You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI - DAVAO SCHOOLS DIVISION OF COMPOSTELA VALLEY
MAJOR ANGEL V. FAJARDO NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. PANAG, NEW BATAAN, COMPOSTELA VALLEY
School ID: 305773
“Field of Future’s Best”

Unang Markahang Pagsusulit sa E.S.P 10

Pangalan _____________________________________ Baitang at Seksiyon____________

I.PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag.
Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga


upang bigyan ito ng kahulugan.
2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang angpagkakaiba sapagkat
parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.
3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.
4. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.
5. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.

II. PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa
sagutang papel.

6. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra
maestro.” Ano ang nais iparating ng kasabihan?
a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
b. Kamukha ng tao ang Diyos.
c. Kapareho ng tao ang Diyos.
d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
7.Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at
pagpapasiya.
b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang
nauunawaan.
c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga particular na mga bagay.
d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
8.Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin

II. Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat
sa inyong sagutang papel. Para sa bilang 9 at 10.

9. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?


a. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin.
b. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
c. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.
d. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.
10. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng
isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito?
a. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa
angkop na sitwasyon.
b. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang
kaniyang isip at kilos-loob.
c. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal.
d. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang
maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at
magmahal.

Para sa bilang 11 at 13

11. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b. malaya ang taong pumili o hindi pumili.
c. may kakayahan ang taong mangatwiran.
d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.

12. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng
kailangan niyang gawin.
b. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit
nito sa tamang direksiyon.
c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin
upang maiwasan ang pagkakasakit.
d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay
natatangi.
13. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-
abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng
tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.

PAGSURI NG SITWASYON: Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at ipagpalagay mo na isa ka


sa mga tauhan. Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel.

Mga Tanong: (14-16) 3 PTS.


Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong nararamdaman o
emosyon?
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.

17. Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralain ang mga anak
c. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan,
lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan
d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa
pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
18. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
a. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang
magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan
b. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at
mali, ng mabuti at masama sa kaniyang isip
c. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
d. Lahat ng nabanggit
19. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
b. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
c. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
d. Kung magsasanib ang tama at mabuti

Panuto: Basahing maigi ang mga pangungusap. Punan ng akmang salita ang bawat
patlang upang mabuo ang mga batayang konsepto ng ating aralin. Hanapin ang salita sa
kahon ng pagpipilian.

20. Ang ___________ ang batayan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama o mali.


21. Nakadepende ang paghusga ng konsensiya sa tama o mali sa kaalaman ng tao tungkol sa
_______________.
22. Kung mabuti ang ikinilos, ibig sabihin nito na ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay
__________ at kung masama ang ikinilos, nangangahulugan ito na ________ sa katotohanan
ang taglay niyang kaalaman. dangal konsensiya kilalanin liwanag edukasyon tama taliwas
katotohanan kaalaman obligasyon pananagutan
23. Nawawala ang __________ ng konsensiya kapag “ipinagwawalang-bahala ng tao ang
katotohanan at kabutihan.
24. Mahalagang magkaroon ka ng ______________ upang ituwid ang iyong pagkakamali
matapos mong malaman ang katotohanan.
25. Ang tao ay may likas na kakayahang _____________ ang mabuti at masama.
26. _____________ ng tao na pangalagaan ang kaniyang sarili upang mapanatili
itong malusog ayon sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
27. Ang konsensiya ang nagsilbing “_________” isip ng tao at nagpapaalala sa kanya sa gawaing
taliwas sa kabutihan
28. Kaakibat ng kalikasan ng tao na naisin na magkaroon ng anak ay ang responsibilidad na
bigyan ng ___________ ang kaniyang anak.

PANUTO: Lagyan ng / ang patlang bago ang numero kung ito ay nagpapatunay na ang
konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang
pagpapasya at pagkilos at X kung hindi.
______29. Alam ng tao ang mabuti at masama at ang magiging epekto nito sa sarili.
_____ 30.Nararamdaman niya na hindi niya dapat ginawa ang isang maling bagay, hindi dahil sa
ito ay ipinagbabawal o nasa batas sa halip alam/nakikita niya mismo ang mali dito.
_____ 31. Inuuna ang pansariling kabutihan bago ang iba kahit alam niyang mali ito.
_____ 32. Isinasabuhay ng tao ang mga salita at utos ng Diyos.
_____ 33.Tinitimbang ng tao ang mga katotohanan bago gumawa ng isang hakbang.
_____ 34. Ang paraan ng pagkilos ay nagmula sa konsensiyang nahubog ng maayos.
_____ 35. Pagsisiswalat ng mga impormasyon tungkol sa pinakamatalik na

(36-40)PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na panuto. 5pts.


1. Magtala ng dalawang karanasan kung saan nakaranas ka ng “krisis” o kahirapan sa pamimili
ng tama at mabuting pasiya.
2. Kaugnay ng sitwasyong ito, bumuo ng mabuting pasiya kung mahaharap sa parehong
sitwasyon.

Gawing gabay ang nasa ibaba.

You might also like