You are on page 1of 15

Walang sinoman ang maaaring

manakit ng iba.

“Huwag mơng gawin sa kapwa mo


ang ayaw mong gawin sa iyo.”
Naniniwala ka ba sa kasabihang Ito?
• Ang pambubulas o Bullying ay hindi lamang
simpleng isyu sa paaralan. Ito ay laganap sa
buong mundo kung kaya Kabi-kabila ang
kampanya laban dito. Tinatayang 35 Porsiyento
ng mga Mag-aaral sa Pribadong paaralan ay
Nabu-bully sa Internet. Mas madalas ma-bully
Ang mga babae kaysa Mga lalaki. Anomang Uri
ng pambu-bully, Pasalita man, pisikal, o Sa
Internet, tiyak ang Negatibong epekto nito sa
biktima.
• Basahin ang talumpati tungkol sa bullying
Itigil ang Pambubulas sa Paaralan!
Ni Sofia Marga Almase
Ang batang lalaki na tinawag mong bakla at
Sinuntok mo kanina ay ayaw nang pumasok sa
Paaralan. Ang babaeng tinawag mong pangit at
Maarte, isa palang ulila at walang kaibigan. Ang
Lalaking tinawag mo na walang silbi, kailangan
Palang magtrabaho tuwing gabi upang makatulong
Sa kaniyang pamilya. Ang batang itinulak mo noong
Isang araw, minamaltrato pala ng kaniyang amain.
Ang babaeng tinawag mong mataba at baboy,
ginugutom na niya ang kaniyang sarili at ayaw nang
kumain. Ang matandang lalaki na pinagtatawanan mo
dahil sa kaniyang mga sugat sa mukha, siya pala ang
nakikipaglaban para sa ating bansa. At ang batang ginawa
mong katawa-tawa dahil sa kaniyang pag-iyak, namatayan
pala ng ina. Sa palagay ko ay kilala mo sila. Ang bullying o
pambubulas ay paulit-ulit na pananakot, panlalait o
panghahamok, at pananakit sa kapwa, mapapisikal man o
pasalita-at ito ay may epekto sa pisikal, emosyonal, at
sikolohikong aspekto ng isang tao. Kadalasan, nagdudulot
ito ng takot, galit, at pinsalang sikolohiko sa isang biktima.
Batay sa ulat ng Kagawaran ng Edukasyon, may 80
porsiyento o Katumbas na 1,165 ang kaso ng bullying o
pambubulas sa paaralan mula 2012 hanggang 2013. Ito ang
dahilan kung bakit nilagdaan ng Pangulong Benigno Aquino
III ang Anti-Bullying Act ng 2013 na nagbabawal sa lahat ng
paaralan sa buong bansa. Sa ilalim ng nasabing batas, ang
lahat ng paaralan sa elementarya at hayskul ay kailangang
gumawa ng patakaran Para dito. Mahigpit na ipinagbabawal
ang anomang anyo ng bullying sa loob ng paaralan, mga
gawaing pampaaralan, at ang cyber bullying. Inaatasan ng
RA 10627 ang mga paaralan na magpataw ng parusa sa
sinomang mahuhuli na nambu-bully. Nararapat na siya ay
sumailalim sa rehabilitation program ng Paaralan.
Noong ako ay nasa elėmentarya, nakaranas ako ng
pambubulas o karahasan mula sa aking mga kamag-aral.
Dahil ako ang Pinakamaliit at payat sa aming klase,
nariyang tuksuhin nila ako ng Pandak, butiki, lampa,
tiyanak, at kung ano-ano pang masakit na salita.
Nariyan din na ako ay kanilang sikuhin, patirin, at
bungguin, Tuwing kami ay nagkakasalubong sa daan.
Minsan pa nga nila Akong inagawan ng baon at
kinikilan ng sampung piso. Ang hindi ko pa malilimutan
ay nang lagyan nila ng bubble gum ang aking buhok.
Umiyak ako noon. Ngunit ang pinakamasakit ay
ang hindi ako makapagsumbong sa aking mga
magulang at guro dahil sa pagbabantang muli
nila akong sasaktan kung ako ay magsusumbong.
Dahil sa mga pangyayaring ito, ako ay laging
pumapaşok sa paaralan nang may agam-agam.
Natutulala rin ako sa klase at hindi nakasasagot
sa mga resitasyon. Hindi na ako masyadong
nakikihalubilo dahil sa takot.
Dahil sa akto ng pambubulas, nasisira ang buhay
ng isang estudyante. naaapektuhan ang
kaniyang pag-aaral. Bumababa ang kaniyang
mga marka. bumababa ang tingin niya sa sarili,
nagkakaroon siya ng malaking takot na
Makihalubilo sa iba, at nagiging malungkutin.
May ilang kaso pa nga na Sinasaktan nila ang
kanilang sarili at ang pinakamalala pa ay
Nagpapakamatay sila.
Hindi biro ang pambubulas. Isa itong suliranin ng mag-
aaral at maging ng paaralan. Hindi dapat maliitin ang
kakayahan ng isang tao base sa kaniyang panlabas na
anyo o mga kahinaan. Masama ang manghusga ng
kapwa, may basehan man ito o wala. Hindi natin alam
na maaaring sa Pambubulas sa kanila ay may mas
malalim na sugat sa kanilang pagkatao na Hindi natin
nakikita. Bawat tao ay may dignidad na tinataglay kung
kaya Nararapat na siya ay igalang at ingatan, tulad ng
paggalang at pag-iingat natin sa ating sarili. Walang
gustong masaktan kaya huwag din tayong mananakit.
Paano kung ang batang iyong binu-bully sa paaralan
ay lumaki at nagging mahusay na doktor? At ang
doktor na ito pala ang bukod-tanging makagagamot
ng iyong malalang sakit at makapagsasalba ng iyong
buhay? Ang paghila sa kapwa pababa ay hindi
nangangahulugan ng pagpapataas sa sarili.
Ang pinakamahalagang laban sa buhay ay ang pag-
iwas sa away.
Leave bullying to the bulls. And become a human.
Isang magandang araw po sa inyong lahat.
Pag-unawa sa Binasa
Sagutin ang mga tanong sa buong pangungusap.
1. Ano ang pambubulas o bullying?

2. Ano ang naidudulot nito sa biktima?

3. Bakit ito nararapat na itigil lalo na sa paaralan?

4. Paano naaapektuhan ng pambubulas ang biktima?

5. Ano ang habilin ng may-akda tungkol sa pambubulas?

6. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng pambubulas?


Sanhi at Bunga
Sa isang akda man o sa totoong buhay, ang bawat
pangyayari ay may kaukulang sanhi at bunga.
Ang Sanhi ay ang dahilan ng isang pangyayari.
Ang Bunga naman ay ang resulta o kinalalabasan nito.
 Ang mga salitang naghuhudyat na sanhi ng isang
pangyayari ang ipinahahayag ay dahil, dahil sa, kasi,
dulot ng, sapagkat, at iba pa.
 Ang mga naghuhudyat naman ng bunga o resulta ng
isang pangyayari ay kaya, kung kaya, tuloy ay,
bunga ng at iba pa.
Kapag nauuna ang sanhi
Magdamag na umiiyak ang sanggol sa loob ng bahay
(sanhi) kaya hindi nakatulog na maayos si Aling Ester
(bunga).
Hindi iningatan ni Totoy ang kanyang cellphone
(sanhi) kung kaya nasira ito agad (bunga).
Dahil nag aral siyang mabuti (sanhi) kaya mataas ang
nakuha niya sa pagsusulit (bunga).
Dahil sa pagtatapon ng basura kung saan-saan (sanhi)
kaya naman nalalason na ang ating kapaligiran
(bunga).
Kapag nauuna ang bunga
Nalalason ang mga isda sa dagat, at nagkakaroon
ng mga baha (bunga) dahil sa walang displinang
pagtatapon ng basura kung saan saan (sanhi).
Nagkamit siya ng ibat-ibang karangalan sa
kanyang paaralan (bunga) dahil nag aaral siyang
mabuti (sanhi).
Lumubog sa baha ang bayan ng Navotas (bunga)
dahil sa kakulangan ng pagpaplano ng mga nasa
katungkulan (sanhi).

You might also like