You are on page 1of 14

7 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Relasyon ng Konsensiya sa Likas
na Batas- Moral

May-akda: Janet S. Alcantara


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Kapag natapos na ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


makatulong sa pagpapanatili ng mabuting-asal patungo sa tamang pakikipag-
ugnayan. Ang kahalagahan ng konsensiya sa pang-araw-araw at ang paggamit
ng Batas- Moral bilang kabataan. Ang mga inihandang mga pagsasanay ay
tiyak na makatutulong upang makamit ang layuning ito.

a. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas- Moral dahil ang pagtungo
sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay
likas sa tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.

b. Naililipat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasiya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas- Moral.

Subukin

Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.

_____1. Ang pangongopya sa takdang-aralin ng iba ay tamang gawain.

_____2. Pagsang-ayon sa maling gawain ay nararapat kung paminsan-minsan.

_____3. Sa pagkuha ng isang bagay na hindi mo pagmamay-ari ay tamang

gawain.

_____4. Dapat husgahan ang isang tao kahit na hindi pa alam ang tunay na

pangyayari.

_____5. Maging balanse sa pagtingin sa magkabilang panig upang

makapagdesisyon ng tama at nararapat.

_____6. Ang pagpupuslit ng mga produkto sa iyong pinapasukan ay

pangkaraniwan lamang na gawain.

_____7. Ang pagkakaroon ng malinis na dignidad at prinsipyo sa buhay ay

kailangan ng bawat indibidwal upang mamuhay ng maayos.

_____8. Udyukan ang kaibigan na kunin ang pitaka ng kanyang magulang.

_____9. Maging responsable sa mga kilos at hakbang bago ito gawin.

_____10. Pagsulsol sa mga kamag-aral na ipagpabukas na lamang ang gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
1
Likas na Batas-Moral

Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula sa iyong


paggising sa umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya, na kinakailangan
na angkop at mabuti. Babangon na o hindi pa? maliligo o maghihilamos? kakain na
o mamaya pa? Ilan lamang ito sa iyong pagpapasiya na gagawin. Marahil hindi na
nga ito napapansin bilang bahagi ng pang araw-araw na gawain mo.
Magkagayunman, sa pagpili o paghuhusgang ginagawa ng tao, may kailangan siyang
pag-ukulan ng pansin, Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na kaniyang
gagawin. Paano nga ba nasasabing tama ang isang kilos samantalang mali ang isa?
Paano mo ito makikilala? Higit sa lahat, paano mo ito pipiliing gawin?

Obserbahan ang larawan at ano ang maaaring ipabatid nito para sayo?

Pagpapaliwanag:
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan
Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano nga ba maidudulot ng pag-iwas ng isang tao sa paggamit ng maling


konsiyensiya?

A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan


B. Maiiwasan ang pagkalat ng kasamaan
C. Makakamit ng tao ang kabanalan
D. Wala sa nabanggit

2. Ang likas na Batas-Moral ay hindi gawa-gawa o imbensyon ng tao, ito ay


natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang
pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa
pangungusap?

A. Obhektibo
B .Unibersal
C. Walang Hanggan
D. Lahat ng nabanggit

3. Pwedeng maging manhid ang konsiyensiya ng isang tao. Ang pahayag ay:

A. Mali, sapagkat hindi ito ang kalikasan ng isang tao.


B. Mali, sapagkat kusang gumagana ang konsiyensiya ng isang tao sa pagkakataon
na ito ay kinakailangan.
C. Tama, sapagkat ito ay maitutulad sa damdamin ng tao na maaaring maging
manhid dahil na rin sa patuloy na pagsasanay.
D. Tama, sapagkat kung patuloy naisasantabi ng tao ang dikta ng konsiyensiya
magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.

4. Sobra ang sukli na natanggap ni Mei nang bumili siya ng pagkain sa isang
restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang
tahanan ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya
ang ginamit ni Mei?

A. Tamang konsiyensiya
B. Purong konsiyensiya
C. Maling konsiyensiya
D. Mabuting konsiyensiya

5. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsiyensiya maliban sa:

A. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala at nalalaman ng tao na may mga


bagay siyang ginawa o hindi ginawa.

B. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nakikilala at nalalaman ng tao ang tamang


bagay na dapat gawin at ang masamang ay dapat iwasan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
C. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay
nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di maayos o mali.

D. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng isang tao kung may bagay


na dapat siyang ginawa ngunit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa
subalit ginawa.

Tuklasin

Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali ito

_________1. Si Antonio ay palaging nangangatuwiran at sumasagot ng pabalang sa


kaniyang magulang hindi niya alintana ang damdamin ng kanyang
magulang.

_________2. Hindi pumapasok sa tamang oras si Aroll sa paaralan kung


kaya madalas ay napagsasabihan ng titser.

_________3. Madalas sinusulsulan nila Rhodora at Marissa ang kanilang mga


kalaro na paglaruan ang sasakyan ng kanilang kapitbahay na si Mang
Isko.

________ 4. Sa tuwing nakagagawa ng mali si Arwin ay humihingi ito ng


paumanhin.

_________5. Laging sumusunod si Ella sa mga pangaral ng kanyang magulang.

Suriin

Ang mga kabataan na tulad mo ay nararapat malaman ang likas batas


moral upang nasa maayos at mabuti ang pakikitungo niya sa kapwa. Nararapat
rin na likas sa iyo ang paggawa ng mabuti at iwasan ang masama.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na impormasyon.

Ang Likas na Batas-Moral ay ibinigay sa mga tao noong tayo ay likhain. Ito
ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa
pamamagitan nito nalalaman ng tao ang pagkakaiba at kakayahang makilala ang
mabuti sa masama.Dahil binigyan tayo ng kalayaang pumili sa ating ikikilos at
gagawin. Nakaugat ito sa kanyang malayang pagkilos dahil sa pagtungo sa
kabutihan o sa kasamaan. Hindi kinakailangan pumasok ng tao sa paaralan upang
malaman ang batas na ito. Ito ay nakaukit sa pagkatao ng isang indibiduwal kaya
ang unang prinsipyo nito ay: Likas sa isang tao na nararapat gawin ang kabutihan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
at iwasan ang mga masasamang gawain. Ang bawat nilalang na tao ay natatangi,
nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos. Ang kakayahan at mga
kilos ay nararapat na katanggap-tanggap.

Ang Likas na Batas-Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kakayahan.Kaya’t


ang walang kalayaan ay hindi na sakop ng batas na ito. Naipapabatid na ang mga
walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito. Nakasaad dito ang mga dapat gawin at
hindi dapat gawin, na gumagabay sa kilos ng tao. Layunin ng Batas-Moral na
pagkalooban ang tao ng angkop na kilos at pasiya. Ang pinakamahalaga sa lahat
layunin nito ay ang kabutihang panglahat ng tao.

Ang tao ay may kakayahang gumawa ng masama: ang pagsira sa kanyang


kapwa ay maaaring gawin at makasira sa kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit
ipinagkaloob ang Likas na Batas- Moral.

Ano nga ba ang konsensiya?

Ang tao ay may kakayahang sumuri kung ano ang mabuti at masama. Ang paraan
ng pagkilatis na ito ay tinatawag na konsensiya. Ang salitang konsensiya ay mula sa
salitang latin na cum na ang ibig iparating ay “with” o mayroon at Scientia na ang
ibig sabihin naman ay “knowledge” o kaalaman.

Samakatuwid, ang konsensiya ay nangangahulugang “with knowledge” o may


kaalaman at ito ay may kaakibat na pagkilos at paggawa. Ang paglapat ng
kakayahan at kaalaman ay maaaring isakatuparan mo sa pamamagitan ng mga
sumusunod na kaparaanan, ayon kay Santo Tomas de Aquino:147

a. Sa Pamamagitan ng konsensiya, nalalaman niya kung ano ang mabuti at


hindi. Halimbawa nito, iniwan ka ng isang gawain ng iyong magulang na
bantayan mo muna ang nakababata mong kapatid. Ngunit sinabayan mo
na panonood ng TV at paglilinis ng tahanan. Hindi mo pinagtuunan ng
pansin ang iyong nakakabatang kapatid dahil rito siya ay nabukulan sa
bandang noo subali’t hindi mo ito napansin at hinayaan mo na matuyuan
ito nang pawis. Hindi mo man aminin ang iyong ginawa kapabayaan sa
kapatid at tinanggi ang katotohanan na napabayaan mo ito. Pinilit mo pa
rin makumbinsi ang iyong Nanay. Ngunit ang iyong konsensiya ay
nakaaalam ng tunay na pangyayari. Ang konsensiya ay tumatayong
testigo sa pagkakataong ito sapagkat nagpapatunay ito sa kilos na ginawa
o hindi ginawa ng tao.

b. Sa pamamagitan ng konsensiya, nalalaman ng tao o nahuhusgahan kung


may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi
niya dapat isinagawa subalit ginawa. Sa pagpapatuloy ng halimbawa sa
itaas, sa iyong pag-iisa hindi ka mapakali o balisa ka, nasasaisip mo na
dapat mong sabihin sa iyong magulang ang tunay na pangyayari sa iyong
kapatid. Ang konsensiya sa sitwasyong ito ay kaparaanan upang sabihin
ang katotohanan. Ang kilos na hindi ka mapakali ay nangangahulugan ng
iyong maling gawa o kilos.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
c. Gamit ang konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa
ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali. Kung
binalewala mo ang ang bulong ng konsensiya na sabihin sa iyong
magulang ang tunay na pangyayari, hindi talaga matatahimik ang
iyong kalooban. Mas titindi pa ang pagkabagabag nito lalo na nang
nilagnat ang kapatid mo. Kaya’t sinabi mo ang totoong nangyari sa iyong
magulang. Napagsabihan ka man ng iyong magulang ang mahalaga ay
nagkaroon ka ng kapayapaan at kapanatagan. Ang konsensiya ang
bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng hindi tama o mali. Ito ang
tinutukoy ng katagang “hindi ako matahimik, inuusig ako ng aking
konsensiya”. Ipinararating dito na ang konsensiya ay nakakabit sa isip ng
isang indibidwal; kaya’t ito ay kakayahan ng isip na maghusga ng mabuti
at masama. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama
o mali. Ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa
obhetibong pamantayan ng Likas na Batas Moral.

Uri ng konsensiya:
1. Tamang Konsensiya- Ito ay naisasakatuparan na walang
pagkakamali. Ito ay naipapakita sa pamamagitan nang walang bahid ng
kamalian. Mananatiling tama ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang
tama bilang tama at mali bilang mali (Agapay,)
Halimbawa:
A. Inutusan kang bumili ng kendi sa tindahan isang araw.Napuna mo na
sobra ang sukli sayo at ibinalik mo agad ito sa tindera.

2. Maling Konsensiya- Ang paghusga ng konsensiya ay nagkakamali


kung ito ay nakabatay sa maling pamamaraan, prinsipyo o nailipat sa tamang
prinsipyo sa maling kaparaanan.Ito ay ayon parin kay Aglipay, mananatiling
mali ang konsensiya kung huhusgahan nito ang mali at ang mali bilang tama
at ang tama bilang mali.Gamit parin ang halimbawa sa itaas.

Naisip mo na makatutulong ang sobrang isinukli sayo ng tindera dahil


nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Hindi mo alintana na mali ang iyong
ginawa, hindi mo naman ginusto na magkamali ang tindera sa pagbibigay ng
sukli ngunit hindi mo ito ibinalik at ginamit mo pa rin.

Pagyamanin

Basahin at unawain ang kuwento. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
KONSENSIYA NG ISANG AMA
ni Janet S. Alcantara

Malaki ang pamilya meron si Mang Almario kung kaya kayod-marino ito sa
pagtatrabaho bilang naglalako ng mga gulay at prutas. Kahit malakas ang ulan at
katirikan ng araw ay patuloy pa rin itong nagtitinda. Ngunit hindi pa rin sumasapat
ang kanyang kinikita sa pang araw-araw. Mag-isa lamang siyang kumakayod para
sa buong pamilya. Kung kaya hinahangaan siya ng mga kapitbahay. Pag-uwi ng
tahanan ay inaasikaso niya ang kanyang mga anak at kung minsan ay nagluluto pa
para sa buong pamilya.
Inalok si Mang Almario ng isang trabaho na mabilisan ang kita. Kung kaya
naisipan niyang pumasok sa pagtitinda ng ilegal na droga na alam naman niya na
ito ay mahigpit na pinagbabawal at maaari siyang makulong. Inaya siya ng kanyang
kapitbahay na si Mang Roman, at agad naman siyang sumama para mairaos ang
pamilya. Dahil sa malakihang pera agad ang kanilang kikitain kahit kaunting oras
na paglalako nito, sa halagang P150 ay meron na. Patago itong ginagawa ng ama ng
tahanan upang hindi siya mahuli ng mga pulis.
Napapaisip na lamang ang kanyang kabiyak na si Aling Amelia kung bakit
lumaki ang ibinibigay sa kaniyang pera. Lumipas ang panahon na tila ba ordinaryo
na lamang sa kanya ang pagtitinda ng ipinagbabawal na gamot. Marami na siyang
parokyano kahit sa malalayong lugar.
Gumanda na ang kanilang buhay na kahit alam niya na marami siyang
nasisirang buhay at pamilya. Ngunit patuloy parin ang kanyang pagtitinda, Hindi na
nila nabibigyan ng panahon ang kanilang mga anak ng sapat at tamang atensiyon
kung kaya hindi lingid sa kanilang kaalaman na madalas sumasama sa barkada si
Arman ang kanilang panganay na anak, madalang na rin itong pumapasok sa
paaralan at nagiging bugnutin ito kung ay kanilang kausap at higit sa lahat ay
mainitin ang ulo, madalas sumisigaw, hindi mapakali, balisa na tila ba malalim ang
iniisip, nangingitim ang gilid ng mga mata.Kung minsan ay hindi na rin ito umuuwi
ng bahay at sa barkada nakikitulog
Isang araw ay naulinigan nila ang malakas na pagputok na tila baril. Dali-
daling nagpunta si Aling Amelia sa pintuan upang silipin ito. Napasigaw ito sa
kanyang nakita “Almario!... Almario!... Bilisan mo! Pumarito Ka!”. Isang binata na
nakahandusay na naliligo sa kanyang sariling dugo. May hawak ng ipinagbabawal
na gamot at may tama ng bala sa balikat at malapit sa puso, ito pala ang kanilang
anak na si Arman.
Mga Tanong:
A. Sino ang pangunahing tauhan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
B. Maituturing ba na isang responsableng ama si Mang Almario? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
C. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “KONSENSIYA NG ISANG AMA” ang
kuwento? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isaisip
Araw-araw gumagawa ka ng maraming pagpapasiya mula paggising mo sa
umaga. Ang ilan sa mga desisyong ito ay pangkaraniwan lamang tulad ng damit na
isusuot o kulay ng sapatos na gagamitin, subalit may mga desisyong nakasalalay
ang iyong pagkatao at nakakaapekto sa iyong kapwa. Kaya’t nangangailangan ito ng
malalim na pag-iisip at tamang paggawa.

Isagawa

Itala ang mga piling impormasyon na makikitaan ng tamang konsensya sa


loob ng tahanan at labas ng tahanan.

LOOB NG TAHANAN LABAS NG TAHANAN

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Tayahin
Sagutin ang mga hinihingi sa ibaba at titik lamang ang isulat sa patlang.

____1. Hindi magkakatulad ang dikta ng konsensiya sa bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
B. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at
kapaligiran ng tao.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
C. Mali, dahil pare-pareho tayong indibidwal na alam ang tama / mali, at
mabuti/ masama.
D. Mali, sapagkat iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng
lahat ng tao.

___2. Sa paanong paraan makakatulong ang konsensiya para maiwasan ang maling
pagpapasya?
A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.
B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan sa paligid.
C. Makakamit ng tao ang pagiging banal.
D. Wala sa nabanggit.

___3. Sina Alma at Rose ay lumaki sa pamilyang relihiyoso. Napupuna niya ang
maraming mga pagkakataon na nararapat na maging matatag laban sa tukso
na gumawa ng masama. Dahil dito madalas siyang nagbabasa ng mga libro
upang sumasangguni sa mga importanteng aklat na magtuturo sa kanya ng
mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang
ng konsensiya ang inilapat nila Alma at Rose.
A. Isabuhay ang mga moral na alituntunin.
B. Ugaliin ang sarili na sinusunod at dinidinig ang konsensiya.
C. Isantabi muna ang pasya o kilos kung walang kasiguraduhan at agam-agam.
D. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang
konsensya sa pagkilala sa mabuti at masama.

___ 4. Sobra ang sukling natanggap ni Arwin nang bumili siya ng pagkain sa isang
panaderya. Bagama’t alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi
sa kanilang tahanan ay isinauli niya parin ang sobrang pera. Anong uri ng
konsensiya ang mayroon si Arwin?
A. Maling Konsensiya C. Tamang Konsensiya
B. Purong Konsensiya D. Mabuting konsensiya

5. Si Lara ay nakapulot ng bag na naglalaman ng mahahalagang bagay at pera,


hindi niya ibinalik sa may-ari dahil sa ito ay kanyang nagustuhan , anong uri ng
konsensiya ang kanyang pinairal?
A. Maling Konsensiya C. Tamang Konsensiya
B. Purong Konsensiya D. Mabuting konsensiya

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.


__________6. Konsensiya ay mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay “with” o
mayroon at scientia, na ibig sabihin ay “knowledge” o kaalaman o
karungungan.
_________7. Ang konsensiya ay nangangahulugang “with knowledge”
o mayroong karunungan.
__________8. Bawat indibidwal ay may kakayahang tumukoy ng mabuti at
masama.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
__________9. Ang konsensiya ang bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng
tama o mali.
__________10. Ang panghuhusga sa kapwa ay isang halimabawa ng tamang
konsensya.

Karagdagang Gawain

Isalaysay ang iyong sariling karanasan kung saan pinairal ang tamang
konsensiya.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

MAIKLING PAGSUSULIT
(POST-ASSESSMENT)

Sagutin ang nasa ibaba at titik lamang ang isulat na patlang.

____ 1. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan
lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon.
Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?

a.Unibersal c.Obhektibo
b. di nagbabago d.walang hanggan
____ 2. Hindi magkawangis o pareho ang dikta ng konsensiya sa bawat nilalang.
Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.

b. Mali, dahil pare-pareho tayongindibidwal na alam ang tama / mali, at mabuti


/ masama.

c. Mali, sapagkat iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng


lahat ng tao.

d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at


kapaligiran ng tao.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3. Alam ni Alma na kulang na ang kanyang pamasahe pabalik sa kanilang tahanan
ngunit isinauli parin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensiya ang ginamit ni
Arwin?
a. Tamang konsensiya
b.Purong konsensiya
c. Mabuting konsensiya
d. Maling konsensiya

4. Ang paglapat ng kakayahan at kaalaman ay maaaring isakatuparan mo sa


pamamagitan ng mga sumusunod na kaparaanan, ayon kay________

a. Santo Tomas de Aquino:147

b. Santo Tomas de Aguas: 147

c. Santos Thomas de Aquino:147

d. Wala sa nabanggit.

5. Ano nga ba ang konsensiya?

a. Ang tao ay may kakayahang tumingin o sumipat kung ano ang Tama o
Mali.

b. Ang tao ay may kakayahang tumingin o sumipat kung ano nga ba ang
Mabuti o masama.

c. Ang tao ay may kakayahang tumingin o sumipat kung ano ang


nakalalamang at hindi nakalalamang.

d. Lahat ng nabanggit.

II. Hanapin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

indibidwal konsensiya bumabagabag ebidensiya kaalaman

1. Ang manghusga agad, kahit wala kang _______________ay maling pag-uugali.

2. Ang _________________ ang bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng


hindi tama o mali

3. Bawat ___________________ ay may kakayahang tumukoy ng mabuti at masama.

4. Ang konsensiya ang ____________________ sa tao kapag gumawa siya ng


hindi tama o mali. Ang konsensiya ay nangangahulugang “with
knowledge”o mayroong karunungan.

5. Konsensiya ay mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay “with” o


mayroon at scientia, na ibig sabihin ay “knowledge” o ____________________.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
pagpapaliwanag nasirang buhay sagot ng mga mag-aaral.
May sariling C.Marami siyang Maaaring iba-iba ang
sapagkat nagbago siya. Karagdagang Gawain
5.√
1.X 2.√ 3.X 4.√ ngunit sa huli ay hindi na
Tuklasin: B. Sa umpisa ng kwento
5.Mali 5. B
mag-aaral. mapagmahal sa pamilya.
4.Tama 4. C
ang sagot ng mga responsable, maalaga at
1. Maaaring iba iba A. Si Mario ay masipag, 3.Tama 3. D
Balikan II. 2.Tama 2. A
10.X √ 5.
5.mangopya
1.Tama 1. B
4. bulaklak
9.√ 4.X 3.kaaway II I.
2.pinuno
Tayahin
8.x 3.X
1.umpukan
aaral.
7.√ 2.X I
mag-aaral) sagot ng mga mag-
6. x 1.X (posibleng kasagutan ng a. Maaaring iba-iba ang
Subukin Pagyamanin Isagawa

Sanggunian
Agapay, Ramon B. (1991). Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for
Students and Educators. Mandaluyong City. National Book Store
 Esteban, Esther J.(1990). Education in Values: What, Why and for Whom.
Manila:Sinag-tala Publishers, Inc.
 Institute for Development Education Center for Research and
Communication(1992). Perspective: Current Issues in Values Education 4 Manila:
Sinag-tala Publisher
 Quito, Emerita S. (2008). Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc.
• Crisostomo, Rosar. (2004) nagsalin sa Filipino. Konsensya para sa mga
Katolikong Pilipino. Mandaluyong City. National Book Store
• Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay
sa Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC)
Pasig City: Awtor
Conscience (n.d.)Retrieved November 21, 2009
from http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Conscience
 Conscience (n.d.) Retrieved November 24, 2009
from www.gospelped/ar.com/articles/christian%20Life/moralaw.html
 Conscience (n.d.) Retrieved November 24, 2009 http://www.rosmini

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Janet S. Alcantara


(Guro, l – Nangka High School)
Mga Tagasuri:
Mei P. Opaño (Guro, Nangka High School )
Jeanette J. Coroza ( Principal, Tanong High School)

Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva (Superbisor sa EsP)


Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine C. Paningbatan
Librarian II, Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like