You are on page 1of 2

Mga Paraan para Maiwasan ang BULLYING:

1.) Mahigpit na patnubay, gabay at pang-unawa ng mga magulang ay lubos na

kailangan.
2.) Pagkakaroon ng family couseling o pag-uusap sa bawat miyembro ng pamilya.
3.) Protektahan ang mga bata laban sa anumang klase ng pang-aabuso tulad ng

pananakit na maaaring magdulot ng trauma.


4.) Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa bullying at mga karapatan ay lubos na

makakatulong.
5.) Ang pagkakaroong ng maghigpit na batas at polisiya na pupuksa sa mga

ganitong uri ng pang-aabuso o bullying.

What the bully and the bullied must have (values) towards bullying.

1.) Kagandahang-asal na magmumula sa pamilya at sa tulong ng paaralan.


2.) Ang pagkakaroon ng kaalaman sa batas at karapatan laban sa ibat-ibang uri ng

pang-aabuso o bullying.
3.) Ang pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili at pagiging independent bilang isang

indibidwal ay lubos ding makakatulong.


4.) Lubos na pagmamahal at pang-unawa galing sa pamilya ang isa sa mga bagay

na dapat ibigay sa mga bata o bawat miyembro ng pamilya.


5.) Pagkakaroon ng kaalaman sa tamang pakikisalamuha sa ibat-ibang uri ng tao.

Mga paraan upang maiwasan ang bullying sa loob ng paaralan:

Subukan na magsagawa ng pagpapayo o counseling maalin sa guidance counselor,


mga guro, punong-guro ng paaralan o kaya ay tumulong din ang mga magulang, hinggil
sa ibat ibang kaparaanan ng pangaapi o bullying na maaaring maranasan o
nararanasan na ng mga estudyante.
Mamigay ng mga katanungan sa mga estudyante at guro kung may nagaganap na
pangaapi sa kanilang kapaligiran. Mainam din na ipaliwanag kung ano ang ibig-sabihin
ng pangaapi o bullying para agad nila itong makita at magawan ng solusyon.
Dapat maging mapanuri ang mga guro sa kanilang estudyante kaugnay ng mga
kaparaanan ng pangaapi o bullying. Dapat maipaintindi nila sa kanilang mga
estudyante ang mga di angkop na kilos at pagsabihan din sila na hindi ito maganda
kung patuloy itong gagawin kapwa nila estudyante.
Dapat lamang na may sapat na patnubay sa mga nakakatanda at sa mga taong
kinauukulan upang maiwasan at tuluyang masugpo ang bullying sa paaralan. Maaaring
ang mga ito ay mga guro, punong-guro, guidance counselor o kaya ay pati ang mga
magulang.
Nararapat din lamang na ang eskwelahan mismo ay mayroong mga ipinatutupad na
polisiya o mahigpit na panuntunan laban sa mga mapangaping kilos at estudyante sa
loob ng paaralan.

http://psychcentral.com/lib/2009/how-do-we-stop-bullying-in-schools/

http://www.childrenssafetynetwork.org/sites/childrenssafetynetwork.org/files/Preven
tingBullyingRolePublicHealthSafetyProfessionals.pdf

You might also like