Professional Documents
Culture Documents
Cyberbullying
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang
nabigyang-daan nito: ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya.
Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng
masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan,
video, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang
komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa
account ng iba upang magamit ang personal account ng isang tao nang walang pagsang-ayon niya o sa
paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y
karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o pagkawala ng kapayapaan sa nagiging biktima
nito.
Paano Naiiba ang Cyberbullying sa Harapang Pambu-bully?
Napakalaking tulong ang naibibigay ng cell phone, tablet, computer, at Internet sa tao. Ang social media
ay isa ring malaking biyaya lalo na kung pakikipag-ugnayan sa napapalayong kapamilya o kaibigan ang
pag-uusapan. Ang Internet ay isa sa pinakamahalagang kagamitan sa ikadalawampu’t isang siglo sapagkat
sa pamamagitan nito’y “lumiiiit” ang mundo. Napaglalapit nito, ang magkakalayong magkakapamilya,
napupunan nito ang kasabikang makita at makausap ang isang minamahal, at nakatutulong ito upang
magawa ang maraming bagay tulad ng pagbili ng mga bagay-bagay, pag-a-apply sa trabaho, paggawa ng
transaksiyon sa bangko, at iba pa kahit ika’y nasa bahay lamang at hindi na kailangang lumabas.
Nakatutulong din ito nang malaki na paghahanap sa anumang impormasyong mahalaga sa tao.
Subalit sa kabilang banda, napadadali rin ng Internet ang paggawa ng iba’t ibang krimen, panloloko sa
kapwa, at paggawa ng maraming hindi mabubuting bagay tulad ng cyberbullying. Para sa isang biktima,
mas mahirap at mas matindi ang cyberbullying kaysa sa harapang pambu-bully. Ang harapang pambu-
bully ay nangyayari sa isang lugar at isang panahon. Kapag hindi na magkaharap ang bully at ang biktima
ay ‘walang pambu-bully na nagaganap. Samantala, ang cyberbullying ay maaaring mangyari nang 24/7.
Ibig sabihin, kahit hindi magkaharap ang biktima at ang bully, o kahit natutulog ang biktima, .o nasa loob
ng kanyang tahanan, ang cyberbullying ay patuloy na nangyayari. Maaari ding magtago ng kanyang tunay
na pagkatao ang nambu-bully upang hindi makilala kung sino siya habang ipinakakalat niya ang anumang
bagay na makasisira sa kanyang biktima. Minsa’y mahirap malaman o ma-trace kung sino ang
nagpasimula ng pagpapakalat nito. Kapag nai-post o naipadala na sa iba ang mga bagay na ito,
napakahirap nang mawala o maihinto ang pagkalat ng mga nakasisirang bagay sapagkat wala nang
kontrol ang nag-post sa puwedeng gawin ng bawat makatatanggap o makakikita sa kanyang post. Ang
reaksiyon kasi ng makatatanggap ay maaaring huwag pansinin o hayaan na lang, i-delete at huwag
patulan, o maaaring i-share rin sa iba na lalong magdudulot ng pagkasira ng biktima dahil sa napakabilis
na pagkalat ng mga bagay na naka-upload na sa Internet.
o 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully niya
o 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan ang komunikasyon sa bully 34%
ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-bully
o 29% ang walang ginawang anuman ukol sa pambu-bully
o 28% ang nag-sign-ofiline 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa
nangyayaring cyberbullying
o Laging kunan ng screenshot ang mga nakasisirang mensahe at i-save ito para
magamit bilang ebidensiya o katibayan sa ginawang pambu-bully.
o Ipaalam sa mga kapamilya ang mga pangyayari o pag-atake.
o I-report sa awtoridad tulad ng guro o guidance counselor kung sa paaralan ito
nangyayari o sa Human Resources kung ang pambubu-bully ay nangyayari sa
trabaho.
o I-report sa pamunuan ng social media (tulad ng Facebook o Twitter) ang
nangyayari upang magawan nila ng karampatang hakbang.
o Magpalit ng numero ng telepono kung cell phone ang ginagamit sa pag-atake o
pambu-bully.
o I-deactivate ang lahat ng social media account at huwag munang mag-online
pansamantala. Gayumpaman, magtalaga ng kapamilya o kaibigang magmo-
monitor sa mga pangyayari sa online.
o Sumangguni sa propesyonal na tagapayo kung kinakailangan.
o Suportahan ang mga grupong nagla-lobby para sa isang batas patungkol sa
cyberbullying o harassment para sa lahat at hindi lang para sa kabataang wala pa
sa tarnang gulang. Kaugnay nito, isang batas ang ipinasa sa mababang kapulungan
ukol sa pagpaparusa sa mga taong nasasangkot sa cyberbullying gamit ang social
media. lto ang Social Media Regulation Act of 2014 na ipinasa ni Leyte Rep.
Sergio Apostol upang matulungan ang mga biktima ng pambu-bully gamit ang
social media. Sa nasabing batas, ang tao o mga taong mapatutunayang nagkasala
ng cyberbullying ay mapapatawan ng mula anim hanggang labindalawang taong
pagkabilanggo. Maaari din silang magmulta ng mula PHP30,000 hanggang
PHP50,000.
Kung sakaling mabiktima ng cyberbullying, gumawa ng mga hakbang upang mahinto ito. Huwag basta
manahimik at sa halip ay magsuplong sa kinauukulan. Maaaring makipag-ugnayan sa National Bureau of
Investigation sa ccd@nbi.gov.ph o tumawag sa telepono bilang 521-9208 local 3429 (para sa kaniIang
hepe) o sa 3497 (para sa mga kawani).
Tekstong Persuweysib
Para sa mahal kong kababayang kabataan sa Pilipinas. Ako si Mary Jane, isa akong biktima ng
ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kong mabago ang buhay ng aking pamilya, naniwala ako sa
isang tao na bibigyan niya ako ng trabaho sa ibang bansa bilang katulong, at dahil sa kabaitan niya sa akin
hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin. Nakuhanan ng drugs ang dala-dala kong bag na
binili ng kaibigan kong nagsama sa akin sa ibang bansa at hinuli ako ng pulis at hinatulan ng kamatayan.
Sa limang taon ng pananatili ko sa loob ng kulungan marami akong nalaman, araw-araw kong kasama
ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, karamihan sa kanila ay mga kabataan at dahil sa
maling pakikihalubilo o pakikipagbarkada sa mga taong gumagawa ng ipinagbabawal na gawain, marami
ang nagiging biktima at nalilihis ng landas. Karamihan sa kanila ay itinatakwil ng kanilang pamilya,
napapariwara, at nasisira ang pag-aaral. Meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na gamut at
marami na rin akong nakitang namatay dahil sa sobrang paggamit ng drugs. Huwag ninyong sayangin ang
inyong buhay, huwag na huwag kayong gagamit ng ipinagbabawal na gamot o magbebenta, walang
idudulot na mabuti sa inyo at masisira pa ang inyong buhay. 10 Naniniwala ako hindi ninyo paggamit ng
drugs o masasangkot sa ano mang klase ng iligal na trabaho, may magandang kinabukasan na naghihintay
sa inyo. Huwag kayong makalimot sa Panginoong Diyos, siya ang maggabay sa inyo para hindi malihis
sa tamang landas. Kayong mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan at magiging bayani ng ating bansa.
Patnubayan nawa kayo ng poong Maykapal at palaging mapasainyo ang pagpapala ng Panginoong diyos
magpakailanaman. Amen.
Mary Jane
Liham ni Mary Jane Veloso, isang Pilipinang nasa deathrow sa Indonesia, para sa mga kabataang
Pilipino.
Pinatili ang porma ng sulat ngunit itinama ang baybay ng ilang salita. Mula sa
http:/www.gmanetwork.com/news/story/476718/news/pinoyabroad/look-inHandwritten-letter-mary-jane-
veloso-tells-youth-to-stay-away-from-drugs
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Naratibo
Mabangis na Lungsod
1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay
sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit
ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga
unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa
kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
2. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang
ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa
pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong,
walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo.
3. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali
roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling
oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang
mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang
marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
4. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng
kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang
simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong.
Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o
diyes sa maruruming palad.
5. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na
ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan.
Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa
kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala.
Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad
sa kanyang katawan.
7. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig
ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas.
9. Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong.
Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang
matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
10. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni
kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng
piso, sa lahat. Walang bawas.
11. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag
nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
12. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno
ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi
nakarating sa kanyang bituka.
14. Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga
tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon
ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.
15. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong
ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na
pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa.
Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa
kanyang kinaroroonan.
16. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan.
Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig
17. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang
gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo
ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang
harap ang 14 tao—malamig walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na
apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon
ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
18. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga
palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na
maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng
bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi
niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga
mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga
hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.
20. Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan.
Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa
kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang
ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang
mga bagol.
21. “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa
matanda.
24. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. 14 tao—malamig walang awa, walang
pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung
ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya
na gumawa ng isang marahas na bagay. 24. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
25. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig
niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na
nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang
maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan.
27. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit
na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang
kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
Tekstong Argumentatibo
Pagpapalibing kay Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani, Hindi Dapat Pahintulutan
Hindi pa ako nabubuhay noong panahon ng Batas Militar, ngunit hindi ibig sabihin nito na wala na akong
karapatang magsalita tungkol dito. Isinilang ako ilang taon matapos ang EDSA People Power 1, na
nagpatalsik sa malupit na diktadura ni Ferdinand Marcos. Lumaki akong nagtatamasa ng mga pribilehiyo
ng isang demokratikong bansa. Malinaw sa akin kung paanong ang matagal na panahong monopolyo sa
kapangyarihan ni Marcos at ng kaniyang mga crony ay may kaakibat na paglabag sa mga karapatang
pantao—karapatang mabuhay nang mapayapa, magpahayag, mamahayag, magtipon-tipon, at kahit
matulog nang mahimbing sa gabi. Ngayong planong ilibing ng kasalukuyang administrasyon si Marcos sa
Libingan ng mga Bayani (LNB), ilan pang pangalan at alaala—mga patay na at buhay pa—ang patuloy na
yuyurakan at parang sariwang sugat na bubudburan ng asin?
Libo-libong buhay ang nawala, marami ang hindi pa nahahanap ang labi hanggang sa kasalukuyan.
Maraming kabataan ang biglang naglaho at tinawag na “desaparecido.“ Sayang at sana ay naging
produktibong mga mamamayan sila sa kasalukuyan. Ayon sa mga kamag- anak na naiwan ng mga
desaparecido, ”Buti pa si Marcos, may bangkay.“
Ayon sa mga tala ng kasaysayan, ipinasara ng pamahalaan ang mga estasyon ng radyo, telebisyon, at
pahayagan pagkatapos ideklara ang Batas Militar. Lahat ng tumututol at tumutuligsa sa mga gawain ng
Rehimeng Marcos ay karaniwang dinarakip ng mga pulis o sundalo at pinarurusahan. Maituturing na
bangungot ang naging karanasan ng mga naging biktima ng kamay na bakal ng diktadura, sapagkat
nakaranas sila ng pisikal at sikolohikal na pang-aabuso sa pamamagitan ng torture, rape, water treatment,
at iba pang di-makataong paraan ng pagpaparusa. Ito ay batay sa mga salaysay ng karanasan nina Prof.
Judy Taguiwalo, kasalukuyang DSWD Secretary; Ricky Lee at Lualhati Bautista, na mga premyadong
manunulat; Joel Lamangan, na isang mahusay na direktor; at Bonifacio llagan, na isang kilalang
dramatista.
Kahit pa patuloy na itinatanggi ng Pamilya Marcos ang kanilang mga kasalanan, naitala naman sa mga
pagsasaliksik at imbestigasyon ang lawak at lalim ng ginawang pang-aabuso ni Marcos sa kaniyang
kapangyarihan sa panahon ng diktadura. Sa dami ng naging biktima at sa laki ng iniwan niyang utang
panlabas ng bansa, hindi siya karapat-dapat na ilagak sa lugar kung saan nakahimlay ang mga itinuturing
na ”bayani“ ng bansa. Ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay malaking dagok sa mga
kaanak ng mga naging biktima ng Batas Militar, na patuloy na humihingi ng katarungan para sa mga
inabuso, nawala, o pinatay nilang mahal sa buhay. Hindi, kailanman, dapat magkaroon ng puwang sa
sagradong lugar na iyon ang isang malupit, abusado, at diktador na pinuno. Ito ang dapat maunawaan ng
kasalukuyang pamahalaan—na hindi kailanman maitatama ang isang pagkakamali sa pamamagitan ng
paggawa ng isa pang pagkakamali.