You are on page 1of 3

Mga Epekto ng Pambubuyo o Pambu-bully sa mga mag-aaral

Isinumite sa Departamento ng Senior High School sa


Governor Anacleto C. Alcala National High School.

Isinumite nina:
Mylene Dela Rosa
Mary Jane P. Gesmundo
Paul Reyes
Archie Yacon

Isinumite kay:
Ms. Liezel Balondo

2023
Rasyunal(Rationale)

Ang pambubulas o bullying ay hindi lamang simpleng isyu sa paaralan. Ito ay laganap sa
buong mundo kung kaya kabi-kabila ang kampanya laban dito. Mas madalas mabully ang mga babae
kaysa mga lalaki. Anong uri ng pambu-bully, pasalita man, pisikal o sa internet, tiyak ang negatibong
epekto nito sa biktima.

Kaya naman, ang pananaliksik na ito ay nilikha upang malaman ang epekto ng pambubuyo o
pambu-bully ng mga mag-aaral. Ayon kina Jean Sunde Peterson at Karen Ray (2011). Sa isang pag-
aaral na isinagawa nila na may titulong “Bullying ang the Gifted: Victim, Preprators, Prevalence and
Effects(2006)” na kung saan pinag-aralan nila ang patuloy na paglaganap ng “bullying “ at mga
epekto nito sa mga biktima at ang pagiging isang “bully” sa kindergarten hanggang ika-walong
baitang. Sa 432 na na kalahok sa isinagawang sarbey,67 porsyento ang nakaranas ng 1 sa 13 uri ng
pambu-bully na nakalista sa sarbey, mas marami sa ika-anim na baitang kaysa sa ibang baitang, at 11
porsyento naman ang nakaranas ng paulit-ulit na pambu-bully, at ang nalalabing porsyento ay mga
nakaranas ng iba pang uri ng pambu-bully na may malaking impak sa emosyonal na aspeto ng mga
mag-aaral. Sa ika-walong baitang, 16 na porsyento ang mga “bully”, at 29 na porsyento naman ang
may marahas na kaisipan. Sa lahat ng baitang, mula kindergarten hanggang ika-walong baitang ,
malaking bahagdan ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan ang mga biktima ng pambu-bully.

Ayon sa Batas na nilagdaan ni Dating Pangulong Benigno”Noynoy”Aquino lll ang batas laban
sa bullying lalo na sa mga mag-aaral. Ang Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013, ay
nagsasaad na ipinagbabawal ang ano mang antas ng pambu-bully sa loob ng paaralan, sa mga school
related function at maging sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang sinumang mapapatunayang
nambubully ay papatawan ng kaukulang parusa habang ang nagsumbong ng pambu-bully ay
mananatiling confidential.

Layunin

Layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na malaman ang epekto ng pambubuyo o pambu-
bully ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral. Bukod dito, layunin rin ng mga mananaliksik na makamit ang
mga sumusunod:

1. Matukoy ang bilang ng mga mag-aaral na nakararanas ng pambybuyo o pambu-bully.


2. Maisa-isa ang anyo ng pambubully na maaaring maranasan ng mag-aaral.
3. Maisa-isa ang mga epekto ng pambu-bully sa mga mag-aaral.

Metodolohiya

Sa seksyong ito, malalaman ang mga paraan na isasagawa upang maabot ang mga layunin.

Ang pagkalap ng impormasyon ay sa paraan ng personal interview at observation. Dito


matutuklasan ng mga mananaliksik ang mga detalyadong impormasyon tulad ng pansariling
eksperensiya, kaalaman at mga saloobin tungkol sa epekto ng social media sa kalusugan ng isip ng
mag-aaral. Makikipanayam ang mga mananaliksik sa estudyante mula Senior High School sa
GACANHS Section Gas 12

Binubuo ng 49 estudyante ang Gas 12 ang kukuhanan ng datos na nakabase sa kanilang


pansariling kaalaman. Mula dito, ang datos na nakalap ay itatala at susuriin upang mabigyang
kahulugan at matugunan ang mga layunin.
Mga Inaasahang Resulta

Inaasahan sa pag-aaral na ito na mailahad ang impormasyon tungkol sa mga Epekto ng social
media sa kalusugan ng isip ng mag-aaral at Inaasahang ang lahat ng napiling tagapagsagot ay
makikipagtulungan upang matukoy ang bilang ng mga mag-aaral na naaapektuhan ng social media.

Mga Sanggunian

Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 http://www.facebook.com/RadyoNatin


CDO/photos/a.371717769520153/647005111991416

Peterson,Jean Sunde.et.al. (2011).”Bullying and the Gifted:Victims,Prepators,Prevalence and


Effects”. https://www.scribd.com/document/450839372/22-doc

You might also like