You are on page 1of 9

Grade 8

Activity Sheets
Quarter 1 Week 2
Pangalan:
Baitang/Pangkat:
Petsa: _______________ Total Score: 0

Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa


Kasanayang Pampagkatuto: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay
natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa (EsP8PBIb-1.3)
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya. (EsP8PBlb-1.4) (Week 2)

Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon

Paano maiuugnay ang pamilya bilang likas na institusyon


sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa?
Bakit itinuturing na natural na institusyon ang pamilya?
(Sa Yunit 1, Mudyul 1 pahina 5), Ano nga ba ang pamilya?
Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), Ang pamilya ang
pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng
pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot,
puro, romantikong pagmamahal- kapwa nangakong magsasama hanggang
sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at
pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Ang pamilya
ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal
sa kapwa ng pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob at paggalang o
pagsunod.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

1
Gawain 1
Panuto: Ipaliwanag at sagutin ang mga tanong o isulat sa sagutang papel.
(sampung puntos bawat bilang)
1.Ano ang pagkakaiba ng bahay at tahanan?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2.Bilang mag-aaral, paano mo ilalarawan ang isang pamilya?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Isulat ang mga tungkulin sa mga miyembro ng pamilya: (sampung
puntos bawat bilang)
1. Tatay__________________________________________________________________
2. Nanay_________________________________________________________________
3. Anak__________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa mga nakalahad o tinutukoy sa
mga sumusunod na pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon at nasa ibaba ang pagpipilian.

A. Tatay E. Single Parent H. Magulang


B. Pamilya F. Bahay I. Pagmamahalan.
C. Nanay G. Tahanan J.Suling
D. Pamilyang Extended

______1. Tawag sa mga anak


______2. Tawag sa nag-iisang magulang na gumaganap bilang tatay o nanay
sa anak o mga anak.
______3. Binubuo lamang ng mga magulang at mga anak

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

2
______4. Isang bahay na pinagyaman ng pagmamahalan at kasiyahang
pamumuhay ng mga anak.
______5. Isang istrakturang may bubong na maaring tirahan
______6. Ilaw ng tahanan at ang gumagawa ng mnga gawain sa bahay,
nagbabagyet at katulong ng tatay sa mga problema.
______7. Ang nagpapayaman sa isang tahanan
______8. Haligi ng tahanan at ang nagtataguyod at nagtatrabaho para sa
pamilya.
______9. Tawag sa ina at ama ng pamilya
______10. Kasama ang lolo, lola mga tiyuhin at pinsan bukod sa mga
magulang at anak na nakatira sa isang bahay

Kahulugan ng pamilya: (brainly.ph/question/608881)


 Ito ay binubuo ng ama, ina at anak
 Ang tinaguriang pinakamaliit sa sangay ng lipunan
 Ay lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa
dugo sa bisa ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng
pagaampon o paninirahan sa iasang tirahan

Mga kahulugan ng salita:


 Supling - tawag sa mga anak.
 Pagmamahalan - ang nagpapayaman sa isang tahanan.
 Nanay - ilaw ng tahanan at ang gumagawa ng mnga gawain sa bahay,
nagbabagyet at katulong ng tatay sa mga problema.
 Tatay -haligi ng tahanan at ang nagtataguyod at nagtatrabaho para
sa pamilya
 Anak - ang tumutulomg sa kanilang mga magulang sa iba pang
trabaho sa bahay.
 Magulang- tawag sa ina at ama ng pamilya.
 Single parent - tawag sa nag-iisang magulang na gumaganap bilang
tatay o nanay sa anak o mga anak.
 Bahay- isang istrakturang may bubong na maaring tirahan

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

3
 Tahanan- isang bahay na pinagyaman ng pagmamahalan at
kasiyahang pamumuhay ng mga anak.
Uri ng pamilya:
 Pamilyang Nuclear- binubuo lamang ng mga magulang at mga anak
 Pamilyang Extended- kasama ang lolo, lola, mnga tiyuhin at pinsan
bukod sa mga magulanmg at anak na nakatira sa iisang bahay

Gawain 4
Panuto: Pumili lamang ng isang (1) kakayahan sa walong (8) pinagpipilian
tungkol sa isang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at
pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa
makabuluhang pakikipagkapwa:
I-upload sa loob ng kahon ang iyong sagot para sa Gawain 4
1.Sumulat ng isang Tula
2.Sumulat ng isang Awit
3.Pagguhit
4.Gumawa ng slogan
5.Gumawa ng vlog
6.Poster making
7.Gumawa ng isang spoken poetry
8.Iba pang talento na gusto
mo naayon sa paksa

Sagutin ang tanong: (limang puntos)


1. Basi sa iyong napiling gawain, bakit ang pamilya ay natural na institusyon
ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad
ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa? Ipaliwanag.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

4
Sa nakaraang aralin pinag-aralan natin ang pitong mahahalagang
dahilan na ang pamilya ay isang likas na institusyon; (EsP8 Yunit 1,
Modyul 1 pahina 10-19} Itong panglima ay nagsasaad na “Ang pamilya ang
una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first
and irreplaceable school of social life)” Sa panahon ng pandemic, naging
trending ang barter, ang tanong, gusto mo bang palitan ang iyong ina? O
gusto mo bang palitan ang iyong ama? Bilang isang anak, gusto mo bang
tumira sa kapitbahay? Siyempre ayaw mo, hindi naman bagay o paninda
ang ang iyong ama at ina. Dito nakahandang magsakripisyo ang magulang
sa isang anak kahit na may kapansanan, may karapatang itong mag-aral.
May isang pamilya na may kaisa-isang anak, gusto ng mga magulang
mag-aral sa paaralan pero hindi pwede dahil may kapansanan, (cerebral
palsy), hindi makalakad at ang alam lang niyang salita ay mommy at daddy,
mula pagkapanganak. Tuwing gabi, habang nagbabasa ng mga aklat at
gumagawa ng lesson plan kinakalong palagi ng kanyang tatay kasi ayaw
matulog ang bata pag di kasama ang kanilang magulang. Bago umalis
tungo sa paaralan, ito’y pinapaliguan at pinapakain ng almusal. Araw-araw
iyon ang gawain ng isang ama. Minsan ang nanay naman ang mag-aaruga
pag dating ng gabi, pinapakain ng hapunan. Pagdating na man ng sabado
na gabi, habang nagbabasa ng bibliya at gumagawa ng sermon tungkol sa
pananampalataya , ganon parin kinakalong ng kanyang tatay ang kanilang
anak bilang paghahanda para sa linggong gawain sa simbahan. Noong
maliit pa sinasama nila palagi sa simbahan, namamasyal sa mall, park at
sa ibang magagandang tanawin. Noong siya’y labing limang taon gulang,
hindi na nila sinasama sa simbahan kasi masyadong mabigat at wala
namang higaan sa loob ng simbahan. Sa madaling salita, pagdating ng
labing walong taon pinaghandaan nila ang kangyang kaarawan dahil iyon
ang kanyang debu. Sabi nga, “Ang buhay ang may simula at may
katapusan”. Paglipas ng apat na araw mula sa kanyang birthday o debu,
ang kanilang anak ay bumalik na sa kaharian ng Diyos, at ang damit na
kangyang isinusuot sa kanyang kaarawan o sa kanyang debu, iyon din ang
kanyang isinuot sa kanyang burol. Sa kasalukayan ang tatay ay nagtuturo

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

5
ng Edukasyon sa Pagpapakatao dito sa Digos City National High School at
ang nanay ganon din sa asignaturang Agham.
Salamat na man dahil ikaw ay isang normal na bata, mahalin mo ang
iyong sarili at magulang dahil sa kanilang sakripisyo. Alam mo mahal na
mahal ka ng iyong magulang mula sa iyong pagkapanganak hanggan
ngayon. Ang sakripisyo ng magulang sa kanilang mga anak ay binigay nila
ang lahat na makakaya nila gawin. Sana tulong-tulong ang lahat ng
miyembro ng pamilya lalong lalo na sa panahon ngayon ng pandemya

Rubric sa Pagpagawa ng Gawain 1


Mga Batayan Mga Puntos
10 8 6
Ang nilalaman o Ang nilalaman o Ang nilalaman o
kabuuan ng kabuuan ng kabuuan ng
Mensahe
pagpapaliwanag ay pagpapaliwanag ay pagpapaliwanag ay
nakuha ang konsepto hindi malinaw walang kaugnayan sa
at may aral paksa

Rubric sa Pagpagawa ng Gawain 2


Mga
Mga Puntos
Batayan
10 8 6
Lubos na malinaw na Nakalahad ang mga Hindi malinaw ang
nakalahad ang mga ideya sa pagsagot sa ideya sa pagsagot sa
ideya sa pagsagot sa pangunahing paksa pangunahing paksa
Mensahe
pangunahing paksa subalit hindi sapat at hindi rin
gayun din ang ang paliwanag ukol nakalahad ang
panglahat na pagtanaw dito pagpapaliwanag
ukol dito ukol dito.

Rubric sa Pagpagawa ng Gawain 4


Mga
Mga Puntos
batayan
10 8 6
Naibigay sa buong May kaunting Maraming
Mensahe husay ang konsepto kakulangan sa kakulangan sa
ng gawain konseptong ipinakita konseptong
sa gawain ipinakita sa gawain

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

6
Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul para sa Mag-aaral-Ikawalong Baitang
, Unang Edisyon, 2013
brainly.ph/question/608881

Eduardo Doliguiz Fernandez Jelian Laranjo – Almazan


Manunulat Tagalapat
Digos City National High School Digos City National High School

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

7
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like