You are on page 1of 2

I.

Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nalalaman ang nais ipabatid ng tulang, ” Ang Alamat ng Isang Awit”.
b. Naibabahagi ang natutunan mula sa tulang, ” Ang Alamat ng Isang Awit”.
c. Nakakalikha ng isang makabuluhang tula.
II. Paksang Aralin
Paksa: Alamat ng Isang Awit
May-akda: Michael Coroza
Materyales: Libro, laptop, makukulay na papel
Sanggunian:
https://santosreports.wordpress.com/2010/01/26/alamatngisangawit/
Pagpapahalaga
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng Silid
4. Pagtatala ng Liban
5. Pagbabalik Aral
Pagababalik aral sa huling tinalakay “ Ang Iba’t-Ibang Elemento ng
Tula
B. Pagganyak
Pagbibigay kahulugan sa dalawang sallita ang
 Alamat
 Awit
Papangkatin sa dalawang pangkat ang buong klase
Unang Pangkat-
Magsasadula ng isang alamat na tumatak sa kanilang isipan
Ikalawang Pangkat-
Aawit sila ng isang bantog na kanta o awitin.
C. Pagtalakay
Tatalakayin ang “ Alamat ng Isang Awit”. Kung ano ang nais ipabatid ng
tula sa mga mag-aaral.
D. Paglalahad
Muling pagtatanong sa kanilang tinalakay na tula.
Ang mga pling mag-aaral ay magbibigay ng kahulugan ukol sa kanilang
nabasang tula.
E. Paglalapat
Magkakaroon ng isang Pangkatang Gawain.
Papangkatin ang buong klase sa tatlo .
Unang Pangkat-
Pagsasadula sa Una hanggang Ikalawang Saknong ng Tula.
Pangalawang Pangkat-
Ibabahagi kung ano ang natutunan mula sa akdang binasa, kahit
dalawa lamang na kinatawan sa grupo.
Ikatlong Pangkat
Lilikha ng isang sarailing katha na tula na magkakaroon ng Limang
Saknong.

F. Pagtataya
Pagbibigay Kahulugan
I. Pagkilala
Panuto: Isulat ang tamang sagot
1. Hindi masupil masupling ang salit- salit na salita.
2. Magpahalimuyak ng sutil na pananalig.
3. Hinala’t sumbat ay nagkikibit balikat
4. Upang magpabukad ang ngiting sinlawak ng habang buhay .
5. Alamat ng isang Awit.

G. Takdang Aralin
Magbasa ng ilan pang akda ni Michael Caruzo.

You might also like