You are on page 1of 2

OUR LADY OF LOURDES SCHOOL OF BAUAN INC.

“Excellent Education and Holistic Development”

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Baitang at Pangkat: _________________________________________Iskor: __________/ 60

Test I. Isulat ang titik ng tamang sagot. (10 puntos)


1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap
magpakatao?”
a. May isip at kilos-loob ang tao.
b. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan.
c. Tapat ang tao sa kaniyang misyon.
d. May konsensiya ang tao.
2. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap
magpakatao?”
a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.
b. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa parehong
sitwasyon.
c. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya habang siya ay
nagkakaedad.
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan.
3. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
a. kakayahang mag-abstraksiyon
b. kamalayan sa sarili
c. pagmamalasakit
d. pagmamahal
4. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
a. pagmamahal
b. paglilingkod
c. hustisya
d. respeto
5. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Ito ay sukatan ng kilos
b. Ito ay nauunawaan ng kaisipan
c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
6. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang
subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa
kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
a. Ang Sampung Utos ng Diyos
b. Likas na Batas Moral
c. Batas ng Diyos
d. Batas Positibo
7. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
b. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
c. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
d. Kung magsasanib ang tama at mabuti
8. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
a. kilos-loob
b. konsensiya
c. pagmamahal
d. responsibilidad
9. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano
ang gagawin?
a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.
10. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang
pahayag ay:
a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa.
b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.

Test II. Punan ang patlang sa bawat bilang ng mga salitang angkop sa pangungusap. Pumili sa mga salitang
nkapaloob sa kahon.

isip kamalayan memorya imahinasyon instinct

konsensya kalayaan kilos-loob kamay puso

1. Mahuhubog ang ____________ sa pamamagitan ng panalangin at mas malalim na pagkakakilala sa


mabuti laban sa masama.
2. Ang ____________ ang munting tinig na nagbibigay payo sa tao sa gitna ng isang moral na pagpapasya.
3. Ang _____________ ay kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan
sa katwiran.
4. Ang kakayahang lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin ito ay tinatawag na ________________.
5. Ang pagkakaroon ng __________________ sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa.
6. Ang _____________ ay ang kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan.
7. Ibinibigay ng __________ ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensyahan ang kilos-loob.
8. Ang _________________ ay ang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa
kanyang maaring hantunga.
9. Ang paggamit ng ________________ upang palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti.
10. Ginagamit ang _______________ upang makapili, makapagpasya at kumilos tungo sa kabutihan.

Test III. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gamitin ang likod ng papel sa pagsasagot.
1. Paano mo maipapamalas ang paggamit ng isip at kilos-loob sa inyong Pamilya? (10 puntos)
2. Paano mo ilalarawan ang dignidad na tinatamasa mo ngayon? (10 puntos)
3. Bigyan mo ng sariling depinisyon ang KALAYAAN. (10 puntos)
4. Paano mo mahuhubog ang iyong Konsensiya? (10 puntos)

Ang totoong nagmamahal


ay parang matinong estudyante na NAG-EEXAM.
Hindi tumitingin sa iba kahit nahihirapan na.
- Sir Gelo

Prepared By: Noted by:

Gelo Brual Jocelyn F. Macaspac


MAPEH Teacher PRINCIPAL

You might also like