You are on page 1of 1

PAKSA: BULLYING

PAMAGAT: Ugat ng Bullying

Karaniwan nating nakikita ngayon na laman ng mga balita ang mga pang-


aapi(bullying). ng mga bata sa kapwa mag-aaral sa iba’t-ibang paaralanpampubliko man
o pribado. Pa minsan-minsan nasasangkot pa ang mga magulang dahil ayaw ng mga
magulang na maapi ang kanilang mga anak. Saganitong sitwasyon, naaalarma ang
DepEd, pati ang mga magulang na umaasang ligtas ang kanilang mga anak sa paaralan,
na ang layunin ay madulutan sila ng sapat na edukasyon bilang preparasyon sa kanilang
paglaki. Layunin ng paaralan, mga guro, at magulang na masolusyunan ang ganitong
uri ng problema upang hindi lumala ang away na nag-uumpisa lamang sa pang-aapi ng
mga bata sa kapwa mag-aaral. Biktima ng pang-aapi kadalasan ang mga maliliit,
mahihina at mga may kapansanan na walang kakayahang lumaban at ipangtanggol ang
sarili mula sa mas-malalaking kaklase na kadalasan din mapang-api dahil sa pag-
aakalang takot sa kanila ang mga kamag-aral. Base sa aking nakikita, ang mga bully na
ito ay mga batang kulang sa atensyon, na sabik sa atensyon at pagmamahal
ng magulang at hindi nagabayan ng tama. Sa ganitong paraan nila inilalabas ang
kanilang saloobin upang makakuha ng pansin. Ang bayolenteng pagtrato at pagdisiplina
ng magulang ang nagdudulot ng ganitong pag-uugali ng mga bully. Sa ganitong paraan
nila nailalabas ang tunay na sakit at trauma na kanilang sinapit at nararamdaman. Ang
kasabihang "kung ano ang ginagawa ng mas nakatatanda ang siya ring gagawin ng mga
bata”. Nakakasanayan ng mga bully ang ganitong uri ng pag-uugali at hindi iniintindi
kung ano ang nararamdaman ng mga biktima katulad rin kung papaanong hindi rin
iniintindi ng mga mahal nila sa buhay ang kanilang nararamdaman sa tuwing sila ay
sinasaktan. Nararapat lamang na habang maaga masolusyonan agad ang anumang uri
ng bullying na nagaganap upang Maitama ang maling ugaling nakasanayan ng mga
tinaguriang bully ng lipunan at Maitama ito sa pamamagitan ng therapy at counselling
mula sa mga expert sa ganitong kasanayan.

Ipinasa ni: Kyle Danielle Macasinag


10 -Ayo

You might also like