You are on page 1of 20

PAGGAWA NG

MABUTI SA
KAPWA
Modyul 11: Edukasyon sa Pagpapakatao
IKATLONG MARKAHAN
Bakit mahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa?
Paano ka makagagawa ng mabuti sa iyong kapwa?
KAHULUGAN NG KABUTIHAN O
KAGANDAHANG-LOOB
Ang salitang kabutihan o kagandahang-loob ay
magkasingkahulugan. Ang una ay hango sa salitang-ugat
na buti na nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan, at
kabaitan. Ang kagandahang-loob naman ay hango sa
dalawang payak na salita na ganda at loob. Ang loob ay
tumutukoy sa “inner self o real self”. Ang “inner or real
self” na tinatawag ay ang kakanyahan ng tao. Dito sa
“inner self” na ito naroon ang tunay na kahalagahan o
silbi ng isang tao. At ayon sa ilang may-akda, ang lahat ng
mga pagpapahalaga at birtud ng tao ay bumubukal sa
kabutihan o kagandahang-loob.
KALIGAYAHAN, KABUTIHAN, O KAGANDAHANG-
LOOB AYON SA ETIKA NI ARISTOTELES
Isa sa mga etikang naisulat ni
Aritoteles ay ang Etika Nikomakiya.
Dito sa nabanggit na etika ay tinalakay
niya ang kaligayahan. Bago niya
pinalawig ang tungkol sa kaligayahan,
binigyang-diin niya kung ano ang
pagpapakatao. Ayon sa kaniya, hindi ang
pagsunod sa mga iniidolo nakasalig ang
pagiging tao na tao. Ang pagpapakatao ay
nag-uugat sa kalikasan niyang
magpakatao at ang pagkilos na may
layunin (telos).
KALIGAYAHAN, KABUTIHAN, O KAGANDAHANG-
LOOB AYON SA ETIKA NI ARISTOTELES

Para kay Aristoteles, ang


“ultimate end” o huling layunin
ng tao ay ang kaligayahan. Ang
kaligayahan ay maaaring nasa
kasarapan, karangyaan o yaman
sa buhay. Ito ay nasa karangalan
na maibibigay ng ibang tao. At ang
kaligayahan ay maaaring nasa
birtud na moral.
KALIGAYAHAN, KABUTIHAN, O KAGANDAHANG-
LOOB AYON SA ETIKA NI ARISTOTELES
Kinakailangan pa rin ng tao ang
kasarapan, karangalan at moral na birtud
ngunit isaisip na ang kaligayahan ay may
angking katangian. Ito ay
pangmatagalan, may kasarinlan, aktibo at
panghabang-buhay. Mula sa mga katangian
na nabanggit, dito makikita na ang
layuning makagawa ng maganda o
mabuti ay ang magbibigay ng
kaligayahan sa tao. Ang tao ay magiging
lubos ang pagpapakatao kung siya ay
makikipagkapwa-tao.
ANG KABUTIHAN O KAGANDAHANG-LOOB BILANG
EKSPRESYON NG MAGANDANG BUHAY
Ang kagandahang-loob sa kapwa ay isang ekspresyon
ng kagandahan ng buhay. Ang kabutihan o
kagandahang-loob ay maipaliliwanag sa iba’t ibang
pagkaunawa:
1. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos na manlilikha.
Ang kagandahang-loob o kabutihan ay likas na kaloob
ng Diyos sa tao. Kaya naman ang tao ay
pinagkalooban ng ispiritwal at materyal na kabutihan.
2. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay ang pinag-
uugatan ng mabuti at magandang pag-iisip, damdamin,
at gawa ng tao habang namumuhay ito nang
matiwasay.
ANG KABUTIHAN O KAGANDAHANG-LOOB BILANG
EKSPRESYON NG MAGANDANG BUHAY
3. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay hindi
magiging ganap kung hindi ito maipamamalas sa iba.
Ito ay nararapat na magmula sa kalooban at maibahagi
sa kapwa para sa kabutihang panlahat.

4. Ang kabutihan o kagandahang-loob at mabuting buhay


ay nakasalalay sa antas ng kamalayan o pang-unawa kung
ano nga ba talaga ang mabuti. (Alejo,1990)
ANG KABUTIHAN O KAGANDAHANG-LOOB SA KAPWA

Ang tao upang maging makatao ay nararapat na


tunay na mabuti sa kapwa. Ang kagandahang-loob ay
hindi patungkol sa sarili lamang. Sa halip, ito ay
patungo sa kabutihang panlahat. Ang tunay na
paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob ay
nangangailangan ng pagsasakripisyo. Dumarating sa
punto na kailangang kalimutan mo ang sarili alang-
alang sa ikabubuti ng iba. Ang kagandahang-loob ay
matutunghayan sa iba’t ibang pamamaraan ng
pagmamahal at pagkalinga sa kapwa.
TANDAAN :

Kadalasan ang paggawa ng kabutihan


ay nagkakaroon ng limitasyon. Nanaisin
na lamang natin gumawa o magpakabuti
sa mga taong alam nating masusuklian
ang ating ginawa. Sa pagkakataong ito,
masusubok ang ating pagpapakatao:
kung likas tayong may kabutihan o
kagandahang-loob.
HANGGANAN NG KABUTIHAN O KAGANDAHANG-LOOB

Isang magandang halimbawa ay si Blessed Papa Juan Pablo II.


Noong siya ay nabubuhay pa, isang Turkish national, si Mehmet Ali
Agca, ang naglagay ng buhay niya sa bingit ng kamatayan. Binaril ni
Mehmet at nagtamo ang Santo Papa ng apat na tama ng baril -
dalawa sa kaniyang bituka, isa sa kanang braso at sa kaniyang kaliwang
kamay. Matapos ang pagpapagaling ng Santo Papa ay nakuha pang
dalawin, kausapin, at gawaran ng kapatawaran si Mehmet sa nagawa
niya.
BILANG ISANG NAGDADALA/NAGBIBINATA
NARITO ANG HALIMBAWA NG ILANG
SIMPLENG KABUTIHAN NA MAAARI MONG
MAGAWA PARA SA IYONG KAPWA:

1. GAWING MAS MADALAS ANG PAGNGITI SA


IBANG TAO.
2. MAGBIGAY NG MATAPAT NA PAPURI SA
ARAW-ARAW.
3. MAG VOLUNTEER.
4. GUMAWA NG ANUMANG KABUTIHAN NA
HINDI PINAGPLANUHAN O KUSANG
DUMATING SA ARAW-ARAW. (RANDOM
ACTS OF KINDNESS)
NARITO ANG ILAN SA MGA BUNGA NG PAGGAWA
NG MABUTI SA KAPWA:

1. NAKAPAGPAPATAAS NG PAGPAPAHALAGA SA
SARILI.
2. NAKAPAPAWI NG PISIKAL AT MENTAL NA
STRESS AT PINOPROTEKTAHAN ANG
SIKOLOHIKAL NA KAAYUSAN O KATIWASAYAN.
3. INAANI MO ANG PAGMAMAHAL AT TULONG NG
IYONG KAPWA KAPALIT NG IYONG IBINIGAY
NA TULONG AT PAGMAMAHAL.
4. NABABAWASAN ANG IYONG KAKAYAHAN NA
ISISI SA IBANG TAO ANG IYONG MGA
KASAWIAN.
5. MAS MATAAS NA KOMITMENT.
Isang Testimonya ng Kagandahang-loob
Lingid sa kaalaman ng karamihan, may mga tao o
grupo ng mga mapagkawanggawa ang patuloy na
gumagawa ng kagandahang-loob kahit na walang kamera o
media na nakabantay. Isa na rito ang Buddhist Tzu Chi
Foundation dito sa ating bansa. Ang grupo ay binubuo
ng mga Pilipino at Tsino na ginagabayan ng mga turo at
aral ng kanilang foundress na si Dharma Master Cheng
Yen. Ang grupo ay tumutulong sa aspekto ng
edukasyon, medisina, pangangalaga ng kalikasan, at
kawanggawa sa mga nasalanta ng kalamidad. Tulad na
lamang ng magkapatid na Leah and Rachel Awel na
nabiyayaan ng kabutihan ng grupong nasabi.
Ang magkapatid ay conjoined twin na sa pamamagitan
ng operasyon ay napaghiwalay ang magkadikit na puso
noong sila ay bagong panganak. Matapos ang siyam na
taon, sila ay sinusuportahan pa rin ng Foundation. Ang
magkapatid ay nag-aaral sa isang Chinese-Buddhist na
paaralan at ang kanilang ama ay nabigyan ng trabaho
bilang isang volunteer sa Foundation. Patuloy rin silang
tinutustusan sa kanilang pangangailangang pinansyal. Ayon
sa magkapatid na Leah at Rachel, pangarap nilang
maging doktor at guro upang makagawa rin sila ng
kabutihan sa kapwa.

Sa halimbawang nasaad, kagandahang-loob sa kapwa ang


malinaw na naisabuhay.
Kung ating babalikan, sa simula pa lamang
ng paglikha, ang kabutihan o kagandahang-loob
na ang sanhi kung bakit narito ang sangkatauhan.
Ito ay dahil sa kabutihan ng ating Manlilikha. Ang
kabutihan o kagandahang-loob Niya ay nag-uugat
sa pagmamahal. Ang Diyos ay nagtataglay nang
walang kapantay na pagmamahal. Ipinakita rin
Niya ang kagandahang-loob sa mga taong
makasalanan at itinakwil ng lipunan. At sa
makabagong panahon, may mga tao pa rin na
nagsusumikap na maipamalas ang kagandahang-
loob sa kapwa.
TANDAAN :
“HINDI AKO TUMUTULONG SA AKING
KAPWA SAKANYANG PAGLAGO PARA SA
AKING PANSARILING KAGANAPAN, SA
HALIP SAPAMAMAGITAN NG
PAAGTULONG SA AKING KAPWA UPANG
SIYA AY LUMAGO AKO AY UNTI-UNTING
NAGIGING GANAP. MAGIGING GANAP
LAMANG AKO SA PAMAMAGITAN NG
PAGLILINGKOD SA AKING KAPWA O
SINUMAN MALIBAN SA AKING SARILI AT
KUNG HINDI KO ITO KAYANG GAWIN
NANGANGAHULUGAN LAMANG ITO NA
HINDI KO RIN KAYANG
PANGALAGAANANG AKING SARILI.”
GAWAIN :
Panuto: Anong mahahalagang konsepto ang iyong
natutuhan sa aralin?

You might also like