You are on page 1of 28

MAGANDANG

BUHAY!
MABUTING TAO!
MGA PAMPROSESONG TANONG
1.Ano ang napansin mo sa larawan? Tungkol
saan ito?
2.Nakasaksi o nakaranas ka na ba ng parehong
pangyayari?
3.Sa iyong palagay, normal lang ba na
maranasan ito ng katulad mong mag-aaral?
MGA KARAHASAN MODYUL 14
SA PAARALAN
ANO ANG PAMBUBULAS?
Ang pambubulas o bullying
ay isang sinasadya at
madalas na malisyosong
pagtatangka ng isang tao o
pangkat na saktan ang
katawan o isipan ng isa o
mahigit pang biktima
PAMBUBULAS
 Ito ay nagaganap dahil sa hindi pantay
na kapangyarihan o lakas sa pagitan ng
mga tao.
 Matatawag lamang na pambubulas kung
ito ay isasagawa ng paulit-ulit o may
potensyal na maulit sa takdang panahon .
PASALITA O BERBAL
Pambubulas
Pagsasalita o pagsusulat ng masasamang
salita laban sa isang tao.
50% sa mga mag-aaral na nasa Una
hanggang Ikatlong Baitang, 67% sa
Ikaapat hanggang Ika-anim na Baitang ang
65% sa mga nasa high school ang
mayroong ganitong karanasan.
Pasalitang Pambubulas
HALIMBAWA: pangangantyaw,
pangungutya, panunukso, panlalait,
pang-aasar, paninigaw, pagmumura,
pang-iinsulto, pagpapahiya sa iyo sa
harap ng maraming tao, at iba pa.
SOSYAL O RELASYONAL na Pambubulas

 Ito ay may layuning


sirain ang
reputasyon at ang
pakikipag-ugnayan
sa ibang tao.
Sosyal na Pambubulas
HALIMBAWA: pang-iiwan,
pangkakalat ng masama laban sa
isang tao, pagbubulungan at iba pa.
PISIKAL na Pambubulas

Ito ay ang pisikal na pananakit


sa isang indibidwal o pangkat at
paninira ng kaniyang mga pag-
aari.
Pisikal na Pambubulas
HALIMBAWA:
Pambabatok, pangungurot,
panununtok, pananabunot at iba pa.
Cyber bullying

• Ito ang anomang uri ng paninirang-puri, pang-


aabuso, o pananakot gamit ang teknolohiya. Ang
cyberbullying ay isang uri ng bullying na
nangyayari sa pamamagitan ng digital technology.
Kabilang na rito ang social media networks, texts
o instant messages, at emails.
Mga Posibleng Sanhi ng Pambubulas

1.Nais ng mambubulas na mangibabaw, dominahin, at kilalanin


sa kapaligirangkinabibilangan para sa sariling kapakanan.

2.Dahil sa pagkainis, pikon, at sobrang galit sa sitwasyon o sa


ibang tao kaya’tibinubunton nito ang bugso ng damdamin sa
taong alam niyang hindi gagantisa gagawing pambubulas.
Mga Posibleng Sanhi ng Pambubulas

• 3.Dahil sa pagnanais na makaganti sa pambubulas na


nangyari sa kaniya athindi kayang gumanti sa
nambulas sa kaniya ay naghahanap ito ng mas
bataomas mahinang bubulasin, upang ito ay hindi
gumanti sa kaniya.
• 4.Ang pambubulas ay nararanasan niya sa sariling
tahanan kung kaya siya aynatutong mambulas din ng
iba
.
Mga Posibleng Epekto ng Pambubulas

1.Pisikal na Epekto. Ang mga biktima ng pambubulas ay may posibilidad


namagkaroon ng labis na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin sa pagtulog
(sleepdifficulties), mababang tiwala sa sarili, stress, maging sakit ng ulo, at
tiyan atpangkalahatang tensiyon kumpara sa mga kabataang hindi nagiging
biktima ngpambubulas.

2.Sosyal na Epekto. Ang biktima ng pambubulas ay madalas na kakaunti


angkaibigan o maaaring walang kaibigan. Maaari itong magdulot ng pag-iisa
atpagiging malayo sa nakararami at magkakaroon sila ng paniniwalang hindi
silakarapat-dapat na magkaroon ng kaibigan.
Mga Posibleng Epekto ng Pambubulas

3.Epekto sa Sarili. Isa pa sa mga posibleng epekto sa biktima ng


pambubulasay ang posibilidad na sila mismo ay maging marahas,
maaaring sa panahonng pambubulas, o sa hinaharap. Ang karahasang
ito ay maaari nilang gawinsa kanilang sarili, sa paaralan, o sa taong
nambubulas sa kanila.
MGA PAMPROSESONG TANONG:
a. Paano ba nakaapekto ang pambubulas
sa buhay ng isang tao?
b. Kung ikaw ay makakakita ng isang
batang nabubulas ano ang iyong
gagawin?
c. Para sa iyo, alin ang pinakamatinding
paraan ng pambubulas?
PAGTATAYA
•KILALANIN O TUKUYIN KUNG
ANUNG URI NG PAMBUBULAS
ANG IPINAPAKITA SA BAWAT
SITWASYON.
1. May mag-aaral na tinatawag
akong balyena dahil sa aking
katabaan.
2. Walang may gustong ako’y isama
sa kanilang grupo.
3. Binabatukan nila ako twing di ako
pumapayag na ibigay ang aking baon.
4. Iniiwanan at pinguusapan nila ako
twing recess.
5. Lagi nilang sinisigaw na ako’y isang
binabae twing ako’y kanilang nakikita.
SAGOT:
1.SALITA
2.SOSYAL
3.PISIKAL
4.SOSYAL
5.SALITA
TAKDANG ARALIN
•MAGBIGAY NG MGA
KATANGIAN NG ISANG
TAONG NAMBUBULAS.
.

You might also like