You are on page 1of 1

Karapatan ng mga abating mag-aaral ang mabigyang proteksyon sa

alimang pang-aabuso o hindi pagtanggap. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay


nagpalabas ng DepEd Order No.40 na pinamagatang Child Protection Policy.
Layunin ng kautusang ito na bigyang proteksyon ang mga mag-aaral sa
paaralan laban sa kahit anong pang-aabuso tulad ng diskriminas-yon,
pambu-bully, at iba pa. Ngunit paano nga ba ito higit na nakatulong sa
pangangalaga ng karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral. Narito ang
ilan sa mga bunga ng pagkakaroon ng Child Protection Policy.
1) Nababawasan ang bilang ng mga bully, at nabu-bully. May katapat na
parusa sa paglabag nito na kinatatakutan ng mga bully. Kailangang ihinto
na nila ang dating ginagawang panunukso, pagyayabang at pananakot sa
kanilang mapagtripan o makaaway na kaklase. Kaya ang malimit na ma-
bully ay nagpapasalamat sa pagpapatupad nito.
2)Makakapag-aral ng mabuti. Siyempre kung walang nanunukso,
nanggugulo o nang-aaway sa iyo, konsentrado na sa pag-aaral. Ang
pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nakukuha kung mga positibong
komento at reaksyon ang maririnig mula sa mga taong nasa paaralan.
Kaya’t kung gustong makapag-aral ng mabuti, ireklamo o isumbong ang
mga bully
3) Mapoproteksyunan ang mga mag-aaral laban sa pang-aabuso.
Karapatan ng mga kabataan na makapamuhay ng malaya at malayo sa
anumang kapahamakan. Ang pang-aabuso tulad ng pisikal o emosyonal na
pananakit, rape o sexual abuse at iba pa ay nararananasan nila mula sa
mga taong mapang-abuso. Hindi lamang sa tahanan nangyayari kundi
maging sa paaralan din. Sa pamamagitan ng polisiyang pinaiiral, unti-
unting nababawasan ang bilang ng mga naaabuso.
4) Mahalaga para sa mga kabataang mag-aaral ang pagtanggap ng mga
taong nakapaligid sa kanila lalo na sa paaralan. Anuman ang katayuan sa
pamumuhay, pisikal na kaanyuan, at uri ng pag-uugali mayroon ang
isang mag-aaral, hindi ito dapat maging dahilan upang ipagkait sa kanila
ang karapatang matuto at mapabilang sa kapwa nila.
Ang pagkakaroon ng Child Protection Policy ay patunay lamang na
napakahalaga nito sa bawat kabataang mag-aaral dahil sa maraming
kabutihang naidudulot nito upang mapangalagaan ang kanilang
karapatan, kapakanan at kaligtasan

You might also like