You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP 8) 4TH QUARTER WEEK 5-6

Pinagsama ni:
Gian-Greisen A. Gloria

Mga Guro:
Erosido, Marie Paulette
Losbañes, Antonia
Orillano, Evelyn
Orcullo, Fecille Marie
Umbac Maria Estella
Caseres, Honorio
Content Standards:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karahasan sa paaralan.

Performance Standards:

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan at matugunan ang mga
karahasan sa kanyang paaralan.

Competencies:

1. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan;
2. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan upang maiwasan at
matugunan ang karahasan sa paaralan;
3. Naipaliliwanag na: a. Ang pag-iwas sa anomang uri ng karahasan sa paaralan (tulad ng pagsali sa
fraternity at gang at pambubulas) at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito ay patunay ng
pagmamahal sa sarili at kapwa at paggalang sa buhay. Ang pagmamahal na ito sa kapwa ay may
kaakibat na katarungan – ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya (ang kanyang dignidad bilang
tao.) b. May tungkulin ang tao kaugnay sa buhay- ang ingatan ang kanyang sarili at umiwas sa
kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya sa panganib. Kung minamahal niya ang kanyang kapwa
tulad ng sarili, iingatan din niya ang buhay nito.;
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa kanyang
paaralan.

Objectives:

K Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan
S Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan upang maiwasan at
matugunan ang karahasan sa paaralan
A Nahihinuha na ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa kanyang
paaralan.

KARAHASAN SA PAARALAN

“Ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman mag-aani ng kasiraan; datapuwat’t ang naghahasik
ng sa Espiritu ay sa Espiritu mag-aani ng buhay na walang hanggan.”
-Galacia 6:8

Ang paaralan ay tinuturing na pangalawang tahanan ng bawat mag-aaral. Dito nalilinang ang mga
angkop na kakayahan at pagpapahalaga bilang tao. Tinuturo dito na maging mabait, magalang at mabuti sa
kapwa. Ngunit bakit may nangyayari pa ring karahasan?

Ayon sa World Health Organization ang karahasan bilang ''sinasadya na paggamit ng pisikal na puwersa
o kapangyarihan, banta o aktwal, laban sa sarili, ibang tao, o laban sa isang grupo o komunidad, na kung saan
ay nagreresulta o may mataas na posibilidad na magresulta sa pinsalang pisikal o sikolohikal, at maging
kamatayan.

Babala: May mga salita tulad na depresyon, suicide, trauma na maaring magdulot sa iyo. Maaring
sumangguni sa Guidance Counselor ng iyong paaralan kung ikaw ay makaramdam ng pagkabalisa dahil sa
iyong nabasa.

Uri ng Karahasan sa Paaralan


A. Pambubulas o Bullying - Ang pambubulas ay isang pagtatangka na naglalayong saktan ang emosyonal
at pisikal na aspeto ng tao. Madalas na pinapahiya at ginagawang katatawanan ang mga biktima ng ganitong
karahasan. May mga pangunahing uri ang pambubulas na maituturing na kadalasang nararanasan sa paaralan.

Sources: EsP ADM 4th Quarter, Unang Edisyon; 1


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP 8) 4TH QUARTER WEEK 5-6
Pasalitang Pambubulas - Tumutukoy ito sa pangungutya gamit ang mga salitang hindi ka nais-nais at kahiya-
hiyang pakinggan ng iba. Nasasaktan ang damdamin ng isang tao dahil sa talas at bigat na dala nito sa kanyang
damdamin.

Sosyal o Relasyonal na Pambubulas - Ito ay naglalayong sirain ang mabuting pangalan at ang pakikipag-
ugnayan sa ibang mag-aaral. Maituturing ito na isa sa kadahilanan ng karahasan dahil sa maling impormasyon
na naihatid.
Pisikal na Pambubulas - Ito ay ang pisikal na pagmamaltrato o pagmamalupit sa isang mag-aaral o sinisira
ang mga pag-aari nito.

B. Fraternity O Gang - Ang fraternity ay isang samahan o kapatiran na binuo ng mga indibidwal na nagnanais
na mapansin o maging bahagi sa iba. Ito ay nanggaling sa salitang Latin na frater na ang ibig sabihin ay
brotherhood o kapatiran. Ang gang ay grupo ng magkakaibigan na kadalasang nag-aangkin ng control sa isang
teritoryo sa komunidad o maging sa paaralan. Kadalasan itong nasasangkot sa kaguluhan krimen at eskandalo.
Kaya maging ang mga tao sa labas at loob ng paaralan ay may negatibong pananaw dito. Bukambibig ng mga
sumali rito ay proteksyon sa sarili, para sa kapatiran, para magkaroon ng bagong kaibigan, para sumikat o
maging kilala, para magkaroon ng kakampi, para manlamang sa kapwa mag-aaral, ang pagnanais na
mapabilang (belongingness) at makuha ang atensiyon ng mga magulang.

C. Sexual Harassment o panliligalig sa sekswal - Ang ganitong karahasan ay ang pagpupumilit ng isang tao
sa isang bagay na hindi gusto ng biktima. Ang mga sumusunod ay ilang lamang sa mga halimbawa ng sexual
harassment:
• Panghihipo sa maselang bahagi ng katawan
• Pagtitig na may halong malisya
• pagtatanong kung ano ang kanyang sinusuot habang nasa ibang linya ng telepono
• pagsipol

D. Bandalismo (Vandalism) - Ang bandalismo o vandalism ay ang krimen ng sinasadyang makapinsala sa


pag-aari ng ibang tao tulad ng paninira o pagsusulat ng hindi kanais-nais sa mga mesa, upuan at pader sa
istraktura ng pampublikong lugar.

E. Pagnanakaw - Ang katapatan ang isa sa mga isinusulong sa paaralan upang malaman ng isang mag-aaral
ang kahalagahan ng pagiging matapat sa sarili, kapwa at sa lipunan. Ngunit ang pagnanakaw ay isa sa mga
suliranin na patuloy na nararanasan ng mga mag-aaral at guro sa paaralan. Marahil may pagnanakaw dahil sa
mga salik ng buhay ng tao gaya ng kahirapan at pangangailangan.

Sanhi ng Karahasan sa Paaralan


1. Marahas na Medya (Violent Media) - Ang panunuod sa mga bayolenteng programa at paglalaro ng marahas
na genre ng videogames ay nag-uudyok sa mga manunuod at manlalaro na gayahin o tularan ang mga ito na
maaring madadala ng kabataan sa loob ng paaralan.

2. Dysfunctional Home o hindi maayos na tahanan - Ang dysfunctional home ay bunga ng hindi pagdadala ng
pamilya sa maayos o may hindi pagkakasundo sa loob ng tahanan. Ito ang mga pamilyang nakararanas ng
kapabayaang panatilihin ang mabuting relasyon, pag-uugali at pagkatao ng mga anak. Mangyaring ang mga
anak ay may kakulangan ng atensiyon sa magulang, mababang marka (low school achievement), walang
maayos na disiplina (inconsistent discipline) na nagging mga sanhi ng karahasan sa paaralan.Maliban doon ay
ang epekto nito sa sikolohikal na aspeto na nagdudulot ng iba’tibang personalidad ng tao: Ang pagkabahala,
poot, kapusukan, inferiority complex, galit at iba pang negatibong emosyon. Halimbawa, may mga mag-aaral na
hindi gusto ang binibiro kaya humahantong ito sa pakikipag-away. Ang pagkamahiyain ang isa sa nakikitang
rason kung bakit nangyayari ang pambubulas at iba pang uri ng karahasan dahil sa paniniwalang madali lamang
maging biktima ang isang mag-aaral na walang kumpiyansa sa sarili.

3. Seksuwal na Oryentasyon ng Tao - Ang kahinaan ng tao ang isa sa nakikitang sanhi ng karahasan. Madalas
ay ginagawang tukso o kapintasan ang bawat kahinaan ng kanyang pagkatao, maging babae o lalaki ito.

Epekto ng Karahasan sa Paaralan


Pakikipag-away sa Kapwa Mag-aaral (Peer Conflict) - Ang pakikipag-away sa kapwa mag-aaral ay epekto ng
impluwensiyang nakukuha ng bata sa labas ng paaralan at pamayanan. Madaling nakahahanap ang isang mag-
aaral ng gulo sa paaralan dahil sa marahas na medya, may problema sa pagkatao at walang maayos na relasyon
sa tahanan.

School Dropout - Isa sa mga epekto ng karahasan ang pagliban o pag-iwan sa paaralan. Nawawalan ng gana
ang isang mag-aaral ng nakagagawa ng karahasan o di kaya ang naging biktima nito.

Depresyon o Matinding Kalungkutan - Ang matinding depresyon ay isang seryosong isyu ngayon ng lipunan.
Maraming kaso ang naibalita sa mga telebisyon gaya ng pagpapatiwakal, pananakit sa sarili at kapwa at ibang
pang karahasan.

Sources: EsP ADM 4th Quarter, Unang Edisyon; 2


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP 8) 4TH QUARTER WEEK 5-6
Chronic Stress and Trauma - Matinding takot at pagkabalisa ang mararamdaman ng mag-aaral na biktima
ng karahasan, na minsan ay humahantong sa paghinto ng kanyang pagaaral, o di kaya’y paglipat ng paaralan.

Suicide - Ito ang pinakamabigat na epekto ng karahasan sa paaralan na hindi dapat mangyari kaninuman. Ang
pagpapakatiwakal ay pagwakas ng sariling buhay dulot ng iba’tibang karahasan o mabibigat na pagsubok na
nararanasan sa buhay. Sa ngayon, upang matugunan ang mga karahasang nangyayari sa paaralan ay minabuti
ng ating pamahalaan ang paggawa at pagpapatibay ng mga batas laban dito. Tulad ng Anti- Bullying Act of 2013
(RA No. 10627). Maging sa bawat paaralan ay kaniya-kaniyang adbokasiya upang maibsan ang anumang uri
ng karahasan, may matibay na disiplina sa mga paglabag, pinaigting na seguridad at mga oryentasyon – seminar
sa paghubog ng pagkatao. Sa loob ng tahanan ay minabuti rin ng mga magulang na magabayan ang mga
kabataan at maturuan ng mabuting asal, bukas na komunikasyon, pagmamahal at higit sa lahat, ng
pananampalataya sa Panginoon. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, magulang, guro at mag-
aaral ay mas lalong mapagtitibay at mapapaunlad ang Samahan tungo sa matiwasay na buhay.

Mga Aspekto ng Pagmamahal: Pag-iwas ng Karahasan sa Paaralan

Bakit kaya nagawa ng mga ilang mag-aaral ang ganitong karahasan? Maraming dahilan ang ugat ng
karahasan sa mga kabataan. Ang ilang dahilan ay ang ang hindi pagkaranas ng pagmamahal at pag aaruga sa
loob ng tahanan, hindi nakatanggap ng papuri, madalas pinapagalitan, magulo ang pamilya, o magulo sa lugar
ng tinitirhan. Kahit na naranansan ng ibang kabataan ang mga nasasaad na kaguluhan sa pamilya at lugar na
tinitirhan ay maari pa rin silang umiwas sa gulo at imbis ay magpakita ng pagmamahal na kanilang inaasam.
Sabi nga ng iba, ang magandang gawain ay bumabalik sa may gawa. Mas maraming paraan para maiwasan o
matuldukan ang karahasan sa paaralan kaysa sa makilahok dito.
Bilang isang mag-aaral ay mahalaga na masusuri ang mga aspekto ng pagmamahal gaya ng
sumusunod:

1. Pagmamahal sa Panginoon - Ang pagmamahal sa Panignoon ay isa sa pinakamabisa na sandata sa


pagiwas ng karahasan. Ito ay kadalasang natututunan sa mga magulang kasabay ng pagsasabuhay ng mga
aral na napapaloob dito. Kung nagkulang naman ang mga magulang ay maaring pag-aralan ng kabataan kung
paano mahalin ang Panginoon at isabuhay ang mga aral sa pagmamahal sa sarili at sa kapwa.

2. Pagmamahal sa magulang - Pag hinubog ang isang bata na puno ng pagmamahal at aral ng magulang sa
loob ng tahanan ay maipararamdam din niya ang pagmamahal na naranasan sa iba o kapwa. Ang pagmamahal
sa magulang ay pagsasabuhay ng aral galing sa kanila katulad ng hindi pakikipagbasag-ulo, pagtrato nang
maayos sa mga kaklase, at pagpili sa mga kaklaseng kakaibiganin para hindi masangkot sa anumang
karahasan. Kung may mga pagkukulang ang mga magulang ay responsiblidad ng mga mag-aaral na humanap
ng isang taong huwaran at pag-aralan kung paano sila makakaiwas sa karahasan.

3. Pagmamahal sa sarili - Ang kakayahang magmahal ay biyayang natanggap mula sa Panginoon na nararapat
na magsisimula sa pagmamahal sa sarili. Ika nga wala kang maibigay na pagmamahal sa iba kung wala kang
pagmamahal sa sarili. Kaya ilan sa mga patunay na mahal ng tao ang sarili ay sa pamamagitan ng pagkilala at
paggalang sa sarili, pag-aalaga sa pisikal, mental, sosyal, ispiritwal at moral na aspekto o buong pagkatao. Hindi
rin gagawa ng anumang bagay na nakasasama sa sarili o maaring ikapahamak o ikasawi gaya ng hindi pagsali
sa pambubulas, gang, fraternity at iba pang karahasan sa paaralan.

4. Pagmamahal sa kapwa - Kung mahal ang sarili ay dapat mahalin din ang kapwa dahil hindi nabubuhay ang
tao na mag-isa kundi kailangan niya ang kapwa niya. Ika nga sa Bibliya, “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng
sa iyong sarili” (Mateo 22: 37-39) kaya hindi lamang pansariling tungkulin kundi kautusan ng Panginoon na
mahalin ang kapwa. Patunay dito ay pagrerespeto, maingat sa pananalita, pangangalaga sa kapakanan, pag-
iingat sa pagmamay-ari, pagtanggap sa buong pagkatao at paggawa ng mga bagay na ikabubuti at ikatutuwa
ng kapwa ay nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kapwa. Sa kabuoan, kung maisabuhay ang mga aspekto
ng pagmamahal sa sarili at kapwa ay maiiwasan at matugunan ang karahasan sa paaralan. Magkakaroon din
ng pokus sa pag-aaral, tahimik at matiwasay na buhay ang bawat mag-aaral.

ACTIVITY SHEETS
(Isulat ang sagot sa 1 buong papel)
Pangalan: _________________________________________________ Grade & Section: _______________
Guro; ______________________________________________________ Petsa: __________________

GAWAIN 1 Panuto: Punan ng angkop na salita ang talata upang mabuo ang diwa nito. Piliin ang
sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sources: EsP ADM 4th Quarter, Unang Edisyon; 3


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP 8) 4TH QUARTER WEEK 5-6
Ang (1.) _______________at (2.) _______________ng edukasyon ay naglalayong mahubog ang (3.)
_______________ng (4.) _______________ng isang mag-aaral, at may mataas na(5.) _______________sa
kanyangpagkatao. Ang karahasan na nangyayari sa paaralan ay nakakaaepkto sa (6.) _______________at (7.)
_______________ ng mga magaral. Hindi man ramdam sa(8.) _______________pang panahon ang magiging
bunga nito, ngunit natitiyak na darating ang panahon ay(9.) _______________ng isang tao ang naging (10.)
_______________ng kanyang kapalaran.

GAWAIN 2

GAWAIN 3 Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Kung ikaw ay isang batang nakaranas ng mga karahasan sa paaralan, paano mo ito malalabanan?
A. maging pokus sa iyong ginagawa
B. hayaan sila sa patuloy na panunukso sa iyo.
C. kakayanin na lamang hanggang sa magsawa sila
D. isasantabi ang panunukso sa halip gumawa ng bagay na makapaguunlad ng sarili at sa kapwa
2. Sa tuwing pinababasa si Arnel ng kanyang guro, parati niyang idinadahilan na malabo ang kanyang paningin
kaya hindi maiwasan na pagtawanan siya ng kanyang mga kaklase. Ano ang dapat gawin ni Arnel para hindi
siya pagtawanan ng kanyang kaklase?
A. huwag silang pansinin at patulan
B. dapat siyang sumali sa mga pangkatang gawain
C. pabayaan sila sa pambubuska hanggang magsawa
D. magpupursige na mapaunlad ang sarili sa pagbabasa
3. Bakit mahalagang matutuhan ng tao na igalang at mahalin ang kaniyang kapwa?
A. Ang pagmamahal sa kapwa ay tungkulin na may kapalit.
B. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.
C. Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pag-unawa sa sarili.
D. Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang pagmamahal.
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?
A. pagmamahal na panandalian lamang
B. pagmamahal sa kaniya na may kapalit
C. pagbibigay sa lahat ng nais niya sa buhay
D. pagtanggap sa anumang estado sa buhay ng kapwa
5. Lumaki si Dan sa tahanang puno ng pananampalataya sa Maykapal. Minsan ay nakaranas siya ng panlalait
mula sa kanyang mga kaklase. Sinasabihan siya ng mga ito na ang kanyang suot na damit ay parang damit ng
pulubi at pinaglumaan na. Sa halip na gumanti ay ipinagdasal na lang niya ito. Anong aspekto ng pagmamahal
ang ipinamalas ni Dan?
A. pagmamahal sa sarili at kalikasan
B. pagmamahal sa kapwa at Panginoon
C. pagmamahal sa kaibigan at kapitbahay
D. pagmamahal sa magulang at nakatatanda

Sources: EsP ADM 4th Quarter, Unang Edisyon; 4


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP 8) 4TH QUARTER WEEK 5-6
6. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal sa sarili?
A. Sumali si Fe sa fraternity para sumikat sa kampus.
B. Si Fe ay mula sa may kayang pamilya kaya ipinagmalaki niya ito.
C. Likas na maganda si Fe kaya tinutukso niya ang iilan sa mga kaklase.
D. Sinisikap ni Fe na hindi masangkot sa anumang karahasan sa paaralan.

7. Biglang sinuntok si Mario ng kanyang kaklase. Muntik na niyang gantihan ito ngunit naalala niya ang payo ng
kanyang magulang kaya hindi na niya ito itinuloy. Anong aspekto ng pagmamahal ang ipinamalas ni Mario?
A. pagmamahal sa sarili
B. pagmamahal sa kapwa
C. pagmamahal sa Panginoon
D. pagmamahal sa payo magulang

8. Madalas na sinasaktan si Petter sa loob ng klase dahil sa kanyang kapansanan. Sa halip na patulan, pinakita
niya sa mga kaklase na uunawain na lang niya ang mga ito. Pinakita rin niya ang iba niyang talento sa klase.
Anong aspekto ng pagmamahal ang ipinamalas ni Petter?
A. pagmamahal sa sarili
B. pagmamahal sa kapwa
C. pagmamahal sa magulang
D. pagmamahal sa Panginoon

9. Bakit kailangan ang pagrespeto, maingat sa pananalita at pangangalaga sa kapakanan ng kapwa?


A. dahil tungkulin ito ng guro
B. dahil tungkulin ito ng mag-aaral
C. dahil patunay ito ng mabuting pakikisama
D. dahil patunay ito ng tunay na pagmamahal

10. Paano magkakaroon ng tahimik at matiwasay na buhay ang mag-aaral sa loob ng paaralan?
A. umiwas sa fraternity
B. umiwas sa mga kaklase
C. umiwas sa mga barkada
D. umiwas sa mga karahasan

11. Kailangan mong mahalin ang iyong sarili upang matutunan mong mahalin ang iyong:
A. bansa B. kalusugan C. kapwa D. paligid
12. Iginagalang ni Rosa ang opinyon ng kaklaseng si Edna kahit na sinabi niya na iba ito sa kanyang paniniwala
kaya nabuo ang pag-uunawan at pagmamahalan. Anong uri ng suliranin sa paaralan ang maaaring maiwasan
ni Rosa?
A. kalungkutan B. karahasan C. kasahasann D. kasiyahan

13. Ano ang pinakamabisang sandata na ipinatutupad sa loob ng paaralan upangmaiwasan ang pagka sangkot
ng kabataan sa anumang karahasan?
A. may takot sa pamilya
B. may pagmamahal sa sarili
C. may matinding paninindigan
D. may sinusunod na alituntunin

14. Ang mag-aaral ay maiiwasan at matutugunan ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng maayos na
relasyon sa mga kamag aral bunga ng :
A. pag-aaral nang mabuti
B. pagmamahal sa sarili at kapwa
C. paggalang sa awtoridad ng paaralan
D. pagsunod sa payo ng mga magulang

15. Bakit mahalagang maiwasan ang anumang karahasan sa paaralan?


A. upang maging sikat sa paaralan
B. dahil ito ay magdudulot ng gulo sa iyong buhay
C. dahil ito ay magiging daan sa paggaan ng buhay
D. upang magkaroon ng matiwasay at tahimik na buhay

Sources: EsP ADM 4th Quarter, Unang Edisyon; 5

You might also like