You are on page 1of 10

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 1 Weeks 1 and 2
Aralin
Mataas na Tunguhin ng
Isip at Kilos-loob
1
Magsisimula ang ating pag-aaral sa pagsagot ng isang laro, ito ay pag-aangkop ng salita
sa mga larawan na may kinalaman sa ating paksang aralin, susunod dito ay ang pagtatala ng mga
gawi at kakayahan ng isip at kilos-loob. Tatalakayin din dito ang paghubog at pagpapataas ng
antas ng isip at kilos-loob.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod na


kasanayan:

1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos loob.


2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.
3. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para sa paghahanap ng
katotohanan at sa paglilingkod at pagmamahal.
4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang
katotohanan at maglingkod at magmahal.

Excited ka na ba?... Sukatin muna natin ang taglay mong kaalaman sa aralin. Sagutan ang
paunang pagsubok.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong o pahayag. Piliin ang
letra ng tamang sagot.

1. Ito ang katangiang nagpabukod-tangi sa tao.


A. Isip at kilos-loob C. Kakayahan at ugali
B. Isip at talino D. Talino at galling
2. Ang isip ay ______ ng tao upang magsuri at tumuklas.
A. biyaya C. kapangyarihan
B. galing D. karunungan
3. Ang ____ ay bunga ng paghubog sa pag-alam ng katotohanan.
A. kaalaman C. kaisipan
B. kabutihan D. karunungan
4. Ang pag-alam sa _______ ay nasa kalikasan ng tao.
A. kabutihan C. katotohan
B. kakayahan D. kayamanan
5. Ang pagmamasid, pag-alam, pagsuri at obhetibong pagtataya ay mga paraan para sa
______.
A. kapangyarihan C. karunungan
B. kakayahan D. pagpili ng mabuti

Malugod nating simulan ang ating pag-aaral sa pagbabalik-tanaw sa iyong natutunan


noong ikaw ay nasa Ikapitong baiting na nakatuon sa pagpapahalaga sa sarili, simulan natin ito
sa pagbabasa ng maikling kwento.

1
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kwento. Pagkatapos, sagutan ang mga katanungan.

Paano Mananalo sa Laban sa Korte?


(Inspirasyon mula sa likha ni Jacob Braude sa aklat na The Next 500 Stories)

Si Luis ay may tatlong kaibigan sina Carl, James at Lance. Madalas niyang kasama ang
dalawa. Sa tuwing kasama niya si Carl ay mapakagaan ng kanyang pakiramdam parang kayang-
kaya niya gawin ang lahat at abutin ang pinakamataas na bundok. Kapag si James naman ay
hindi mabilang ang tawanan at kaligayahan. Si Lance ang di niya madalas makasama kakaunti
lamang ang kanilang nalaala sa isat-isa.
Isang araw ay kinailangan ni Luis na humarap sa Korte upang ipaliwanag ang sarili, dito
ay kinakailangan niya ang tulong ng kanyang kaibigan. Una niyang pinuntahan ay si Carl. Agad-
agad itong humindi at sinabing hindi siya makakasama. Pinuntahan naman niya si James
sumagot ito at sinabing sasamahan siya subalit hanggang tarangkahan lamang ng gusali ng korte
hindi na siya makakasama pa sa loob nito. Sa huli ay pinuntahan niya si Lance pinakiusapan na
kung pwede siyang samahan nito sa korte upang ipagtanggol. Agad itong sumagot ng oo at
ipinagtanggol nga siya hanggang siya ay manalo sa korte.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang sinasabing magliligtas sa iyo sa pagharap natin sa huling paglilitis?
________________________________________________________________________
2. Anong parte ng ating katauhan ang dapat bigyan ng pansin sa aralin? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________

Ang tao ay nilikha ng Diyos pinagkalooban ng buhay, kalayaan at kapangyarihan.


Nakapaloob dito ang taas ng isip ng tao para sa pag-alam ng katotohanan at pagpapalakas ng
kilos- loob sa paggawa ng tama at mabuti bilang paglilingkod at pagmamahal sa kapwa.

Ang Isip at Kilos-loob


1. Ang isip at kilos- loob ang kambal na kapangyarihan nagpapabukod tangi sa tao.
2. Ang isip ay para sa pag- unawa at pag-alam ng katotohanan.
3. Ang kilos- loob ay pagkilos tungo sa kabutihan.
4. Ang tunay na karunungan ay ang paghahanap ng katotohanan.
5. Upang makamit ang kasukdulang taas ng isip, kinakailangan itong hubugin ng wasto
gayun din ang kilos-loob.
6. Nasa kalikasan ng isip ang mag-isip, sumuri at mangalap ng iba‟t-ibang kaalaman, upang
magpasya ng tama at mabuti subalit kung minsan ang tao ay pinipili parin mali o
paggawa ng masama dahil mas madali itong gawin o nasisiyahan siya sa magiging resulta

2
nito sa pagkakataong ito. Dapat palakasin ng tao ang kanyang kilos-loob sa pamamagitan
ng wastong paghuhubog nito.

Mga halimbawa ng paghubog ng isip at kilos-loob.


a. Pagkilala sa katotohanan
b. Makatuwirang paraan ng pagtuklas ng suliranin.
c. Pagmamahal sa Diyos at kapwa
d. Pagpapatatag ng kaalaman tungo sa moralidad
e. Pagiging responsable at mapanagutan (Punsalan et. al:2019)

Gawain 1

Panuto: Suriin ang mga larawan sa bawat bilang at kulayan ang sagot sa loob ng crossword
puzzle.
P2P
(Picture-to-Puzzle)

Pict Mat buil mot pus


In F ure h/Sc din or o Bib Bra
ni ienc gs
Not Dan Ka Tao
tao Op Lig
T es/ cing ma ng ht
G- y nak

Bi Lo B Li B He M He S
ot mi
B B Co Sa
Du Sk M C He Gif
nf d
lpi

M U L T I P O L U M D Q A M I D A M D A M I N H A T T E R I W A T A 0

E C N E G I L L E T N I E L P I T L U M K A B U T I H A N M Q M E C Q

M N D L Y H K A T O T O H A N A N P O L L B R O G Q K G C Q N T A Y O

M U L T I P L E I N T E L L I G E N C E L M A S S M E D I A MQ X C V

K A P A N G Y A R I H A N L D D F F R O Z W R C D B M D F W L P X D A

C U T P L W E L X X D F L W E V E W F V V F V R E M C L V Q L K H O T

K I L O S L O O B W E R L W P W O L F M Y S T G H WQ C K L J K L O L

K A R U N U N G A N P O L G A W A N G T A OP I O O P L A N MK I O Z

Pamprosesong Tanong:

Pumili ng dalawang (2) sagot at ipaliwang ang kahalagahan nito?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3
Gawain 2

Panuto: Isulat ang mga nagagawa ng isip at kilos loob. Ayusin ito ayon sa taas ng kakayahan
nito.

Isip

Kilos- Loob

Halina‟t Mag-isip

Pamprosesong Tanong:
1. Ano–ano ang mga isinaalang- alang mo sa pagsunud-sunod ng sagot?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Pangatwiranan ang sagot sa pinakamataas na antas ng isip at kilos-loob.


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Lalo pa nating patalasin ang iyong isipan sa pagsagot ng susunod na gawain.

Gawain 3

Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong gagawin kung ikaw
ang nasa sitwasyon? Sumulat ng mga kongkretong hakbang kung papapaano malalagpasan ang
mga ito.

1. May pandemyang nagaganap ngayon sa ating panahon. Narinig mong ipapatupad ang
tinatawag na “new normal” sa pag-aaral, dahil nais ng Pangulo na walang papasok sa
paaralan tulad ng nakagawiang pagtuturo na kung tawagin ay face-to-face, ang tanging
paraan lamang upang kayo ay maturuan ng inyong guro ay sa paggamit ng gadgets at
internet. Alam mong wala kayong internet at dahil sa matagal na lock down ay nagsara ang
kompanyang pinapasukan ng iyong ama. Tutuloy ka ba sa pag-aaral mo sa panahon ng
„new normal‟? Pangatwiranan ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ang buong NCR ay nakapaloob sa tinatawag na GCQ (General Community Quarantine)


kung saan ang mga mamamayang nasa edad 20 pababa at 60 pataas ay hindi pinapayagang
lumabas ng bahay. Naiwan kayo ng kapatid mong nakababata sa iyo at ng iyong lola na
senior citizen na. Gutom na kayo ngunit wala pa rin ang iyong nanay para bumili ng
pagkain niyo, may pera namang inaabot ang lola mo upang ipambili mo ng inyong

4
pagkain. Alam mong hindi dapat nalilipasan ng gutom ang iyong lola dahil sa kaniyang
kondisyon subalit naalala mo ang nangyari sa iyong kaibigan na hinuli ng pulis dahil sa
paglabag sa GCQ. Ano ang iyong gagawin?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ngayon dagdagan natin ang iyong kaalaman basahin at umawaing mabuti ang konsepto.
Tandaan ang mga mahahalagang kaalamang magagamit sa pagharap sa hamon ng buhay.

“Ang Taong Matalino ay Mabuti at ang Mabuting Tao ay Matalino”

Ang tao ay nilikha ng Diyos bilang kakaibang nilalang, may kapangyarihan siyang
nagmula sa Diyos ang isip at kilos-loob. Ito ay maaaring gamitin ng tao upang maunawaan at
kumilos ayon sa huling layon. Ang pinakamataas na layunin ng isip at kilos-loob ay ang
pinakadakilang katotohanan at kabutihan …. ang Diyos. (Castro et al; 2010)

Kapangyarihan ng Isip

1. Nilikha ang tao bilang isang rasyonal (makatwiran) na nilalang.


2. Ang isip ng tao ay may kamalayan, may kakayahang umunawa, tumanggap ng
impormasyon, sumuri, tumuklas at magbigay ng kahulugan.
3. Ang isip ng tao ay di lamang tumatanggap ng impormasyon, ito rin ay sumusuri..Ang
pang-unawa ng tao ay nakakatulong sa kanyang paghatol at pagpapasya sa pamamagitan
ng pagkukumpara at pagsuri sa mga impormasyong tinatanggap ng kanyang isip.
4. May kakayahan ang taong pangatuwiranan ang kanyang pasya base sa mga
impormasyong nakalap niya upang magamit sa pagtukoy ng tama at nararapat.
5. May kakayahan ang taong tukuyin ang tama sa mali.

Kapangyarihan ng Kilos-loob

Ang kilos-loob ay ang determinasyon ng tao upang gawin ang isang bagay. Ito rin ay
kakahayang karugtong ng isip upang ipakita o gawin ang kanyang ninanais. Ang kilos-loob ay
ang rasyonal o makatwirang pagkagusto sa mabuti at pag-iwas sa masama.
1. Ang tao ay nagsusumikap hindi lamang dahil sa kanyang kalikasan (instinct) bagkus
dahil sa kangyang kilos-loob.
2. Dahil sa kanyang kilos-loob kaya ng taong higitan ang kanyang kalikasan gaya ng pag
didisiplina sa sarili.
3. Ang isip ang sumusuri subalit ang kilos-loob ay ang malayang pumipili.
4. Kung ang isip ang nangangalap ng impormasyon ang kilos-loob ang nag-uudyok na piliin
ang mabuti o masama ayon sa pag-unawa ng isip nito. (Babor; 1999)
5. Nasa kalikasan ng kilos-loob ang pagpili ng mabuti. (Punsalan; 2019)

5
Kakayahan ng Isip at Kilos-loob

Isip Kilos-loob
Pinakamataas na layunin Karunungan Birtud
Tunguhin Katotohanan Kabutihan
Tungkulin Mag-isip Magpasya
Hangarin Pag-alam Pagpili

Ang karunungan ay hindi lamang para sa sariling kapakinabangan, bagkus ito rin ay
paraan para sa tamang pagkilos. Ang karunungan ay pinatitingkad ng pag-alam sa katotohanan.
Ang pagkilos ay karugtong ng kaalaman ng tao, gumagawa ang tao ng tama dahil alam
niyang ito ay tama. Ang kilos-loob ay pinatitingkad sa paghahanap ng kabutihan at ang paggawa
ng mabuti ang kanyang huling layon. Ang kilos-loob ay laging naghahangad ng kabutihan na
nagmumula sa katotohanan tungo sa paglilingkod at pagmamahal, ang Diyos (ang huling layon
ng tao). Ayon sa Banal na Aklat ang ginagawa mo sa kapwa mo ay ginagawa mo rin sa Diyos.
May kapangyarihan ang isip at kilos-loob subalit meron din itong tungkuling dapat
gampanan sa pag-abot sa pinakadakilang katotohanan at kabutihan, ito ay ang pagmamahal.
Ayon sa aklat ni Glenn may dalawang pakultad o kapangyarihan ng kapasidad sa
pagkilos ang kaluluwa ng tao:
1. Pangkaalamang pakultad (knowing faculty) – Isip
2. Pagkagustong pakultad (choosing faculty) – Kilos-loob

Mga Tungkulin ng Isip at Kilos-loob

1. Paunlarin at gamitin ang isip.


2. Ang isip ay pinauunlad ng kaalaman at katotohanan tungo sa kaganapan nito.
3. Maging makatwirang nilalang.
4. Makamit ang kanyang huling layon batay sa likas na batas.
5. Ang kaganapan ng kilos-loob ay ang paghahanap sa kabutihan.

Nahaharap tayo ngayon sa malaking hamon sa panahon ng pandemya. Maraming


pagsubok ang nararapat nating lampasan. Bilang isang kabataan magtala ng mga paraan kung
papaano ka makatutulong sa sitwasyon natin ngayon gamit ang ISIP at KILOS-LOOB. Ipahayag
ito sa pamamagitan ng malikhaing pamamaaan. (Maaaring sumagot sa pamamagitan ng paggawa
ng tula, awit, spoken poetry, pagguhit at iba pang katulad)

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong o pahayag. Piliin ang
letra ng tamang sagot.

1. Ang isip at kilos-loob ay ________ ng tao?


A. biyaya C. kapangyarihan
B. galing D. karunungan

6
2. Nilikha ng Diyos ang tao bilang isang makatuwirang nilalang.
A. Mapanuri C. Makakayahan
B. Matalino D. Rasyonal
3. May kakayahan ang taong _______ ang kanyang pasya base sa mga impormasyong
nakalap niya.
A. ipahayag C. pangatuwiranan
B. ipilit D. sundin
4. May kakayahan ang taong kumilos at harapin ang _________ ng kanyang mga ginawa
A. kahihinatnan C. hatol
B. katwiran D. problema
5. Ang pinakamataas na layunin ng isip ng tao ay:
A. brtud C. karunungan
B. katotohanan D. pag-alam

Ilarawan ang mga pagpapahalagang natutunan mo sa aralin. Gumawa ng isang Pic Collage na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katotohanan, paglilingkod at pagmamahal sa kapwa.

7
SAGUTANG PAPEL
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Unang Markahan – Una at Ikalawang Linggo
Aralin 1: Mataas na Tunghin ng Isip at Kilos-loob
Pangalan:________________________________________________
Guro:_______________________
Baitang at Pangkat: _____________________________

Paunang Pagsubok
1. 4.
2. 5.
3.
Balik-Tanaw
1. ___________________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________________
Gawain 1

M U L T I P O L U M D Q A M I D A M D A M I N H A T T E R I W A T A 0

E C N E G I L L E T N I E L P I T L U M K A B U T I H A N M Q M E C Q

M N D L Y H K A T O T O H A N A N P O L L B R O G Q K G C Q N T A Y O

M U L T I P L E I N T E L L I G E N C E L M A S S M E D I A MQ X C V

K A P A N G Y A R I H A N L D D F F R O Z W R C D B M D F W L P X D A

C U T P L W E L X X D F L W E V E W F V V F V R E M C L V Q L K H O T

K I L O S L O O B W E R L W P W O L F M Y S T G H WQ C K L J K L O L

K A R U N U N G A N P O L G A W A N G T A OP I O O P L A N MK I O Z

Pamprosesong Tanong:
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Gawain 2
Isip Kilos-loob Pamprosesong Tanong
1. 1. 1. ______________________________
2. 2. ______________________________
3. 3. 2. ______________________________
4. 4. ______________________________
5. 5. ______________________________
Gawain 3
1. ___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Pag-alam sa Natutuhan

8
Pangwakas na Pagsusulit
1. 4.
2. 5.
3.
Pagninilay

You might also like