You are on page 1of 11

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ______________________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan – Unang Linggo
Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob

I. Panimula
Kumusta ka? Mayroon nga palang mahalagang mensahe para sa iyo na
kailangan mong mabatid. Basahin mo ito at ikintal sa isip at puso ang
kahulugan nito.
Dear Child,
Remember, you are special because I made you. And I don’t
make mistakes.
Love, God
Nasiyahan kaba sa mensahe ng ating Diyos para sa iyo? Kung gayon
ay binabati kita! Tunay na ikaw ay espesyal sa mundong ito. Sa lahat ng nilikha
ng Diyos, ikaw ang pinakanatatangi. Ikaw ay may kakayahan o katangian na
nagpapabukod-tangi sa lahat. Ito ay dahil sa taglay mong isip at kilos-loob.
Sa nakaraang modyul ay natutunan mo ang iba’t ibang tungkulin ng
isang kabataang katulad mo. Ngayon naman ay makikilala mo ng lubusan
ang dalawang salitang nagpapabukod-tangi sa iyo - ang isip at kilos-loob.
Makikilala mo ang kanilang katangian, gamit at tunguhin, maging ang pagsuri
sa iyong mga gagawing pagpapasya sa iyong araw-araw na pamumuhay.
Halina’t simulan mo nang magkaroon ng mga bagong kaalaman.

II. Kasanayang Pampagkatuto


1. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
Koda: EsP7PS-IIa-5.1
2. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip
at kilos-loob.
Koda: EsP7PS-IIa-5.2

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
2. mahihinuha na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao;
3. makagagawa ng mga pagpapasiya batay sa gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob; at
4. makasusulat ng isang liham pasasalamat sa Diyos, sapagkat tayo ang
pinakanatatanging nilikha Niya.

IV. Pagtalakay
Panuto: Basahing mabuti ang parabula at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang Mabuting Samaritano

Lucas 10:25-37

May isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem


patungong Jericho. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha
pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na
nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang
saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y
lumihis at nagpatuloy sa kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit
tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad. Ngunit may isang
Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita nito ang lalaki at
nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito at
tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa
bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng
dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi,
“Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran
ko sa aking pagbabalik.”

2
1. Ano ang ginawa ng mabuting Samaritano? ______________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit kaya pinamagatan ang parabula ng Mabuting Samaritano?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Kailangan bang tumulong sa kapwa kahit hindi mo ito kakilala? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sinasabi na ang tao ay nilikha ayon sa “imahe o wangis ng Diyos.” Kaya


naman siya ay tinawag na Kanyang obra maestra. Nangangahulugan ito na
ang tao ay binigyan ng kakayahan na makaalam at magpasya nang malaya.

Isip – kapangyarihang mangatwiran ng tao.

Kilos-loob – kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang


pinili.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong (3) mahahalagang
sangkap:

1. Isip. Ito ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng


isang bagay. Ito ay may kapangyarihang manghusga, mag-alaala,
at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
2. Puso. Isang maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong
pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na
nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya at
emosyon. Dito rin hinuhubog ang personalidad ng tao.
3. Kamay o katawan. Ito ay sumasagisag sa pandama, panghawak,
paggalaw, paggawa at pagsasalita. Ito ang karaniwang ginagamit
sa pagsasakatuparan ng isang kilos upang ipahayag ang nilalaman
ng isip at puso sa kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng
katawan, naipapakita ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban.
Ito rin ang instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.

3
Mahalaga ring malaman ng tao kung ano ang gamit at tunguhin ng isip
at kilos-loob. Ito ay makatutulong din sa iyo bilang isang nagdadalaga o
nagbibinata, upang mahubog ang iyong kakayahan na gumawa ng tama at
makabuluhang pagpapasiya sa pagharap sa mga hamon sa buhay.
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba:
Isip Kilos-loob

Gamit Pag-unawa Kumilos o gumawa


Tunguhin Katotohanan Kabutihan

Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan.


Patuloy ang kanyang pagsaliksik upang makaunawa at gumawa nang
naaayon sa katotohanan at natutuklasan. Dahil ang isip ng tao ay may
limitasyon, at hindi ito kasing perpekto ng Maylikha, siya ay nakadarama ng
kakulangan.
Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay kusang
naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ang tunguhin ng kilos-loob ay ang
kabutihan. Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Kaya,
naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob dahil hindi ito nanaisin ang isang
bagay na hindi niya alam o nauunawaan. Ang kilos-loob ang ugat ng
mapanagutang kilos tungo sa kaganapan ng tao.
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang
mabuti. Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri kaya
nakasalalay sa tao na pag-aralan at alamin ang higit na mabuti upang ito
ang kanyang piliing gawin. Samakatwid, ang isip at kilos-loob, tulad ng
katawan, ay kailangang sanayin at paunlarin upang gawing ganap ang
kakayahang ito.

IV. Mga Gawain


Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang
tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ayon sa kanya, ang tao ay may tatlong (3) mahahalagang sangkap.

A. Santo Tomas de Aquino


B. Dr. Manuel Dy, Jr.
C. Dr. Willie Ong
D. Eric Ericson

4
2. Ito ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at
pagsasalita.

A. Isip
B. Puso
C. Kilos-loob
D. Kamay o katawan

3. Ito ay ang sinasabing kapangyarihan ng tao na mangatwiran.

A. Isip
B. Puso
C. Kilos-loob
D. Kamay o katawan

4. Ano ang tunguhin ng isip?

A. Kabutihan
B. Pag-unawa
C. Katotohanan
D. Kumilos o gumawa

5. Ano naman ang gamit ng kilos-loob?

A. Kabutihan
B. Pag-unawa
C. Katotohanan
D. Kumilos o gumawa

A.2 Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung
ang pahayag ay hindi wasto.

__________1. Ang gamit ng isip ay pag-unawa.


__________2. Sa puso ng tao nanggagaling ang mga pasya at emosyon.
__________3. Tayong mga tao ay may apat (4) na mahahalagang sangkap.
__________4. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon, nakararamdam ito ng
kakulangan.
__________5. Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin
ang masama.

5
Gawain 2: Gawaing Pagganap

B.1 Panuto: Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata na may isip at kilos-loob,


isulat ang mga angkop na pagpapasiya na iyong gagawin sa mga
sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa loob ng speech balloon.

1. Nagchat sa iyo ang iyong kaklase at niyaya ka na huwag nang


pumasok sa inyong online class sa EsP. Maglaro na lamang daw kayo
ng Mobile Legends para tumaas na ang inyong level sa larong ito.

2. Mahaba ang pila sa covered court sa inyong barangay para sa


ibinibigay na ayuda ni meyor. Nakita mong nasa bandang unahan ang
iyong kaibigan at niyaya ka niyang pumuwesto sa kanyang likuran
upang mapadali ang pagkuha mo ng ayuda.

6
3. Inuutusan ka saglit ng iyong ina na bumili ng mga sangkap na gulay
para sa inyong tanghalian. Kasalukuyan mong sumasagot sa iyong
mga modyul dahil kailangan na itong maipasa sa araw na iyon.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

PAMANTAYAN ISKOR PUNTOS

Orihinalidad 15
Nilalaman
15
Akma sa bawat aspeto
Kabuuang puntos 30
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

Gawain B.2: Photo Essay: Kabataan tungo sa Katotohanan at Kabutihan!

Panuto: Gamit ang inyong cellular phone o digital camera, kumuha ng iyong
larawan na nagpapakita ng mga angkop na pagpapasiya tungo sa
katotohanan at kabutihan gamit ang isip at kilos-loob. Ito ay gagawin lamang
sa inyong bahay o sa bakuran.

7
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan 10 puntos 7 puntos 5 puntos 2 puntos

Pagkamalikhain Katangi- Maganda Di gaanong Walang


tangi ang ang mahusay ang larawan na
mga pagkakakuha pagkakakuha naipakita
larawan at ng mga ng mga
larawan at larawan at
akmang
may medyo may
akma sa
kaugnayan kaugnayan sa
paksa sa paksa paksa
Pagkakaayos Katangi- Maganda Di-gaanong Walang
at disenyo ng tangi ang ang maganda pamagat at
larawan pamagat at pamagat at ang captions
captions captions pamagat at
captions
Pagkukuwento Katangi-tangi Mahusay ang Di-gaanong Walang
ang paraan ng paraan ng mahusay ang pagkukuwento
pagkukuwento pagkukwento paraan ng
pagkukuwento
Photography Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng Walang
tatlong dalawang isang ginamit na
larawan larawan larawan larawan
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

8
VI. Pagsusulit
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang letra sa patlang.
__________1. Ang lahat ng pahayag ay tungkol sa katangian ng puso maliban
sa:

A. Dito hinuhubog ang personalidad ng tao


B. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao
C. Maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng
tao
D. Sa pamamagitan nito, naipapakita ng tao ang nagaganap sa
kanyang kalooban

__________2. Pinagalitan ka ng iyong mga magulang dahil sa pag-uwi mo ng


gabi at hindi pagpapaalam sa kanila. Ano ang gagawin mo?
A. Iiyak at magagalit sa magulang
B. Manahimik at balewalain na lang sila
C. Magtampo dahil ngayon lang naman ito
D. Humingi ng tawad at mangangakong hindi na kailanman mauulit

__________3. Alin sa mga sumusunod ang tunay na gamit at tunguhin ng isip?


A. Pag-unawa at kabutihan
B. Pag-unawa at katotohanan
C. Kumilos o gumawa at kabutihan
D. Kumilos o gumawa at katotohanan

__________4. Naubos na ang tubig sa plastic cup na iyong iniinom. Wala kang
makitang basurahan kaya sinabi ng kaibigan mo na itapon mo
nalang ito sa daan. Ano ang gagawin mo?
A. Itago na lang muna sa bag
B. Itapon nalang sa dinaraanan
C. Hayaan na lang itong liparin ng hangin
D. Hayaan ang kaibigan na lang ang magtapon

__________5. Alin sa sumusunod ang tunay na gamit at tunguhin ng kilos-loob?


A. Pag-unawa at kabutihan
B. Pag-unawa at katotohanan
C. Kumilos o gumawa at kabutihan
D. Kumilos o gumawa at katotohanan

9
VII. Pangwakas
Panuto: Sa panimulang bahagi ng ating talakayan ay nalaman at nabasa mo
ang mensahe ng Diyos para sa iyo. Ngayon, ikaw naman ang magbigay
mensahe sa Kanya. Sa loob ng puso, sumulat ng isang panalangin ng
pasasalamat sapagkat tayo ay espesyal at pinakanatatanging nilikha Niya.

Panginoon, ______________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________
______________________________________________________
_______________________________________________
_____________________________________
__________________________
__________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

PAMANTAYAN ISKOR

Nilalaman 10

Pagkamalikhain sa paggawa 5

Kalinisan at kaayusan ng gawa 5

Orihinalidad 5

Kabuuang Puntos 25
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

10
VIII. Sanggunian

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding GC Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instructional Strand.
Department of Education. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
Learner’s Material (Quarter 1 and 2). Pasig City: Department of Education
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd – IMCS).
Department of Education. MIMAROPA Region. 2020. School Learning Module
in Grade 7. Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
https://www.pinterest.com/
https://www.seekpng.com/
IX. Susi sa Pagwawasto
Mga Gawain Pagsusulit at Pangwakas
Ityek ang Rubrik sa ibaba.
Maaaring magkakaiba ang mga sagot. sagot. Ityek ang Rubrik sa ibaba.
Maaaring magkakaiba ang mga
GAWAIN B.2 PANGWAKAS

Ityek ang Rubrik sa ibaba. 5. C


Maaaring magkakaiba ang mga sagot. 4. A
3. B
GAWAIN B.1 2. D
1. D

5. TAMA 5. D PAGSUSULIT
4. TAMA 4. C
3. MALI 3. A
2. TAMA 2. D
1. TAMA 1. B

GAWAIN A.2 GAWAIN A.1

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Maricel B. Canlas


Hyacint M. Sico
Patnugot: Jessie M. Policarpio, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Imelda P. Angeles
Criselda R. Pontillas
Luisa F. Obcena
Patnugut ng Wika: James L. Domingo
Grupo ng Tagapaglinang: Yolanda M. Gonzales, EdD

11

You might also like