You are on page 1of 2

Diocesan School’s of Urdaneta

ST. PHILOMENA’S ACADEMY


Pozorrubio,Pangasinan

UNANG PRELIMINARYONG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
(All Sections)

Pangalan: _______________________________________ Iskor: __________


Baiting at Pangkat: ________________

I. Maramihang Pagpipilian.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
numero.
_____ 1. Ang tao ay nilikha ng Diyos ayon sa wangis niya, kaya naman ang tao ay tinawag niya na
kanyang ____________.
A. obra maestra B. nilika C. anak ng Diyos D. kawangis niya
_____ 2. Ito ay isang makatwirang pagkagusto kung saan ang tao ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
A. kilos-loob B. isip C. kalayaan D. memorya
_____ 3. Ito ay ang kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasanan.
A. kamalayan B. kaisipan C. memorya D. kilos-loob
_____ 4. Ito ang kakayahang mag-isip, maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at umunawa ng kahulugan
ng mga bagay.
A. memorya B. imahinasyon C. instinct D. isip
_____ 5. Siya ang nagsabi na ang katotohanan ay tahanan ng mga katoto.
A. Esther Esteban B. Fr. Roque Ferriols C. Lipio D. Santo Tomas de Aquino
_____ 6. Ito ang kakayahang magnilay o mag muni-muni.
A. isip B. imahinasyon C. kilos D. memorya
_____ 7. Ayon sakanya, may tatlong paraan ang konsensiya sa paglalapat ng paghuhusga ng tama o mali.
A. F. Landa Jocano B. Fr. Roque Ferriols C. Lipio D. Santo Tomas de Aquino
_____ 8. Ito ay isang kakayahang mangatwiran ayon sa wasto at tamang gawain.
A. umunawa B. magisip C. maghusga D. magdahilan
_____ 9. Ayon sakanya, itinuturing ng mga Pilipino na ang diwa ay ang Diyos na nasa atin.
A. F. Landa Jocano B. Fr. Roque Ferriols C. Lipio D. Santo Tomas de Aquino
_____ 10. Sila ang una mong guro at ang inyong tahanan ang un among paaralan kung kaya’t noong ikaw ay bata
pa, sila ang nagsilbing gabay mo sa pagtukoy kung ano ang tama at mali.
A. pamilya B. paaralan C. kaibigan D. kinabibilangang relihiyon
_____ 11. Ito ang ikalawa mong pamilya kung saan mas lalo pang nabigyang liwanag at hugis ang mga itinuturo
sa iyo ng iyong pamilya sa pamamagitan ng pormal na pagtuturo.
A. pamilya B. paaralan C. kaibigan D. kinabibilangang relihiyon
_____ 12. Ito ang isa sa mga institusyong nakatutulong sa paghubog ng ating konsensiya sapagkat ito ang
pangunahing nangangalaga ng ating kaluluwa.
A. pamilya B. paaralan C. kaibigan D. kinabibilangang relihiyon
_____ 13. Ang antas na ito ay nagsisimula sa pagkabata. Dahil wala pang kamalayan sa mundo ang isang bata,
nakadepende lamang ang kanyang kilos ayon sa kaniyang reaksyon at pakiramdam.
A. Antas ng likas na pakiramdam at reaksyon C. Antas ng konsensiyang moral
B. Antas ng superego D. Antas ng pagsagawa ng tiyak na kilos
_____ 14. Sa antas na ito, unti-unting nabubuo sa kamalayan ng bata na ang impluwensiya ng mga awtoridad o
may kapangyarihan ang magmaneobra sa kaniyang pagpili ng tamo o mali.
A. Antas ng likas na pakiramdam at reaksyon C. Antas ng konsensiyang moral
B. Antas ng superego D. Antas ng pagsagawa ng tiyak na kilos
_____ 15. Sa antas na ito, sa tulong at paggabay ng mga magulang at awtoridad, unti-unti nang namumulat ang
isang tao sa kung ano talaga ang tama at mali.
A. Antas ng likas na pakiramdam at reaksyon C. Antas ng konsensiyang moral
B. Antas ng superego D. Antas ng pagsagawa ng tiyak na kilos

II. Tama o Mali


Panuto: Basahin ng Mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto, isulat naman
Mali kung ang pahayag ay di wasto. (2 puntos)
_______1. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
_______2. Ang puso ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao. Nakararamdam
ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay.
_______3. Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at
pagsasalita (sa bibig o pagsusulat).
______4. Ang kilos-loob ay isa sa mga imahe ng Diyos na taglay mo at ng bawat tao na may kakayahan upang
makaalam ng mga bagay na totoo.
______5. Ang isip ay patungo sa layunin na mapabuti hindi lamang ang sarili kundi pati ang ibang tao.
______6. Ang konsensya ay praktikal na paghuusgang moral ng isip.
______7. Dahil sa konsensya nalalaman agad ng tao ang tama sa mali.
______8. Ang pagpapahalagang kultural na panggawi at may layuning makamit ang dagliang pansariling
tanguhin.
______9. Ang pagpapahalagang kultural na panggawi ay halagang nagmula sa loob ng tao.
______10. Ang pagpapahalaga ay nagbabago depende sa tao, lugar o panahon.

III. Sanaysay (5 puntos)

1. Ipaliwanag ang kasabihang “Ang tunay na krangalan ay nag-uumpisa sa paggalang sa mga magulang.”
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.

Inihanda ni:
Dr. Mayflor O. Cayetano
Ms. Angelica B. Nacis
Asignaturang Guro

You might also like