You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA

FILIPINO 10

Date: August 28, 2019 ( Wendsday)


Time: 1:30-2:30 P.M.

I. PAMANTAYAN PANGNILALAMAN

Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa tula.

II. PAMANTAYAN SA PAGGANAP

 Nakakapagtanghal ng “Reader’s Theater mula sa likhang tula na may hawig sa paksang


tinalakay.

III. LAYUNIN

a. Nabibigyang kahulugan ang tula;


b. Naihahambing ang tula sa iba pang uri ng panitikan;
c. Nakakapagtanghal ng Sabayang Pagbigkas mula sa likhang tula na may paksa ng
pagmamahal at pagpapahalaga.
d. Napapahalagahan ang ibat-ibang uri ng pagmamahal .

IV. PAKSANG ARALIN:


 Tula (Ang Aking Pag-ibig) ni Elizabeth Browning

V. PAMANTAYAN SA PAGKATUTUO

 Nasusuri ang mga elemento ng tula.


CODE: F10PB-IIc-d-72
 FILIPINO 10- Pahina185-193

VI. PAMAMARAAN
A. Attendance
B. Paglalahad ng Layunin
C. Balik-Aral
D. Pagganyak

 Tumawag ng isang mag-aaral para kantahin ang kantang “Awit kay Inay ni Carol
Banawa
Itanong:
1. Tungkol saan ang awit na iyong napakinggan?
2. May mga damdamin ba ng inilahad nito?
3. Makatotohanan ba ang nilalaman ng awit?
4. Anong konklusyon sa iyong imahinasyon matapos mong napakinggan ang awit?
E. Paunlarin

Makinig sa isang pagbigkas ng tula. Suriin kung paano binibigkas ang tula at ihambing ito sa
napakinggang awit sa pamamagitan ng Venn Diagram.

F. Paglalahad ng Aralin.

 Ipaliwanag sa mag-aaral ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tula sa awit.


 Tatalakayin ang mga elemento ng tula.
 Ipapabasa sa mga mag-aaral ang tulang “ Ang Aking Pag-Ibig” ni Elizabeth Browning

G. Paglalapat o Aplikasyon
Itanong:
1. Anong pag-ibig ang tinutukoy ng makata sa tula?
2. Paano ipinamalas ng makata ang masidhing pagmamahal?
3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng karanasan sa paglikha ng tula ng makata?

VII. EBALWASYON:
Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 15 minuto para
sa paghahanda sa gagawing Sabayang Pagbigkas o(Reader’s Theater) sa kanilang nilikhang
tula.

RUBRIK SA PAGTATAMPOK
1. Angkop ang lakas ng boses________________________________ 10
2. Taglay ang elemento ng Sabayang Pagbigkas_________________ 15
3. Kaangkupan ng Emosyon batay sa binasang tula.______________ 15
KABUUAN_____________ 40

VIII. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN


Magsaliksik tungkol sa mga sa ibat-ibang uri ng Tayutay. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Inihanda ni:

FE S. VICTORIANO
Teacher I

You might also like