You are on page 1of 19

EPEKTO NG DISKRIMINASYON AT PAMBUBULAS SA KALUSUGANG

PANGKAISIPAN AT PANG EMOSYONAL NG MGA MAG-AARAL SA IKA SAMPUNG


BAITANG NG LALA NATIONAL HIGHSCHOOL

Isang Pananaliksik Bilang Pagpapatupad at Pangangailangan sa Asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Senior High School Department Lala National High School
Maranding, Lanao Del Norte

Nina

Bagiuo, Josh

Cawasa, Al-Rasheed D.

Canillas, Meccah B.

Cantalejo, Khean Jean M.

Magallanes, Mary Claire

Suminguit, Erica M.
TSAPTER 1

INTRODUKSYON

Sa nagdaang mga panahon, laganap na ang diskriminasyon at pambubulas sa

kahit saan mang panig ng mundo, lalong-lalo na sa ating bansa. Sa kasalukuyan,

lumaganap pa rin ito at mas lalong lumalala. Isa ang paaralan sa lugar kung saan

talamak ang diskriminsayon at pambubulas, sa kasamaang palad ito ay kadalasan

nararanasan ng mga mag-aaral. Ilan sa mga kadahilanan nito ay ang relihiyon,

kasarian, katayuan sa buhay, kulay ng balat, pisikal na abilidad, atbp. Naging parte

na ng buhay natin ang mga ito, kung kaya’t lahat tayo ay minsan na ring nakarasan

nito.

Ang diskriminasyon ay ang pagtatrato sa isang tao ng masama dahil sa kanilang

lahi, kapansanan, kasarian o iba pang pampersonal na mga katangian. Hindi

makakailang mahirap itong iwasan, lalo pa’t ang mundo na ating ginagalawan ay

napupuno ng mapanghusgang mga tao. Ayon pa kay Mahatma Gandhi, “Ang

diskriminasyon sa isang tao ay diskriminasyon laban sa lahat”, ang diskriminasyon ay

maaaring magpatama rin sa mahigit sa isang tao, o isang grupo. Nabanggit ding may

uri ng diskriminasyon, isa na rito ang Direktang diskriminasyon,

Ang direktang diskriminasyon ay nangangahulugan na pagtatrato sa isang tao

nang naiiba dahil sa palagay mo siya ay naiiba sa iyo. Ito ang uri ng diskriminasyon

na kadalasang nararasanan ng mga estudyante. Natatrato ng ibang mag-aaral ang

kapwa nila mag-aaral ng hindi patas o di-maganda sa kadahilanang magkaiba sila ng

katayuan sa buhay, kasarian, kakayahan, atbp. Sa makatuwid, maaaring mag iba ang

pagtingin ng isang mag-aaral sa kanyang sarili dahil sa diskriminasyong naranasan.

Sa kabila ng pagkakaroon ng batas na "Anti-Discrimination Bill”, ay hindi naman ito

alam ng lahat, iilan lamang ang may alam nito at iilan lamang din ang mga mag aaral

na nakakaalam ng batas na ito.


Samantala’y danas man ang diskriminasyon, ay hindi lamang ito ang nararanasan

ng mga mag aaral sa paaralan. Isa na rin ang pambubulas sa lumalaganap ngayong

kasalukuyan. Ang pambubulas ay ang paggamit ng kapangyarihan, posisyon, o

impluwensya upang mang-api, manakit, o gawing masama ang isang tao o grupo ng

mga tao. Ito ay hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aapi kundi maaari rin itong

magpakita sa iba't ibang anyo tulad ng pangungutya, panglalait, at pagbibigay ng

hindi makatarungang pagtrato. Maraming uri ng pambubulas ang danas ng mga mag

aaral. Ito ay ang mga sumusunod; pasalitang pambubulas, sosyal o relasyon na

pambubulas, at pisikal na pambubulas, pambubulas sa emosyonal na anyo, at

pambubulas sa cyber.

Ang pasalitang pambubulas ay pagsasalita o pagsusulat ng masasamang salita

laban sa isang tao, gaya ng panunukso, pang-aasar, pang-mumura, pamamahiya,

pang-iinsulto, pangangantyaw at pangungutya. Ang sosyal o relasyon na pambubulas

naman ay may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang

tao, ilan na rito ang panghihikayat sa ibang mag aaral na huwag makipagkaibigan sa

isang partikular na indibidwal o pangkat, pagkakalat ng tsismis na magpapahiya sa

isang tao sa harap ng nakararami at hindi pagtanggap sa isang tao o sadyang pag-

iiwan sa kaniya sa maraming pagkakataon, habang ang pisikal na pambubulas

naman ay pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang

mga pag-aari, ang halimbawa nito ay panununtok, paninipa, pananampal,

pangungurot, at iba pang pisikal na pananakit sa isang tao, pambubulas sa

emosyonal na anyo ay kadalasang nagaganap sa pamamagitan ng pangungutya,

panglalait, o pagtanggi sa pagtanggap at ang panghuli ay pambubulas sa cyber, ito ay

kadalasang nagaganap sa pamamagitan ng social media, email , facebook at iba pang

mga social media platforms. Magkaiba-iba man ang mga uri ng pambubulas na

nabanggit, parehas lamang ang nadudulot ng mga ito,


Alam ng karamihan ang batas na nagbabawal ng pambubulas (Republic Act 10627

o Anti-Bullying Act of 2013), ngunit sa kasamaang palad ay marami parin ang

nakararanas nito. Batay sa sarbey ng Philippine Star Ngayon, natatayang nasa

mahigit 17.5 milyong estudyante nabu-bully sa paaralan. Sa pagdinig ng Senate

Committee on basic education, ibinuyag din ni Senador Sherwin Gatchalian,

chairman ng komite ang nakakabahalang istatistika kung saan isa ang Pilipinas sa

mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga kaso ng pambubulas sa mga

estudyante. Ikinagulat din ni Gatchalian ang nakuhang datos mula sa Program for

International Student Assessment (PISA) kung saan lumalabas na mahigit sa 17.5

milyong estudyante sa bansa ang nakakaranas ng pambu-bully na kinumpirma rin ng

Child Protection Network Foundation (CPNF) sa naturang pagdinig. Nakakabahala ang

kinalabasan ng porsyento kung kaya’t labis itong nakaka alarma.

Sa pagwawakas, ang layunin naming mga mananaliksik ay malaman ang mga

epekto ng diskriminasyon at pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-

emosyonal ng mga mag-aaral sa ika-sampong baitang ng Lala National High School.

Sa pamamagitan nito ay maaari nating malaman ang solusyon o kung paano sugpuin

at mawala ang isyu na ito na hindi lamang napapanahon ngayon ngunit lumaganap

narin sa mga nagdaang henerasyon.


1.1 Paglalahad ng Suliranin

Ang pagtaas ng insidente ng diskriminasyon at pambubulas ay nagdudulot ng

malalim na epekto sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng mga taong

naapektuhan, lalo na sa mga mag-aaral sa paaralan ng Lala National High School.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paglalahad ng epekto ng diskriminasyon at

pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng mga mag-aaral.

Kaugnay nito, ninanais ng mga mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na

katanungan.

1. Ano-ano ang ang epekto ng diskriminasyon at pambubulas sa mga mag-aaral ng

Lala National High School?

2. Paano nakaka-apekto ang diskriminasyon at pambubulas sa kalusugang

pangkaisipan ng mga mag-aaral ng Lala National High School.

3. Paano maaaring maibsan o maiwasan ang epekto ng diskriminasyon at

pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng mga mag-aaral ng

Lala National High School? At ano ang mga potensyal na solusyon o hakbang na

maaaring gawin upang labanan ang diskriminasyon at pambubulas at mapabuti ang

kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng mga naapektuhan?

1.2 Kahalagaan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing gabay sa mga sumusunod:

Guro. Ang pananaliksik na ito ay nakatutulong sa kanila upang mabigyang pansin

ang mga mag-aaral na nakaranas o nakakaranas ng diskriminasyon at pambubulas

nang sa gayon ay makagawa sila ng agarang aksyon at suporta sa mga mag-aaral na

biktima.
Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nakatutulong sa mag-aaral sa pamamagitan

ng pag unawa kung ano ang naidudulot ng diskriminasyon at pambubulas sa

kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal sa kapwa mag-aaral.

Magulang. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaaring mabigyang pansin

ang kanilang mga anak upang mabigyan ng aral patungkol sa epekto ng

diskriminasyon at pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng

mga mag-aaral.

Mananaliksik. Nakatutulong ang pag-aaral na ito sa mga mananaliksik sa

pamamagitan ng pagdiskubre sa epekto ng diskriminasyon at pambubulas sa

kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal na sa buhay ng isang mag-aaral.

1.3 Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral sa ika-sampung

baitang ng Lala National High School. Layunin nitong suriin ang epekto ng

diskriminasyon at pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng

mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga isyung kaugnay ng

diskriminasyon at pambubulas na maaaring makaapekto sa kalusugang pangkaisipan

at pang-emosyonal sa mga mag-aaral.

Maaaring magkaroon ng iba’t ibang epekto ang diskriminasyon at pambubulas sa

mga mag-aaral. Maaaring magdulot ito ng ng mababang pagtititwala sa sarili,

depresyon, anxiety at iba pang mga isyung pangkaisipan at pang-emosyonal.

Mahalaga na malaman ang mga epekto nito upang makahanap ng mga paraan kung

paano ito mababawasan o maiiwasan.


1.4 Depinisyong ng mga Termino

Upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ay binigyang kahulugan

ang mga terminong nabanggit sa pag-aaral.

Direktang Diskriminasyon. Ito ay tahasan o direktang nararanasan mula sa

kasarian, grupo ng mga tao o orginasyon.

Diskriminasyon. Ito ay hindi makatarungang pagtrato sa mga tao dahil sa pagkaiba

ng kanilang mga katangian.

Emosyonal na Kalusugan. Tungkol sa kung ano ang nararamdaman natin tungkol

sa ating sarili, kung paano nating pangangasiwaan ang mahihirap na sitwasyon, at

kung paano natin kinikilala ang ating sarili at damdamin ng ibang tao.

Kalusugan ng Isip. Isang estado ng mental na kagalingan na nagbibigay-daan sa

mga tao na makayanan ang mga stress sa buhay, mapagtanto ang kanilang mga

kakayahan, matuto ng mabuti, magtrabaho nang maayos at mag-ambag sa kanilang

komunidad.

Pambubulas. Ang pang-aapi ng isang tao sa isang tao dahil sa nakita niyang

kapansanan o hindi kanais-nais sa isang tao.

Pasalitang Pambubulas. Isang uri ng pambu-bully kung saan pananalita ang

ginagamit. Halimbawa nito ay ang panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw,

pagmumura, pang-iinsulto, pagpapahiya sa harap ng maraming tao at iba pa.


Pisikal na Pambubulas. Ito ay ang pisikal na pananakit at paninira ng kanyang pag-

aari at dito papasok ang sinasabing panununtok, paninipa, pananampal,

pangungurot at iba pa.

Sosyal o Relasyon na Pambubulas. Isang uri ng pambubulas kung saan ay sinisira

ang reputasyon at pakikitungo sa ibang tao ng mga nabibiktima.

1.5 Batayang Konseptwal

Makikita sa grapiko na ito ang mga kahalagahan ng pag-aaral at epekto ng

diskriminasyon at pambubulas sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng

mga mag-aaral sa ika sampung baitang sa Lala National High School at alamin ang

solusyon na dapat gawin.

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol Awput

Epekto ng diskrimina- Mga piling mag-aaral Inaasahan na ang


syon at pambubulas sa sa ika sampung baitang mananaliksik sa pag-
pang-kalusugang pang sa Lala National High aaral na ito ay
magpa-
kaisipan at School. batid ng kaalaman
pang-emosyonal. gamit ang lahat ng
 Kawalan ng gana platform ng social
na mag-aral. media.
 Nagdudulot ng
pagkabalisa ng mag-
aaral.
 Pagkamuhi ng
mga mag-aaral sa
kanyang sarili
II. Demograpikong
Propayl
 Edad
 Kasarian
 Seksyon

1.6 Batayang Teyoritikal

Ang teoryang “Social Identity” (Tajfel & Turner, 1979) ay naglalahad na ang mga

proseso ng pag-iisip at mga panlipunang kondisyon na nagdudulot ng mga pag-uugali

sa pagitan ng mga pangkat, lalo na ang mga nauugnay sa pagkakaroon ng

diskriminasyon at pambubulas. Ang pagiging biktima ng pambubulas at

diskriminasyon ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng negatibong pananaw sa

sarili ng isang indibidwal. Kung patuloy na naipapakita sa isang mag-aaral na hindi

sya tanggap sa lipunan dahil sa kanyang lahi, relihiyon, kasarian, o iba pang

kadahilanan, maaaring mabawasan ang kanyang pagtitiwala sa kanyang sarili at

pagkakakilanlan. Ito ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng negatibong pananaw

sa sarili at kawalan ng kumpyansa sa sarili.

Isa din ang teoryang “Cognitive Dissonance Theory” (Festinger, 1957) sa may

koneksyon tungkol sa mga diskriminasyon at pambubulas. Ito ay naglalahad ng may

pagpapahiwatig na mayroon tayong panloob na pagnanais na panatilihin ang lahat ng

ating mga saloobin at pag-uugali sa pagpapantay o di-pagpapantay. Kapag ang isang

mag-aaral ay diskriminado o binubully, maaaring magkaroon siya ng kognitibong

dissonance sa pagitan ng kanyang sariling karanasan at ang mga inaasahan na pag-


trato mula sa ibang tao. Ito ay maaaring magdulot ng stress at kawalan ng katiyakan

sa sarili.

TSAPTER 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin

na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na

kaalaman ang mga literature at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo

ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa

bahaging Kahalagaan ng Pag-aaral. Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-

ambag sa napapanahong mga isyu ng Diskriminasyon at Pambubulas.

2.1 Kaugnay ng Pag-aaral

Upang mabigyang liwanag ang mga mambabasa tungkol sa pag-aaral na ito,

mahalagang ilahad sa mga kaugnay na literatura ng makakatulong na malaki sa

pagsusuring gagawin.

Ayon kay Ben Tulfo, ang pambubulas ay pagpapakita ng pagiging dominante ng

isang tao. Nakasaad pa sa isang artikulo ng Wikipedia kaya’t dahil sa lumalalang kaso

ng bullying, nagpasyahan ng DepEd o Department of Education na ang pang-aapi o


pambubulas ay isang uri ng pangaabuso. Ayon din kay Pia Lee Brago (2019) Sa

lumalaking presensiya ng plataporma ng social media sa internet, ang cyber-bullying

ay nagpalawig sa saklaw ng pangbubulas na nakakaapekto sa isa sa bawat 10 bata sa

mundo. Ito ang isiniwalat sa bagong ulat ng United Nations Educational, Scientific

and Cultural Organization (UNESCO) na nagsaad na, sa buong mundo, isa sa tatlong

bata ang nakakaranas ng pangbubulas at ang kahaintulad na bilang ay apektado ng

pisikal na karahasan. Sinasabi sa 2019 UNESCO na naiulat na isa sa tatlong

estudyante sa buong mundo(32%) ang nabibiktima ng pang bubulas ng kapwa nila

mga estudyante sa eskwelahan minsan sa nagdaang buwan. Naitala na ang pang

bubulas sa internet ay mas malawak o mas lumalaki ang isyung ganito kaysa sa

pisikal na pang bubulas. Binanggit sa isang pag-uulat ng Global Kids Study na

lumilitaw na ang 9-17 ang edad ay nagsusumbong ng mga masasakit na salita ay 35%

sa Serbia, 29% sa Pilipinas at 20% sa Africa, at 77% sa 13-17 ang edad sa Argentina.

Lumilitaw din sa datos sa Pilipinas, Argentina, Brazil, Serbia at South Africa na sa

pagitan ng 12% at 22% ng mga bata ay nakakatanggap ng mga mensahe na merong

pang babastos sa mga nagdaang taon.

Batay rin sa pag-aaral ni Jehova (2019), na pinamagatang “Ano ang Gagawin ko

Kapag Binu-bully ako”. Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa kung ano ang magiging

paraan kung paano natin mai-iwasan ang isang nambubully at mga paraan upang

hindi tayo mabully. Ito ay ang mga paraan upang hindi tayo mabully. Ito ay ang mga

sumusunod: huwag mag-react., huwag gumanti. Huwag lumapit sa mga bully,

sumagot sa paraang di-inaasahan ng mam-bully, magpatawa, umalis, magkaroon ng

kompyansa sa sarili at magsumbong.

2.2 Kaugnay ng Literatura


Ang diskriminasyon at pambubulas ay may malalim na epekto sa mga indibidwal

at lipunan. Sa konteksto ng edukasyon, ang diskriminasyon at pang-aabuso ay

maaaring magdulot ng pisikal at emosyonal na pinsala, maging sanhi ng problema sa

kalusugan ng kaisipan, at magresulta sa pagbaba ng antas ng pag-aaral. Ang mga

biktima ng bullying ay maaaring magkaroon ng social anxiety, depression, at iba pang

mga negatibong epekto sa kanilang kalusugan. Hindi lamang ang mga biktima ang

naaapektuhan, pati na rin ang mga nambubully ay maaaring magdanas ng

negatibong epekto sa kanilang sarili. Sa Pilipinas, ang mga estudyanteng LGBT ay isa

sa mga pangunahing biktima ng diskriminasyon at pang-aabuso sa paaralan, na

nagdudulot ng pagbaba ng kanilang kompyansa sa sarili at pagkakaroon ng

negatibong karanasan sa kanilang edukasyon. Ang mga epekto ng diskriminasyon at

pambubulas ay hindi lamang limitado sa indibidwal kundi maaari ring magdulot ng

malawakang impluwensya sa lipunan. Ito ay nagdudulot ng hindi pagkakapantay-

pantay, pagkawala ng tiwala sa sarili, at pagkabigo sa pag-unlad ng isang indibidwal.

Upang labanan ang mga epekto nito, mahalaga ang pagtutulungan ng mga

institusyon, mga magulang, at ang mismong lipunan upang matiyak ang ligtas at

makatarunganong kapaligiran para sa lahat ng mga mag-aaral. (Disability Rights

California,2020).

Ang pambubulas ay di-kanais-nais na pag-uugali na kasangkot ang isang tao na

may mas kakayahan kaysa sa iba. Ang kawalan ng balanse ng kakayahan ay

maaaring talagang umiiral o maaaring pakiramdam ay umiiral ito. Mga halimbawa ng

anyo ng kakayahan na maaaring maging kawalan ng balanse ay kabilang ang pisikal

na lakas, nalalamang isang bagay na nakahihiya tungkol sa isang tao, o katanyagan.

Maaaring gamitin ng bully ang mga anyo ng kakayahan na ito para kontrolin o

pinsalain ang iba. Ang dikanais-nais na pag-uugali ay inuulit o maaaring maulit.

Umiiral ang pangbu-bully sa maraming anyo, tulad ng berbal na pangbu-bully ay

pagsasabi o pagsusulat ng hindi mabuting mga bagay, at maaaring kabilang ang


panunukso, pang-iinsulto, at pagbabanta; pisikal na pangbu-bully ay pananakit sa

katawan o mga pangaari ng tao, at maaaring kabilang ang pagpalo, pagpatid, pagsipa,

pagdura, pagtulak, o pagkuha at pagsira ng mga bagay ng isang tao; panlipunang

pangbu-bully ay pananakit sa repustasyon o mga relasyon sa isang tao. Maaaring

kabilang nito ang pagkakalat ng tsismis, sadyang iniiwan ang isang tao, nanghihingi

ng pera o ari-arian, o nanakot o pinagbabantaan ang isang tao; at cyber-bullying ay

pangbu-bully na nangyayari sa pamamagitan ng mga bagay tulad ng mga cell phone,

computer, o ng Internet. Maaaring kasama nito ang “pagse-send, pagpo-post, o pagse-

share ng nakasasama, hindi totoo, o hindi magandang nilalaman tungkol sa iba pang

tao. (Disability Rights California,2020).

Ibinahagi ni Senator Sherwin Gatchalian, ang nakaupo sa Senate Committee on

Basic Education, ang datos mula sa World Health Organization (WHO) noong 2019 na

nagpapakita na 40.6 porsyento o 4 sa 10 ng mga mag-aaral na may edad na 13

hanggang 17 ay nakaranas ng pambubully sa mga paaralan. Ayon sa mambabatas,

"Ang pambubully ay isang suliranin sa edukasyon at kung nais nating tugunan na

mapabuti ang mga resulta ng mag-aaral sa kanilang pag-aaral, kailangan din nating

tiyakin na ang kapaligiran ng paaralan ay ligtas, maayos, at nagpapakita ng

kumpiyansa para sa ating mga mag-aaral."(Maynigo, 2023) Sa nakuhang datos, lubha

nga na madaming kabataan ang nakararanas ng pambubulas sa mga paaralan, sa

kasamaang apalad ay hindi maganda ang naidudulot nito sa mga kabataan

nakaranas na ayon sa literatura na ito.

Sa isang artikulo naman sa onlayn na pahayagan na "Balita.net", isang bata ang

naiulat na namatay dahil sa pambu-bully ng mga kamag-aral. Ayon dito, napikon

umano ang siyam na taong gulang na bata matapos itong asarin ng 12 kamag-aral

niya at nauwi ito sa matinding pag-aaway laban sa 2 kamag-aral niya sa bakuran ng

paaralan nila sa San Jose, Pili, Camarines Sur. Namaga umano ang braso ng bata
hanggang sa makaramdam ito ng labis na sakit kung kaya't dinala ito sa pagamutan

matapos ang tatlong araw at dito'y nasawi ang bata sa cardiac arrest. (Taboy, 2013)

TSAPTER 3

METODOLOHIYA

Ito ay naglalayong siyasatin ang mga epekto ng diskriminasyon at pambubulas sa

kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal ng mga mag-aaral sa ika sampung

baitang ng Lala National High School, ang pokus ng tsapter na ito ay ipabatid ang

metodolohiya ng pag-aaral na ito at ipaliwanag ang ang mga paraan sa pagkuha ng

datos at ipaliwanag ng mga daan sa pagkuha ng mga datos.

3.1 Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa epekto ng diskriminasyon at pambubulas

sa kalusugang pangkaisipan at pang-emosyonal sa ika sampung baitang ng Lala

National High School. Ang pananaliksik ding ito ay gagamit ng deskriptibong

metodolohiya sa pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang

“Descriptive Survey Research Design” na gumagamit ng palatanungan upang

makalikom ng mga datos. Ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa
dami ng sumasagot sa mga talatanungan kung kaya lubos na naniniwala ang mga

mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapangkat mas

mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente. Sa

pamamagitan nito, magiging mabisa ang pag-aaral na ito upang mas makakalap ng

impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

3.2 Lugar ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paaralang Lala National High School

(LNHS) sa lungod ng Lala. Ito ay matatagpuan sa Maranding, Lala, Lanao Del Norte sa

Northern Mindanao (Region X).

Larawan 1. Mapa ng Lanao Del Norte


Larawan 2. Mapa ng Lala National High School

3.3 Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa Lala

National High School. Pinili ng mananaliksik ang mga respondente sa ika-sampung

baitang na piling mag-aaral sa Junior High School. Mayroong tig-aapat na estudyante

kada isang seksyon ng ika-sampung na baitang kaya’t animnapung (60) estudyante

ang bilang ng magiging respondente sa pag-aaral na ito.

3.4 Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos buhat sa kanilang mga aklat at sa

kanilang naobserbahan na may kinalaman sa kanilang paksa. Ang mga mananaliksik

ay nakapangalap din ng datos mula sa iba’t-ibang websayt sa internet. Bukod sa mga

nabanggit ang mga mananaliksik ay nakapangalap din ng datos mula sa mga expert o

kaalaman ng paksang napili ng mga mananaliksik. Matapos pagtibayin ang paksa na

ito ang naging batayan ng mga mananaliksik upang maging batayan ng magiging
kabuuan ng pananaliksik. Nang mabuo at pagtibayin ang mga talatanungan ang mga

mananaliksik ay gumawa ng isang sarbey na kung saan ang mga naging tagatugon ay

ang mga mag-aaral sa ika-sampung (10) na baitang ng Lala National High School. Sa

araw ng pagsasarbey, isa-isang pinuntahan ng mga mananaliksik ang mga silid ng

bawat pangkat kung saan ang mga talatanungan ay ipinamahagi sa mga piling mag-

aaal sa ika-sampung baitang ng Lala National High School.

3.5 Pag-sasaayos ng mga Datos

Gumawa ng talatanungan ang mga mananaliksik at hiniling sa mga respondente

na kumpletuhin ito. Pagkatapos ay pinagsama-sama ng mga mananaliksik ang mag-

katulad na mga sagot. Natukoy ang bahagdan ng mga respondente na nagbigay ng

magkatulad na sagot sa bawat tanong sa talatanungan,

Ang mga tugon ng mga sumasagot sa sarbey na ito ay lubusang sinaliksik upang

makagawa ng buod at konklusyon. Nagbigay ito sa mga respondente ng

pangkalahatang ideya upang maibahagi o maipahayag nila ang ang epekto ng

pambubulas at diskriminasyon sa kanilang pangkaisipan at pang-emosyonal na

kalusugan.

3.6 Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga datos na nakalap para sa pag-aaral na ito ay nagmula sa mga sumusunod

na pinagkuhanan: mga saloobin ng mga mag-aaral, mga karanasan ng mag-aaral.


Ang resulta sa pag-aaral ay maaaring maging positibo o negatibo. Ang mga resulta ay

nagpapakita kung paano naka-apekto ang pangbubulas at diskriminasyon sa mga

mag- aaral. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga resulta, ang mga mananaliksik ay

makapagbigay ng kamalayan sa mga mag-aaral, guro at magulang upang makatulong

sa pangkaisipan at pang-emosyonal na kalusugan ng mga mag-aaral.

You might also like