You are on page 1of 6

MODYUL 2

Pagsipat sa mga Awitin bilang Panimulang Pagdadalumat


Pamagat ng Gawain GAWAING PAGKATUTO BILANG 2
1. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak
ng piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa
konteksto ng komunidad at bansa.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. mula
sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang
Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng
Mga Layunin
komunidad at bansa
4. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o
pagteteorya.
5. Makabuo sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon ng
isang umiiral na konsepto o teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong
konsepto o teorya na aakama sa mga realidad ng lipunang Pilipino
6. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang
larangan.
 CHED Memo. No. 57, Series of 2017 at MGA SILABUS SA FILIPINO SA
KOLEHIYO (Nobyembre 2017).
Sanggunian
 Quijano, Ma.Lourdes R. et al. 2020. DalumatFil: Diskurso sa Araling Filipino.
Cabanatuan City: Nueva Ecija University of Science and Technology Printing

PANIMULANG GAWAIN:
Magbigay ng mga salita/ideya na sa iyong palagay ay may kaugnayan sa salitang “pagsusuri” sa
talahanayan. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Pagtuklas Paglalahad
PAGSUSURI
Paghahanap Paglilitis

1. Paano nakatutulong ang pagsusuri ng isang teksto na naglalaman ng mga sitwasyong panlipunan?
Mahalaga ang pagsusuri o ang pananaliksik ng isang teksto sa mga sitwasyong panlipunan dahil
magkakaroon tayo ng soluson sa mga suliranin na kinakaharap natin, makakatuklas din tayo ng mga
bagong kaalaman, konsepto at makakangalap ng mga importanteng mga impormasyn, nakikita rin
natin ang mga kabihasnan na umiiral sa mga sitwasyong panlipunan, at mapapaunlad at mapapalawak
ang ating kaalaman.

2. Ano-ano ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagsusuri?


Base sa aking opinyon, ang dapat kong bigyan ng konsiderasyon o isaalang-alang ay ang maging
malaya ang aking kaisipian nang sa ganoon ay mas maunawaan ko ang aking sinusuri teksto o papel.
Bukod pa rito, ang dapat nating isaalang-alang ay ang malalim na pag-unawa, malawak na
pagsisiyasat at ang mahalaga ay ang pagkakaunawa sa sinusuri.

KAALAMAN:
 Musika - Ang musika ay isang uri ng sining na mas kilala bilang tugtugin o tunog. Ayon kay Mangusad
(2009), ito ay repleksyon ng ating kultura at ng ating pagkatao.

Elemento ng Musika
1. Pitch – ang pagtaas at pagbaba ng boses sa musika
2. Daynamiks – pagbabago-bago ng boses; paglakas o paghina ng boses
3. Timbre – oaglalagay ng kulay sa bawat tono; kalidad ng boses
4. Melodiya – pagkakasunod-sunod ng tonong musical
5. Ritmo – ang pagkakasund-sunod ng tunog/ tono batay sa kulay ng boses na maaaring muka
mahina papalakas o malakas papahina

PAGSUBOK:
Pakinggan ang awiting nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kaugnay nito.
a. Upuan – Gloc 9
b. Ang Bayan Kong Sinilangan – Asin
1. Sino ang persona ng dalawang awitin? Ipaliwanag.
A. Upuan by Gloc 9 – ang persona ng awiting ito ay ang isang taong kumakausap sa mga
mamamayang Pilipino na naghihirap sa mismong kamay ng ating bayan dahil na rin sa korupsyong
inihahatid ng mga taong nasa matataas na posisyon. Ang mahihirap na tinutukoy sa kanta ay
pinapaliwanag ang kanilang katayuan kumpara sa mayayamang patuloy pa rin sa pag-upo at
walang ginagawang solusyon sa mga suliranin na kinakaharap ng sang-katauhan.
B. Ang Bayan Kong Sinilangan by Asin – Sa kanta namang ito, ang tinutukoy na persona ay tayong
mismong mga mamayang Pilpino na hindi magka sundo-sundo at magkaisa sa ating mismong
bansa dahilan ng hindi pagkakabangon, pagkakasundo at pagkagulo-gulo ng ating sistema.

2. Ano ang nilalaman ng awitin at ano ang kaugnayan nito sa realidad ng buhay?
Sa kantang “Upuan” ni Gloc 9 ay ipinapakita ang mga hindi kaaya-ayang mginia sitwasyon ng mga
taong nasa mga matataas na posisyon at prenteng prentreng nakaupo, at may marangyang
pamumuhay. Sa kabilang dako naman, ang mga taong mahihirap na mas lalo lang naghihirap at kapos
sa buhay. Ipinapakita rin dito ang mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino, lalo na ng mga
mahihirap na tunay ngang nakakaranas ng matinding pagkakapos at paghihirap.

Sa pangalawang kanta, inilalarawan nito ang buhay ng mga Pilipino, lalo ng mga nasa Mindanao na
kung saan sariling kapwa ay walang awang nagpapatayan at nagkakagulo.

3. Masasalamin pa rin ba sa mga liriko ng “Upuan” at “Ang Bayan Kong Sinilangan” ang mga nangyayari
sa ating lipunan sa kasalukuyan?
Hanggang ngayon pa rin naman ay maiuugnay ang dalawang kanta sa sitwasyong kinakaharap ng
ating lipunan at ng mga mamamayang Pilipino dahil mula noon at hanggang ngayon ay mas
nakakaangat ang mga mayayaman at ang mga taong nasa mga posisyon kung ikukumpara sa
sitwasyon ng mga taong lugmok sa kahirapan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaroon ng
pagkakapantay-pantay ng mga tao. Ngunit hindi lang ang mga taong mga nasa posisyon ang may mali
o may kasalanan, pati na rin ang mamamayang Pilipino at kasama na ako roon dahil hanggang ngayon
ay ma hindi pa rin tayo nagkakaisa, nagtutulungan at patuloy pa rin tayo sa pagsisi sa ibang kapwa
natin kaya ang bansang Pilipinas ay hindi natin maiangat sa putikan dahil sa napakagulo nating
pagsasama.

4. Kung magsusulat ka ng isang awit sa kasalukuyan, ano ang pamagat nito at tungkol saan? Ipaliwanag.
Kung ako’y lilikha ng isang awitin, ito’y bibigyan ko ng pamagat na “Baka Sakali.” Ang pamagat na ito a
nakuha ko sa aking mga binubuong imahinasyon gabi-gabi bago ako matulog. Nagbabaka sakaling
babalik sa dati an gang mundo. Nagbabaka sakaling maging normal ulit ang pamumuhay at
pamamalakad natin, kung saan ang mga bata ay malayang nakakapag muni-muni sa labas ng kanilang
tahanan nang hindi nangangamba ang magulang sa mga nagkalat na mikrobyo o virus. Nagbabaka
sakaling magkaroon muli ng pagkakataon ang sangkatauhan na maghanap ng maayos na trabaho.
Nagbabaka sakaling malayang nagtuturo ang mga guro sa paaralan para mas lalong mabisa ang
pagkakatuto ng mga estudyanteng gustong makapagtapos at nangangarap na makaahon sa
kahirapan. Nagbabaka sakaling wala nang mga pamilya ang nagugutom at umaasa na lang sa
ayuda’ng binigay ng gobyerno. Nagbabaka sakaling sa tuwing lalabas tayo’y sasalubong sa atin ay ang
mga matatamis na ngiti ng mga tao at ang mga mata nila’y tila ba’y tumatawa. Nakakasawa na sa
tuwing lalabas tayo, ang tatambad sa atin ay ang mga taong may takip ang kalahating mukha.
Nagbabaka sakaling matapos na ang trahedyang kinakaharap nating lahat. Nagbabaka sakaing
pagbukas ng aking mata, matapos ang mahabang pahinga, ay malaya na tayo sa pandemya.

5. Gaano kahalaga ang pagsusuri ng Liriko o Awit? Ipaliwanag.


Mahalaga ang pagsusuri at paglilitis ng liriko ng isang awitin upang maunawaan ang nilalaman nito at
maintindihan ang mensaheng ibig nitong ihatid sa atin.

LEKTURA:
Pagkakaiba ng Morpolohiya at Pagdadalumat-salita

MORPOLOHIYA PAGDADALUMAT-SALITA
Tipo/kinabibilangang pag-aaral Linggwistik Metalinggwistik
Tipo ng palabuuan ng salita denotatibo at konkreto konotatibo at abstrakto/ teoretikal
Uri ng pag-unawa Lingwistiko Pilosopikal
Pagpapakahulugan Gramatikal Diskursibo

Ang pag-unawa sa salita sa morpolohikal na istruktura ay linggwistikong nakabatay sa kumbensyonal


na pamantayan. Ibig sabihin higit nang alam ng nakararami ang salita at kahulugan nito.
Samantala, ang isang katangian ng dalumat-salita ay hindi ito matatagpuan sa anumang diksyunaryo,
dahil nga sa bagong mga salita- konsepto ito at dahil arbitraryo itong nilikha ayon sa pangangailangang
teoretikal.
Kultural (Kontextualisasyon at Konseptuwalisasyon) Madalas sabihin ng mga iskolar na
magkatambal ang wika at kalinangan.

PAGSASANAY
A. Tukuyin ang morpemang-salitang-ugat ng mga sumusunod na salita at isulat ang prosesong naganap sa
pagbabago ng mga salita.

Salita Salitang-ugat Proseso


masaya Saya ma+saya = masaya
1. Karimlan Dilim Ka+dilim+an = Kadiliman

2. Dalhin Dala Dala+hin = Dalahin>Dalhin

3. Kasakiman Sakim Ka+sakim+an = Kasakiman

4. tupdin Tupad Tupad+in = Tuparin

5. makabayan Bayan Maka+bayan = Makabayan

6. saliksikin Saliksik Saliksik+in = Saliksikin

7. iwinasto Wasto Ini+wasto = Iwinasto

8. takpan Takip Takip+an = Takipan – Takpan

9. kitlin Kitil Kitil+in = Kitilin

10. sundin Sunod Sunod+in = Sunodin – Sundin

B. Pakinggan ang awiting “Loob” ni Jes Santiago. Isa-isahin ang mga salita at/o parirala sa awitin ni Jes
Santiago kung saan ay ginamit ang salitang “loob” at saliksikin ang kahulugan ng mga ito.

LOOB
ni Jess Santiago

Wika nati’y simpleng-simple/ Pero ubod ng lalim


Para sa hindi Pinoy/ Napakahirap sisirin
Ang looban ay sulok ng pook/ Ang magnanakaw ay nanloloob
Ang alinlangan ay dalawang-loob/ ang hinanakit ay sama ng loob
Bituka at atay ay lamanloob/ Mandurugas ay masasamang-loob
Ang katapangan ay lakas ng loob/ Ang natatakot ay mahina ang loob

Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy


Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy

Marami tayong katagang/ iba’t iba’ng kahulugan


Na para sa hindi Pinoy/ Mahirap maintindihan
Ang pagpasok ay pagpaloob/ Pagsisisi’y pagbabalik-loob
Ang kabarkada’y kappa;agayang loob/ Ang kaibiga’y katapatang-loob
Ang taong matatag ay buo ang loob/ Ang nagtitimpi kulo’y nasa loob
Ang isip at damdamin ay niloloob/ Hindi nababayaran ang utang na loob

Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy


Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy

Kaya ang wika’y dapat pag-aralan/ Kung nais nating magtuloy


Hanggang sa kaloob-looban/ Ng puso’t utak ng Pinoy

Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy


Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy
Wika ang tulay na tuloy-tuloy/ Hanggang sa kaloob-looban
Ng puso’t utak ng Pinoy

Salita Kahulugan
1. Kaloob-looban Kaibuturan
2. Nanloob Nagnakaw
Tibay ng kalooban sa pagharap sa kung ano mang
3. Buo ang loob
sitwasyon
4. Sama ng loob Hinanakit
5. Laman-loob Bituka o Kaliliitan
6. Masasamang-loob Mandurugas
7. Lakas ng loob Katapangan
8. Mahina ang loob Bahag ang buntot o natatakot
9. Pagbabalik-loob Pagbabagong-loob o pagtalikwas
10. Katapatang-loob Katapatan o debosyon

 Ano ang iyong naging pagtanaw sa wikang Filipino matapos marinig ang awitin ni Jes Santiago?
Talakayin.
Napagtanto ko na ang wika natin ay kay simple lamang ngunit kay hirap intindihin, ipaliwanag at
unawain. May mga salitang Pilipino ang alam ko kung saan at paano gagamitin ngunit hindi ko matanto
kung paano ipapaliwanag ang kahulugan.

 Sang-ayon ka ba na nasa wika natin mabubuo ang teoryang titingalain ng buong mundo sa darating na
dantaon? Bakit oo? Bakit hindi? Ipaliwanag.
Maraming nagpapahayag o naniniwala na ang wikang Filipino raw ay walang kakayahan na magamit
sa larangan ng pagteteorya, na hindi pa raw ito ganap na intelektwalisado sa iba’t ibang laangang
pang-akademiya. At naisip ko na sobrang babaw pala ng tingin natin sa sariling wika natin. Kung kaya
sumasang-ayon ako sa kaisipan na nasa wikang Filipino ang hinaharap ng teorya sa mundo sa
susunod pang mga taon dahil naniniwala ako na may kakayahan ang wikang Filipino na magamit sa
pagdadalumat upang higit na mapayabong ang karunungang Filipino at Araling Filipino. At naniniwala
rin ako na mas mayaman an gating wika dahil mas marami tayong salitang maaring gamitin para pag-
ibahin ang iba’t ibang kahulugan ng iisang salitang dayuhan.

C. Saliksikin ang mga salitang naitampok bilang MGA SUSING SALITA at ang nagpresenta ng mga ito
kasabay ng Indie ni Dr. Rolando B. Tolentino at Delubyo ni Dr. Alfredo Mahar A. Lagmay.

Susing Salita Nagrepresenta


1. Bungkalan Bb. Kerima Tariman
2. Balita G. Abner Mercado
3. Ganap Dr. Glecy C. Atienza
4. Balatik Dr. Percival Almoro
5. Delubyo Dr. Alfredo Mahar A. Lagmay

AWTPUT BILANG 2

TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang paraan ng pag-aaral ng
panitikan. Mayroong iba’t ibang teorya para sa pag-aaral na ito.

1. Moralistiko - sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad,


disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda

2. Sosyolohikal - mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan

3. Sikolohikal - makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.

4. Formalism - Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit


ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
5. Imahismo - Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o
imahe sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak
na larawan sa isipan ng mambabasa

6. Humanismo - Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao
sa maraming bagay

7. Markismo - Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa


malakas at mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaaepi

8. Arkitaypal - gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda nangangailangan
ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong
ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda

9. Feminismo - maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa
loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon
nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan Lualhati
Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo

10. Eksistensyalismo - Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at
gawi ng tauhan Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang
pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan

11. Klasismo - Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan, kabutihan at


kagandahan Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan

12. Romantisismo - Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas Pagtakas


mula sa realidad o katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba
pa mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-
paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba
itong kahulugan at kaisipan

13. Realismo - Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno

Gawain: Pumili ng isang awit mula sa mga awit ng Eraserheads na nasa ibaba. Suriin ito gamit ang balangkas
ng pangsusuri na nasa ibaba.
a. Ang Huling El Bimbo
b. Ligaya
c. Spolarium

Balangkas:

I. Panimula
Bata pa lamang ako ay naririnig ko na ang kantang “Ang Huling El Bimbo” na kinanta at pinasikat
ng isang popular na bandang Eraserheads noong 1995. Kilala ito bilang OPM’s most well-known
tragedy. Mula sa mga commercial, palabas sa telebisyon, karaoke, radyo, CD, at ngayon nasa
internet na ay patuloy pa rin tao sa pakikinig sa kantang ito. Ang awitin na ito’y tungkol sa
pagkakaibigan ng isang lalaki’t babae. Nagsimula ang awitin kung saan ang isang kababatang
lalaki ay umiibig sa kanyang kababatang babae ngunit hindi niya ipinakita ang tunay niyang
nararamdaman para sa kaibigan.
II. Pagsusuri
a. Elemento
Pitch – Ang tono ng awitin na ito ay nagsimula sa kasiyahan at papuntang kalungkutan.
Tumataas at baba ang lakas ng boses ng persona. Nagsimula ang kanta sa major at
nagtatapos sa minor.
Daynamiks – Nagbabago nang paunti-unti ang boses. Sa una ay mahina (crescendo) na tila
ba’y nanghehele hanggang sa lumalakas (descrendo) nang paunti-unti.
Timbre – May pagka harsh at rough o magaspang ang tunog.
Melodiya – Pare-pareho ang pagdudugtong ng chord ng mga instrumenting ginamit ngunit
magkakaiba ang tunog.
Ritmo – May pagbabago sa pattern ng kumpas o beat sa tuwing inuulit ito.

b. Liriko

Sa unang linya pa lamang ng kantang ito, inilalarawan ng lalaking persona ang ganda ng
kaibigan niya, sapagkat si Paraluman ay isang sikat at magandang artista. Ngunit, ang
dahilan talaga kung bakit nagustuhan niya ang babae ay dahil sa galling niya sa pagsayaw,
at kung gaano siya gumaganda habang sumasayaw. Ginamit nito ng lalaki bilang paraan na
maging malapit sa babae. Araw-araw, pagkatapos ng eskwelahan, pumunta siya sa bahay
ng babaeng kaibigan upang matuto siya sumayaw.

Sa Koro, sinasabi ng persona na hindi lamang siya natuto paano sumayaw, ngunit natuto rin
niya ang pag-ibig. Ito ang pinakamalaking epekto ng babae sa buhay ng lalaki. Sa susunod,
inilalarawan ng persona kung paano nahihina ang kanyang katawan sa ganda at galling ng
kaibigan, at kung gaano naliligayahan siya sa panahong sila’y magkasama. Kahit mahal na
mahal ng persona ang kaibigan niya, hindi alam ng kaibigan, kaya hindi minahal ng kaibigan
ang persona.

Sa huling bahagi, sinasabi ng persona na matagal na sila’y ‘di nagkikita, at may sariling
buhay na ang babae. Ngunit, pangit ang naging kinabukasan ng babae sapagkat siya’y
tagahugas ng pinggan sa isang kainan, at may anak na siya subalit walang asawa.
Pagkatapos, isinalaysay niya ang trahedya na sinagasaan ang babae sa isang eskinita. At
hanggang sa kasalukuyan minamahal pa rin ng persona ang kaibigang babae. Ngunit dahil
namatay na ang kaibigan, hindi na niya masasabi sa kanya ang mga damdamin niya sa
kaibigan. Wala na ang posibilidad na sila’y maging magkasintahan at ito ay isang di
matutupad na pangarap na lamang.

III. Nilalaman
Maraming nag-aakala, isa na ako doon, na ang kantang ito ay tipikong trahedyang love story. Tama
naman iyon dahil ipinakita sa kanta ay ang mga mabubuting bagay at ang epekto ng babae sa
buhay ng kanyang lalaking kaibigan, ngunit sa bandang kalahati ay pinakita ang trahedya na
naganap kung saan lumipas ang ilang taon na hindi sila nagkikita at sa bandang huli ay ang lalaki
na nagsisi sapagkat hindi niya naipahayag ang kanyang pagmamahal sa babae. Huli na ang lahat
para sa lalaki dahil isang mabigat na aksidente ang nangyari sa babae dahilan ng pagkamatay nito
nang hindi nasasabi ng lalaki ang tunay niyang nararamdaman.

Kung kikilatising mabuti ang awitin na ito ay mapapansin sa simulang bahagi ng liriko ay inilarawan
ang positibo at negatibong pananaw sa mga kabbabaihan. Naipapakita ng awitin na ito ang natural
na kagandahan ng kababaihan pag dating sa itsura, sining at sa kalooban. Ngunit sa kabilang dako
ay pinapakita nito ang hindi magandang pananaw ng lipunan sa kababaihan dahil sa mababa ang
tingin ng lipunan sa kababaihan at kung papaano nila minamaliit ang kakayahan ng babaeng
gumawa ng desisyon at ang kanilang kakayahang magtrabaho.

IV. Teoryang Pampanitikan


Feminismo at Realismo - Base sa aking obserbasyon, iba ang naging pananaw ng lipunan sa mga
babae. Nagkaoon ng anak ngunit walang asawa ang babaeng tinutukoy ng persona at ito raw ay
nagtatrabaho bilang tiga-hugas ng mga plato at kubyertos. Sa kasalukuyan, aminin man natin o
hindi, may mga kababaihan pa rin naman ang naaabuso at minamaltrato. May mga kababaihan na
ginagawa lamang parausan at kapag nabuntis ay iiwan, hahayang alagan nang nag-iisa ang anak.
Pahirapang makapasok sa maayos na trabaho dahil bukod sa hindi nakapagtapos ay may anak
pang kailangang bantayan ang alagaan. Maraming mga kababaihan ang tinatakbuhan lang at
hinahayaang maiutuwid ang sariling anak nang nag-iisa. At mahirap isipin na hanggang ngayon ay
nangyayari pa rin iyan sa mga kababaihan natin. Ngunit hindi lang ang kababaihan ang
nakakaranas ng kahirapan, kundi na rin ang mga kalalakihan.

V. Bisang Pampanitikan
a. Bisang Pangkaisipan – Ito ay nakakamagha dahil sa likod ng trahedyang pag-ibig ay may
mas malalim pang mensahe ang awitin na ito, tulad na lang ng kahirapan at prostitusyon.
b. Bisang Pandamdamin – ito ay nakakaantig ng dadamdamin at sobrang sarap pakinggan
lalo na’t nauunawaan at naisasapuso mo ang lalim ng mensahe ng awiting ito.
c. Bisang Pangkaasalan – ito ay nagbibigay halimbawa na huwag kang panghinaan ng loob
at huwag hayaan ang sarili na magsisi sa bandang huli. Mas mabuti nang maglahad ng
nararamdaman ng mas maaga kaysa mahuli ang lahat at mawalan pa ng kaisa-isang pag-
asa. Wala namang mawawala kung magtatapat.

You might also like