You are on page 1of 8

8

Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan – Modyul 3:
Karahasan sa Paaralan

(Ikalimang Linggo)
MODYUL 3: KARAHASAN SA PAARALAN

Alamin

Layunin:
A. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa
paaralan;
B. Nalalaman ang mga pamamaraan upang maiwasan at matugunan ang mga
karahasan na nangyayari sa paaralan
C. Nakagagawa ng angkop na kilos upang masupil ang karahasan

Subukin (Pre-Test)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Ito ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao
o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa
paaralan:
A. Pambubulas C. Kapatiran/ Gang
B. Pagsali sa Fraternity D. Diskriminasyon

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng isang fraternity o gang?


A. Gumawa ng krimen o kasamaan
B. Gumamit ng karahasan o intimadation
C. Magpasalamat sa kabutihan ng kaibigan
D. Makilahok o sumali sa masasamang gawain

3. Ang mga sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan, MALIBAN


sa _____.
A. Paghahanap ng mapagkatuwaan
B. Pagkaranas ng karahasan sa tahanan
C. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
D. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase

4. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng pambubulas sa biktima nito?


A. Pagkawala ng tiwala sa sarili.
B. Pagiging masayahin sa pagpasok sa klase.
C. Pagtaas ng marka sa mga asignatura
D. Pagiging mailap sa ibang tao

5. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang paraan upang


mahinto ang karahasan sa paaralan?
A. Si Ana na nag-iisip na huminto na sa pag-aaral
B. Si Joana na nakikipag-away sa mga nambubulas sa kaniya
C. Si Maria na humihingi ng tulong sa guro at guidance counselor
D. Si Rhea na takot magsalita at humingi ng tulong sa may awtoridad.

2
6. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng dahilan ng pagsali sa gang o
fraternity, MALIBAN sa _____.
A. Kagustuhang sumikat
B. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
C. Maling pagpapalaki ng magulang
D. Kawalan o di pagdanas ng pagmamahal

7. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang mahinto ang karahasan sa


paaralan?
A. Pagsali sa pangkat o fraternity
B. Pagtatanggol sa mga nambubulas
C. Regulasyon ng media sa mga palabas na may karahasan
D. Pagbabalewala ng mga nakatatanda sa karahasan sa paligid

8. Ano ang dapat gawin kung nakararanas ng karahasan sa paaralan?


A. Labanan ang mga gumagawa ng karahasan
B. Matakot at huwag ng pumasok sa klase
C. Umiyak at magkulong sa tahanan
D. Humingi ng tulong sa mga nakatatanda/may awtoridad sa paaralan
9. Ito ay antas ng pamamaraan upang maiwasan ang karahasan sa paraalan
na nakatuon sa sosyal at kultural na pagbabago.
A. Tahanan
B. Indibidwal
C. Panlipunan
D. Pampaaralan
10. Ang mga sumusunod ay mga karahasan na nararanasan ng mag-aaral sa
paaralan MALIBAN sa;
A. Pambubulas
B. Paglahok sa fraternity o gang
C. Pagsira ng mga personal na gamit
D. Pagmamahal ng mga kaibigan

Panimulang Aral:

Sa isinagawang survey ng Plan Philippines noong 2008 sa 2,442


mga bata sa 58 pampublikong paaralan sa bansa lumabas na
karamihan sa mga karahasan na nararanasan ng mga mag-aaral sa
paaralan ay dulot ng kanilang kapwa kabataan. Ano nga ba ang
karahasan sa paaralan? Ayon sa National Criminal Justice Reference
Service ng Estados Unidos, ang karahasan sa paaralan ay anumang
kilos na lumalabag sa misyon at bisyon ng edukasyon, sa paggalang
sa kapwa mag-aaral o anumang kilos na humahadlang sa layunin ng
paaralan na maging ligtas sa - pagdarahas ng tao, pag-aari, droga,
armas o kaguluhan. Sa modyul na ito, iyong pag-aaralan ang mga uri,
sanhi at epekto ng karahasan sa paaralan nang mapagnilay mo ang
iyong mahalagang papel na gagampanan upang masugpo ang mga ito.

3
Tuklasin at Suriin

Panuto: Tingnan ang dalawang larawan sa ibaba. Sagutin sa iyong


papel ang mga tanong tungkol dito.

Larawan ng teenager na masayang Larawan ng teenager na


papasok sa paaralan malungkot na papasok sa
paaralan

Mga Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng mag-aaral na papasok sa paraalan sa dalawang
larawan sa itaas?
2. Ano kaya ang posibleng dahilan ng ilang mga mag-aaral na hindi masaya sa
paaralan?

Basahin ito:
Pambubulas o Bullying
Ang pambubulas o bullying ay isang sinasadya at madalas na malisyosong
pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o
mahigit pang biktima sa paaralan. Ito ay nagaganap dahil sa hindi pantay na
kapangyarihan o lakas sa pagitan ng mga tao. Ang mga batang nambubulas ay
ginagamit ang kaniyang kapangyarihan, na nakahihigit sa kaniyang binubulas
– pisikal na lakas, pagkakaroon ng kaalaman sa mga nakahihiyang
impormasyon tungkol sa binubulas o kaya naman ay popularidad – upang
kontrolin o magdulot ng panganib sa kapwa.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Karin E. Tusinski (2008) ang dahilan ng


pambubulas ng isang tao ay maaring maugat sa pamamaraan ng pagpapalaki
ng kaniyang mga magulang. Ano naman ang madalas na sanhi kung bakit
nabubulas ang isang tao? Ang ilan lamang sa mga posibleng dahilan na
binubulas ang isang tao ay: pagkakaroon ng kapansanan sa katawan,
kakaibang Istilo ng Pananamit (dresses up differently), oryentasyong sekswal
(sexual orientation), madaling mapikon (short-tempered) ay ulit-uliting gawin,
balisa at di panatag sa sarili (anxious and insecure), mababa ang tingin sa sarili
(low self-esteem), tahimik at lumalayo sa nakararami (quiet and withdrawn), at
walang kakayahang ipagtanggol ang sarili (inability to defend oneself) laban sa
nambubulas.

4
Ayon nga kay Michael Diamond, Direktor ng Plan Philippines,
“Nakababahala ang palaki nang palaking bilang ng mga nabibiktima ng
pambubulas dahil ang mga biktima nito ay mayroong posibilidad na
makalinang ng pagiging mailap at ng takot na makaaapekto sa pamamaraan
ng kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang kapwa, makahahadlang sa
kanilang pakikilahok sa paaralan at makapagpapababa ng kanilang marka sa
pag-aaral”. Mas higit pa rito, maaari itong magdulot ng takot sa pagharap ng
mga bata sa lipunan. Magdudulot ito ng madalas na pagliban sa klase na
malaon ay magbubunga ng paghinto sa pag-aaral at pag-ayaw na muli pang
bumalik sa paaralan.

Paglahok sa Fraternity o Gang


Katulad ng lumalalang suliranin sa pambubulas ay ang paglago rin ng bilang
ng mga kabataan na kabilang sa fraternity at gang maging sa loob ng paaralan.
Ang tanging layunin ay makilahok o sumali sa masasamang gawain o mga
krimen at gumagamit ng karahasan o intimidation upang maisagawa ang mga
ito. Sa pananaw ng mga kabataang sumasali sa fraternity o gang, nakalilikha
ang kanilang pagiging kasapi ng kanilang lugar o katayuan sa lipunan – na sila
ay nagkakaroon ng impluwensya sa maraming tao. Isa itong malakas na
panghimok lalo na sa mga kabataan na malungkot o nag-iisa. Nahihimok sila
dahil sila ay pinangangakuan ng proteksyon at lakas o impluwensya at
pinaniniwalang ang kanilang pakikiisa ay para sa kanilang kapakanan.

Ang fraternity naman sa kabilang dako ay isang panlipunan o akademikong


organisasyon o samahan na ginagamit ang alpabetong Griyego na batayan sa
kanilang mga pangalan. Ito ay isang pagkakapatiran (latin: frater na
nangangahulugang “brother”) na pinag-isa ng layuning mapalago ang aspetong
intelektwal, pisikal at sosyal ng mga kasapi. Ang pagiging kalahok ng isang
gang ay maaaring magdulot ng kapahamakan, maaaring maging dahilan ng
pagkakakulong o kaya naman ay kamatayan. Ang paglahok sa isang gang ay
halos palaging nangangahulugan ng paggamit ng alcohol at droga. Inilalagay
nito sa kapahamakan maging ang sariling pamilya na siyang maaring
pagbalingan ng mga kalabang gang bilang paghihiganti. Ang pagsali sa gang
sa loob ng paaralan ay isa sa mga sagabal sa pag-aaral ng mga kabataan. Ito
ay nakagagambala sa pagpasok sa paaralan at naiiba ang tuon ng mga
sumasapi rito.

Mga Pamamaraan Upang Maiwasan ang Karahasan sa Paaralan

Ang layunin ng iba’t ibang pamamaraan na nabuo bunga ng mga pag-aaral


sa ibang bansa pangunahin na ang Estados Unidos, ay pigilan ang
pagkakaroon ng karahasan sa paaralan.
Ang mga pamamaraan sa antas na panlipunan ay nakatuon sa sosyal at
kultural na pagbabago dito upang mabawasan ang karahasan saan man ito
nagaganap. Halimbawa ay ang regulasyon ng media upang mabawasan ang
pagpapalabas at paglalathala ng karahasan dito, ang paghuhubog ng mga
pamantayang sosyal, pagbabago sa sistema ng edukasyon.
Ang programa sa antas na pampaaralan ay nakadisenyo upang baguhin ang
mga kalagayan sa paaralan na kaugnay ng karahasan. Ito ay maisasagawa sa
pamamagitan ng pagsasaayos at pagkakaroon ng sistema sa loob ng klase,

5
cooperative learning at wasto at sapat na pamamatnubay ng mga guro sa mga
mag-aaral.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ayon sa sanaysay, ano ang mga karaniwang uri ng karahasan sa
paaralan?
2. Ano ang epekto ng mga karahasang nangyayari sa paaralan doon sa
mga biktimang mag-aaral?

Isagawa:

Panuto: Punan ang kahon ng tiyak na paraan na iyong magagawa upang


masugpo ang mga karahasan sa paaralan. Gawin ito sa sagutang papel.

Karahasan sa Paaralan Paraan na Magagawa Ko upang Masugpo ito

1. Pambubulas o Bullying

2. Pakikilahok sa
Fraternity o gang at
paggawa ng masasama

Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay antas ng pamamaraan na nakatuon sa sosyal at kultural na


pagbabago upang maiwasan ang karahasan sa paraalan.
A. Tahanan
B. Indibidwal
C. Pampaaralan
D. Panlipunan
2. Ito ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao
o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa
paaralan.
A. Pambubulas C. Kapatiran/ Gang
B. Pagsali sa Fraternity D. Diskriminasyo
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng isang fraternity o gang?
A. Gumawa ng krimen o kasamaan
B. Gumamit ng karahasan o intimidation
C. Magpasalamat sa kabutihan ng kaibigan
D. Makilahok o sumali sa masasamang gawain

6
4. Ang mga sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan MALIBAN
sa _____.
A. paghahanap ng mapagkakatuwaan
B. pagkaranas ng karahasan sa tahanan
C. pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
D. pagkakaroon ng mababang marka sa klase

5. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng pambubulas sa biktima nito?


A. Pagkawala ng tiwala sa sarili.
B. Pagiging masayahin sa pagpasok sa klase.
C. Pagtaas ng marka sa mga asignatura
D. Pagiging palangiti sa ibang tao

6. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang paraan upang


mahinto ang karahasan sa paaralan?
A. Si Joana na nakikipag-away sa mga nambubulas sa kaniya
B. Si Rhea na takot nang pumasok sa klase dahil sa mga mambubulas
C. Si Ana na nag-iisip na huminto na sa pag-aaral dahil sa pambubulas ng
kaklase.
D. Si Maria na humihingi ng tulong sa guro at guidance counselor dahil sa
nararanasang karahasan sa paaralan.
7. Ang mga sumusunod ang nagpapakita ng sanhi ng pagsali sa gang o
fraternity, MALIBAN sa _____.
A. Pagkakaroon ng proteksiyon
B. Maling pagpapalaki ng magulang
C. Pagkakaroon ng mabuting pamilya
D. Kawalan o di pagdanas ng pagmamahal

8. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang masupil ang karahasan sa


paaralan?
A. Pagsali sa pangkat o fraternity
B. Pagtatanggol sa mga nambubulas
C. Regulasyon ng media sa mga palabas na may karahasan
D. Pagbabalewala ng mga nakatatanda sa karahasan sa paligid

9. Ano ang dapat gawin kung nakararanas ng karahasan sa paaralan?


A. Labanan ang mga gumagawa ng karahasan
B. Matakot at huwag ng pumasok sa klase
C. Umiyak at magkulong sa tahanan
D. Humingi ng tulong sa mga nakatatanda/may awtoridad sa paaralan

10. Ang mga sumusunod ay mga karahasan na nararanasan ng mag-aaral sa


paaralan MALIBAN sa;
A. Pambubulas
B. Paglahok sa fraternity o gang
C. Pagsira ng mga personal na gamit
D. Pagmamahal ng mga kaibigan

7
Susi sa Pagwawasto

Mga Sagot:

TUKLASIN AT SURIIN ISAISIP


1. Tanggapin ang 1. Pambubulas, paglahok sa fraternity
magkakaibang sagot o gang
2. Tanggapin ang 2. Tanggapin ang magkakaibang sagot
magkakaibang sagot

Mga Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Modyul Para sa Mag-aaral (Unang Edisyon). Quezon City: Vibal
Publishing House, Inc. pp. 227-252
Types of school violence. Retrieved from http://www.nssc1.org/types-
of-school-violence.html on November 28, 2012

stop bullying.gov. bullying definition


http://www.stopbullying.gov/what-is-
bullying/definition/index.html

Oracle Think Quest Education Foundation. Consequences of


Bullying
http://library.thinkquest.org/07aug/00117/bullyingconsequ
ences.html

Alarming facts about gangs that you need to know


http://www.nssc1.org/alarming-facts-about-gangs.html

http://www.girlshealth.gov/bullying/quizzes/quiz.bullied.cfm

http://www.pamf.org/preteen/growingup/school/bullyquiz.html

http://books.google.com.ph/books?id=xGQGyjoDWNMC&printsec=frontcover&dq
=lo ving+yourself&hl=en&sa=X&ei=7e-4UOjLDMaZiQfjtIDwDg&redir_esc=y

You might also like