You are on page 1of 3

I.

Layunin ng Araling ito:


 Mapag – aralan at matukoy ang pinagka iba ng dalwang antas ng wika;
 Matukoy ang mga pamamaraang ginamit ng may akda sa pagpapalawak ng mga
ideyang nakapa loob sa tekstong pang humanidades; at
 Masuri ang kahalagahan ng pagtukoy sa nilalaman ng tekstong pang –
humanidades.

II. Paksa : Pagbasa sa Tekstong Pang – Humanidades

III. Pamamaraan :
A. Kamalayan (Awareness)

1. Panalangin
Sisimulan ng facilitator ang klase ng panalangin

2. Panimula (Introduction)
Maikling background tungkol sa paksa at layunin nito

3. Pagganyak (Motivation)
‘Jumbled Letters’

B. Aktibidad (Activity)
Kakanta ang buong klase sa kanilang mga upuan ng ‘Banal na Aso, Santong Kabayo’ by
Yano
C. Analysis
1. Sainyong palagay ano ang ibig sabihin ng pamagat ng kanta?
2. Ano ang mensahing pinahihiwatig ng kantang ito?
3. Ano ang ating mapupulot na aral sa kantang ito?
IV. Abstraksyon
Pagbasa sa Tektstong Pang – Humanindades
Ang Tekstong Pang – Humanidades ay nagmula sa salitang ‘humanus’ na ang ibig sabihin ay
“tumulong sa tao”. Ang humanidades ay isang disiplina sap ag – aaral na tumutukoy sa mga
sinig na biswal (musika, biswal, arkitektura, pintura, sayaw, dula, at panitikan)
Pormal
– maayos at pili ang mga salitang ginagamit sa antas na ito.
a. Pambansa – literal ang pagpapakahulugan sa mga salita na gamit dito. Sa madaling salita,
ginagamit nito ang pagpapakahulugan ayon sa denotasyon.
b. Pampanitikan – nakaloob naman dito ang kulay at buhay ng wika. Ginagamit dito ang sining
na pamamaraan sa paglalahad ng mga ideya.
Di – Pormal
- nakapaloob naman sa natas na ito ang mga salita na kanilang ginagamit sa pang araw – araw na
buhay.
a. Lalawiganin
- mga salita na ginagamit sa mga particular na lalawigan.
b. Kolokyal
- tinatalakay sa bahaging ito ang impormal napagkakagamit ng mga salita kung saan ay ipinaikli
ang baybay nito.
c. Balbal
- ito ay pinakadinamiko sa lahat ng antas ng wika, sapagkat ito ang pinakamabilis nagbago o
nagpapalit ng mga anyo.
d. Bulgar
- ang pinakababang antas ng wika.

V. Pagtatapos na Aktibidad
Maikling Pagsusulit (10 items)
Instruction : Kumuha ng sangkapat na papel at ilagay ang pangalan at kursong kinuha.
1. Ang di – pormal na antas ng wika ay sinasalamin din ang tunay na nangyari sa lipunan.
Answer: TAMA
2. Ang pangunahing layunin ng tekstong ito ay maging salamin ng lipunan, sapagkat tinatalakay
nito ang ibat – ibang suliranin at hamon na kinakaharap ng mga tao sa mundong kanilang
ginagalawan.
Answer: TAMA
3. Ang sentral na pagtatalakay ay pananaw ng isang tao sa kanyang lipunan at ang kaganapan sa
kanyang buhay.
Answer: MALI
4. Jejemon
Answer: Balbal
5. Meron (Mayroon)
Answer: Kolokyal
6. Tula
Answer: Pampanitikan
7. Bonggang – bongga (Sobra - sobra)
Answer: Balbal
8. Nobela
Answer: Pampanitikan
9. Pamangan o pagkain sa Pampanga
Answer: Lalawiganin
10. Pinakamababang Antas ng Wika
Answer: Bulgar

You might also like