You are on page 1of 12

Department of Education

7 National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
IkalawangMarkahan – Modyul 2:
Isip at Loob: Susi sa Katotohanan
at Kabutihan

May-akda: Celia I. Sobretodo


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ayon kay Dr. Manuel Dy ang mga tao ay may mga katangiang
nagpapabukod tangi sa kanya kaysa sa ibang nilalang dito sa mundo. Ang tao ay
may mataas na antas ng isip at may puso na pinanggalingan ng emosyon .
Mayroon din siyang kamay/katawan na ginagamit niya sa pagsasakatuparan ng
kanyang loob. Mahalagang alamin mo kung paano ang isip at loob ay
nagpapabukod tangi sa tao, at kung paano maisasakatuparan ang isang
makatwirang pagpapasya na makapagbibigay sa iyo ng katahimikan ng puso.Kaya
sa modyul na ito inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na mga
kakayahan:

1. Naipaliliwanag na ang isip at loob ang nagpapabukod tangi sa tao kaya


ang kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at
kabutihan.
2. Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasya tungo sa katotohanan
at kabutihan gamit ang isip at loob.

Subukin

Isulat ang sagot sa tanong sa loob ng kahon.

1. Malayang pagpili batay sa nakalap na impormasyon ng isip.

Sagot:

K S L

2. Ginagamit ng tao para sa pang-unawa, pagsusuri, pagtuklas, at


Pagbibigay-kahulugan sa mga kaalaman.

Sagot:

S P

3. Kayang hanapin ng tao dahil sa kanyang loob.

Sagot:

A U T

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Ito ay kaugnay ng prinsipyo ng katumpakan, katamaan, katiyakan, at
mabuting paniniwala.

Sagot:
K T H N

5.Kambal na kapangyarihan ng nagpapabukod tangi sa mga tao.

Sagot: _______ at Loob.

S P

Aralin Isip at Loob: Susi sa Katotohanan


1 at Kabutihan

Balikan
Ano ang pagkakaiba ng tao sa hayop? Bakit sinasabing ang tao ay nilalang
ayon sa wangis ng Diyos?
Sinasabing ang tao ay natatanging nilikha sapagkat ang tao ay nilikha ayon
sa wangis ng Diyos. Siya ay binigyan ng kambal na kapangyarihan: ang isip at loob
na nagpapabukod-tangi sa kanya kaysa sa ibang mga nilalang ng Diyos. Ngunit
sinabi na dahil ang tao ay hindi kasing perpekto gaya ng Lumikha, may
pangangailangan na sanayin, at linangin niya ang kanyang isip at loob upang
marating niya ang kanyang kaganapan.

Tuklasin

Isulat sa ikalawang hanay kung 100 %, 90 % , 80 % , 70 %, o 60 %.


ang ginagawa mong pagsunod sa mga sumusunod na pangyayari na nakapaloob
sa panipi na tinatanggap na makatotohanan ng maraming tao.

Pangyayaring Tinatanggap na Porsiyento ng Pagsunod


Makatotohanan
1.May kasabihan na ang “Pagiging
tapat ay pagsasama ng maluwat,” kaya
lahat ng nangyayari sa iyo ay
ipinagtatapat mo sa iyong mga
magulang.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2.“May malaking epekto ang pagkain sa
kalusugan ng tao,” kaya kahit minsan,
hindi ka tumitikim ng junk food at
umiinom ng soft drink.
3. “Ang oras ay mahalaga,’’ kaya
mahigpit mong sinusunod ang mga
gawaing nakalagay sa iyong iskedyul.
4. “Walang maaaring mabuhay para sa
sarili lamang,” kaya marunong kang
makipag-ugnayan sa iyong mga kasing-
edad gayundin sa mga mas may edad
sa iyo.
5.”Ang tunay na kalayaan ay ang
paggawa ng kabutihan,” kaya lagi
mong pinag-iisipan kung ang bagay na
gagawin mo ay parehong makabubuti
sa iyong sarili at sa iyong kapwa..

Sagutin:

a. Ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili tungkol sa porsiyento


ng iyong ginagawang pagsunod sa pangyayaring tinatanggap na totoo?

Sagot: _______________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

b. Magbigay ng ilang dahilan kaya hindi 100 porsiyento ang pagtanggap


mo sa mga pangyayaring tinatanggap na makatotohanan?

Sagot: ______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Suriin

Ang katotohanan ay may kinalaman sa katumpakan at mabuting


paniniwala na may makatotohanang batayan. Ang tao ay binigyan ng Diyos ng isip
upang tunguhin ang katotohanan na magagamit niya sa pag-unawa. Ang
malayang kalooban o loob ay lumitaw sa nakaraang dalawang panahon ng
sinauna at medyebal (medieval ) bilang makabuluhang uri ng kontrol sa pagkilos
ng isang tao. Nagsimula ang kaisipan ng malayang pagkilos sa isang debate sa
pagitan ng pilosopong Plato at Aristotle tungkol sa kalikasan ng tao na may
kinalaman sa kalayaang pangibabawin ang kapangyarihan sa pagpapasiya sa
sarili.
Sinubukan ni Thomas Aquinas (1225–1274) na pag-ugnayin ang mga
pangunahing hibla ng sistematikong pilosopiya ni Aristotle kasama ang teolohiya
ng mga Kristiyano, at doon sinimulan ni Aquinas ang kanyang komplikadong
pagtalakay tungkol sa pagkilos at pagpili ng tao sa pamamagitan ng pag sang-ayon

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
kay Aristotle na ang mga nilalang tulad ng ating sarili na pinagkalooban ng
parehong katalinuhan ay awtomatikong nakaugnay sa mga tiyak na
pangkalahatang pagtatapos na iniutos sa pinaka pangkalahatang layunin ng
kabutihan. Kaya sa maikling salita, ang loob na sa Ingles ay free-will ay may
gamit na kumilos o gumawa upang tunguhin at makamit ang kabutihan na
magpapadakila sa gawa ng tao. Paano maisasakatuparan ng tao ang isang kilos o
gawa? Ayon kay Dr. Manuel Dy, ang tao ay binigyan ng isip, puso, kamay, o
katawan. Ayon sa kanya ang isip ang nagbibigay ng kakayahang makaunawa sa
mga bagay kaya’t tinawag itong katalinuhan.Ang puso ang nakararamdam ng
lahat na nangyayari sa ating buhay. Ang kamay at katawan naman ng tao ang
behikulo upang maisakatuparan ang kilos o gawa.

Isulat ang sagot sa mga nakalaang espasyo.


1. Bakit binigyan ng Diyos ng isip ang tao?
Sagot:
_____________________________________________________________________
2. Paano naisasakatuparan ng tao ang pagkilos o paggawa?
Sagot:
_____________________________________________________________________
3. Paano magiging dakila ang paggawa ng isang tao?
Sagot:
_____________________________________________________________________

Sabihin kung ang mga sumusunod na pagpapasya ng isip at ginawa ng loob na


nakapaloob sa mga sumusunod na pangyayari ay patungo sa pagkakamit ng
katotohanan at kabutihan. Isulat ang iyong paliwanag sa mga espasyong inilaan.

1. Nawala ang cellphone ng kamag-aral mong si Ana na nakalagay sa kanyang


bag. May isa ka pang kamag-aral na nagngangalang Grace ang nagbulong sa
iyo na posibleng si Minda ang kumuha ng cellphone sapagkat naunang
pumasok ito sa inyong silid-aralan kaysa kay Joyce habang recess. Pagkarinig
mo sa sinabi ni Grace agad kang sumigaw sa klase na si Minda ang kumuha
ng cellphone ni Ana. Ang pagsigaw ba sa pangalan ng pinaghihinalaang
kumuha ng cellphone ay makapagbibigay ng katotohanan at kabutihan? Bakit?
Sagot: __________________________________________________________
__________________________________________________________
_________________________________________________________

2. May dalawang taong kumatok sa bahay nina Faye. Nang pagbuksan


niya ng pintuan ang mga kumatok, sinabi nila sa kanya na mga kawani
sila sa munisipyo at inatasan silang magsagawa ng pagdidisimpekta sa
kanilang bahay dahil sa corona virus. Hindi siya nag-atubiling papa-
sukin ang mga tao sa kanilang bahay. Tama ba ang ginawa ni Faye? Bakit?
Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________

3. Mahirap ang pagsusulit ninyo sa isang asignatura. Hindi ka gaanong


nakapagbalik-aral. Nakita mong may mga nagkokopyahan kaya naisip mong
mangopya na rin kaysa bumagsak. Ito ba ay magiging isang mabuting
pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan? Bakit?
Sagot: ________________________________________________________
________________________________________________________

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. May nagsabi kay Megan na ang kumuha raw ng kanyang krayola at
ruler na nasa ibabaw ng kanyang desk ay si Willy. Nag-init ang kanyang
ulo dahil gusto na niyang matapos ang pinagagawa ng guro. Naisip niyang
puntahan at sitahin si Willy sa kanyang kinauupuan. Ngunit nagpigil siya
at pinagpasiyahang tanungin muna ito ng mahinahon. Makapagdudulot ba
ng kabutihan ang pagpipigil na ginawa ni Megan? Ipaliwanag.
Sagot: _________________________________________________________
_________________________________________________________

Pagyamanin

Sagutin ang graphic organizer.

Ang tao ay _____ nilalang dahil siya


ay may

at

Ang tunguhin
Ang tunguhin
Ang gamit ng isip ay ____ ng kilos-loob ay Ang gamit
ng isip ______ ng kilos-
ay____ loob ay
________
__

Isaisip

Sa pamamagitan ng isip nahahanap ng tao ang


katotohanan. Ang katotohanan ay nagpapalaya sa isang tao.
Ang pagsasakatuparan ng kilos upang makagawa ng
kabutihan ayon sa katotohanang nakalap ng isip ay
tinatawag na kilos-loob. Ngunit, kung gagamitin ang isip at
kilos-loob sa maling paraan, masisira ang dahilan kung bakit
ipinagkaloob ng Diyos ang mga ito sa tao. Kaya, nararapat na
sanayin at paunlarin ng tao ang kanyang isip at kilos-loob
upang hindi siya magkamali at magampanan niya ang mga
layunin kung bakit ipinanganak siya sa mundo.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Gumawa ng isang salaysay kung saan maaaring magtugma ang iyong isip at
loob sa panahong ito ng bagong normal. Maglagay ng sarili mong pamagat.

______________________

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Tayahin

Sagutin ang crossword puzzle:

7 8 9 10

3
6

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga tanong sa Crossword Puzzle:
Pahalang:
1. May kinalaman sa katumpakan at mabuting paniniwala.
2. Pangkalahatang katangiang tinataglay ng ng tao,hayop, at halaman.
3. Gamit ng loob _ _ _ _ _ w a
4. Ginawa ang tao ayon sa _ _ _ _ _ _ ng Diyos.
5. Ibinigay sa tao upang makaunawa.
6. Kakayahan na ibinigay ng Diyos sa tao upang mapili kung ano ang tama
sa sarili niyang gawa, na hindi sinunod sa ibang gawa.
Pababa:
7. Tunguhin ng isip
8. Kakambal ng isip na ibinigay ng Diyos sa tao.
9. Tunguhin ng loob na nagpapadakila sa isang gawain.
10. Sumasagisag sa paggawa

Karagdagang Gawain
Isulat ang iyong pagninilay sa mga espasyo sa ibaba, tungkol sa katanungang
ito: Paano mo nagagamit ang iyong isip at loob tungo sa katotohanan at kabutihan
sa panahon na tayo ay nag-aaral sa pamamagitan ng online at blended learning sa
panahon ng pandemya ng COVID 19?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
City of Good Character
Subukin:
1. Kilos -loob
2. Isip
3. Kabutihan
4. Kabutihan
5. Katotohanan
Pagyamanin:
1. Ang tao ay Balikan:
natatanging
➢ Maaaring iba-iba ang
Karagdagang nilalang dahil
sagot ng mga mag-aaral.
Gawain: siya ay may
➢ Maaaring iba-iba 2. ISIP at
ang sagot ng 3. KILOS-LOOB Tuklasin:
mga mag-aaral. 4. Ang gamit ng
isip ay pag-
unawa.
5. Ang tunguhin ➢ Maaaring iba-iba ang
ng isip ay sagot ng mga mag-aaral.
katotohanan. C.
6. Ang tunguhin 1. binigyan ng Diyos ng
ng kilos-loob ay isip ang tao upang
kabutihan. malaman at tunguhin
7. Ang gamit ng ang katotohanan.
kilos-loob ay 2. Maisasakatuparan ng
kumilos o tao ang paggawa sa
gumawa. pamamagitan ng
Isaisip: kanyang kamay o
katawan.
➢ Maaaring iba-iba Magiging dakila ang
ang sagot ng mga paggawa ng tao kung
mag-aaral. nakasentro sa paggawa
ng kabutihan.
Isagawa: Suriin: Posibleng sagot
➢ Maaaring iba-iba
ang sagot ng mga ➢ Maaaring iba-iba ang
mag-aaral. sagot ng mga mag-aaral.
Sanggunian

1. Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learner’s Material (Units 1


& 2 ) Kurikulum ng Edukasyon Sekondarya (SEC) Pasig City
Awtor

2. O’Connor, Timothy at Franklin, Christopher The Standford Encyclopedia


of Philosophy Spring 2020 Publisher: Metaphysics Reasearch Lab,
Stanford University

3. Google.com/Search?-q definition ng +katotohanan & oq=definition+ng


katotohanan

4. quod.lib.umich-edu/cgi/on free will –idx/Aquinas on free will-intellectual-


determinism.pd/?c=…

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Celia I. Sobretodo ( Guro, Marikina High School )


Mga Tagasuri: Mei C. Palcon (Guro, Nangka High School)
Jeanette J. Coroza (Principal, Tanong High School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva
(Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine C. Paningbatan
Librarian II, LRMDS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like