You are on page 1of 33

Aralin 2: Pamilya Tagapagbigay ng

Edukasyon, Pananampalataya, at
Mabuting Pagpapasya

Subject: ESP (Edukasyon sa Pagpapakatao)


Charlie James Batin

Eihraj Gapas

Luis Gabriel Tolentino

Nathalie Jane Loza

Mga Miyembro Rhiana Musni

Faiza Pascual

Armie Sapaden

Samantha Cabanatan
Panimula

Ano ang katungkulan ng pamilya sa edukasyon?

Ano ang kahalagahan ng pananampalataya sa isang mag-anak?

Paano nalilinang sa pamilya ang mabuting pagpapasya?

Sa unang aralin, nalaman mo na ang pamilya ay isang natural na institusyon.

Ano naman kaya ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamilya sa

edukasyon, pananampalataya, at paghubog ng ugali sa mga kasapi nito?


GAWAIN 2 (pg. 25)
Ano ang Magagawa Ko?
- Marishyrl M. Ogale -

Maraming gawain na dapat gampanan ng aking mga magulang,


Lahat ng aking ikabubuti ay dapat nilang isaalang-alang,
Sa akin sila ang may pananagutan,
Ako naman bilang anak mayroon ding dapat gampanan. Upang gawin ito tinuruan akong magtiwala sa Lumikha,
Gawing gabay anuman sa Koran o Bibliya,
Dahil ito’y inspirasyon sa akin at buong pamilya,
Sa aking pag-aaral sagot nila ang pantustos, Tunay nga na moog ang pamilya.
Dapat kong tiyaking sulit ang kanilang panggastos,
Sa aking edukasyon hindi nila ako minenos,
Upang sa kinabukasan ako ay makaungos. Kaya ako bilang anak ay may dapat gawin,
Upang magtagumpay ang pamilya sa tungkulin,
Edukasyon, pananampalataya, at pagpapasya ay hugubin,
Kakayahang pumili ako ay sinanay, Upang anak ay matuwid na landas ang tunguhin.
Ako ay may sariling isip sabi nga ni Inay,
Kaya nga sa masama ay dapat na humiwalay,
Upang manatili ang malinis na malay.
Buod Ng Tula
Ang tula na ating binasa ay tungkol mismo sa atin (sa ating pagkatao), ang ating mga
responsibilidad sa buhay, kakayahan, pagganap sa edukasyon at sa paaralan. At higit sa lahat,
ito ay tungkol sa, kung papaano tayo makinabang sa ating sarili at pati narin ang mga tao na
nasa ating paligid. Lalo na sa mga sumanay at gumabay sa atin, na kilala natin bilang isang
pamilya.

At saka, lagi nating tandaan na, ang mga tao-- tayo ay may posibilidad na sundin kung ano ang
sinasabi sa atin ng mga mas nakakataas sa atin pati narin ang mga mas
nakakatanda. Ngunit sa karamihan ng mga bahagi, mas magiging mabuti
ang mga bagay-bagay sa atin kung ang gagawin lang natin ay iyong alam
natin sa ating sarili na kaya natin. Pangalawa ay kung susundin natin ang
mga taong gumagabay sa atin. At higit sa lahat, kung susundin natin ang
dalawang ito ay tiyak na mas magiging responsable pa tayo at
magagampanan pa natin ng maayos ang ating mga gawain sa buhay sa
isang normal na yugto, ng hindi nagmamadali.
Pagpapalalim

Isa kang regalo para sa iyong pamilya, hindi mo maipali-liwanag ang


kanilang saya nang ikaw ay lumabas mula sa sinapupunan ng iyong ina.
Hindi ka pa nga nila nasisilayan, labis na ang kanilang tuwa, lalo na
nang marinig nila ang una mong iyak. Ngunit sa paglipas ng panahon,
nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sa inyong pagitan.
Lumilitaw ang mga pagkakaiba sa pananaw at paniniwala sa pagitan mo
at ng mga kasapi ng iyong pamilya
Pagpapalalim

Minsan sa tindi ng sama ng loob dahil sa paulit-ulit nilang mga paalala ay nai-isip mong “Ang
dami namang iba, bakit sila pa!” Pero oo nga naman, ang dami namang iba pero sila ang pinili
para sa iyo. Hindi ba sapat na ito upang maunawaan mo na sila ang nakatakda na gumanap ng
mahalagang misyon para sa iyo?

Sila ang ginamit na instrumento ng Diyos para sa

pagkamit mo ng iyong kaganapan bilang tao.

Nakatakda silang tumupad sa isang mahalagang misyon

upang makamit ito.


Pagpapalalim

Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugang malayang

pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang

kahihinatnan ng mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.

Sa araling ito, mas palalalimin ang pagtalakay sa mahalagang misyon na ito. Mas magiging malalim ang

iyong pag-unawa sa dahilan kung bakit labis-labis ang pagnanais ng mga magulang

na maitanim sa isipan ng mga kabataan ang mahahalagang aral na madalas ay

nagiging dahilan ng inyong hindi pagkakaunawaan.


Pagpapalalim

Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nag-pasiyang magpakasal


ang magkaroon ng mga anak– ito ay bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng
Diyos na magmahal.

At mula sa pagiging mag-asawa, sila ay makabu-buo ng isang pamilya– isang pamilya na


tungkulin nilang alagaan at arugain.

Ito ay isang tungkulin na hindi maaaring talikuran o ipasa sa iba.

Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng


malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang
pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at
hindi pagganap sa mga ito.
Pagpapalalim

Mahalagang may kakayahan silang harapin ang anumang hamon


sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral.

Mahalaga ring maisapuso nila ang pagkakaroon ng pananagutan


sa Diyos, sa kanilang konsensya, at sa lahat ng
mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang
paglingkuran at alagaan.
Ang Bidyo Presentasyon ni Armie Sapaden
Pagpapalalim

Ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi


nagtatapos sa pagbibigay sa kanila ng makakain, maiinom, maisu-
suot, at mati-tirahan o sa paghahanda sa kanila para magkaroon ng
magandang trabaho sa hinaharap.

Kasama rito ang paghahanda para sa kanila sa


buhay at paggabay sa kanila upang makamit nila ang
tunay na tunguhin ng tao– ang kanyang kaligayahan
at kaganapan bilang tao.
Pagpapalalim

Kaakibat ng kagustuhan ng Diyos na igalang ng mga anak ang kanilang mga


magulang ay ang kagustuhan Niya na ang katulad na paggalang at pagkilala ay
ibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Nararapat lamang ito para sa mga
anak dahil sila ay biniyayaan ng Diyos ng buhay at dahil sila ay sila bilang tao.

Maisa-sagawa ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang

sarili para sa paglilingkod, pagtanggap, at pag-aalaga sa

kanilang mga anak.


Pagpapalalim

Ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa


pagbibigay sa kanila ng makakain, maiinom, maisusuot, at matitirahan o sa
paghahanda sa kanila para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap.

Kasama rito ang paghahanda para sa kanila sa buhay

at paggabay sa kanila upang makamit nila ang tunay na

tunguhin ng tao – ang kanyang kaligayahan at kaganapan

bilang tao.
PAGBIBIGAY NG EDUKASYON

Dahil ang magulang ang ginamit na instrumento ng Diyos upang bigyan ng buhay
ang kanilang mga anak, may karapatan at tungkulin ang una upang bigyan ng
edukasyon ang huli.

Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing


karapatan. Hindi maga-gampanan ng mga magulang ang
kanilang tungkulin sa edukasyon ng kanilang mga anak kung
hindi sila bibigyan ng karapatan para rito. Katuwang nila
ang mga institusyon sa lipunan sa pagkamit nito.
PAGBIBIGAY NG EDUKASYON

Kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang


karapatan ng mga magulang na sila ay turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang
mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa
tahanan.

Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, mahalagang handa ang mga anak na


harapin ang anumang hamon na inihahain nito. Magagawa
lamang nila ang mga ito kung naihanda sila ng kanilang mga
magulang gamit ang mga pagpapahalagang naituro sa
kanila sa tahanan bilang sandata at kalasag.
PAGBIBIGAY NG EDUKASYON

Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang


wastong paggamit ng kalayaan sa mga materyal na bagay.
Kailangang maturuan ang mga bata na mamuhay nang simple.

Sa ganitong pagmumulat, maisasapuso ng mga anak na


mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi
sa kung ano ang mayroon siya.
PAGBIBIGAY NG EDUKASYON

Maaaring isipin na simpleng turo ito ngunit ang turong ito ay magbubunga ng iba pang mga
pagpapahalaga tulad ng:

a. Pagtanggap
– dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin batay sa
kung ano ang maaari niyang maibigay,

b. Pagmamahal
– dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumitingin sa kaniyang
kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na pagmamahal at;

c. Katarungan
– dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao.
PAGBIBIGAY NG EDUKASYON
Sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at nawa-wasak ng pagiging makasarili ng iilan, mahalagang
hubugin ang mga anak sa tunay na diwa ng katarungan. Ito ang magbu-bunsod upang matu-tuhan nilang
igalang ang dignidad ng kanilang kapwa at ang diwa ng pagmamahal na hindi naghihintay ng kapalit at
nagpa-padaloy sa paglilingkod at pagtulong lalo na sa mga nangangailangan .

Ngunit mahalagang maunawaan na wala pa ring makahi-higit sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagpapakita


ng magandang halimbawa. Ang halimbawa ay ang pundasyon ng impluwensya. Ang mga bagay na nakikita ng
mga bata na ginagawa ng kanilang mga magulang, ang mga salita na kanilang naririnig sa mga ito, at ang
paraan ng kanilang pag-iisip ang tunay na makai-impluwensya sa kanilang mga iisipin, sasabihin, at
isasagawa.

Ang mga magulang ang kauna-unahang modelo ng kanilang mga anak. Hindi
ito maiiwasan dahil lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa ay
nakaiimpluwensiya sa kanilang mga anak, positibo man ito o negatibo.
Magsi-silbing pamantayan ng kilos at asal ng mga anak ang kanilang
nakikita mula sa kanila.
Ang Bidyo Presentasyon ni Armie Sapaden
PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA

Kailan ka huling nagsimba o sumamba kasama ang iyong pamilya? Kailan ang huling
pagkakataon na sama-sama kayong kumain at nagbigay ng pasasalamat dahil sa mga biyayang
inyong tinanggap bilang pamilya? Siguro, madalas walang pagkakataon, busy lahat. Maging
ikaw busy rin. Pero napansin mo ba na kapag hindi sama-sama, parang may kulang?

Sabi ni Stephen Covey sa kanyang aklat na 7 Habits of Highly Effective


Families, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang
tao sa mga gawaing pang-relihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng
pangkaisipan at pandam-daming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay
ginagawa ng tao nang may pagkukusa o bukas puso.
PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA

Ito rin ay nakapag-papatibay ng pagsasamahan ng pamilya. Aniya, kung ang isang pamilya ay
maglalaan ng 10-15 minuto sa tuwing umaga sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay
sa inyo at sa Diyos (tulad ng Bibliya para sa mga Kristiyano o Qu’ran para sa mga Muslim).

Dahil dito, makati-tiyak na ang mga pagpa-pasiyang isa-sagawa ay mabuti, mas magiging
makabuluhan sa pag-iisip, mas magiging mahusay ang pakikitungo sa kapwa, mas magiging
maayos ang mga binubuong pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan
na mag-isip muna bago gumawa ng kilos o tumugon sa isang sitwasyon,
mas magiging malapit ang ugnayan sa mga bagay o tao na tunay na
mahalaga sa iyo, at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan
ng buong pamilya.
PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA

Ngunit paano natin masasanay ang ating sarili kasama ang ating pamilya sa pagsasagawa ng
mga ganitong gawain? Narito ang ilan sa mga pamamaraan na maaaring makatulong sa iyo at
sa iyong pamilya.

1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.


2. Ituon ang pansin sa pag-unawa.
3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe.
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na
makinig at matuto.
5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga
itinuturo tungkol sa pananampalataya.
6. Iwasan ang pag-aalok ng “suhol.”
7. Ipadanas ang pananampalataya ng may kagalakan.
PAGGABAY SA PAGGAWA NG MABUTING
PAGPAPASIYA
Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging matagumpay, masaya,
at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa kaunlaran ng lipunan ay ang turuan
siya na makagawa ng mabuting pagpa-pasiya at pagkatapos ay bigyan siya ng laya na mag-
pasiya para sa kanyang sarili. Ang mga pagpa-pasiyang isa-sagawa ng mga bata hanggang sa
kanilang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at
kung anong landas ang kanilang pipiliing tahakin.

Mahalaga sa murang edad pa lamang ay binibigyan na ng laya ang


bata na mag-pasiya para sa kanyang sarili, mga simpleng pagpa-pasiya
tulad ng damit na isusuot, ano ang kaniyang gustong kainin at inumin,
ang musikang kanyang pakikinggan, at iba pa.
PAGGABAY SA PAGGAWA NG MABUTING
PAGPAPASIYA

Ang mga pagpa-pasiyang ito ay makatu-tulong upang mataya ang kanyang kakayahan sa
pagpa-pasiya upang mai-bahagi sa kanya ang tulong o paggabay na kaniyang kailangan.

Sa paglipas ng panahon, maha-harap na ang isang kabataan sa mas mabi-bigat na suliranin.


May mga pagkakataong nakagagawa ng hindi maingat at makasariling pagpa-pasiya - hindi
isinasaalang-alang ang mas malawak na pagtingin sa magiging epekto nito. Ito ay dahil hindi
pa sapat ang kanyang mga karanasan at kakayahang bumuo ng sariling pananaw.

Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting pagpa-
pasiya ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng
mga magulang sa kanilang mga anak mula noong sila ay bata pa lamang.
Ito ay bunga ng pagtitiwala at pagbibigay sa mga bata ng kalayaan na
gumawa ng pagpa-pasiya na ginagabayan ng maingat na paghusga.
Sa araling ating tinalakay, binigyang
diin ang ginagampanan ng pamilya sa
tatlong aspeto: edukasyon, pagpapasya,
SA at pananampalataya ng mga kasapi
lalo’t higit ang mga anak. Tunay nga na
PANGKALAHAT pamilya ang siyang pangunahing

AN institusyon na nagtataguyod sa
edukasyon ng mga anak bilang unang
paaralan ng pagma-mahalan at
panlipunang buhay.
Ang mga magulang ang siyang magpa-
plano, tutustos at gagabay sa pag-aaral ng
mga anak. Tunay na naman na ang
edukasyon ang pinakamahalagang pamana

SA ng sinumang magulang.

PANGKALAHAT Ang tagumpay ng anak ay tagumpay na rin


AN ng mga magulang. Higit pa sa diploma,
nakatitiyak na ang magulang na handa nang
tumayo sa sariling paa ang anak at malaki
ang pag-asa na uunlad ang buhay.
Ang paghubog ng ugali, paniniwala at gawi
ng mga anak ay naisasalin ng mga magulang
sa araw-araw nilang pagka-kasama. May
SA kasabihan nga, na ang ugali, asal at gawi ay
hindi naituturo dahil kung ano ang nakikita

PANGKALAHAT ng bata ay siya niyang ginagaya. Kaya, ang


tamang pagpa-pasiya kung alin ang tama o

AN mali na gagabay sa gagawin ng mga anak ay


nakasalalay nang malaki kung ano ang
pagpapahalaga (values) ng pamilya.
Ang Bidyo Presentasyon ni Armie Sapaden
At saka, nauugnay rin sa dalawa ang misyon ng pamilya na
paglinang ng kakayahan ng mga anak na magbigay ng
mabuting pagpapasya.

SA Ang pag-pasya na iginawad sa isang tao ay nararapat na


maging katanggap-tanggap sa lahat at tutungo sa ikabubuti

PANGKALAHAT ng lahat at hindi sarili lamang.

AN Ang kakayahang magbigay pasya nang tama ay maga-


gamit ng isang indibidwal anuman ang kanyang katayuan
sa buhay sa lahat ng pagkakataon. Mahalaga na ang
pamilya ang maging unang sangkot sa paghubog ng
ganitong kasanayan sa mga kasapi.
Pinakamahalaga naman sa lahat ng tao ang
pagkakaroon ng pagkilala at pagtitiwala sa
Poong Lumikha.

SA Kung ano ang pinani-niwalaan at sinasam-

PANGKALAHAT
palataya ng mga magulang ay naisasalin din
sa mga anak. Ang pagpapalalim ng
pananam-palataya at paniniwala sa Diyos ay
AN tiyak na magiging mabuti ang pagkatao na
handang maglingkod sa kanyang pamilya,
kapwa tao, at higit sa lahat sa Poong
Lumikha.
Kung ang mga nabanggit na tungkulin ay hindi na
gampanan ng pamilya, hindi magtatagal
magkakaroon ng mga suliraning magdu-dulot ng
di-pagkakaunawaan ng mga mag-anak.

Maaaring hahantong ito sa pagkawatak-watak ng


samahan at magiging isang dysfunctional family.

KONKLUSYON Nagiging isang institusyon kung hindi nito


nagawa ang mga tungkulin na dapat niyang
gampanan. Upang hindi ito mangyari, mahalaga
na ang mga magulang ang mga maging mabuting
huwaran ng mga anak.
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
NAWA’Y MAGKAROON KAYO NG
MAGANDANG ARAW.
GOD BLESS US ALL.

You might also like