You are on page 1of 25

Modyul Misyon ng Pamilya

5
“Ituro sa bata ang daang dapat lakaran, at hanggang sa paglaki’y di niya ito
malilimutan”
-Kawikaan 22:6

Balikan

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang


tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan!
Ngayon pa lang binabati na kita.

Gawain 1: Kilos Mo, Itala Mo!


Isulat sa graphic organizer ang mga naisagawang angkop na kilos sa
pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. Isulat ang
sagot sa graphic organizer sa sagutang papel.

Angkop na kilos sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan

1. Nakatutulong ba sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at


paghubog ng pananampalataya ang mga naisagawang angkop na kilos sa
sariling pamilya?

1
Tuklasin

Gawain 2: Apat na Larawan, Isang Salita!

Tukuyin kung ano ang inilalarawan ng apat na larawan sa bawat bilang


upang mabuo ang nakatagong salita o parirala at pagnilayan ang mga gabay na
tanong.

D K A Y N

A A L A A
G P A

Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang mga salitang iyong nabuo?


2. Madalas mo ba itong marinig sa iyong mga magulang?

Suriin

Nasagutan mo ba nang may kahusayan ang unang tanong sa bahaging


Tuklasin? Kung ang sagot mo ay edukasyon, pananampalataya at pagpapasya,
tama ka sa iyong sagot kaibigan. Madalas mo rin bang marinig ang linyang ito sa
iyong mga magulang?

“Anak, mag-aral kang mabuti at huwag kalimutang tumawag sa Panginoon


at patatagin ang iyong pananampalataya. Edukasyon ang kayamanang hindi
mananakaw sa iyo ng ibang tao”.

Tiyak, alam na alam mo na ang linya ng iyong nanay at tatay o maging mga
nakatatanda mong kapatid sa inyong pamilya.

Sinasabing ang pagbibigay ng edukasyon, paghubog ng pagpapasya at


pananampalataya ang pinakamisyon ng mga magulang. Ito rin ang
pinakamagandang gantimpla o regalo na maaaring ibigay ng anak sa kanyang mga
magulang dahil ito ay isa sa mga batayan upang masabi sa sarili na naging wasto
at makabuluhan ang pag-aaruga, pagpapalaki at paggabay sa mga anak mula
pagkabata hanggang ito ay humantong sa wastong gulang na maari nang tumayo
sa sariling mga paa.
Napakahirap magampanan ang ganitong pananagutan at responsibilidad ng
magulang sa mga anak. Ang mga natutuhan ng isang anak sa loob ng tahanan ay
nakaimpluwensiya sa pakikitungo sa kapuwa na magpapatatag sa sariling pamilya.
Kung kaya, ipinapakita ng mga magulang ang magagandang gawi upang sa murang
edad ay malinang at mahubog ang kahalagahan ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasya at pananampalataya.

Iba-iba man ang pamilyang pinagmulan ay may iisa o nahahawig na paraan


kung paano ipinapakita ng mga nakatatanda ang magagandang gawi at asal upang
malinang ang mga nabanggit na aspekto sa ating buhay.

Sa Pagbibigay ng Edukasyon

Ang mga anak ay mahalaga sa mga magulang gayundin ang mga magulang
sa mga anak kaya nararapat lamang na bigyan ng importansiya ng mga magulang
ang pagtuturo sa mga anak upang matuto sa anumang paraan. Halimbawa, nasa
sinapupunan o sanggol pa lang ay ipinadama na ang pagmamahal at pagbibigay
edukasyon sa isang bata sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga awiting pambata at
pagbabasa ng mga kuwento gabi-gabi. Sa pag- uumpisang maglakad at mag-
babbling tinuturuan ng mga magulang kung paano bumigkas ng mga salita tulad ng
mama at papa. Karagdagan nito, itinuro din sa payak na pamamaraan ang mga
pagpapahalagang dapat malinang sa pagkatao ng isang bata. Halimbawa, itinuturo
sa nakababatang kapatid ang kahalagahan ng pagbibigay ng pagkain sa kanyang
kapuwa bata, pagpaparamdam ng pagmamahal sa pamamagitan ng yakap at
paghalik sa pisngi o kaya ay maging pagtuturo ng pagsayaw o pag-awit. Ito ang
dahilan kung bakit ang magulang ay itinuturing na una at pangunahing guro ng
mga anak sa tahanan.

Habang ang isang bata ay nagbibinata o nagdadalaga, ipinapakilala ng


magulang ang mga tuntunin o batas na dapat malaman at bigyang pansin sa
pamilya. Dagdag pa rito, hindi ipinagkait ng mga magulang ang pagpapaaral sa mga
anak.

Sa pagpapatupad ng tungkulin para sa edukasyon sa mga bata, ang mga


magulang ay may katuwang na institusyon na paaralan sa lipunan. Kung saan
pinag-aaral ang mga kabataan upang mas malinang sa kanila ang iba’t ibang
aspekto na huhubog sa pagkatao kung saan inaasahang mas tatalas ang kanyang
pag-iisip at kakayahang umunawa sa mga bagay-bagay. Pag-uwi sa bahay, naging
guro din ng kabataan ang mga nakatatandang kapatid kung saan tinuturuan at
tinutulungan sa paggawa ng mga takdang aralin upang mas maipaintindi rito ang
mga konsepto. Ang ganitong misyon ng magulang ay magpapatuloy hanggang sa
makapagtapos ang anak sa pag-aaral at maging produktibong mamamayan.

Sa Paggabay sa Pagpapasya

Sa paglaki ng bata ay sumisibol din ang paglago ng kanilang karunungan. Sa


panahong ito, ginagabayan ng mga magulang ang pagpapasya ng mga anak.

Mahalaga na sa murang edad ay inisa-isa sa anak ang mga tuntunin o batas


na dapat sundin sa isang pamamahay o maging pagsunod sa mga batas sa lipunan.
Sa panahong ito, itinuturo ng magulang ang pagiging mapanagutang anak sa
kanyang kilos at maunawaan kung ano ang tama at mali sa isang sitwasyon.
Halimbawa, isa sa sinusunod na tuntunin sa bahay ay sa pagsapit ng ikaanim ng
gabi ang lahat ng kasapi ng isang pamilya ay nakauwi na ng bahay. Kung ang
tuntuning ito ay matagumpay na nasunod at naipaliwanag ng magulang sa anak
ang kahalagahan sa pagsunod ng tuntunin, uuwi sa takdang oras ang mga anak.

Kaakibat ng pagpapasya ay ang pagpili at pagbuo ng desisyon ng isang


pamilya. Kung kaya, mainam na mapaunawa ng magulang sa anak ang
kahalagahan ng pagiging mapanagutan sa pagpapasya. Sa yugtong ito, ang anak ay
nabibigyang pagkakataon na magpasya sa mga simpleng bagay ngunit sa gabay pa
rin ng magulang. Halimbawa, bilang anak ay malayang pumili kung paano bihisan
ang sarili, anong pagkain ang gustong kainin, anong laro ang sasalihan at iba pa.
Ang pagbibigay laya sa ganitong pagpili ng anak ay makatutulong upang
mapaunlad ang kakayahan nito sa pagpapasya.

Sa totoong buhay, hindi madali ang paggabay ng mga magulang sa kanilang


mga anak sapagkat ang mga kabataan habang lumalaki ay nagkakaroon na rin ng
sariling pananaw sa buhay kung kaya minsan ay nagsasalungat ang gustong
mangyari ng anak at magulang. Halimbawa, maaring ang iyong magulang ay
inihahanda ka para sa isang sikat na kurso sa kolehiyo ngunit ito ay taliwas at
naiiba sa iyong hilig at kakayahan. Nagpaubaya ang iyong magulang, sinuportahan
ang piniling kurso at ginabayan ka sa piniling landas upang mas mapanindigan sa
huli na tama ang nagawang pagpapasya dahil ikaw ay nagtapos at umunlad sa
piniling larangan.

Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili ng tao. Ang pagkakaroon ng


kakayahan sa mabuting pagpapasiya ay bunga naman ng karunungan at
pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa kanilang mga anak mula noong
sila ay bata pa lamang. Maliban sa wastong pagdedesisyon at matapang na
pagharap sa resulta ng isang pagpapasya mahalaga ring ituro at gabayan ng
magulang ang anak sa wastong paggamit ng kalayaan lalo na sa mga materyal na
bagay. Halimbawa, ang pagtuturo sa anak na hindi kailangang bumili ng
mamahaling cellphone o mga bagay na hindi pasok sa badyet at hindi masyadong
kinakailangan. Mahalagang maipakita sa anak ang mabuting dulot ng payak na
pamumuhay. Sa ganitong pagmumulat, maisasapuso ng anak na mas mahalaga
ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon ito.

Sa Paghubog ng Pananampalataya

“Anak mag-ayos ka na habang maaga pa para makapagsimba tayo”. Naririnig


mo rin ba ito sa iyong mga magulang? Bakit nga ba kailangang manalangin ang tao?

Ang pagsisimba ay isang pagpapakita ng pananampalataya. Dito matutunan


ng tao ang mga aral ng Panginoon na humubog sa kanyang pagkatao.

Ang tao sa mundo ay may iba’t ibang uri ng pananampalataya. Sa bansang


Pilipinas, maraming relihiyon ang umusbong matapos ang ikalawang digmaang
pandaigdig. May kalayaan ang bawat Pilipino na piliin at isabuhay ang
pinaniniwalaang relihiyon ayon sa kanilang pananampalataya.

Sa pananampalataya rin humuhugot ng lakas at pananalig ang mga


magulang upang mas lalong mahubog ang mga anak sa mabuting asal na
nagsisilbing gabay upang maging isang mabuting tao. Halimbawa, madalas na
pinapasama ka ng iyong mga magulang sa pagpapalaganap ng salita ng Panginoon
at panalangin. Naniniwala ang iyong mga magulang na mainam na sa murang edad
ay mamulat ka na at makilahok sa mga gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad
ng pananampalataya.

Walang magulang na magtuturo ng hindi wasto sa anak sapagkat ang layon


nito ay mapabuti ang kinabukasan at mabigyang halaga ang mga turo ng Panginoon
sa pamamagitan ng pagsasabuhay at pagiging mabuting ehemplo sa anak at ibang
tao. Maliban dito, ipinamumulat din sa mga anak ang mga importanteng okasyon
sa ating pananampalataya tulad ng pagsasagawa ng Simana Santa at pasasalamat
ng mga Kristiyano at pagdiriwang ng Ramadan sa mga Muslim.

Sa pamamagitan ng pananampalataya, nakapagninilay ang pamilya sa kani-


kanilang maling gawi kung saan humihingi ang tao ng pagpapatawad at gabay mula
sa Panginoon upang maging makabuluhan ang buhay sa mundong ibabaw.

Walang perpektong tao sa totoong buhay ngunit ang lahat ay mayroong


pagkakataong magbago at itama ang maling gawi, kung kaya hinihimok ng mga
magulang na tumungo ang mga anak sa tahanan ng Panginoon upang
magpasalamat, humingi ng kapatawaran at mabusog ang anak sa pangaral ng
Panginoon na magsisilbing gabay araw-araw sa buhay.
Pagyamanin

Gawain 3: Mensahe ng Larawan, Mabuting Gawi Ko!


Isulat ang mensaheng ipinahihiwatig ng larawan na nagpapaunlad sa
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog sa
pananampalataya ng pamilya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

2.

3.
Banta sa Pamilyang Pilipino
Modyul

6
“Lahat ng pagsubok malalampasan, basta’t may pagtutulungan! Problema ka lang,
Pamilya kami!”

- Anonymous

Balikan

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang


tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan!
Ngayon pa lang binabati na kita.

Gawain 1: Hanap-Salita!
Sa tulong ng Crossword Puzzle ay kompletuhin ang mga nakatagong letra
para makabuo ng salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pababa:1. Maayos na pagdedesisyon ng isang tao.


1. Kayamanang maipamamana ng magulang. Pahalang: 3.
Nagpatatatag ng ugnayan ng tao sa Panginoon.

1. P 2. E

P K
3.
P N N M L A Y
A

Y N
Tuklasin

Gawain 2: Punto Ko, Suriin Mo!

Suriing mabuti ang larawan at pagnilayan ang mga gabay na tanong.

Gabay na tanong:

1. Ano ang mga banta sa pamilya sa pagbibigay ng maayos na edukasyon,


paggabay sa pagpapasiya at paghubog sa pananampalataya ang ipinakita sa
larawan?

2. Ano ang magiging epekto sa sarili kung mapagtatagumpayan ang mga bantang
nakikita sa larawan?
Suriin

Matapos mong matutunan sa nakaraang modyul ang mga gawi o karanasan sa


sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasya at paghubog sa pananampalataya, ngayon ihanda ang sarili sa bagong
aralin. Maligayang pag-aaral sa iyo!

Likas sa pamilyang Pilipino ang pagiging masayahin at matatag sa pagharap ng


kabilaang mga pagsubok sa buhay. Ang pamilya sa modernong panahon ay patuloy
na humaharap sa mga banta sa pag-abot ng kani-kanilang mga hangarin para sa
kaunlaran ng sarili, kaupwa at lipunan. Sumasabay sa panahon ang pagdami ng mga
bantang dapat mapagtagumpayan ng pamilya.

Kung babalikan ang larawan sa bahaging Tuklasin makikita na handang umagapay


ang magulang sa pagbibigay sa anak ng tamang edukasyon, paggabay sa mga
desisyong gagawin at paghubog sa pananampalataya sa kabila ng napakaraming
pagsubok at banta sa pamilya.

Ang banta sa pamilya ay nararapat na masulusyonan at malagpasan upang maging


handa sa pagkamit ng tunay na tunguhin at kapanatagang loob bilang tao.

Ang sumusunod ay mga banta sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya


at paghubog sa pananampalataya.

1. Pagbibigay ng Edukasyon

Edukasyon ang natatanging kayamanang maipamamana ng magulang sa kaniyang


mga anak at magsisilbing kayamanan na babaunin habang buhay. Ang pagbibigay ng
edukasyon ay isang pinakamahalagang tungkulin na kailangang mapanagutan ng
magulang. Karapatan ng isang bata na magkaroon ng tamang edukasyon. Sa kabilang
dako kailangan din ng magulang ang sapat na kaalaman upang makapagbahagi ng
natutunan, ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang pangunahing guro ng
mga anak sa tahanan.

Ngunit may banta sa pagbibigay ng edukasyon sa mga anak: a.)


Kahirapan

Ito ang pinakamabigat na problemang nararanasan ng isang pamilya, dahil dito


napipilitan ang mga magulang na pahintuin sa pag-aaral ang kanilang mga anak.
Ngunit paano nga ba masusulusyonan ang problemang ito? Kalimitan ang ginagawa
ng magulang ay ang pagtatrabaho ng lampas sa oras, minsan ay tumutulong din
ang mga anak sa pagtatrabaho upang may magagamit sa pang-araw-araw na
pangangailangan.
Malalampasan ito kung may pagkakaisa at pagtutulungan, nang sa gayon ay
magbunga ang pagsasakripisyo ng pamilya. Kapag nakapagtapos ang isang miyembro
ng pamilya ay nadaragdagan ang pag-asang maiangat ang estado ng pamumuhay.

b.) Impluwensiya ng Kaibigan

Isa ito sa mga salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng isang bata na maaaring positibo o
negatibo. Ang kaibigan ay may matinding impluwensiya sa ating gawi o kilos at
maging sa buong pagkatao. Hangga’t maaari umiwas sa mga kamag-aral at kaibigang
mahilig mag-cutting classes, bisyoso, lulong sa online games at iba pa. Ang bisyo ay
bagay na nagpapakita ng katuwaan lamang ngunit nang maumpisahan ay ayaw
nang tigilan na tila ba kapag hindi ito nagawa ay hindi na buo ang araw at
magdudulot ng hindi maganda tulad ng pagkalimot sa responsibilidad.
Pumili ng mga kaibigang katuwang sa pag-abot ng mga pangarap hindi yaong
kaibigang magdadala sa kasamaan. Siguraduhing ang kaibigan ay may pangarap sa
buhay, may mabubuting hangarin para sa sarili at kaupwa, may pagmamalasakit at
higit sa lahat may pananalig sa Maykapal.

c.) Diskriminasyon sa lahi

Karamihan sa mga magulang ay nahihirapan sa pagbibigay ng sapat na edukasyon


sa kanilang mga anak dahil sa diskriminasyong nararasan sa lipunan. Ito ay dahil sa
uri ng kanilang kulturang kinamulatan, halimbawa nito ang mga batang kabilang sa
etnikong pangkat na nakararanas ng pamumuna, pambabastos, pagpapakita ng
larawan o kilos na nakaiinsulto at panliliit na naging dahilan kung bakit ang mga
kabataang ito ay nababahalang pumasok kahit na gustuhin man nilang magkaroon ng
edukasyon ay nangingibabaw ang takot na mapahiya at madiskrimina.

d.) Pag-usbong ng Teknolohiya

Sa makabagong panahon ay malaki ang naitutulong ng mga makabagong teknolohiya


sa pagtamo ng wastong edukasyon. Ito ang nagsisilbing hanguan ng mga
mahahalagang impormasyon na nagpapaunlad ng kaalaman, kasanayan at
kakayahan ng isang tao. Bagamat minsan sa labis na paggamit ng teknolohiya sa
silid-aralan ay malinaw na may negatibong epekto sa proseso ng pag-aaral ng mga
bata. Halimbawa nito ay plagiarism o pangongopya kung saan ang bata ay kumukuha
lamang ng ideya sa internet na hindi ginagamit ang kritikal na pag-iisip, minsan din
ay masyadong nalilibang ang bata sa paggamit ng teknolohiya upang makapaglaro at
pagbababad sa social media sites na nailalagay sa alanganin ang pang-akademikong
gawain. Kung kaya nararapat na magabayan ng magulang ang mga bata sa
paggamit ng
teknolohiya upang ito ay hindi magiging banta sa pagkamit ng maayos na edukasyon.
2. Paggabay sa Pagpapasiya

Mahalagang mabigyan ng wastong paggabay sa pagpapasiya ang mga anak upang


makagawa ng desisyong hindi pagsisihan sa bandang huli. Bilang magulang ay
huwag pangunahan at gumawa ng desisyong hindi isinasanguni sa anak bagkus
dapat gabayan ng magulang ang mga anak na malinang ang pagiging mahinahon,
matalino, masusi sa paggawa ng tamang desisyon. Dapat malinaw sa kanila na ang
positibong pagbabago sa buhay ay nagsisimula sa isang malinaw na pagpapasiya.
Anuman ang bunga ng pagpapasiya ay ikaw at ikaw lang din ang may
pananagutan at hindi mo pwedeng isisi sa ibang tao.

Bagama’t may mga banta sa paggabay sa pagpapasiya ng anak. Ilan sa mga ito ay
ang sumusunod:

a.) Labis na pagmamahal ng magulang (spoiling children)

Ang sobrang pagmamahal sa anak ay hindi nakatutulong sa paggawa ng sariling


desisyon kung kaya pagdating nang araw ay nahihirapan itong lutasin ang sariling
problema dala ng kanilang maling pagpapasiya o kaya ito ay nagiging dahilan
kung bakit ang isang bata ay halos nakadepende sa desisyon ng magulang at hindi
napapanagutan ang kaniyang responsibilidad bilang tao.

b.) Kawalan ng sapat na oras sa mga anak

Ang kakulangan ng oras ay kakulangan ng paggabay sa mga anak. Kung kaya minsan
ang mga bata ay nakabubuo ng maling pagpapasiya batay sa kanilang natutunan sa
iba na kadalasan ay hindi makatutulong sa pagkakaroon ng maayos na desisyon at
sa pagkakataong ito ay mahihirapan na ang magulang sa pagtuturo ng mga tamang
kasanayang kinakilangan sa pagpapasiya.
Ang paglalaan ng oras para sa pamilya ay malaki ang naitutulong sa paggabay sa
anak tungo sa maayos na kinabukasan. Kaugnay nito, ang oras ang
pinakamahalagang regalong maibibigay sa mga anak na makatutulong sa paggawa
ng maayos at wastong pansariling desisyon.

c.) Teknolohiya

Ang kaunlarang teknolohikal ay mas nagpapadali sa pagkuha ng impormasyon at


paggawa ng anumang bagay ngunit minsan ay hindi makatutulong sa pagkaroon ng
magandang pagpapasiya lalong-lalo na sa mga bata. Hindi nahihikayat ang mga
batang mag-isip ng mabuti at pagsasa-alang-alang sa mga bagay bago bumuo ng
desisyon. Halimbawa, kung nagagalit ang isang bata ay agad nagpahayag ng saloobin
sa social media ng hindi man lang nag-iisip kung may matatapakan at
masasaktan sa kaniyang ginawang kilos o pagpapasiya.
Ang teknolohiya ay hindi magiging banta sa paggabay sa pagpapasiya ng anak kung
maituturo ng magulang ang wasto at tamang paggamit nito. Maglaan ng limitasyon
sa oras nang paggamit ng teknolohiya.

3. Paghubog ng Pananampalataya

Ang pananalig sa katuruan ng isang relihiyon ay isang paraan sa paglinang ng


pananampalataya. Kakambal nito ang paniniwala na sa tulong, gabay at pag- ibig
ng Panginoon makakaya at malalagpasan ang bawat pagsubok na darating. Sa
madaling salita ay nagkakaroon ng pag-asa ang isang tao.
Ang magulang ang pangunahing tagahubog sa pananampalataya ng anak upang
malinang ang mga birtud na kailangan upang maging isang mabuting mamamayan
na may takot sa Panginoon. Ngunit ang pagtuturo ay hindi madali dahil sa mga banta
sa paghubog ng pananampalataya sa pamilya. Ito ay ang sumusunod:

a.) Kultura

Ipinapakita sa kultura ang pagkakakilanlan ng isang tao. May mga panahong


nagiging banta ito sa paghubog ng pananampalataya dahil sa paglaganap ng
maraming relihiyon sa mundo na kung saan ang mga tao ay nagkaroon ng iba’t ibang
pananaw at paniniwala tungkol sa pananampalataya. Halimbawa, may
magkasintahan na magkaiba ang relihiyon at naiimpluwensiyahan ang paniniwala
ng isa na taliwas naman sa kulturang kinagisnan at itinuro sa kaniya ng kaniyang
magulang.

b.) Oras

Ang kakulangan sa oras ay isa sa mga banta sa paghubog ng pananampalataya, kung


nawawalan ng oras ang magulang upang sama- samang manalangin at
makapagmuni-muni ay hindi makikita at maisasabuhay ng mga anak ang
kahalagahan ng pananampalataya, ganunpaman kapag naisabuhay ito magiging mas
malapit sa isa’t isa at mas titibay ang ugnayan ng buong pamilya.

c.) Teknolohiya

Napakalaking impluwensiya ang naidudulot ng teknolohiya sa paghubog ng


pananampalataya ng isang tao. Kinakailangang maging pamilyar ang mga magulang
sa mga banta ng teknolohiya upang mailayo ang mga anak sa negatibong epekto
nito tungo sa paghubog ng pananampalataya.
Halimbawa, karamihan sa mga kabataan ngayon paggising pa lang sa umaga ay
selpon na ang agad ang inuuna na dapat sana ay manalangin o magpasalamat
muna sa Panginoon. Sa halip na ang atensiyon ay nakatuon sa paglinang ng
pananampalataya ay napupunta ito sa pagbababad sa social networking sites.
Nararapat na maituro ang kahalagahan ng pananampalataya nang sa gayon
mahubog at mapaunlad ang samahan ng pamilya. Ayain ang miyembro ng pamilya
na magsimba at magdasal.

Ang mga bantang ito ay maaring magdulot ng masamang epekto sa bawat miyembro
ngunit kung ang bawat isa sa pamilya ay may sapat na edukasyon nagagawa nitong
igalang ang pasiya ng isa’t isa upang mapaunlad ang pananampalataya. Kailangang
mapagtagumpayan ang mga bantang ito sa pamilya upang maisabuhay ang mga
gawi at mapagtagumpayan ang mga pagsubok na kahaharapin sa buhay.
Pagyamanin

Gawain 3: Suri-Larawan!

Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Larawan A Larawan B

Larawan C

1. Ano ang ipinapahiwatig sa bawat larawan?


a) Larawan A
b) Larawan B
c) Larawan C
2. Ano-ano ang mga banta na kinahaharap ng bawat tauhan sa larawan?
Modyul Pananagutan ng Magulang
7
Balikan
Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang
tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan!
Ngayon pa lang binabati na kita.

Gawain 1: Tama o Mali!


Suriing mabuti at isulat ang titik T kung tama at M kung mali ang
sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang kahirapan ay ang kalimitang banta sa mga magulang na hindi napapaaral


ang anak.

2. Ang magulang ang pangunahing tagahubog sa pananampalataya ng anak.

3. Ang pagbibisyo ng anak ay nakatutulong sa pag-aaral.

4. Ang krisis sa pamilya ay banta sa pananampalataya.

5. Malaki ang ginagampanang papel ng kaibigan sa pagpapasiya ng anak.

Tuklasin
Gawain 2: Grapiko ng Pananagutan!

Pananagutan o
tungkulin ng aking
magulang

Isulat sa graphic organizer ang mga pananagutan o tungkulin ng magulang


sa kanilang mga anak at pagnilayan ang mga gabay na tanong.
Gabay na Tanong:

1. Para sa iyo, nagampanan ba ng iyong magulang ang nabanggit mong mga


pananagutan o tungkulin?
2. Bakit mahalagang magampanan ng magulang ang kaniyang mga pananagutan
sa anak?

Suriin

Matapos mong matutunan sa nakaraang modyul ang mga banta sa


pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at
paghubog ng pananampalataya, ngayon ihanda ang sarili sa bagong aralin.
Maligayang pag-aaral sa iyo!

Ang taong bumuo ng isang pamilya ay may kaakibat na pananagutan sa


mga anak na itinuturing na regalong ipinagkaloob ng Panginoon. Habang nasa
sinapupunan pa ang isang bata ay pananagutan ng mga magulang na maisilang
ito, magkaroon ng pangalan, nasyonalidad at maibigay ang mga pangunahing
pangangailangan lalong lalo na sa pagbibigay ng maayos na edukasyon, paggabay
sa pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.

Kung susuriin ang bahaging Tuklasin sa unang katanungan na


nagampanan ba ng iyong magulang ang mga pananagutan na iyong nabanggit?
Kung Oo ang iyong sagot ay binabati kita, dahil sinisikap ng mga magulang ang
lahat ng makakaya para matugunan at maibigay ang lahat ng pangangailangan ng
anak. Hindi rin nila alintana ang hirap at pagod alang-alang sa anak. Kabilang na
rito ang pagbibigay ng maayos na edukasyon na isang pananagutan na
mahalagang magampanan ng magulang na naglalayong mahubog ang buong
pagkatao sa pamamagitan ng paglinang ng aspetong pisikal, mental, emosyonal,
sosyal, at ispiritwal upang maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan sa
lipunang ginagalawan. Ang edukasyon din ang tanging maipamamana ng
magulang sa anak na kailanman ay hindi mananakaw ninuman na magsisilbing
matibay na pundasyon tungo sa magandang kinabukasan kaya ganoon na lamang
nagsusumikap ang mga magulang sa pagtatrabaho sa umaga maging sa gabi para
matustusan at mapagtapos ang anak sa pag-aaral. Ni hindi alintana ang pagod at
hirap basta’t para sa anak walang hindi kayang gawin ng isang magulang.

Mahalaga rin ang paggabay ng magulang sa bawat pagpapasiya ng anak.


Simula pagkabata hanggang sa pagtanda ay walang katapusan ang pagpapaalala
at pagpapayo. Itinuro na sa gagawing pagpapasya ay dapat makapitong isipin
kung ito ba ay nakabubuti o hindi. Ang paggabay ng magulang sa pagpapasiya ay
nakakatulong para maging matalino, may paninindigan at responsable sa anuman
ang desisyon ng anak.

Bukod sa paggabay ng magulang ay kinakailangang mahubog ang


pananampalataya ng anak. Dapat maipamalas na ang Panginoon ang sentro ng
kanilang buhay sa pamamagitan ng pananampalataya na makapagpapatibay sa
samahan ng bawat kasapi ng pamilya. Kung lumaki ang anak na nakasentro ang
buhay sa Panginoon, tiyak maging isang mabuting tao siya sa pamilya, sa kapuwa
at sa lipunan.
Sa kabilang banda, ang pagbibigay ng edukasyon ay bukod-tangi at
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang sa anak sa kadahilanang: ito ang
paraan sa pagkamit ng kaalaman, halaga, kasanayan, paniniwala, gawi sa moral,
kompyansa sa sarili, kakayahan sa paghusga sa mabuti o masama. Maging sa
kakayahang lumaban sa kawalan ng katarungan, karahasan, katiwalian,
pagkakaroon ng mas mahusay na moral at etikal na pagpapahalaga at mataas na
antas ng kamalayan sa tungkulin at karapatan sa pamilya, lipunan at bansa.

Napabubuti rin ang paraan ng pamumuhay, katayuan sa lipunan at pang-


ekonomiya, napapalawak ang pagtingin at pananaw, pagkamit ng pangarap,
pagkakaroon ng maayos at mapayapang buhay.

Sa madaling sabi, malaki ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa


moderno at industriyalisadong lipunan kung kaya kinakailangan ng tao ang
maayos na edukasyon upang mabuhay sa mapaghamong mundo. Ika nga ang
edukadong tao na may mahusay na edukasyon ay naging mabuting mamamayan
sa lipunan.

Pagyamanin

Gawain 3: Sagot Mo, Pangatwiranan Mo!

Ipaliwanag ang bawat pananagutan ng magulang sa anak sa isang talata at


isaayos ito batay sa sariling pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagbibigay ng maayos na edukasyon


Paggabay sa pagpapasiya
Paghubog sa pananampalataya

Pananagutan ng Magulang sa Anak

Rubrik sa Pangangatwiran
Nangangailangan ng
Napakahusay Mahusay
Pamantayan Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Nakasusulat ng Nakasusulat ng Nakasusulat ng
tamang tamang tamang
Nilalaman pangangatwiran pangangatwiran pangangatwiran
ng Talata hinggil sa tatlong hinggil sa dalawang hinggil sa isang
pananagutan ng pananagutan ng pananagutan ng
magulang sa anak magulang sa anak magulang sa anak

Modyul Gawi sa Pagpapaunlad ng Pag-aaral


at Pananampalataya
8
Balikan
Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang
tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan!
Ngayon pa lang binabati na kita.

Gawain 1: Kahon ng Pananagutan!


Isa-isahin ang mga pananagutan ng magulang sa kaniyang anak. Isulat sa
kahon ang mga kasagutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Pananagutan ng
magulang sa kaniyang
anak
Tuklasin

Gawain 2: Kwento Ko, Tunghayan Mo!

Basahin ang kwento at pagnilayan ang mga gabay na tanong.

Ang buhay ay parang isang sistematikong proseso sa pagpapakinang ng


isang diyamante na kailangang pakinisin nang maraming beses upang kumintab
ito.

Mabait, matulungin, maaasahan at may matibay na pananalig sa


Panginoon. Lahat ng katangiang ipinapanalangin ng magulang para sa anak ay
nasa kay Kenneth. Isa siyang hulog ng langit sa kaniyang magulang. Lumaki sa
simpleng pamumuhay na dala-dala ang aral na gawing sentro ng buhay ang
Panginoon. Nagkasakit ang kaniyang ama, kaya napilitan itong tumigil sa pag-
aaral at nakipagsapalaran sa Maynila. Humarap sa maraming pagsubok na
sumukat sa kaniyang matibay na pananalig sa Maykapal.

Sinubok ng pagkakataon si Kenneth nang natunghayan niya ang isang


pangyayari kung saan hinablot ng masamang lalaki ang bag na naglalaman ng
mahalagang dokumento. Hinabol niya ito at dali-daling nabawi ang bag at isinauli
sa may-ari. Dahil sa ipinakitang kabutihan ni Kenneth ginantimpalaan siya ng
pera subalit hindi niya ito tinanggap. Nagpumilit ang lalaki at sa halip na pera ang
ibigay ay nag-alok ito na magtrabaho sa kaniyang kumpanya. Binigyan siya ng
isang pirasong papel na naglalaman ng personal na impormasyon.

Masayang umuwi si Kenneth sa kaniyang tinutuluyan at makailang beses


nag-isip kung tatanggapin ang alok na trabaho. Naisip niya ang kalagayan ng ama
kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin ito. Napagamot niya ang kaniyang ama at
makalipas ang ilang taon nakapagpundar ng negosyo at umasenso ang buhay ni
Kenneth.

Isa sa mga naging susi sa pag-asenso ng buhay ni Kenneth ay ang


pananampalataya at pagsabuhay ng mga aral ng Diyos at ang katangiang
mapagkakatiwalaan na noong una pa ay nakita na ng kaniyang boss.

Hindi nakalimutang magpasalamat ni Kenneth sa mga biyayang kaniyang


natanggap sa Maykapal. Ang kaniyang pananalig sa Diyos na pinagtitibay ng mga
karanasan at pagsubok ay nagsisilbing pundasyon upang maging matatag sa
anumang hamon sa buhay. Gabay na Tanong:
1. Ano ang mensaheng nakapaloob sa maikling kwento?
2. Paano naisagawa ng tauhan sa kuwento ang angkop na kilos sa
pagsasabuhay ng kaniyang pananamplataya?

Suriin
Matapos matutunan sa nakaraang modyul na bukod sa paglalang, may
pananagutan ang mga magulang na bigyan nang maayos na edukasyon ang
kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin sa pananampalataya,
ngayon ihanda ang sarili sa bagong aralin. Maligayang pag-aaral sa iyo!

Ang pagkatuto sa mga wastong gawi sa pag–aaral at pananampalataya ay


nagsisimula sa pamilya. Sa pagsasabuhay ng mga ito kinakailangan ang maayos
na pakikipag–ugnayan. Lubhang mahalaga ito sa pagkakabuklod ng pamilya
upang ito ay maging buo at matatag. Mangyayari lamang ito kung maisagawa ang
mga angkop na kilos sa pag–aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya.

Ano ba ang angkop na kilos upang mapaunlad ang mga gawi sa pag-aaral?
Ang sumusunod ay ang mungkahing kilos sa pagpapaunlad ng gawi sa pag-aaral
at pananampalataya.

Sa Pagpapaunlad ng Pag-aaral:

1. Pagtukoy sa istilo ng pagkatuto sa pamamagitan ng pagkuha ng mga


pasulit upang mabatid ang iyong multiple Intelligence at learning style.
2. Pag-aaral sa komportableng lugar upang magkaroon ng pokus sa pag-aaral.
3. Magtakda ng oras sa pag-aaral araw-araw sa paggawa ng mga proyekto
at takdang-aralin.
4. Pamamahalaan nang maayos ang oras sa pag-aaral at paglilibang upang
maisaaalang-alang ang mental at physical health.
5. Pagtatala sa mga gawain at pag-aaralan ang iba’t ibang asignatura
upang maging sistematiko ang pag-aaral.
6. Bumili at magbasa ng maraming aklat upang mapalawak ang kaalaman
sa mga bagay-bagay.
7. Pagbibigay ng gantimpala sa sarili upang manatili ang kaganyakan na
mapag-ibayo ang hangarin na makamit ang tagumpay.
8. Mangarap para ganahan sa pag-aaral.

Kung maisagawa ang mga angkop na kilos ay uunlad ang gawi sa pag-aaral
na makatutulong upang mapalawak ang kaalaman sa edukasyon at makamit ang
tagumpay sa buhay subalit kahit ano pa ang mararating sa buhay kung wala kang
pananampalataya sa Panginoon ay walang kabuluhan ang lahat.
Ipinaliwanag sa banal na aklat Mga Hebreo 11:1-2 (RTPV05) na “ang
pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan at
katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. Kinalugdan ng Diyos ang
mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa kaniya.” Kung babalikan
ang kuwento ni Kenneth sa bahaging Tuklasin, inilarawan ang matatag na
pananampalataya ng tauhan sa Panginoon. Dumanas ito ng mga pagsubok sa
buhay at ang kaniyang kanlungan ay ang Panginoon sa kaniyang mga
panalangin at nagkaroon ng kalutasan ang kaniyang mga problema. Nais iparating
nito na kung ang tao ay may paniniwala at pagsangguni sa Panginoon ay
diringgin nito ang mga dalangin at ipagkakaloob ang biyaya sa tao ngunit
paano nga ba ganap na maisabuhay ang pananampalataya ng isang tao?

Maaaring mapaunlad ang pananampalataya kung maisakatuparan ang mga


ankop na kilos tulad ng:

1. Pakikiisa sa mga grupo ng mananampalataya


2. Pagbabasa at pagbabahagi ng mga salita ng Panginoon sa ibang tao
3. Pagsisimba kasama ang pamilya
4. Pananalangin at pagsangguni sa Panginoon sa lahat ng panahon
5. Pag-aalay bilang pasasalamat sa biyayang natanggap
6. Paglalaan ng 10% sa iyong kita para sa Panginoon
7. Pagsunod at pagsabuhay sa dakilang utos ng Panginoon
8. Paghingi ng kapatawaran sa bawat pagkakasala.

Sa totoong buhay mahirap ang pagsunod at pagsasabuhay dahil natural na


makasalanan ang tao ngunit nabibigyan ito ng pagkakataon na maitama ang
pagkakamali sa pamamagitan ng pagsunod at pagsasagawa ng angkop na kilos na
magpapaunlad ng relasyon ng tao sa Panginoon na sa bandang huli ay magbibigay
ng katiwasayan sa buhay.

Kaibigan, isapuso at isabuhay mo ang natutunan mula sa unang aralin


hanggang sa aralin na ito na magsilbing pundasyon mo sa mabuting
pakikitungo sa pamilya, sa kapuwa at maging sa lipunang ginagalawan.

Pagyamanin

Gawain 3. Kung ako, Siya!


Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang sitwasyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Unang sitwasyon.

Isa sa mga naging susi sa pag-asenso ng buhay ni Kenneth ay ang


pananampalataya at pagsabuhay ng aral ng Diyos at ang katangiang
mapagkakatiwalaan na noong una pa ay nakita na ng kaniyang boss.

1. Kung ikaw si Kenneth, paano mo mapagtagumpayan ang iyong mithiin sa


buhay?

Pangalawang sitwasyon.

Nagkasakit ang kaniyang ama, kaya napilitan itong tumigil sa pag-aaral at


nakipagsapalaran sa Maynila. Humarap sa maraming pagsubok na sumukat sa
kaniyang matibay na pananalig sa Maykapal.

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng pangunahing tauhan, ano ang iyong gagawin
upang malagpasan ang pagsubok sa buhay? Ipagpatuloy mo ba ang iyong pag-
aaral? Bakit?

Rubrik sa Gawaing Kung Ako, Siya


Nangangailangan ng
Napakahusay Mahusay
Pamantayan Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Lahat ng tanong ay Mayroong dalawang Mayroong isang
nabigyang ng tanong na nabigyan tanong na nabigyan
Nilalaman tamang ng pagpapaliwanag ng tamang
pagpapaliwanag ngunit may pagpapaliwanag
kakulangan sa ideya

Isaisip

Gawain 4: Punan – Konsepto!


Punan ng angkop na salita ang talata upang mabuo ang konsepto hinggil sa
aralin. Piliin ang tamang salita sa ulap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

mangahas pagsubok

ningning pananalig

pagkabigo tunay
magtagumpay tumatag

Kailangang dumaan sa maraming 1. ng buhay ang tao upang


lalong 2. ang loob at tumibay ang 3. sa Diyos. Wika nga,
ang mga taong handang 4. na makaranas ng kabiguan sa buhay ay
maaaaring 5. nang lubusan. Sa ating mga 6. doon natin
matatagpuan ang 7. na lakas. Nakikita sa kadiliman ang
pinakamagandang 8. ng bituin.
Tayahin

Maraming Pagpipilian.
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Nakaugalian ni Anabel na magsimba araw-araw upang magpasalamat sa mga


biyayang natanggap. Ito ang turo ng kaniyang mga magulang. Anong gawi ang
pinaunlad ni Anabel sa kaniyang pagkatao?
A. mabait
B. maka-Diyos
C. malikhain
D. matapang

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang mabisang naglalarawan sa


pagpapaunlad sa mga mabuting gawi upang maisabuhay ang
pananampalataya?
A. matulungin sa kapuwa
B. masipag sa mga gawaing bahay
C. matapat sa kaniyang mga gampanin
D. may pag-iibigan sa miyembro ng pamilya at pagsamba sa Diyos

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamabisang naglalarawan sa


pagkakaroon ng isang matibay na samahan ng isang pamilya?
A. pagtutulungan ng bawat isa
B. walang pakialam sa isa’t isa
C. Panginoon ang sentro ng buhay
D. pagiging disiplinado sa bawat isa

4. Tinatanggap ni Ben taon-taon ang premyo sa pagsisikap na mapaunlad ang


pag-aaral. Anong kilos kaya ang isinagawa ni Ben upang makamit ang
hangarin?
A. pag-aaral sa aralin lalo na kung may pasulit
B. paglalaro ng computer games sa oras ng klase
C. pagguhit sa kwaderno ng mga natandaan sa aralin
D. panonood ng mga bidyo sa social media site araw-araw
5. Isa sa mga naging susi sa pag-asenso ng buhay ni Kenneth ay ang
pananampalataya at pagsabuhay ng aral ng Diyos at ang katangiang
mapagkakatiwalaan na noong una pa ay nakita na ng kaniyang boss. Anong
kilos ang nasasalamin sa tauhang si Kenneth?
A. may tiwala sa sariling kakayahan
B. may mataas na pangarap sa buhay
C. may panahon na magsimba araw-araw
D. may matatag na pananampalataya sa Diyos

6. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng angkop na kilos sa pagpapaunlad


ng gawi sa pag-aaral?
A. Aktibo si Jaz sa mga pangkatang-gawain sa iba’t ibang asignatura.
B. Pumapasok sa paaralan si Mat bagaman hindi nagsusulat sa klase.
C. Ginagawa ni Mark ang mga gawain sa silid-aralan gaya ng paglilinis.
D. Pumapasok araw-araw si Jean sa paaralan subalit naglalaro ng selpon.

7. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng gawi sa pagpapahalaga ng


pananampalataya?
A. pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras
B. pag-iwas sa masamang bisyo at layaw
C. pagdarasal bago pumasok sa paaralan
D. paglahok sa mga gawaing pansimbahan tulad ng youth camp

8. Si Jay ay pumapasok araw-araw sa paaralan ngunit ang hindi alam ng


kaniyang magulang ay nahumaling ito sa computer games na dahilan ng
kaniyang pagliban sa klase. Kung ikaw si Jay anong gawi ang iyong
papaunlarin sa sarili upang mapabuti ang pag-aaral?
A. papasok ngunit liliban minsan
B. ipagpapatuloy ang nasimulang masamang gawain
C. ipapahiram sa kaklase ang account para siya na ang maglaro
D. itigil ang paglalaro ng computer games at mag-aral ng mabuti.

9. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng angkop na kilos sa pagsasabuhay


ng pananampalataya?
A. pagdarasal na marami ang nakakakita
B. pagdarasal kung nais hilingin na biyaya
C. pagdarasal sa panahon ng sakuna at kagipitan
D. pagdarasal ng pamilya bago at pagkatapos kumain

10. Si Don ay mahilig kumuha ng larawan. Hinasa niya ang kaniyang kakayahan
sa photography sa pamamagitan ng pagbasa at pagtingin sa larawang kuha ng
mga sikat na photographer. Anong gawi ang ipinapakita ni Don?
A. pagkuha ng mga larawan sa iba’t ibang lugar
B. paglinang sa kakayahan sa pamamagitan ng pag-aaral
C. pagbibida ng kaniyang mga gawang larawan sa ibang tao
D. pag-aabot ng regalo sa mga sikat na photographer upang makilala
11. Alin sa mga kilos ang dapat isagawa upang maisabuhay ang
pananampalataya sa pamilya?
A. pagsisimba kasama ang buong pamilya
B. pagbalewala sa ibang miyembro ng pamilya
C. paggalang sa mga magulang at nakatatanda
D. paglalaro sa kalye kasama ang mga kaibigan

12. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsasabuhay ng


pananampalataya sa pamilya?
A. pagliliwaliw kahit saan saan
B. pangungumusta sa bagong dating na kaibigan
C. pangungumpisal o pagsisisi ng mga kasalanan
D. pagpapasa ng mga importanteng dokumento ng lagpas sa oras

13. Alin sa sumusunod ang angkop na kilos sa pagpapaunlad ng mga gawi sa


pag- aaral?
A. Gumagawa si Mat ng walang kabuluhang bagay.
B. Ipinagpabukas ni Elle ang lahat ng kaniyang mga gawain dahil hindi
pa naman ito ipapasa.
C. Pinagsanib ni Zean ang lahat ng mga gawain o kasanayan upang
madali lamang itong matapos.
D. Pagtatakda ng oras upang alamin kung gaano kahaba
ang kinakailangang gugulin ni Yan sa pag – aaral sa mga asignatura.

14. Maagang pumapasok sa paaralan si Benny araw-araw. Nagbabalik-aral siya


sa mga leksyon bago magsimula ang klase. Anong gawi ang ipinakita ni
Benny?
A. pagpapaunlad sa pag-aaral
B. paglilingkod sa kapuwa mag-aaral
C. pagsisikap na makalikha ng aralin
D. pagsasabuhay ng pananampalataya

15. Nagtutulungan ang magkapatid na sina Ann at Jasmin sa pagsagot sa


kanilang takdang–aralin. Anong mabuting gawi ang ipinakita ng dalawang
magkapatid?
A. paggalang
B. pagkamatapat
C. paglilingkod
D. pagmamahal

You might also like