You are on page 1of 2

Saint Louis School, Inc.

- High School Department


Quirino Highway, Baguio City

BLG. ______ PANGALAN: _Insigne, Rajen Lex G._BAITANG/SECTION: _12 STEM 4.1

“SAGUTANG PAPEL”

MODYUL 2 (Aralin 5 ) SA FILIPINO 12

Palalimin Mo
1. Anong uri ng talumpati ayon sa layunin ang binasang halimbawa? Ipaliwanag sa pamamagitan
ng 3-4 na pangungusap.

Ang uri ng talumpati na ginamit ay ang talumpati na nanghihikayat dahil una sa lahat ay
hinihikayat ng talumpati na mag-aral ng Mabuti upang ang buhay ay bumuti at sinasaad
rin dito na mahalin ang magulang dahil sila ang naggagabay at unang nagturo sa atin at
nagmamahal sa atin ng lubos. Pangalawa ay narinig talumpating nanghihikayat ito dahil
at na e-enganyo ng mga kabataan na kumilos. Ang talumpating nanghihikayat ay isang
sanaysay na kung saan ito ay mag bibigay ng makatuwirang dahilan na kung saan tayo
ay mahihikayat at maisabuhay.

2. Epektibo ba ang talumpating ito? Pangatwiranan ang sagot, magbigay ng 2 dahilan ayon sa
natutuhang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo o paghahanda ng talumpati.

Epektibo ang talumpati ito dahil nahihikayat niya ako upang mas mahaling ang aking
magulang dahil sila ang susi sa daan ng ating kinabukasan, sila ang Karamay natin sa
anumang sakuna o problema sila ang Karamay. Pangalawa ang una ng karunungan sila ang
unang guro natin. Papahalagahan sila dahil sa bawat sandal natin ay hindi natin inaasahan
ang mga mangyayari kaya dapat sulitin ang mga bawat sandali at pahalagahan natin sila.

3. Magbanggit ng isang linya mula sa talumpati na sumagi sa iyong damdamin saka ipaliwanag
kung bakit.

Wala nang mas sasarap sa samahan ng isang tahanan na buo ang bilang ng mga pamilya” ito
ang linyang sumagi sa aking puso’t damdamindahil ito ay napakapormal ngunit
napakaespesyal dahil ang pamilyang kompleto ay masasabing masaya tignan dahil sa
panahon ngayon ay may mga pamilyang hindi kompleto at hindi sa iisang bahay nakatira. Ito
rin ay nagsisilbing aral na kung saan sa bawat hakbang na ating gagawin alam natin alam
natin ang patutunguhan nito. Panghuli ay naantig ako sa mensahe ng linya dahil pinapahiwatig
nito ay ang pahalagahan ang pamilya, mahalin ng lubos, alagaan at ingatan.

4. Ipaliwanag kung paano mo maisasabuhay ang hamon ng mananalumpati.

Maisasabuhay ko ang hamon ng mananalumpati sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa


hamon niya na ating pagtuonan ng aral na pagyamanin ang ating sarili sa tulong ng ating
magulang. Ipagmalaki dahil mayroong pamilyang gumagabay sa iyo, pahalagahan kung anong
meron sa atin ngayon, dahil kung hindi ay pagsisisihan natin ito sa panghabang buhay. Pang
huli ay dapat hamunin natin ang ating sarili na gawin ang lahat ng ating makakaya upang
masuklian ang pagmamahal at paghihirap nila para sa aming pamilya.
Makabuluhang Aral na Natutuhan Mo
Natutunan ko na ang pamilya ay ang siyang matatakbuhan mo kapag tinalikuran ka ng mundo.
Ang pamilya ay laging nandiyan para sayo kahit ano man ang mangyari, at dapat natin silang
pahalagahan at mahalin ng lubos upang umusbong ang positibong enerhiya sa atin.

You might also like