You are on page 1of 11

Episcopal Diocese of the Southern Philippines

BRENT HOSPITAL AND COLLEGES INCORPORATED


R.T Lim Boulevard, Zamboanga City

MGA EPEKTO NG CYBERBULLYING SA MAG-AARAL NG


SENIOR HIGH SCHOOL SA BRENT HOSPITAL
AND COLLEGES INCORPORATED

Dahon ng Pagpapatibay

Mga Mananaliksik:

Hajim, Radzlan L.

Polinar, Abram Jethro F.

Isinumite kay:

G. Geron T. Lumapay

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Departamento ng Senior High School

ng Brent Hospital and Colleges Incorporated Bilang Katugunan sa

Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 2 Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

March 2019
PANIMULA

Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na ang lahat ng bagay sa

mundo, hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo

kasabay ng mabilis napagkatuto ng mga tao sa anumang bagay sa kanyang paligid, laganap

ang isang di pangkaraniwang suliranin sa kagamitan ng mga teknolohiya na kung saan ang

mga kabataan ang madalas na nabibiktima rito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na

“cyberbullying”.

Ang Cyberbullying o pagmamaton gamit ng teknolohiya ay kabilang sa bullying.

Ito ay hindi isang karaniwang komunikasyon na maaring masangkot ng isang pagbaba ng

tingin ng isang tao sa sarili o ang pinaka – malala ay isang panganib sa buhay dahil sa

pagbabanta ng mga kaibigan o mga hindi kilalang tao.

Ito ay tinuring na “kapag ginagamit ang Internet, teleponong selular at iba pa sa

paghahatid ng mensahe o mga larawan na naglalayong manakit o magpahiya ng kapwa”.

Ang ilan sa mga mananaliksik ay ginamit ang parehong lenggwahe upang ipaliwanag ang

nasabing katawagan.

Ang pagmamaton sa internet ay ang patuloy na pagpapadala ng mensahe sa isang

tao na nagsasabing hindi nila kilala kung sino ang nasa likod nito na may kasamang

pagbabanta, seksuwal na nilalaman, nakakainsultong pananalita, panghahamak at

pagpapahatid ng mga maling pahayag na nagdudulot ng pagkawala ng kahihiyan ng isang

tao.
Ang sikolohiya ay emosyonal na kinakalabasan ng Cyberbullying ay katulad sa

tunay na buhay na pananakot o pangbubully. Ang pagkakaiba ng dalawa ay madalas

nagtatapos sa totoong buhay ang pananakot kahit sa loob ng paaralan.

Cyberbullying ay nagging malubhang problema para sa mga estudyante at

maaaring maging sanhi ng pangmatagalang sa mga biktima at nananakot. Ito ay

mahalagang ihinto at makakuha ng tulong sa mga tao na kasangkot, ngunit maaaring

maging mahirap na malaman kung paano ito ihinto. Ang mga magulang at iba pang mga

nag – aalaga at nagbabantay ay maaaring magtrabaho kasama ang mga kabataan na labag

dito upang maiwasan o ihinto ang Cyberbullying. Dahil ito ay hindi nakakabuti sa kahit na

sinong mamamayan dito.

Ika-6 ng Hunyo 2013 nang ipasa ng mataas na kapulungan o Senado ng ika-15

Kongreso ang Senate Bill 2667 o mas kilala bilang Anti-Bullying Act of 2011. Enero 2012

naman nang ipasa sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 5496,

o Anti-Bullying Act of 2012. Layon ng batas na maging pangangailangan sa lahat ng

elementarya at hayskul sa buong bansa na pagkaroon ng mga polisiya upang mahadlangan

at magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng pambu-bully sa kanya-kanyang

institusyon.

Ayon sa batas, ang pambu-bully ay mangangahulugan ng kahit anong paraan ng

panggigipit na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa—pisikal man, berbal o mental—

na naglulundo sa kawalang ganang o takot na pumasok ng isang estudyante sa

eskuwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cyber-bullying.


Alinsunod sa batas. Ang bawat eskwelahan ay marapat na magkaroon ng mga

pagsasanay para sa kaguruan at iba pang empleyado nito upang mapaunlad ang kaalaman

at kahandaan hinggil sa pagpigil at paghadlang na maganap ang pambu-bully.

Kung sa magkaibang eskwelahan naman nagmula ang estudyanteng nakagawa ng

pambu-bully at ang biktima, kailangang magkausap ang administrasyon ng dalawang

eskwelahan para sa karampatang aksyong kailangang maisagawa.

Lahat ng mga kasong maitatala ng eskwelahan ay marapat na maiulat nang

nakasulat sa Division Superintendent. Ang Division Superintendent nama'y titipunin ang

lahat ng ulat upang iakyat naman ito sa Kalihim ng Kagawaran sa Edukasyon; ang

Kagawaran naman sa Committee on Basic Education ng mababa at mataas na kapulungan

ng kongreso.

Binibigyan din ng batas na ito ang Kagawaran sa Edukasyon ng kapangyarihang

magpatupad ng kaukulang parusa sa mga indibidwal o eskwelahang lalabag sa batas e.g.

pagtatanggal ng permiso upang makapagpatuloy ng operasyon para sa mga pribadong

eskuwelahan.

Sa Cyberbullying, ito ay walang pinipiling edad. Kahit matanda, aritista, mga

kristianyo at kung sino pa ang mga tao, lalong lalo na ang mga estudyante, ay nakaranas

na din ng bullying o cyberbullying. Alam ko to ay hindi mahihinto ngunit pwede itong

iwasan.
Bill Belsey (2011), ang Cyberbullying ay maituturing na isang gawaing bullying o

pagmamaton. Ang pagmamaton ay isang uri ng pang-aapi o panunupil, na isang ring uri ng

ugaling mapanalakay, mapaghandulong o agresyon na kinakitaan ng paggamit ng dahas,

pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon (sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao,

partikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan

o hindi patas ang kapangyarihan. Maaari itong kasangkutan ng panliligalig ng binabanggit,

pagsasalakay o pamimigil na pangkatawan, at maaaring nakatuon nang paulit-ulit sa isang

particular na biktima, marahil dahil sa lahi, relihiyon, kasarian, seksuwalidad, o kakayahan.

Ang biktima ng pagmamaton ay paminsan-minsan tinuktukoy bilang isang “puntirya” o

ang “pinupukol”. (https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagmamaton_sa_Internet)

Bennett (2006), ang paghahari-harian ay kinabibilangan ng tatlong saligang mga

uri ng pang-aabuso – emosyonal, sinasambit, at pisikal. Karaniwang itong kinasasangkutan

ng mapitagang mga paraan ng pamumuwersa katulad ng pananakot o intimidasyon. Ang

paghahari-harian ay maaaring bigyan ng kahulugan sa maraming iba’t ibang mga

kaparaanan. Ang nagkakaisang kaharian ay kasalukuyang walang pambatas na kahulugan

ng pagmamaton, samantalang ang mga estato ng Estados Unidos ay mayroon mga batas

dito.

Robert W. Fuller (2007), sumasaklaw ang paghahari-harian mula sa payak na

isang tao sa isa pang tao na paghahari-harian (nag-aastang parang hari) sa mas

kumplikadong pagmamaton kung saan ang maton ay maaaring mayroong isa o maraming

mga 'tenyente' na tila nagnanais na tulungan ang pangunahing maton sa kanyang mga

gawain ng paghahari-harian. Ang paghahari-harian sa paaralan at sa pook ng trabaho ay


tinatawag ding pang-aabuso ng kauri o pang-aabuso ng kapantay na tao.

(https://tl.wikipedia.org/wiki/Paghahari-harian)

Ayon sa mga mananaliksik sa kanilang natuklasan, na may mga taong

naglalagay ng kanilang komento patungkol sa kanilang naranasan sa pagbubully gamit ang

teknolohiya. “Sa ilang pindot lang sa kompyuter”, ang sabi ng 14 anyos na si Daniel,

“pwede mo nang masira ang reputasyon ng isang tao – o pati ang buhay niya. Parang sobra

naman ang mga salitang iyan, pero pwedeng mangyari iyan!” Kasali rin sa cyberbullying

ang pagpapadala ng nakakahiyang mga litrato o text sa cellphone. Ngunit isang kabataan

ay nagbigay ng tip para maiwasan ang mga bullies. Sabi ni Antonio “Iwasan ang mga lugar

o sitwasyon kung saan madali kang mabu-bully. Tandaan din na may sariling mga

problema ang mga bully. Kapag iniisip mo iyon, hindi ka masyadong masasaktan sa

sinasabi nila”. (https://www.jw.org)

Isa sa tatlong mga tinedyer na online ay nararanasan ang panliligalig. Ang mga

batang babae ay mas nagiging biktima nito, ngunit karamihan sa mga estudyante ay

sinasabi na sila ay mas nabubully na naka-offline kaysa naka-online.

32% ng mga tinedyer na gumagamit ng internet ay nagsasabing mayroon silang

nagging target ng isang hanay ng mga nakakainis at potensyal na menacing online na mga

gawain tulad ng pagtanggap ng nagbabantang mensahe; pagkakaroon ng kanilang mga

pribadong e-mail o text message na nagpapasa na walang pahintulot; pagkakaroon ng isang

nakakahiyang larawan na nai-post nang walang pahintulot sa kanila; o pagkakaroon ng

mga hindi totoong kuwento tungkol sa kanila na kumalat.


Ang mga pagmamaton gamit ang teknolohiya o “cyberbullying” ay pag-uugali na

maaaring maging tunay na pagbabanta, minsan nakakainis o hindi kaaya-aya. Ngunit ang

ilang mga huwaran ay malinaw: ang mga batang babae ay mas nabubully kaysa sa mga

lalaki; at ang mga tinedyer na ibinabahagi ang kanilang mga pagkakakilanlan at mga

saloobin sa online ay mas maging target kaysa sa mga tahimik lang ang buhay.

Sa Cyberbullying ng mga tanong, ang pinakamalaking bilang ng mga estudyante

na nagsasabi na sila ay nagkakaroon ng isang pribadong komunikasyon na ipinapasa o

pampublikong post nang walang pahintulot nila. Isa sa anim na tinedyer (15%) na

nagsasabi sa amin, meron isang tao na nagpopost ng komunikasyon na kahit alam niya na

pribado. Tungkol sa (13%) ng mga tinedyer na nagsasabi sa amin na ang isang tao ay

nagkakalat ng mga balita na tungkol sa mga online na tao at isa pang (13%) na nagsasabi

na ang isang tao ay nagpapadala sa kanila ng isang pagbabanta o agresibo e-mail, IM o text

message. Ang ilang mga (6%) ng online na tinedyer ay nagsasabi sa amin na ang isang tao

ay nagpopost ng isang nakakahiyang larawan na walang pahintulot sa kanila.

Ang karamihan ng mga estudyante, (67%) sinabi na pananakot at panliligalig ang

mangyayari sa mga taong naka-offline kaysa naka-online. Mas mahaba sa isa sa tatlong

mga tinedyer (29%) sinasabing ang iniisip nila na bullying ito at mas malamang ang

mangyayari sa mga naka-online, at tatlong porsiyento ang nagsasabi na inisip nila ito na

pwede itong mangyari kahit online at offline sila.

Ang mga resultang ito ito ay nagmula sa isang nationally-representative phone

survey na 935 na mga tinedyer ang hakilahok sa Pew Internet & American Life Project.

(http://www.pewinternet.org)
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Nais namin na ipaalam sa inyo ang cyberbullying sa aming papel – pananaliksik:

1. Ano ang epekto ng cyberbullying sa mga tao?

2. Sino-sino ang mga taong na bubully gamit ang teknolohiya?

3. Bakit nila ito ginagawa at ano ang dahilan?

4. Ano-ano ang anyo ng cyberbullying?

5. Ilan na ang taong na cyberbullying dito sa ating bansa?

6. Ano ang kaugnayan ng cyberbullying at bullying?

7. Ano ang solusyon dito?

Ito ang mga tanong na gusto naming ipahayag sa inyo upang mas makilala at

malaman ninyo ang aming napiling paksa sa aming papel – pananaliksik.

Ang cyberbullying ay madaming epekto sa atin hindi lamang sa pisikal, meron din

itong epekto sa kaisipan lalong lalo na sa emosyon pero ito ay madaling hanapan ng

solusyon para ito ay maiwasan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Kahalagahan sa Estudyante

Unang una sa lahat, dapat agad nilang malaman ang mga epekto at solusyon

sa cyberbullying dahil dito nagsisimula ang pagcyberbullying sa kapwa estudyante.

Madaming estudyante ang nagpakamatay dahil sa cyberbullying at dapat sila ay

mabigyan agad ng kaalaman patungkol sa mga epekto ng cyberbullying.


Kahalagahan sa Paaralan

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng

patakaran ng buong paaralan na may kinalaman sa pambubully gamit ang

teknolohiya. Ang ganitong patakaran ay kailangang maisulong sa

pakikipagtulungan ng mga tauhan ng paaralan, nagtuturo man o hindi nagtuturo, at

sumasangguni sa mga magulang at mag-aaaral. Kailangang malinaw na

maunawaan ng lahat ng mga kinauukulan ang mga layunin ng patakaran, mga

tungkulin at mag nais makamtan.

Kahalagahan sa mga Guro ng Filipino

Kailangan din ito ng mga guro para ito ay maibahagi nila sa mga estudyante

o kaya sa mga kabataan na nangangailangan ng payo kung paano ito maiiwasan o

masolusyunan. Kailangan din nila malaman ang mga epekto nito.

Kahalagahan sa Mananaliksik

Makatutulong ang pag-aaral na ito para magiging gabay at sanggunian sa

mga isasagawang kaugnay na papel – pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa epekto ng Cyberbullying sa pag-aaral

ng mga estudyante ng Grade-11 Senior High School ng Brent Hospital and Colleges

Incorporated.
Depinisyon ng mga Termino

 Anti-Bullying Law of 2013 ay batas na ipinatutupad sa mga paaralan na

nagbibigay proteksyon sa sino mang mabibiktima ng mga pang-aabusong

berbal, pisikal at emosyonal o bullying.

 Batas Republika ay mga batas sa Pilipinas na nilikha ng Kongreso at

nilagdaan ng Pangulo.

 Bullying ay ang paggamit ng puwersa, pagbabanta, o pamimilit sa pang-

aabuso, manakot, o agresibo mangibabaw. Ang pag-uugali ay madalas na

paulit-ulit at kinagawian.

 Cyber Bully ang taong nagsasagawa ng pambubully gamit ang internet.

 Cyber Bullying isang anyo ng pang-aapi o panliligalig gamit ang

elektronikong anyo ng teknolohiya.

 Emosyon ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal

kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang

ugali ng isang indibidwal.

 Internet ay ang mga magkakabit na mga kompyuter network na maaaring

gamitin ng mga tao sa buong mundo.

 Social media ay ginagamit ng mga Social Networkers para ipahayag ang

kanilang damdamin sa mga tao na gumagamit din ng Social Media tulad ng

Facebook, Twitter, etc.

 Teknolohiya ay ang paggamit ng makabagong gadyet tulad ng cellphone,

laptop, kompyuter, at iba pa.

You might also like