba-iba ang paniniwala ng isang grupo ng kaibigan, hindi dapat ito

makaapekto at maging hadlang sa kanilang relasyon.


Graph Blg. 4

Interpretasyon

Nakasaad sa ​graph na ito, sampung porsyento (10%) o anim (6) na katao ang

sumagot na tunay na nakakaapekto ang relihiyon pagdating sa kanilang

pakikisalamuha sa ibang tao. Habang, dalawampu’t anim na porsyento (26.6%) o

labing-anim (16) na katao ang sumagot ng hindi tiyak. Animnapu’t tatlong porsyento

(63.4%) o tatlumpu’t walo (38) na katao ang sumagot ng hindi.

Analisis

​Hindi daw nakakaapekto ang pakikisalamuha sa ibang tao ang kanyang

reliihiyon ayon sa isang respondente. Hindi dapat maging hadlang ang relihiyon sa

pakikisalamuha ng mga tao sa isa’t isa. Kahit na iba-iba ang relihiyon ng mga tao,

hindi dapat ito maging hadlang sa pakikitungo sa isa’t isa.


Graph Blg. 5

Interpretasyon

Ayon sa ​graph​ na ito, dalawampu’t isang porsyento (21.7%) o labintatlo (13)

na katao ang tumugon na nakakaapekto ang relihiyon sa kanilang pagkatao.

Dalawampung porsyento (20%) naman o labindalawa (12) na katao ang sumagot ng

hindi sigurado. Habang, limampu’t walong porsyento (58.3%) o tatlumpu’t lima (35)

na katao ang tumugon na hindi ito nakakaapekto sa pagkatao.

Analisis

Ayon kay Kriscel Nucum, isang ​INC​ (18), hindi ito nakakaapekto dahil kahit na

may mga kautusan ang isang relihiyon ay hindi iyon batayan kung ano yung

pag-uugali mo. Hindi lamang sa relihiyon ang batayan sa pagkatao sapagkat

madami pa itong pwedeng pagmulan katulad nalamang sa kapaligaran at

nakasanayan ng isang tao.


Graph Blg. 6

Interpretasyon

Batay sa ​graph na ito, dalawampu’t limang porsyento (25%) o labinlima (15)

na katao ang sumagot na nakaranas sila ng diskriminasyon dahil sa kanilang

relihiyon. Samantalang, dalawampu’t limang porsyento (25%) o labinlima (15) na

katao ang sumagot naman ng hindi sigurado. Limampung porsyento (50%) o

tatlumpung (30) katao ang sumagot ng hindi.

Analisis

​Ayon kay Ezra Cruz, isang ​Christian (16), nakaranas na siya na siya ng

diskriminasyon. Ito ay dahil sa pagsusuot niya ng mahahabang palda, tinatawag siya

na madre.Sinasabihan siya na palaging mahaba ang kanyang suot.


Graph Blg. 7

Interpretasyon

Nakasaad sa ​graph na ito, animnapu’t anim na porsyento (66.6%) o apatnapu

(40) na katao ang iba-iba ang mga relihiyon sa grupo ng kaibigan na kanilang

kinabibilangan. Habang, dalawampung porsyento (20%) o labindalawa (12) na katao

ang tumugon ng hindi tiyak. Labintatlong porsyento (13.4%) o walong katao naman

ang sumagot ng hindi.

Analisis

Ayon kay Patricia Labrador (18), iba-iba sila ng relihiyon. Siya mismo ay isang

Katoliko. Ayon sa kanya, hindi naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan dahil

mayroon silang respeto sa kung saang relihiyon sila kabilang.


Graph Blg. 8

Interpretasyon

Makikita sa graph na ito na labing isang porsyento (11.7%) o pitong (7) katao

ang sumagot na mahirap pakitunguhan ang mga taong relihiyoso. Samantala

tatlumpung porsyento (30%) o labing walo na respondente (18) ang sumagot ng

neutral o hindi sila sigurado. May limampu’t walong porsyento (58.3%) o tatlumpu’t

limang katao ang sumagot ng hindi.

Analisis

​Hindi mahirap pakitunguhan ang mga taong relihiyoso ayon kay Marcela

Manuel (16), na isang Muslim. Ito ay dahil karamihan sa kanila ay may sariling

paniniwala na hindi kayang tumanggap ng opinyon ng iba.


Graph Blg. 9

Interpretasyon

Ayon sa graph na ito, walang (0) sumangayon na magkaroon ng sariling

paaralan ang iba’t ibang relihiyon sa ating bansa. Samantalang, dalawampu’t walo

(28.3%) o labimpitong (17) katao ang sumagot ng hindi tiyak o sigurado. Pitumpu’t

isang porsyento (71.7%) o apatnapu’t tatlong katao ang sumagot ng hindi.

Analisis

Ayon kay Ian Lloyd Montuya (19) na isang Katoliko, hindi siya sang-ayon dito.

Ito ay dahil sa kadahilanang iisa lang ang lahat ng tao. Hindi dapat maging basehan

ang relihiyon upang magkaroon ng pagkakaiba-iba. Ang edukasyon ay para sa lahat

ng tao.
Graph Blg. 10

Interpretasyon

Ipinapakita ng ​graph ​na ito, apatnapu’t limang porsyento (45%) o dalawampu’t

pitong katao (27) ang sumagot na hindi dapat magkaroon ng ibang opinyon sa ibang

tao base sa kanilang relihiyon. Tatlumpung porsyento (30%) o labing walong katao

(18) ang nagsabi na hindi silang sigurado, at dalawampu’t limang porsyento (25%) o

labing limang katao (15) ang nagsabi ng oo.

Analisis

Hindi dapat magkaroon ng ibang opinyon sa ibang tao dahil lang sa kanilang

relihiyon ayon kay Abby Tungpalan (16). Hindi kailangan ng ibang opinyon sa ibang

tao base sa kanilang relihiyon, dahil hindi naman ito bumubuo sa buong

personalidad ng tao.
Graph Blg. 11

Interpretasyon

​ a ito, sampung porsyento (10%) o anim (6) na katao ang


Ayon sa ​graph n

sumang ayon na nararapat na tanggihan ng ibang tao ang paniniwala ng isang tao

sa kadahilanan na ito ay naiiba. Samantala, dalawampu’t tatlo na porsyento (23.4%)

o labing-apat (14) na katao ang sumagot ng hindi tiyak o sigurado. Animnapu’t anim

na porsyento (66.6%) naman o apatnapung (40) katao ang sumagot ng hindi.

Analisis

Hindi dapat tanggihan ng ibang tao ang paniniwala ng iba kundi dapat nila

itong respetuhin dahil sila din naman ay may sariling paniniwala, ayon kay Kriscel

Nucum, isang ​INC​ (18).


Graph Blg. 12

Interpretasyon

Isinasaad ng graph na ito, sampung porsyento (10%) o anim (6) na katao ang

sumangayon na magiging hadlang ang relihiyon sa pakikitungo ng indibidwal sa

ibang tao. Samantalang, walang (0) sumagot ng neutral o hindi sigurado.

Siyamnapung porsyento (90%) o limampu’t apat (54) na katao ang sumagot ng

hindi.

Analisis

Ayon sa isang respondente, hindi dapat maging hadlang ang relihiyon sa

pakikitungo sa ibang tao. Ang relihiyon ay nabuo upang magkaroon ng

pagkakaisa-isa. Kung ang mga tao ay may iba’t ibang paniniwala, hindi dapat ito

maging dahilan upang mawala ang respeto sa ating kapwa.


Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

5.1 LAGOM

● 33.3% ang sumagot ng oo, 8.3% ang sumagot ng di-sigurado, at 58.4% ang

sumagot ng hindi.

● 30% ang sumagot ng oo, 23.4% ang sumagot ng di-sigurado, at 46.6% ang

nagsabi ng hindi.

● 23.4% ang sumagot ng oo, 10% ang sumagot ng di-sigurado, at 66.6% ang

nagsabi ng hindi.

● 10% ang sumagot ng oo, 26.6% ang sumagot ng di-sigurado, at 63.4% ang

nagsabi ng hindi.

● 25% ang sumagot ng oo, 25% ang sumagot ng di-sigurado, at 50% ang

nagsabi ng hindi.

● 21.7% ang sumagot ng oo, 20% ang sumagot ng di-sigurado, at 58.3% ang

nagsabi ng hindi.

● 66.6% ang sumagot ng oo, 20% ang sumagot ng di-sigurado, at 13.4% ang

nagsabi ng hindi.

● 11.7% ang sumagot ng oo, 30% ang sumagot ng di-sigurado, at 58.3% ang

nagsabi ng hindi.

● 0% ang sumagot ng oo, 28.3% ang sumagot ng di-sigurado, at 71.7% ang

nagsabi ng hindi.

● 25% ang sumagot ng oo, 30% ang sumagot ng di-sigurado, at 45% ang

nagsabi ng hindi.
● 10% ang sumagot ng oo, 23.4% ang sumagot ng di-sigurado, at 66.6% ang

nagsabi ng hindi.

● 10% ang sumagot ng oo, 0% ang sumagot ng di-sigurado, at 90% ang

nagsabi ng hindi.

5.2 KONKLUSYON

Base sa mga nakuhang resulta mula sa nagawang serbey, narito ang

nabuong konklusyon ng mga mananaliksik:

1) Iba't iba ang relihiyong maaaring makita sa loob ng isang silid aralan

ng Our Lady of Fatima University Quezon City. Karamihan dito ay ang

mga Katoliko na siyang dominenteng relihiyon sa Pilipinas, mayroon

ding mga Muslim, Kristiyano, at mga Born Again. Hindi lang iyon,

makikita rin dito ang ilang mga estudyanteng tinatawag na ​atheist o

mga taong hindi naniniwala sa Panginoon.

2) Ang pagkakaiba-iba ng relihiyon ay paminsan-minsang nakakaapekto

sa pag aaral ng mga estudyante. Halimbawa ay sa mga Born Again,

hindi sila maaaring magsuot ng mga maikli at masyadong nagpapakita

ng balat na mga damit. Dahil dito, sa mga pagtatanghal ay maaaring

mahirapan ang klase sa pagpili ng maaaring sootin.

3) Hindi hadlang ang pagkakaiba iba ng relihiyon sa silid-aralan. Ang

relihiyon ay nabuo para magkaisa ang mga tao kung may….

Maraming positibo at negatibong epekto ang pagkakaroon ng Iba't

ibang relihiyon sa isang klase, isa sa mga positibong nangyayari dito

ay bilang isang estudyante na may malayong relihiyon sa iyong


kapuwa estudyante ay mas higit na nirerespeto mo ito dahil ikaw ay

maaring hindi sigurado at walang alam sa relihiyon ng iyong kasama

kung maari ka bang makasakit o hindi. Isa pa rito ang pagkakaroon ng

mas malawak na kaalaman sa pagkakaiba ng relihiyon sa

pamamagitan ng pagbabahagi ng mga ito sa silid- aralan. Ang

halimbawa naman sa mga negatibong epekto nito ay maaring sensitibo

ang isang indibiwal na naiiba ang relihiyon sa klase upang siya ay

maging emosyonal agad sa mga simpleng biruan at iba pa, higit pa dito

merong mga indibidwal din na hindi marunong rumespeto ng relihiyon

ng iba na nauuwi sa diskriminasyon. Maging ang pagkakaroon ng

diskriminasyon sapagkat maari nilang ituring na iba o 'di kasali sa

kanilang pangkat ang may ibang relihiyon.

5.3 REKOMENDASYON

Mula sa nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pag sarbey, ito

ang mga nabuong rekomendasyon:

1) Sa mga mag-aaral, kung maaari sana ay magkaroon na sila ng malawak na

pag-intindi at pag-unawa. Hindi dapat maging dahilan ang pagkakaiba ng

relihiyon at pinaniniwalaan, at maging sanhi ito ng karahasan at

diskriminasyon. Kung maaari lamang ay magkaroon sila ng disiplina sa sarili

at respeto sa iba kahit ano pa man ito. Ang pagkakaroon ng respeto ay

magbubunga nang maayos at pantay na pagtingin sa bawat isa, iba-iba man

ang relihiyon.
2) Para sa mga guro, ang relihiyon ay isang bagay na dapat binibigyang pansin

at konsiderasyon sa loob ng isang silid aralan o paaralan dahil ito ay isang

bagay na hindi basta basta maalis sa katauhan ng isang tao. Pag-unawa at

pag-intindi sa pagkakaroon ng pagkakaiba sa buhay ng isang bata. Bilang

guro, marapat na isa sila sa mag bigay kabuluhan at katuturan sa relihiyon na

tintaglay ng isang katauhan para mabuksan ang kanilang mga mata sa

pagyakap ng sarili nilang pagkatao.

3) Para din ito sa mga mananaliksik, magsagawa ng paraan upang malaman

ang kalagayan at epekto ng pagkakaroon ng iba’t ibang relihiyon. Katulad na

lamang ng pagkakaroon ng malalim at maayos na pananaliksik, pagbasa ng

mga libro na may kaugnayan sa pananaliksik, pagpapanood ng

dokyumentaryo na may kaugnay sa pagkakaiba ng relihiyon, pagsasagawa

ng sarbey o interbyu, at pag-aaral sa mga pananaw o kautusan ng iba’t ibang

relihiyon. Habang, para sa mga susunod na mananaliksik, makakatulong ito

sa paraan na magiging batayan ito sa paggawa ng kanilang pananaliksik at

maaring makatulong ito sa pamamagitan ng pagdagdag sa kanilang

kaalaman kung tungkol sa kalagayan at epekto ng iba’t ibang relihiyon at

pananaw ang kanilang gagawing pag-aaral o pananaliksik.

You might also like