You are on page 1of 2

Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang “bullying”?

Lingid sa ating kaalaman na ang bullying ay


nangangahulugang pangungutya sa kapwa tao dahil mayroon syang pagkakaiba sa isang tao na
wala sa kanila. Ang bulying rin ay isang uri ng pang-aapi na ginagamitan ng lakas. Kadalasang
nangyayari ito sa paaralan at karaniwang mga kabataan ang biktima nito. Isa sa kaso sa Pilipinas ay
ang tinatawag na bullying. May tatlong uri ang bullying,Ito at ay ang mga sumusunod:

1. SOSYAL NA PAMBUBULAS. – isang uri ng pambubully kung saan sinisira ng


bullies ang reputasyon at pakikitungo sa ibang tao ng kanilang binibiktima.
2. PISIKAL NA PAMBUBULAS. –ito naman ay ang pisikal na pananakit at
paninira ng kanyang pag-aari. Dito papasok ang sinasabing
panununtok,paninipa,pananampal,pangungurot at iba pa.
3. PASALITANG PAMBUBULAS. –isang uri ng pambubully kung saan
pananalita ang ginagamit ng bullies. Ito rin ay panunukso,panlalait,pang-
aasar,paninigaw,pagmumura,pang-iinsulto,pagpapahiya sa harap ng maraming tao at iba
pa.

Mayroon din tayong tinatawag na “CYBER BULLYING”kung saan internet naman ang nagiging
daan para makapanakit ng kapwa tao. Makikita natin at masasaksihan ang ganitong pambubully sa
mga websites gaya ng facebook,twitter,at instagram. Hindi lamang sa status nakikita ang
pambubully kundi maging sa pagpopost ng mga litrato na ikasisira ng kanilang biktima.

Karaniwang panunukso ang pinakpangunahing nararanasan ng mga mag-aaral sa paaralan.


Makakita lamang sila ng kakaiba sa paningin nila ay agad nila itong tutuksuhin o di kaya’y napansin
nila ang isang bata na nag-iisa ay agad itong lalapitan at saka tutuksuhin. Ang mga ganitong eksena
ay kadalasang nagyayari kapag walang magawang hindi maganda ang ilang estudyante,minsan ay
kapag sinita ng isang guro ang kanilang kinagawa ay sasabihin lamang na nagbibiruan lang dahil sa
takot ng biktima ay nakuha na lamang nya na sumangayon dito. Kahit anong masasakit na salita
ang lumabas mula sa bibig ng bullies ay parang binalewala na lamang ito ng biktima dahil aa takot.
Karaniwan ding biktima ng pambubully ay mga kabataan ng mahihina at alam nilang walang kalaban
laban sa kanila.

Nagiging uso na rin sa ilang paaralan ang pambubully na gamit ang pananakit sa paraang
pisikal. May iilang estudyante ang napapabalita dahil sa pambubully na binugbog ng kanyang
kamag-aral. Gaya na lamang ng isang bata na grade six pupil biktima umano ng bullying na
nabalian ng tadyang nang suntukin ng kaklase na noon pa man ay nambubully na sa kanya. Isa ito
sa halimbawa ng pambubully sa paraang pisikal.

Isa rin ang diskriminasyon sa pambubully kung saan tinutukoy nito ang ating mga lahi. Ang paninira
at pagkukumpara sa ibang kalahi ay isa ring pambubully. Ang bullying sa sekswalidad ay hindi rin
maganda. Ito naman ay ang pambubully sa mga taong kasalungat bg babae at lalaki o di kaya’y
bakla at tomboy. Sila ay binubully base sa kanilang kasarian.

May mga sanhi at a epekto ang pambubully. Una ay ang kawalan ng interes sa pagaaral at hindi
pagpasok sa school. Pangalawa,pagkukunwaring may sakit para hindi makapasok sa school. Gusto
laging nag-iisa. May pasa,gasgas o sugat na hindi masabi sa magulang ang kadahilanan. At ang
maaaring mangyari sa isang biktima ay maaaring magpakamatay,masisiraan ng ulo o di kaya’y
papatay.

Ayon sa batas, ang Anti-Bullying Act of 2013 na nilagdaan ng dating si President Noynoy Aquino,
ang lahat ng paaralan sa elemntarya at sekondarya ay kinakailangang gumawa ang mga polisya
laban sa bullying sa kanilang institusyon. Ang kopya ng mga polisya ay kailangang ibigay sa mga
mag-aaral at magulang. Kabilang sa polisya ang pagbabawal sa bullying sa loob ng paraalan at sa
lahat ng mga school-related activities. Ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa bullying.

Anu-ano nga ba ang dapat na gawin kung sakaling maranasan ang ganitong kapangahasan?

 Magsumbong sa guro. –kung sakaling makaranas ang isang tao ng


pambubuli ay nararapat lamang na isuplong ito sa iyong guro ng sa ganoon ay
mapagsabihan ito at hindi maulit pa
 Magsumbong sa magulang. – nararapat ding ipaalam ito sa iyong magulang
para mapayuhan tayo ng magulang.

Ang ganitong sitwasyon ay hindi dapat isinasawalang bahala lamang dapat ay matuto din tayong
umimik kung anong nangyayari sa atin para mapagsabihan ang mga nambubully at maitama ito.

Ang masasabi ko lamang sa ganitong kaso lalo na sa Pilipinas na palagiang may nagaganap na
pambubully ay itigil na ito. Wala namang mabuting maidudulot ito sa ating kapwa at lalo sa ating
sarili bagkus ay makasasama pa ito. Dahil once na ang isang bata ay nangbully automatically
madadamay ang magulang nito na nagiging dahilan ng pagkakagulo ng bawat magulang dahil sa
walang kwentang pambubully ng kanilang mga anak. Kung sa tingin ng iba magiging sikat sila sa
ginagawa nila pwes nagkakamali sila dahil sa mata ng tao at lalong higit ng Diyos na mali ang
ginagawa nila. Hindi naman tayo nagkulang sa mga pangaral ng ating mga magulang at lalong higit
ay nag-aaral tayo kaya naituturo sa atin ng mga guro ang tama at mali. Kaya bakit naiisip pa ng iilan
ang ganitong sitwasyon? Siguro ay kulang ito sa atensyon ng magulang kaya naman para sa ating
mga magulang ay dapat subaybayan pa rin tayo at gabayan sa bawat kilos na ating gagawin.

You might also like