You are on page 1of 4

“PAANO NAAAPEKTUHAN NG MGA PATAKARAN NG PAARALAN ANG

MGA KASO NG BULLYING SA IKA-8 HANGGANG IKA-10 BAITANG SA ST.

JOSEPH’S COLLEGE OF QUEZON CITY”

KABANATA I. Ang Suliranin at Kaligiran nito

Introduksiyon

Ang bullying ay isang di kanais-nais at mapusok o agresibong asal ng isang tao o

grupo ng tao na pinaniniwalaang mas nakalalamang sila sa iba. Intensyon ng mga nang-

bubully ang maka sakit, makapinsala o di kaya’y makapagpahiya ng mga tao, lalo na ang

mga mahihina, naiiba at mga may kapansanan. Isisnasagawa nila ang bullying na ito sa

pamamagitan ng pisikal, emosyonal at sikolohikal na pamamaraan. Kung hindi

mahahadlangan, maaring maulit ng maulit ang aktong pang-bubully ng tao.

Sa Pilipinas, Ayon kay Romelo, P. (2018), Ang Kagawaran ng edukasyon o DEPED

ay dapat siguraduhin na lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan mula

kindergarten, elementarya at haiskul sa bansa ay ini-implementa ang pagtigil at

paghadlang sa bullying. Si Sen. Sonny Angara, na nagtala nang “Anti-bullying act of

2013 o Republic Act 10627 noong siya pa ay isang congresista, ay nagsabing mayroong

19, 672 na kaso tungkol sa bullying sa mga paaralan, mapa-pribado at pampubliko, noong

taong 2016-2017. Sa 202 araw ng eskuwela, ipinalalagay na nasa 97 kaso ang

nairereporta na bullying sa paaralan araw-araw. Sinasabi rin ni Angara na “halos 100

kaso ng bullying ang nairereporta at maaaring marami pa ang hindi nai-rereporta dahil sa

takot na masaktan at mapahiya ng mga bully nila. Ang bullying ang isa sa mga maagang

anyo ng karahasan na madaranasan ng mga bata. Dapat gawin ang lahat upang
maprotektahan sila dito”. Ang Anti-Bullying law ay utos sa mga pribado at

pampublikong paaralan mula kindergarten hanggang haiskul na magpatupad ng mga

patakaran patungkol sa anti-bullying, kung saan nakasaad ang mga probisyon sa mga

pinagbabawal na kilos sa kapwa, pagpigil, paghadlang, at pamamaraan kung paano

pakikitunguhan ang bullying sa paaralan. Maaring ilahad sa anti-bullying law ang mga

sumusunod 1) Di kanais-nais na pisikal na kontak tulad ng panununtok, pagtutulak,

paninipa at pananampal, 2) Anumang kilos na nakadudulot ng sakit sa damdamin ng iba,

3) mga mapanirang pahayag o mga akusasiyon tulad ng pagmumura at pangungutya, 4)

bullying sa kasarian ng iba, at 5) Cyber-bullying.

Ang mga anti-bullying law na isinasabatas sa mga paaralan ay para mapigilan ang

paglago ng bullying sa eskuwela kung saan naririto ang mga bata at mga dalagita at

binata ng mahigit kumulang 8 oras sa loob ng 202 araw na pagkakahalubilo sa kanilang

kapwa mag-aaral. At saka nagsisilbi rin itong gabay na ipinakikita ang tama at maling

asal na kinakailangan ma-obserba sa eskuwela. Nakatutulong ito para makabuo ng

mapayapa na kapaligiran sa eskuwela kung saan nakikihalubilo sila sa kanilang kapwa

para makipagkilala at mag aral.

Layunin ng Pag-aaral

Ang Layunin ng pag-aaral na ito ay para mapatunayan kung mabisa ba o hindi ang mga

patakaran at parusa ng epaaralan upang matigil o mahadlangan ang bullying.

Pagpapahayag ng mga suliranin

naglalayon itong sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:


1. Ano ano ang mga patakaran ng eskuwelahan na nakapokus sa anti-bullying?

2. Gaano ka-bisa ang mga anti-bullying na patakaran ng eskuwelahan sa paghadlang ng

bullying?

3. Patuloy bang iniimproba ng eskuwelahan ang patakaran nito?

Kahalagahan ng pag-aaral

Mapakikinabangan ng mga estudyante, millennials at mga mananaliksik sa hinaharap

ang pag-aaral na ito. Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay ng mga importanteng

impormasyon na makatutulong sa mga mananaliksik na lubos pang maunawaan ang bisa

ng patakaran ng eskuwelahan sa pag-iwas sa bullying. Isa pa ay makatutulong din itong

magpundar ng matiwasay na relasyon sa pagitan ng mga nang-bubully at na-bubully,

makatutulong rin ito sa pananaliksik sa hinaharap.

Isa pa, maaari rin itong magsilbing sanggunian ng mga mananaliksik sa hinaharap

para sa mga nagnanais na gumawa ng pananaliksik katulad ng pananaliksik na ito. Dahil

dito ay nagbibigay basehan ang pananaliksik na ito sa bisa ng patakaran ng eskuwelahan

para matigil at mahadlangan ang bullying.

Saklaw at Delimitasyon

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay nilimitahan sa mga estudyante mula

ika-8 hanggang ika-10 baitang ng St. Joseph’s College of Quezon City. Sakop ng

pananaliksik na ito ang mga karanasan ng mga estudyante sa bullying at kung paano nila

ito hinarap. Nakasaad din ditto ang explanasyon at kritikal na komentaryo ng pag-aaral na

ginagawa ng mga eksperto at iba pang mananaliksik.


At saka, ang pag-aaral na it ay magiging panimula ng mga mananaliksik sa hinaharap.

Sa pananaliksik na ito, maaantisipa ng mga mananaliksik ang mas malalim na pag-unawa

sa bisa ng patakaran ng eskuwelahan sa pagpigil at paghadlang ng bullying.

You might also like