You are on page 1of 5

MODYUL 2

Pagsipat sa mga Awitin bilang Panimulang Pagdadalumat


Pamagat ng Gawain GAWAING PAGKATUTO BILANG 2

1. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak


ng piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa
konteksto ng komunidad at bansa.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. mula
sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang
Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng
Mga Layunin komunidad at bansa
4. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o
pagteteorya.
5. Makabuo sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon ng
isang umiiral na konsepto o teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong
konsepto o teorya na aakama sa mga realidad ng lipunang Pilipino
6. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang
larangan.

▪ CHED Memo. No. 57, Series of 2017 at MGA SILABUS SA FILIPINO SA


KOLEHIYO (Nobyembre 2017).
Sanggunian
▪ Quijano, Ma.Lourdes R. et al. 2020. DalumatFil: Diskurso sa Araling Filipino.
Cabanatuan City: Nueva Ecija University of Science and Technology Printing

PANIMULANG GAWAIN:
Magbigay ng mga salita/ideya na sa iyong palagay ay may kaugnayan sa salitang “pagsusuri” sa
talahanayan. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Pamamaraan Paghahanap
PAGSUSURI
Proseso Paglutas

1. Paano nakatutulong ang pagsusuri ng isang teksto na naglalaman ng mga sitwasyong panlipunan?
> Nakatutulong ang pagsusuri ng isang teksto para malaman kung ano-ano ang mga importanteng
bagay na dapat mong malaman dito.
2. Ano-ano ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagsusuri?
> Dapat mong ibigay ng buo ang atensyon mo habang ikaw ay nagsusuri. Para maintindihan kung ano
ang iyong sinusuri.

KAALAMAN:
● Musika - Ang musika ay isang uri ng sining na mas kilala bilang tugtugin o tunog. Ayon kay Mangusad
(2009), ito ay repleksyon ng ating kultura at ng ating pagkatao.

Elemento ng Musika
1. Pitch – ang pagtaas at pagbaba ng boses sa musika
2. Daynamiks – pagbabago-bago ng boses; paglakas o paghina ng boses
3. Timbre – paglalagay ng kulay sa bawat tono; kalidad ng boses
4. Melodiya – pagkakasunod-sunod ng tonong musical
5. Ritmo – ang pagkakasund-sunod ng tunog/ tono batay sa kulay ng boses na maaaring mula
mahina papalakas o malakas papahina

PAGSUBOK:
Pakinggan ang awiting nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kaugnay nito.
a. Upuan – Gloc 9
b. Magda – Gloc 9

1. Sino ang persona ng dalawang awitin? Ipaliwanag.


> Ang dalawang persona sa awiting ito ay ang mga opisyal sa gobyerno na may kakayahan na baguhin
ang kasalukuyang problema ng ating lipunan ngunit walang aksyon na ginagawa para mabago ito.
Umupo lamang para sa ingay ng pangalan na gusto nila at maging kurap na opisyal.
Ang isa pang persona ay ang mga taong pinili ang trabaho na kapalit ang kanilang dignidad dahil wala
silang alam na ibang trabaho. Gustuhin man nila, ang paghahanap ng trabaho rito ay sobrang hirap
dahil sa mga bagay na kanilang hinahanap.

2. Ano ang nilalaman ng awitin at ano ang kaugnayan nito sa realidad ng buhay?
> Nilalaman ng mga awiting ito ang mga pangyayari sa paligid natin. Gaya na lamang ng mga opisyal
ng gobyerno na walang ibang ginawa kundi magnakaw sa kaban ng bayan. Mga taong mas pinili na
isantabi ang kanilang dignidad para lamang makapag bigay ng kailangan sa buhay ng kanilang pamilya.

3. Masasalamin pa rin ba sa mga liriko ng “Upuan” at “Magda” ang mga nangyayari sa ating lipunan sa
kasalukuyan?
> Oo, dahil sa kasalukuyang panahon may mga opisyal pa rin sa gobyerno na nakaupo lamang at
walang ginagawang aksyon para mabawasan ang problema sa ating bansa. May mga kakayahan
silang baguhin ito, ngunit wala silang ginagawa. Ganoon din sa awiting magda. May mga tao pa ring
pinipili ang ganoong trabaho dahil wala silang ibang pagpipilian at mas kailangan nila ang mabilisang
pera ngayon dahil sa hirap ng buhay. May iilang tao na hindi rin naman gusto ang trabaho na ito, ngunit
gaya nga ng sinabi ko, wala silang ibang trabahong kayang pasukin.

4. Kung magsusulat ka ng isang awit sa kasalukuyan, ano ang pamagat nito at tungkol saan? Ipaliwanag.
> Kung ako ay magsusulat ng awitin ang magiging oamagat nito ay “kapit” at tungkol sa pag papaalala
sa mga taong may problemang pinagdadaanan sa buhay na kumaoit lang kahit ano man ang
pinagdadaanan sa buhay. Kahit gaano kahirap, balang araw makakahanap sila ng solusyon dito.

5. Gaano kahalaga ang pagsusuri ng Liriko o Awit? Ipaliwanag.


> Mahalaga ang pagsusuri ng liriko ng isang awit para malaman kung may katuturan ba ito at kung
may isinasalamin ba ito.

LEKTURA:
Pagkakaiba ng Morpolohiya at Pagdadalumat-salita

MORPOLOHIYA PAGDADALUMAT-SALITA

Tipo/kinabibilangang pag-aaral Linggwistik Metalinggwistik

Tipo ng palabuuan ng salita denotatibo at konkreto konotatibo at abstrakto/ teoretikal

Uri ng pag-unawa Lingwistiko pilosopikal

Pagpapakahulugan Gramatikal diskursibo

Ang pag-unawa sa salita sa morpolohikal na istruktura ay linggwistikong nakabatay sa kumbensyonal


na pamantayan. Ibig sabihin higit nang alam ng nakararami ang salita at kahulugan nito.
Samantala, ang isang katangian ng dalumat-salita ay hindi ito matatagpuan sa anumang diksyunaryo,
dahil nga sa bagong mga salita- konsepto ito at dahil arbitraryo itong nilikha ayon sa pangangailangang
teoretikal.
Kultural (Kontextualisasyon at Konseptuwalisasyon) Madalas sabihin ng mga iskolar na
magkatambal ang wika at kalinangan.

PAGSASANAY
A. Tukuyin ang morpemang-salitang-ugat ng mga sumusunod na salita at isulat ang prosesong naganap sa
pagbabago ng mga salita.

Salita Salitang-ugat Proseso

masaya saya ma+saya = masaya

1. karimlan dilim ma+dilim = madilim

2. dalhin dala mag+dala = magdala


3. kasakiman sakim ma+sakim = masakim

4. tupdin tupad tu+mu+pad = tumupad

5. makabayan bayan ka+bayan = kabayan

6. saliksikin sakiksik nag+saliksik = magsaliksik

7. iwinasto wasto pag+wasto = pagwasto

8. takpan takip takip+an = takipan

9. kitlin kitil kitil+in = kitilin

10. sundin sunod su+mu+nod = sumunod

B. Saliksikin ang mga salitang naitampok bilang MGA SUSING SALITA at ang nagpresenta ng mga ito
kasabay ng Indie ni Dr. Rolando B. Tolentino at Delubyo ni Dr. Alfredo Mahar A. Lagmay.

Susing Salita Nagrepresenta

1. bungkalan Ariman-Acosta

2. balita Mercado

3. ganap Atienza

4. balatik Almoro

5. delubyo Lagmay

AWTPUT BILANG 2

TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang paraan ng pag-aaral ng
panitikan. Mayroong iba’t ibang teorya para sa pag-aaral na ito.

1. Moralistiko - sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad,


disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda

2. Sosyolohikal - mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan

3. Sikolohikal - makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.

4. Formalism - Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit


ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda

5. Imahismo - Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o


imahe sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak
na larawan sa isipan ng mambabasa

6. Humanismo - Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao
sa maraming bagay

7. Markismo - Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa


malakas at mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi

8. Arkitaypal - gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda nangangailangan
ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong
ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda

9. Feminismo - maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa
loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon
nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan Lualhati
Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo

10. Eksistensyalismo - Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at
gawi ng tauhan Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang
pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan

11. Klasismo - Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan, kabutihan at


kagandahan Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan

12. Romantisismo - Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas Pagtakas


mula sa realidad o katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba
pa mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-
paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba
itong kahulugan at kaisipan

13. Realismo - Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at
diskriminasyon Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno

Gawain: Pumili ng isang awit mula sa mga awit ng Eraserheads na nasa ibaba. Suriin ito gamit ang balangkas
ng pangsusuri na nasa ibaba.
a. Ang Huling El Bimbo
b. Ligaya
c. Spolarium

Balangkas:

I. Panimula
Ang awiting aking napili ay “Ang Huling El Bimbo”. Sa umpisa ng awitin, ang mga batang bida
ay sumasayaw sa isang awitin. Masaya silang sumasayaw hanggang sa naputol ito
nang dumating ang ina ng bidang batang babae. ‘yon na ang huli nilang pagkikita.

II. Pagsusuri
a. Elemento
Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa boogie man o cha cha
Ngunit ang paborito
Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo
Pagkaggaling sa eskwela
Ay dideretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Magkahawak ang ating kamay


At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
b. Liriko
Ang liriko ng kanta ay sumasalamin sa damdamin ng isang lalaki sa kaniyang sinisinta simula
noong mga bata pa sila. Matagal na siyang may gusto rito, ngunit hindi nagkaroon ng
tyansa na umamin dito, dahil sa ina ng babae. Ang pag sayaw ay kanilang paborito. Hindi na sila
muling nagkita, ngunit patuloy na minahal ng lalaki ang bidang babae, kahit ito’y nagkaroon na
ng anak at pinaka malungkot ay ito’y sumakabilang buhay na. Bigo ang lalaki nang malaman
niyang wala
na ang kaniyang mahal, sa panaginip nalang sila muli sasayaw ng el bimbo.

III. Nilalaman
Nilalaman ng kanta ay ang damdamin ng lalaki sa bidang babae, ngunit hindi ito kailanman
nalaman ng babae dahil sa nangyari sa kanila ng magulang niya at sa pag-panaw niya.

IV. Teoryang Pampanitikan


Ang layunin ng eraserheads sa awiting ito ay para ipahiwatig na hanggat may pagkakataon
kang sabihin sa taong mahal mo ang nararamdaman mo, sabihin mo. Dahil hindi natin hawak
ang panahon, maaaring mawala ang taong gusto mon ang hindi mo nasasabi ang gusto mong
sabihin.

V. Bisang Pampanitikan
a. Bisang Pangkaisipan
Ang bisa ng awiting ito sa aking pagiisip ay sabhihin ang gustong sabihin sa iisang tao
hanggat may panahon at oras pa.
b. Bisang Pandamdamin
Ang bisa ng awiting ito sa aking damdamin ay simpatya sa bidang lalaki. Dahil hindi siya
nag karoon ng pagkakataon na iparamdam sa bidang babae ang kaniyang
pagmamahal.
c. Bisang Pangkaasalan
Ang bisa ng awiting ito sa aking asal ay matuto sa pinagdaanan ng bidang lalaki. Kung
may gusto man akong sabihin sa isang tao, agad agad ko na ito sasabihin
hanggat may panahon pa.

You might also like