You are on page 1of 2

Bullying Awareness

SHORT RESEARCH

Documenter: Bullying, Lingid sa ating kaalaman na ang bullying ay nangangahulugang


pangungutya sa kapwa tao dahil mayroon syang pagkakaiba sa isang tao na wala sa
kanila o naiingit ang nang bubully. Ang bullying rin ay isang uri ng pang-aapi na
ginagamitan ng lakas. Kadalasang nangyayari ito sa paaralan at karaniwang mga
kabataan ang biktima nito. Isa sa kaso sa Pilipinas ay ang tinatawag na bullying. May
tatlong uri ang bullying,Ito at ay ang mga sumusunod:

A.) SOSYAL NA PAMBUBULAS – isang uri ng pambubully kung saan sinisira ng bullies
ang reputasyon at pakikitungo sa ibang tao ng kanilang binibiktima.

B.) PISIKAL NA PAMBUBULAS –ito naman ay ang pisikal na pananakit at paninira ng


kanyang pag-aari. Dito papasok ang sinasabing
panununtok,paninipa,pananampal,pangungurot at iba pa.

C.) PASALITANG PAMBUBULAS –isang uri ng pambubully kung saan pananalita ang
ginagamit ng bullies. Ito rin ay panunukso,panlalait,pang-
aasar,paninigaw,pagmumura,pang-iinsulto,pagpapahiya sa harap ng maraming tao at
iba pa.

Mayroon din tayong tinatawag na “CYBER BULLYING”kung saan internet naman ang
nagiging daan para makapanakit ng kapwa tao. Makikita natin at masasaksihan ang
ganitong pambubully sa mga websites gaya ng facebook, twitter,at instagram. Hindi
lamang sa status nakikita ang pambubully kundi maging sa pagpopost ng mga litrato na
ikasisira ng kanilang biktima.

Karaniwang panunukso ang pinaka pangunahing nararanasan ng mga mag-aaral at


kabataab sa paaralan o maging sa komunidad. Makakita lamang sila ng kakaiba sa
paningin nila ay agad nila itong tutuksuhin o di kaya’y napansin nila ang isang bata na
nag-iisa ay agad itong lalapitan at saka tutuksuhin.

Kahit anong masasakit na salita ang lumabas mula sa bibig ng bullies ay parang
binalewala na lamang ito ng biktima dahil aa takot. Karaniwan ding biktima ng
pambubully ay mga kabataan ng mahihina at alam nilang walang kalaban laban sa
kanila.

Isa rin ang diskriminasyon sa pambubully kung saan tinutukoy nito ang ating mga lahi.
Ang paninira at pagkukumpara sa ibang kalahi ay isa ring pambubully. Ang bullying sa
sekswalidad ay hindi rin maganda. Ito naman ay ang pambubully sa mga taong
kasalungat bg babae at lalaki o di kaya’y bakla at tomboy. Sila ay binubully base sa
kanilang kasarian.
Ayon sa batas, ang Anti-Bullying Act of 2013 na nilagdaan ng dating pangulo na si
Pangulong Noynoy Aquino, ang lahat ng paaralan sa elementarya at sekondarya ay
kinakailangang gumawa ang mga polisya laban sa bullying sa kanilang institusyon. Ang
kopya ng mga polisya ay kailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang. Kabilang sa
polisya ang pagbabawal sa bullying sa loob ng paraalan at sa lahat ng mga school-
related activities. Ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa bullying.

Anu-ano nga ba ang dapat na gawin kung sakaling maranasan ang ganitong
kapangahasan?
Magsumbong sa guro – kung sakaling makaranas ang isang tao ng pambubuli ay
nararapat lamang na isuplong ito sa iyong guro ng sa ganoon ay mapagsabihan ito at
hindi maulit pa
Magsumbong sa magulang – nararapat ding ipaalam ito sa iyong magulang para
mapayuhan tayo ng magulang.

CONCLUSION:
Ang masasabi ko lamang sa ganitong kaso na ay itigil na ito. Wala namang mabuting
maidudulot ito sa ating kapwa at lalo sa ating sarili bagkus ay makasasama pa ito. Kung
sa tingin ng iba magiging sikat sila sa ginagawa nila, nagkakamali sila dahil sa mata ng
tao at lalong higit ng Diyos na mali ang ginagawa nila. Hindi naman tayo nagkulang sa
mga pangaral ng ating mga magulang at lalong higit ay nag-aaral tayo kaya naituturo sa
atin ng mga guro ang tama at mali. Kaya bakit naiisip pa ng iilan ang ganitong
sitwasyon? Siguro ay kulang ito sa atensyon ng magulang, kaya naman para sa ating
mga magulang ay dapat subaybayan at gabayan sa bawat kilos na ating gagawin. At
Idisiplina, palakihing maayos at bigyang oras ang ating mga anak upang sa gayon
mapunan natin ang kanilang pangangailangan at kagustuhan nang hindi na sila naiingit
o pag tripan ang kanilang mga kamag-aral at maging ang ibang taong kaya nila. Sa mga
binubully naman, lumayo at umiwas kayo sa mga kumukutya sa inyo at kung maari
humingi kayo ng tulong o magsumbong kayo sa pamilya o sa paaralan na kayo ay inaapi.
Wag na wag kayong mahihiyang humingi ng tulong. At higit sa lahat maging malakas
kayo at matatag sa buhay sa kabila ng kanilang pambubulas nila sa inyo. Patunayan mo
sa kanila na kaya mong lagpasan ito at ipakita mo sa kanila na nagkamali sila. Be
Strong and Courageous despite of Bullying. Sabi nga sa isang quote, “Haters and Bully
don’t really hate you, They hate themselves; Because you’re a Reflection of what they
wish to be”. MULI, MARAMING SALAMAT!

You might also like