You are on page 1of 16

ESP Quarter 4 Module 4

Kapwa Ko, Mamahalin


Ko
May-akda: Mona Liza T. Pacuri
Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan
PPT Made By: Jan Lexter N. Crisostomo
Opening Prayer For Class
Dear God,
Thank you for looking after our school.
Thank you that you love each and everyone
of us here.
Help us to learn, play and share together,
So that the wonderful world you have made
Becomes more beautiful everyday.
Amen.
Sanggunian: www.lords-prayer-words.com
Balikan natin ang ating pinag- Subukin nating itong gawin:
aralan
* Ang ating panghuling modyul ay 1. Ang pambubulas ay isa sa mga nangyayaring
karahasan na dinaranas ng mga mag-aaral.
Tama
tungkol sa Sekswalidad: Mahalaga sa
Pagtupad ng Bokasyong Magmahal,
Sex Drive O Libido, Puppy Love, 2. Ang pagsapi sa fraternity at gang ay
makakapagdulot ng sariling kapahamakan.Tama
Paggamit sa Kapwa at Pagmamahal,
Kalinisang Puri, Mapagmahal ay
nagpapakita ng pagiging 3. Ang pag-iwas sa anumang karahasan sa
mapagbuklod at isang Birtud paaralan ay patunay ng pagmamahal sa sarili
at kapwa maging ang paggalang sa buhay. Tama

4. Ang pambubulas o bullying, pag-aaway o


pagsasakitan sa loob o sa labas ng paaralan,
vandalism, pagnanakaw, pagdadala ng droga at
mga nakasasakit na bagay ay ilan sa mga
karahasan na maaaring mangyari sa paaralan.Tama

5. Kinakailangang magtaglay ng pagmamahal


sa kapwa upang maiwasan ang anumang
karahasan sa paaralan. Tama
Masaya o excited ka ba
sa tuwing papasok ka sa
paaralan? Bakit?
Halina’t pag-aralan na natin ang modyul na
ito
Sintang paaralan, tinaguriang pangalawang
tahanan. Napakasarap sabihin na ang paaralan
ang pangalawang tahanan ng mga mag-aaral na
kung saan sila’y nakararamdam ng kaligtasan
at kapayapaan. Ngunit lahat ba ng tao ay may
ganitong karanasan? Ano nga ba ang mga
halimbawa ng karahasan na nangyayari sa
paaralan? Unang-una sa ating listahan ay ang
pambubulas o bullying. Ito ay isang kilos na
sinasadya at kadalasang malisyosong
pagtatangka ng iisang tao o pangkat ng mga tao
na saktan ang pisikal na katawan, isipan, o
damdamin ng isa o mahigit pang biktima sa
Uri ng Pambubulas
1. Pasalitang Pambubulas
Ito ay ang pagsasalita/pagsusulat ng masasama o masasakit
na salita laban o tungkol sa isang tao. Kabilang dito ang
panunukso, panlalait, pang-aasar, pangangantyaw,
pangungutya, paninigaw, pagmumura, pang- iinsulto o
pagpapahiya sa harap ng maraming tao.

2. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas


Ito ay ang pagsira ng reputasyon at ang pakikipag-
ugnayan sa ibang tao. Tulad ng hindi pagtanggap sa isang tao
o sadyang pang-iiwan dito sa maraming pagkakataon,
panghihikayat sa ibang mag-aaral na huwag
makipagkaibigan sa isang partikular na tao o pangkat. Isama
pa dito ang pagkakalat ng tsismis at pagpapahiya sa ibang
3. Pisikal na Pambubulas
Ito ay pisikal na pananakit sa isang tao o pangkat tulad ng
panununtok, paninipa, pananampal, pangungurot at iba pang
makapagdudulot ng pisikal na pananakit at paninira sa
kanyang mga gamit.

4. Cyber Bullying
Ito ay pagsasalita o pagsusulat ng masamang salita laban
sa isang tao o pangkat sa pamamagitan ng mga social media
sites tulad ng facebook, twitter, Instagram atbp. Tulad ng mga
ibang uri ng pambubulas, ito ay maituturing na karahasan.
Pangalawa na maituturing na karahasan sa paaralan ay ang
pagsali sa mga fraternity o gang lalo pa kung ang mga
miyembro na nahihikayat na sumali ay mga mag-aaral sa
elementarya o sekondarya pa lamang sapagkat sila ay mas
mapangahas at walang takot. Bukod pa dito ay wala silang
malinaw na layunin o direksiyon sa grupong kanilang
sinalihan.

Ang gang ay isang samahan na walang tiyak na


layunin o direksyon na tatahakin. Kadalasan sila ay
may mga permanenteng palataandaan tulad ng tattoo
o pagpapaso sa nakatagong bahagi ng katawan.
Ang fraternity ay panlipunan o akademikong organisasyon o samahan.
Ito ay isang pagkakapatiran (latin: frater na may kahulugang “brother”)
na may layuning mapalago ang aspektong intelektuwal, pisikal, at sosyal
ng bawat miyembro. Sila ay malaya na makilahok o makisama na hindi
tinitingnan ang katayuan sa lipunan patungo sa makabuluhang layunin
tulad ng edukasyon, kakayahan sa paggawa, etika, relihiyon, politika,
pagtulong sa kapwa.

Mapapansin ang pagkakaiba sa kanilang kahulugan at


layunin ngunit parehong may kapasidad ang fraternity at
gang na makagawa ng masama sa kapwa at
makapagdudulot sa kanila ng kapahamakan dahil sa
kasalukuyan ay pabata ng pabata ang mga kasapi nito,
kaya’t nagkakaroon ng malaking pagbabago sa layunin,
pamamaraan at gawain ng mga kasapi nito (Bognot et al.
Bakit nga ba may nambubulas? Ang mga taong ito ay
may pagpanig sa mga gawaing masama at nakasasakit
sa kapwa, malaki ang pagnananais na mangibabaw o
katakutan ng lahat. Iniisip nila na dapat silang sundin
at kailangang kilalanin bilang
pinakamakapangyarihan sa lahat. Ang biktima ay
may posibilidad na makaranas ng labis na
pagkabalisa, kalungkutan, sakit ng ulo o tiyan dahil sa
stress, suliranin sa pagtulog at mababang tingin sa
sarili. Ang nambubulas o yung tao na gumagawa nito
ay may mataas na posibilidad na masangkot sa
masamang gawain, tulad ng pagnanakaw, pagdadala
ng armas upang maging panakot sa ibang mag-aaral,
paggamit ng alcohol o droga at hindi magandang asal
Bakit nga ba may sumasali sa
gang/fraternity? Ang tao ay isang
panlipunang nilalang kaya’t likas sa atin
ang gustong mapabilang (belongingness)
sa isang pangkat bukod sa ating pamilya.
At may paniniwala sila na “cool”, may
proteksyon at “lakas” o impluwensiya ang
mapabilang sa ganitong samahan na
madalas nauuwi sa kanilang sariling
kapahamakan maging ang sariling
pamilya.
Mga Paraan Upang Maiwasan at Matugunan ang Karahasan sa Paaralan

1. Ang pagkakaroon ng pagmamahal sa iyong sarili ang isa sa


pinakamalakas na sandata upang maiwasan ang anumang karahasan sa
paaralan. Bigyan mo ng pagmamahal ang iyong sarili upang kaya mo
din mahalin ang iyong kapwa, magbigay ng lakas ng loob, suporta, pag-
unawa, pagtanggap sa kanya bilang siya at pakikinig na walang inaantay
na kapalit mula sa kanya.

2. Ang paggalang sa iyong sarili upang magkaroon ka din ng kakayanan


na igalang ang iyong kapwa. Ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa
sarili (self- esteem o self-worth) ay hindi nakabatay sa mga taong
nakapaligid sa iyo. Ito ay nakabatay sa iyong positibong pagtingin sa
iyong sarili at kung paano mo nagagawa ang iyong mga kakayahan para
sa ikabubuti ng iyong kapwa higit sa iyong sarili.

Ang paggalang sa sarili at sa iyong kapwa ang tutulong sa iyo na maging mapagpakumbaba
at igalang ang kaniyang dignidad bilang tao.
Isaisip natin ito:

Kapwa Ko, Pananagutan Ko! Mga paraan na


magagawa ko para masugpo ang karahasan sa
paaralan.

Isagawa natin ito:

Gamit ang iyong sariling kakayahan o talento,


bumuo ng malikhaing presentasyon at bigyan
ito ng paliwanag kung bakit ito ang iyong
napili upang makapagpalaganap ng iyong
adhikain na maiwasan o matigil ang
karahasan sa paaralan. Gawin ito sa malinis
na papel.
Kompletuhin ang pangungusap

I believe na mahalagang
maiwasan ang anumang
karahasan sa paaralan
sapagkat
Closing Prayer For Class
Dear Lord, Thank you that you promise us
that when two or more come together in
Your name You are with us. Thank you
Lord that you have been with us throughout
this lesson And that you are with us right
now. Inspire us as we leave this place to
love and serve You always. In the name of
Jesus. Amen.
Sanggunian: www.scribd.com
Salamat sa inyong pakikinig
at pagsasagot mapagpalang
na araw
Isang espesyal na pasasalamat kay Jan Lexter N. Crisostomo

Mga Sanggunian:
https://www.canva.com
www.lords-prayer-words.com
www.scribd.com
Kagawaran ng Edukasyon. "Edukasyon sa Pagpapakatao -
Ikawalong Baitang: Modyul para sa mga Mag-aaral," Unang
Edisyon. In Module 8: Ang Mapanagutang Pamumuno at
Pagiging Tagasunod, 209-219. Quezon City: Vibal
Publishing House Inc., 2013.

You might also like