You are on page 1of 10

COMPREHENSIVE SEXUALITY EDUCATION

INTEGRATION

Lesson Plan in Health 5 - Quarter 2

I. Learning Competency:
Demonstrates skills in preventing, managing teasing, bullying,
harassment or abuse. (H5PH–Ii–17)

Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakakikilala ng iba’t ibang uri ng mga
panliligalig/panlulupig(harassment),
panunukso(teasing), pambubulas (bullying) at pang-
aabusong pisikal, emosyonal at sekswal.
2. Nakapagtatala ng iba’t ibang paraan kung paano
maiiwasan ang panliligalig/panlulupig(harassment),
panunukso(teasing), pambubulas (bullying) at pang-
aabusong pisikal, emosyonal at sekswal.
3. Napapahalagahan ang pag-iwas sa mga nasabing isyu
sa pamamagitan ng paggawa ng islogan.

Paalala sa Guro: Dapat laging isaalang-alang ng mga mag-aaral ang mga dapat gawin
kapag nararanasan ang ganitong mga pangyayari o karahasan sa loob man ng tahanan
o sa labas ng paaralan. Laging tandaang ipagbigay alam sa kinauukulan o sa mga
taong mapagkakatiwalaan o sa mga magulang.

CSE Integration
Demonstrate clear refusal skills -e.g. saying no, walking away, repeat
refusal. (S6A4a)

Identify parents, teachers and other adults who can help stop and
prevent sexual harassment and rape. (S6A4b)

1
II. Content/Topic: Mga Alalahaning Mental, Emosyonal, at Sosyal
III. Sanggunian:
● Masigla at Malusog na Katawan at Isipan pahina 132-137

● CSE Curriculum Guide

● https://youtu.be/oi9VjASVQE4

● https://www.google.com/imgres?imgurl

● https://images.app.goo.gl/gVquJidpgAPyNGBQ6

● https://www.google.com/imgres?imgurl

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1.Pagganyak
Panoorin ang “Kwento ng Batang Bully”

https://youtu.be/oi9VjASVQE4
Itanong:
1. Sino ang tinutukoy na batang bully sa kwento?
2. Maganda ba ang kanyang ginagawa sa kanyang
kapwa?Bakit?
B. Paglalahad
Magpakita ng mga larawan.

2
Itanong:
1.Ano-ano ang inyong mga nakikita mula sa mga larawan?
2. Nakaranas na ba kayo katulad ng mga nasa larawan?
3. Ano-ano ang inyong mga ginawa o gagawin kapag nakakita o nakararanas
kayo ng ganitong mga pangyayari?
C. Pagtatalakay
Sabihin: Ang inyong mga nakita mula sa mga larawan at videong napanood ay
ilan sa mga halimbawa ng mga Alalahaning Mental, Emosyonal at Sosyal na
inyong mararanasan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
(Magkaroon ng malayang talakayan at interaksiyon sa mga mag-aaral)
Mga Alalahaning Mental, Emosyonal at Sosyal
Panunukso (teasing)
Ang panunukso ay may iba’t ibang kahulugan at epekto sa buhay ng
isang tao. Ito ay maaaring magsulot ng kasiyahan, sakit, o sama ng loob at
nakapagbibigay ng aral o leksiyon na nakapagpapabago sa maling asal o gawi.
Pambubulas (Bullying)

3
Ang bullying ay isang uri ng pang-aapi o panunupil at pang-aabusong
emosyonal. Ito rin ay ugaling mapanalakay at agresyon na kakikitaan ng
dahas, pamimilit, o pamumuwersa. Hindi lamang ito naisasagawa sa paaralan
o pamayanang kinabibilangan, naisasagawa din ito sa paggamit ng
makabagong teknolohiya kagaya ng Internet o cellphone na kung tawagin ay
cyberbullying.
Ang paghari-harian o bullying ay may malaking epekto sa buhay ng mga
mag-aaral o akhit sinong tao na biktima nito sapagkat ito ang dahilan
pagkasira ng buhay ng mga naapi na pinupuntirya na kung minsang
humahantong pa sa pagpapakamatay dahil sa matinding takot at depresyon.
Ang Batas Republika 10627 o Anti- Bullying Act of 2013 ay naglalayong
magkaroon ng mga polisiya sa lahat ng elementarya at hayskul sa buong
bansa. Ayong sa batas na ito ang pambu-bully o paghari-harian ay tumutukoy
sa kahit anong paraan ng panggigipit na ginagawa ng isa o grupo sa sinumang
biktima, ito naman ay pisikal, berbal, o mental at nagdudulot sa kawalang
gana o takot na pumasok sa paaralan. Kasama rin dito ang cyberbullying.
Mga Uri ng Bullying
1.Pasalitang Pambubulas
Ito ay pagsasalita ng masamang salita laban sa isang tao. Kabilang dito ang
mga sumsunod:
 Pangangantiyaw
 Pangungutya
 Panunukso
 Panlalait
 Pang-aasar
 Paninigaw
 Pagmumura
 Pang-iinsulto
 Pagpapahiya sa harap ng maraming tao
2.Sosyal na Pambubulas
Ito ay may layuning sirain ang reputasyon at pakikipag-ugnayan sa
ibang tao. Kasama dito ang mga sumusunod:
 Hindi pagtanggap sa siang tao o pang-iiwan sa kaniya sa maraming
pagkakataon.
 Panghihikayat sa ibang mag-aaral na huwag makipagkaibigan sa isang
partikilar na indibidwal o pangkat.
 Pagkakalat ng tsismis

4
 Pagpapahiya sa ibang tao sa gitna ng nakararami
3. Pisikal na Pambubulas
Ito ay isang pisikal na pananakit sa siang indibidwal o pangkat, o
paninira ng kaniyang pag-aari o pagpapakita ng hindi magandang senyas ng
kamay. Kabilang dito ang mga sumusunod:
 Panununtok
 Paninipa
 Pananampal
 Pangungurot
 Biglang pag-alis ng upuan habang nakatalikod upang matumba ang
nakaupo
4. Pambubulas Gamit ang Makabagong Teknolohiya o Cyberbullying
Ito ay paninirang puri at pananakit ng damdamin tulad ng pagkakalat
ng tsismis at pang-iinsulto gamit ang Internet, cellphone, o iba pang
makabagong teknolohiya.
Panliligalig/Panlulupig (Harassment)
Ito ang mga gawaing sinadya upang saktan ang damdamin ng isang tao
at paulit-ulit na ginagawa sa loob at labas ng paaralan. Ito rin ay ang
pagsasabi ng masasakit na salita sa isang tao tungkol sa kanilang hitsura o
abilidad, pisikal na pananakit, at maling pagtrato sa kapwa dahil sa katayuan
nila sa buhay.
Pang-aabusong Pisikal, Emosyonal at Sekswal
Pisikal na Pang-aabuso- Ito ay marahas at bayolenteng pakikitungo sa tao.
Ginagamit ang bahagi ng katawan kagaya ng kamay, paa, at mga bagay na
matatagpuan sa paligid upang makapanakit. Ang pananakit ay nag-iiwan ng
marka o pasa sa katawan. Ito ay hindi pinahihintulutan at may kaakibat na
kaparusahan sa lahat ng mga gumagawa ng pisikal na pang-aabuso sa
kapamilya, kaibigan, kamag-aral, o sa mga taong nakapaligid. Ang mga
halimbawa ng pisikal na pang-aabuso ay ang mga sumusunod:
 Pananampal
 Paninipa
 Panununtok
 Pagsabunot ng buhok
 Pananakal
 Panghahampas at panghahagupit

5
Emosyonal na Pang-aabuso- Ito ay pang-aabuso sa pamamagitan ng
pagkakait ng pagmamahal sa kapwa at pagbitaw ng masasakit at
maaanghang na salita na nakapagdudulot ng matinding kirot o sakit ng
damdamin. Ang mga halimbawa ng emosyonal na pang-aabuso ay ang
pagsasalita ng tulad ng mga sumusunod:
 Walang kwentang tao
 Mahina sa klase
 Hindi maaasahan
 Pabigat o pasanin sa buhay
 Hindi kailangan sa mundo
 Hindi dapat mahalin
 Sana hindi ipinanganak
 Pagkakait ng pagmamahal
Pang-aabusong Sekswal – Ito ay pang-aabuso sa pamamagitan ng pananakot,
paghari-harian o pamimilit/pamumuwersa na may katangiang sekswal o
pagtatalik, o ang hindi kinagigiliwan, hindi pinahihintulutan, o hindi
nababagay o hindi marapat na pangako ng pabuya kapalit ang sekswal na
gawain. Mga halimbawa ng pang-aabusong sekswal:
 Hindi gustong paghipo o paghalik
 Pinuwersa o pinilit na mga sekswal na aktibidad na kaugnay sa
pagtatalik na nasasangkot sa karahasan o pananakit.
 Paglalantad ng mga ari katulad ng “flashing”
 Paniniktik (stalking)
 Pinapanood ng isang tao na wala ang iyong pahintulot kapag ikaw ay
nakahubad o nagsasagawa ng mga sekswal na aktibidad.
 Ang pagpapaskil ng mga sekswal na imahe sa internet nang wala ang
iyong pagsang-ayon.
 Pinuwersa o pinilit ng isang tao na manood o sumali sa paronograpiya.
 Pag-spike ng mga inumin o paggamit ng mga druga o alcohol upang
mabawasan o pahinain ang kakayahan ng isang tao na gumawa ng mga
pagpipilian tungkol sa pakikipagtalik o sekswal na aktibidad.
 Malaswa o nagpapahiwatig ng kahalayang mga biro, kwento o
pagpapakita ng mga ginawang sekswal na mga litrato, bilang bahagi ng
isang pattern ng namimilit, nananakot o mapagsamantalang pag-uugali.
 Panggagahasa
 Anumang sekswal na kilos gamit ang bata.

D. Panglinang na Kasanayan

6
Pangkatang Gawain
Pangkatin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
mga sitwasyon at itala ang mga dapat gawin sa mga sitwasyong nasabi.
Magkaroon ng malayang talakayan sa bawat pangkat at ibahagi sa
buong klase.
Sitwasyon 1
Nakita mong kinukutya ang kaklase mong bungi mula sa mga bata sa
ibang seksiyon. Ano-ano ang inyong gagawin upang matulungan siya?
Magtala ng lima (5) o higit pang mga paraan na dapat gawin sa ganitong
sitwasyon.

Sitwasyon 2
Si Michael ay isang batang tahimik lang. Palagi siyang binubully ng mga
kaklase mo at hinihingan ng pera araw-araw. Hindi siya pumapalag dahil
natatakot siyang bugbugin ng mga ito. Bilang presidente sa inyong klase
paano mo matutulungan si Michael? Magtala ng lima (5) o higit pang mga
paraan upang malutas ang pambubully sa inyong klase.

Sitwasyon 3
Nakita mong may isang kahina-hinalang mama ang muntik ng hablutin
ang kaibigan mong babae habang kayo ay papauwi ng bahay. Pinipilit niya
itong sumama sa kanya. Ano-ano ang iyong gagawin bilang kaibigan?
Magtala ng lima (5) o higit pang mga paraan upang makatulong sa kanya?

Sitwasyon 4
Habang ikaw ay naglalaro sa isang computer shop, bigla mong napansin na
may pinagkakaguluhan ang ibang mga batang nandoon. Tiningnan mo
kung bakit sila nagkakagulo. Nakita mong may mga larawan ng hubo’t
hubad ng batang babae ang nakakalat sa internet. Ano-ano ang iyong
gagawin? Magtala ng lima (5) ug higit pang mga paraan ang iyong dapat
gawin?
E.Paglalahat
Bilang isang bata, ano ang nais mong sabihin o maipapayo sa mga batang
biktima ng mga nasabing karasahan sa buhay? Sumulat ng lima (5) na mga
pangungusap bilang mensahe mo sa mga batang ito.

7
F.Paglalapat
Sa isang long bondpaper, gumawa ng isang islogan o mensahe tungkol sa
pag-iwas ng mga nasabing karasahan. Gawing gabay ang rubrics sa ibaba.
Halimbawa: “Ang Mabuting Bata, May Respeto sa Kapwa.”

Rubrics sa Paggawa ng Islogan


10 7 4 1
Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo Walang
mabisang naipakita ang ang mensahe mensaheng
Nilalaman
naipakita mensahe naipakita
Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit Di maganda ta
napakalinaw ng malinaw ang di gaanong Malabo ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng malinaw ang pagkakasulat ng
Pagkamalikhain mga titik mga titik pagkakasulat ng mga titik
mga titik
May malaking Di- gaanong Kaunti lang Walang
kaugnayan sa may kaugnayan kaugnayan ng kaugnayan sa
Kaugnayan sa
paksa ang sa paksa ang islogan sa paksa paksa ang
Paksa
islogan islogan islogan
Malinis na Malinis ang Di-gaanong Marumi ang
malinis ang pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo.
Kalinisan
pagkakabuo. pagkakabuo.

G. Pagpapahalaga
Ano-ano ang iyong gagawin kapag may taong nais na gumawa ng karahasan sa
iyo?

Paalala sa Guro: Laging tandaan ang mga dapat gawin sa mga ganitong pangyayari.
Matutong tumanggi sa mga taong nag-aalok ng kahit ano kapalit ang paggawa ng
sekswal na aktibidad. Isuplong agad sa mga kinauukulan kapag may ganitong mga
pangyayari.

V.Pagtataya
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong batas ang naglalayong magkaroon ng polisiya sa lahat ng
elementarya at hayskul ang pagpapatigil sa pambubulas o Anti-Bullying Act of
2013?

8
a. RA 10625 b. RA 10627 c. RA 10657 d. RA 10628
2. Bigla mong napansin ang pag-iiba ng ugali ng iyong matalik na kaibigan,
lagi siyang tulala at kung minsan ay bigla na lang umiiyak, ano ang iyong
gagawin?
a. Sigawan siya at tanungin ano ang nangyayari sa kanya.
b. Kausapin siya ng masinsinan at itanong kung ano ang kanyang problema.
c. Sabihin kaagad sa guro na ang iyong kaibigan ay ginagahasa.
d. Huwag nalang siyang pansinin para wala ka ng problema.
3. May isang mama ang lumapit sa inyo at binigyan kayo ng isang libo kapalit
ng inyong pagsakay sa kanyang sasakyan, ano ang iyong gagawin?
a. Tanggapin kaagad ang pera at sumama ng kusa.
b. Sumakay agad sa sasakyan.
c. Sumigaw ng malakas at sabihing may kidnapper.
d. Huwag makipag-usap at huwag tanggapin ang pera, lumayo at pumunta sa
mataong lugar.
4. Nakita mong pinabibili ng kapit-bahay niyo ang nakababatang kapatid mo
ng alak sa tindahan. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Pagsabihan ang kapit-bahay na kailangan bigyan niya ng pera ang kapatid.
b. Sabihin sa kapit-bahay mo na ikaw na lang ang bumili.
c. Sabihin sa kapit-bahay na hindi mabuting bumili ng alak ang mga bata
katulad ng kapatid mo.
d. Huwag na lng intindihin ang pinagagawa niya.
5. Lagi mo nalang napapansin ang palaging pang-mamaliit ng kaklase mo sa
iyo. Pinagtatawanan ka kahit wala naming dahilan. Ano ang pinakamabuti
mong gawin upang mapatigil mo siya?
a. Sabihin sa guro ang lagi niyang ginagawa upang siya ay mapagsabihan.
b. Huwag na lang siyang pansinin.
c. Hamunin mo siya ng suntukan.
d. Isuplong kaagad sa pulis.

VI.Panapos (Closure)

9
“Children should be able to live a life free from bullying and
harassment and it is time that we all took a stand against this.” – Katherine
Jenkins

Paalala sa Guro: Maaring gumamit ang guro ng mga tag lines upang
maipahayag ng maayos ang aral na nais iparating at matutunan ng mga
mag-aaral.

V. Reflection

VI. Remarks

Prepared by:
DOLORES B. BENOLIRAO
Teacher I
Barili Central School, Barili I, Cebu Province, Region VII

10

You might also like