You are on page 1of 1

EsP8:Qtr1Mod4: MAHALAGANG GAMPANIN NG MAGULANG SA EDUKASYON NG ANAK

Ang pamilya ang ating sandigan at pundasyon ng mabuting impluwensiya na humuhubog sa ating pagkatao
sapagkat ang mga magulang ang maituturing na unang guro ng kanilang mga anak. Bawat miyembro ng pamilya ay may
nakaatang na tungkulin at pananagutan… sa magulang at maging sa anak… at siyempre may pananagutan din ang anak
sa kanyang magulang… mahalaga na ito ay malaman at magampanan. Ano nga ba ang gampanin ng magulang? Una, ang
maging unang guro ng kanilang mga anak na silang magtuturo ng mga pagpapahalaga upang magkaroon ng mabuting
pagpapasya. Ang mga magulang dapat ang unang nagpapakita ng magandang halimbawa sa kanilang mga anak.
Halimbawa, madalas sabihin ng magulang sa anak na masama ang magsinungaling kaya dapat sila ang nagsisilbing
modelo ng pagiging tapat sa pagsasalita upang mahubog sa kanila ang katapatan. Ikalawa, ang ikaw ay mabigyan ng
edukasyon na pangunahin mong karapatan. Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan upang mabigyan ng edukasyon
ang anak. Ikatlo, ang paghubog ng pananampalataya sa Diyos upang magkaroon ng mas mabuting direksiyon sa buhay.
Magandang maimulat habang bata pa lang ang pananalig o pananampalataya sa Diyos. Ang madalas na pananalangin ng
buong pamilya ay isang magandang gawain na nauukol upang malaman ng mga anak na mayroong Diyos na dapat nilang
igalang, paniwalaan, at magpapatibay ng kanilang ugnayan bilang isang pamilya.
Bilang anak, ikaw ay may pananagutan at tungkulin na dapat gampanan ang isa sa pangunahin mong karapatan
– ang mag-aral… sana mag-aral nang mabuti dahil ito lang ang magiging sandata mo upang makaahon sa kahirapan at
sanggalang sa buhay. Ang paghingi ng payo sa magulang ay mahalaga upang magabayan ka sa pagpapasya dahil mahirap
magsisi sa huli at pinakamahalaga sa lahat ay ang magkaroon ng pananalig sa Diyos na Siyang lumikha sa atin. Mahalaga
rin na naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos na itinuro sa iyo ng iyong mga magulang. Ang manalangin,
magsimba, at magbasa ng Bibliya ay mainam na gawin upang mas lalo pang tumibay ang iyong pananalig sa Diyos na
Siyang tutulong sa iyo sa oras na ikaw ay may pagsubok.
Nawa’y gawin nating itong gabay upang maabot natin ang kabuuan ng paghubog sa ating pagkatao. Sana ay
naisasagawa mo ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi ditto sa pag-aaral at pagsasabuhay ng
pananampalataya sa pamilya sa tulong at gabay ng iyong mga magulang.

Gawain #1: PAUNANG PAGTATAYA: Panuto: Sagutan ang pahayag ng T kung ang pahayag ay TAMA at M kung ito ay MALI.
___1. Ang misyon ng pamilya ay ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya.
___2. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagpapahalaga gaya ng pagmamahalan, pananampalataya, at pagtutulungan.
___3. Ang mga magulang ang pangunahing mga guro na nagkaroon ng impluwensiya sa ating pagkatao.
___4. Ang mga anak ay walang pananagutan at tungkulin sa pagtahak ng kanilang magandang kinabukasan.
___5. Ang pagbuo ng mapayapa at masayang pamilya ang pangunahing tungkulin hindi lamang ng mga magulang kung hindi ng
mga
anak din.

Gawain #2: TARGETED INSTRUCTION


A. REMEDIATION (mag-aaral na nakakuha ng iskor na 0-2)
1. Gamit ang tsart, ilarawan ang iyong pamilya sa kaugnay na gampanin nito sa pagpapahalaga sa edukasyon. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kuwaderno.
PAGPAPAHALAGA SA EDUKASYON
Mga Gampanin ng Kasapi ng Pamilya Mga Patunay na ginawa ang gampanin ng Pamilya
Magulang
Kapatid
Sarili
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga gampanin na ito sa pagkakaroon ng isang masaya at mapayapang pamilya.

B. REINFORCEMENT (mag-aaral na nakakuha ng iskor na 3-4)


Panuto: Gamit ang iyong kuwaderno, sagutin ang mga katanungan:
1. Kung ikaw ay magkakaroon ng sariling pamilya, ano-ano ang mga halimbawa na maaari mong ipakita sa iyong mga anak
upang lumaki silang may pagpapahalaga sa edukasyon at may matibay na pananalig sa Diyos? Pangatuwiranan ang iyong
sagot.

C. ENRICHMENT (mag-aaral na nakakuha ng iskor na 5)


1. Mula sa iyong mga karanasan o naobserbahan, magbigay ng 1-2 pamilya na naninirahan sa Marikina na masasabing
huwaran pagdating sa pagpapahalaga sa edukasyon, paggabay sa pagpapasiya sa bawat kasapi at matatag na pananamplataya
sa Diyos.
2. Ilahad ang mga patunay na pagiging huwarang pamilya.

GAWAIN #3: APLIKASYON


Panuto: Sa isang malinis na bond paper, gumawa ng isang liham pasasalamat sa magulang o legal guardian, mga kasapi ng pamilya.
Banggitin ang mga pagpapahalaga at virtue na iyong natutuhan sa kanila at mabubuting impluwensiya na nakatulong sa paghubog ng
iyong pagkatao. Ibigay ito sa magulang at papirmahan, kunan ng larawan at ipasa sa guro sa pamamagitan ng messenger. Kung
walang messenger account, ipasa ang liham at ipa-check sa guro.

GAWAIN #4: MAIKLING PAGSUSULIT


Panuto: Gamit ang ½ crosswise na papel, gumawa ng isang pagninilay, kung papaano mapa-uunlad ang ibinibigay ng aking pamilya
na edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog sa pananampalataya?

GAWAIN#5: KARAGDAGANG GAWAIN


Gumawa ng islogan o hashtag na makapagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan na tulad mo na isagawa ang mga angkop na kilos
tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya. Gawin ito sa isang bond paper at
ilagay sa iyong portfolio.

You might also like