You are on page 1of 1

Say no to bullying

Palala ng palala ang mga kaso ng bullying sa bansa. Kamakailan lang naging viral yung isang bata sa social
media dahil sa pambubully. Ako bilang isang guro ay nababahala dahil mahirap ang maging biktima ng
bullying. Kamakailan lang ay may kinonsulta akong ganitong insidente sa aming guidance dahil
nasaksihan ko kung paano i bully ang isang estudyante ng mga kaklasi niya. Nakita ko sa mga mata ng
bata ang sakit kahit verbal bullying lang yung nararanasan niya. Hindi ko alam paano ko siya icocomfort
kahit na binawalan ko yung mga kaklasi. Nakikita ko yung takot sa mga mata niya kapag nandiyan yung
mga kaklasi niya,pero habang tumatagal napansin ko na parang nagiging bully din siya sa mga batang
mas bata sa kanya. Maaring iyon ay isang epekto ng nararanasan niya.

Upang maiwasan ang pambubully dapat siguru nating magkaroon ng mga programa or activities sa
paaralan kung saan maipapakita ang pagkakaisa at pantay pantay na trato sa isat isa ng mga bata o mag
aaral. Makakabuti din siguru kung palaging naka gabay ang bawat magulang sa kanilang anak at iwasan
na palakihing spoiled ang mga anak.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon, cguro ang dapat na parusa sa isang batang nambubully ay pananatili
sa rehabilitation center para magabayan ng mga psychologist at kasamang mananatili sa center yung
mga magulang. Kasi hindi naman masosolusyunan ang pambubully sa simpleng pagpapaalis sa paaralan
ng bata,dahil kahit bully ang isang bata ay di natin siya pwedeng husgahan.

Analyn I. Lacap

You might also like