You are on page 1of 41

Mitolohiya

Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito


mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar
na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-
diyosan noong unang panahon na sinasamba,
dinadakila at pinipintakasi ng mga sinaunang
tao.
Ang salitang mito (myth) ay galing sa
salitang Latin na “mythos” at mula sa Greek
na “muthos”, na ang kahulugan ay
“kuwento”.
Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya
Ang Mitolohiya ng mga Roman
kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at
moralidad.
Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa
mga kuwentong ito.
“Dalawang Pinakadakilang Epiko sa
Mundo”.
Virgil ang “Aenid” (Rome)- nag-iisang
pinakadakilang likha ng Panitikang Latin.
“Iliad at Odyssey” (Greece)- Homer
Mga Elemento sa Mabisang Pagsulat ng Mito
1. Tauhan – Kadalasang mga diyos o
diyosang may taglay na kakaibang
kapangyarihan at mga karaniwang
mamamayan sa komunidad ang mga
tauhan.
2. Tagpuan – May kaugnayan ang tagpuan sa
kulturang kinabibilangan at kadalasang sa
sinaunang panahon naganap ang isang mito.
3.Banghay – Maraming kapana-panabik na
aksiyon at tunggalian ang banghay ng isang
mito.
4. Tema – Ipinaliliwanag ang natural na mga
pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig,
pag-uugali ng tao, mga paniniwalang
panrelihiyon at katangian at kahinaan ng
tauhan.
5. Estilo – Pasalaysay ang estilo ng pagsulat
ng mito.
6. Tono – Nadadala ang mambabasa sa tonong
mapang-unawa at nangangaral.
7. Pananaw - Kadalasang nasa ikatlong
pananaw ang pagsulat nito.
The 12 Great Olympian Gods at iba pang
naidagdag na mga diyos at diyosa
The 12 Great Olympian Gods at iba pang
naidagdag na mga diyos at diyosa
The 12 Great Olympian Gods at iba pang
naidagdag na mga diyos at diyosa
The 12 Great Olympian Gods at iba pang
naidagdag na mga diyos at diyosa
The 12 Great Olympian Gods at iba pang
naidagdag na mga diyos at diyosa
The 12 Great Olympian Gods at iba pang
naidagdag na mga diyos at diyosa
The 12 Great Olympian Gods at iba pang
naidagdag na mga diyos at diyosa
Pokus ng Pandiwa
Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng
pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.
Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ayon sa
paksa at panlaping ikinakabit sa pandiwa.
1. Pokus sa Tagaganap (Aktor)
– Ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng
kilos na isinasaad ng pandiwa. Magagamit ang mga
panlaping um-/-um, mag-, ma-, mang (m/n)-, mag-
an, at magsipag- an/han. Pananda ng pokus o paksa
ang si/sina at ang at magagamit din bilang pokus sa
tagaganap ang mga nominatibong panghalip na ako,
ka, kita, siya, tayo, kami, kayo at sila.
Mga halimbawa:
a. Naglakbay si Psyche patungo sa tahanan ng mga
diyos.
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
2. Pokus sa Layon (Gol) – Ang pokus ay nasa
pokus sa layon kung ang pinag-uusapan ang
siyang layon ng pangungusap. Ginagamit na
panlapi sa pandiwa ang –in/hin, -an/-han,
ma-, paki-, ipa- at pa- at panandang ang sa
paksa o pokus.

Mga halimbawa:
a. Kinuha ni Psyche ang gintong balahibo ng
tupa.
b. Iniayos ni Psyche ang mga buto ayon sa
pagkakauri nito.
3. Pokus sa Tagatanggap (Benepaktibo) –
Ang paksa ng pangungusap ay ang
tumatanggap o pinaglalaanan ng kilos na
ipinahihiwatig ng pandiwa. Kilala rin ito sa
tawag na Pokus sa Pinaglalaanan. Sumasagot
ito sa tanong na “para kanino?” Ginagamit ang
mga panlaping i-, -in, ipinag-, ipag-, -han/
-an atbp.
Mga halimbawa:
a. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na
ulam.
b. Ipinag-utos ni Apollo na bihisan si Psyche
ng pinakamaganda niyang damit.
4. Pokus sa Kagamitan (Instrumental) – Ang
kasangkapan o ang gamit ang paksa ng
pangungusap upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa. Kilala rin ito
sa tawag na Pokus sa Gamit. Sumasagot ito sa
tanong na “sa pamamagitan ng ano?”
Ginagamit ang panlaping ipa-, ipang-,
maipang-.

Mga halimbawa:
a. Ipantatarak niya ang punyal sa mahal na
asawa.
b. Ang pana ni Cupid ay maipanggagamot kay
Tukuyin mo kung ang pokus ng pandiwa sa
pangungusap ay tagaganap, layon, tagatanggap o
kagamitan. Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ipinangregalo ng GMA Kapuso Foundation
ang mga natipong donasyon para sa nabiktama ng
kalamidad.
2. Pinaunlad ng kapitalismo ang mga indibidwal
na negosyante.
3. Ang abaka ay ipinantali niya sa duyan.
4. Natukso si Psyche na buksan ang kahon ng
kagandahan.
5. Kinain ni Psyche ang Ambrosia.
Mga Kayarian ng Salita
1. Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang.
Mga halimbawa: punyal, dilim, langis
2. Maylapi – binubuo ng salitang-ugat at isa o
higit pang panlapi.
Mga halimbawa: kasabay, paglikha, marami,
sinasabi, sumahod, tumugon, unahin, sabihin,
linisan, pag-isipan, pag-usapan, kalipunan,
pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan

2nd Day
Mga Kayarian ng Salita
3. Inuulit – ang kabuoan o isa o higit pang pantig
sa dakong unahan ay inuulit.
Mga halimbawa: araw-araw, sabi-sabi, sama-
sama, aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad

4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang


pinagsasama para makabuo ng isang salita.
Mga halimbawa: bahay-kalakal, habing-ilok,
balik-bayan
hampaslupa, kapitbahay, bahaghari
PARABULA
 tawag sa isang akdang pampanitikang nagtuturo
ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa
Banal na Kasulatan.
 “parabole” (Griyego)- pagtabihin ang dalawang
bagay upang pagtularin.
 Ang nilalaman ng parabula ay maikli, praktikal at
kapupulutan ng mga ginintuang aral.
 Gumagamit ito ng tayutay na simile at metapora
o matatalinghagang mga pahayag upang bigyang-
diin ang kahulugan.
Mga Elemento ng
1. Parabulaang karakter
Tauhan – kadalasang nito’y
humarahap sa isang suliraning moral o gumagawa
ng kaduda-dudang mga desisyon at pagkatapos ay
tinatamasa ang kahihinatnan nito.
2. Tagpuan - Ito’y nagpapakita ng tagpuan,
naglalarawan ng aksiyon at nagpapakita ng resulta.
3. Banghay – realistiko ang banghay at ang mga
tauhan ay tao.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Parabula
1. Unahin isulat ang aral o mensahe ng iyong
gagawing parabula. Ito ang magiging sandigan ng
iyong parabula upang makabuo ka ng isang kuwento.
2. Kilalanin kung sino ang iyong mambabasa.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagpapaunlad ng
iyong parabula.
4. Hindi laging tao ang tauhang gumaganap.
5. Gawing payak.
PAGSASALAYSAY

 Ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may


layuning magkuwento o magpahayag ng sunod-
sunod na mga pangyayari.

 Isa sa mga mahalagang katangiang dapat taglayin


ng isang magandang salaysay ay ang pagkakaroon
ng magandang pamagat.
LAYUNIN NG PAGSASALAYSAY

1. Nagbibigay kaaliwan o libangan


2. Nagmumulat sa katotohanan
3. Nakapagdaragdag ng kaalaman at
karunungan
4. May kakayahang bumuo ng isang
pangyayari
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG
SALAYSAY
1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-
panabik at napapanahon.
2. Mahalaga ang paksa o diwa.
3. Maayos at hindi maligoy ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.
4. Kaakit-akit sa simula.
5. Kasiya-siyang wakas.
BASAHIN ANG
“PARABULA NG
SAMPUNG DALAGA”

3rd Day
Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong.

1.Sino-sino ang mga itinalagang maghintay sa


pagdating ng binatang ikakasal?
2. Paano pinaghandaan ng limang matatalinong
dalaga ang kanilang mahalagang tungkulin? Bakit
naman natawag na “hangal” ang huling limang
dalaga?
3. Paano nakatuong sa matatalinong dlaga ang
Assignment
ginawa nilang paghahanda?
4. Ano ang hinihiling ng mga dalagang “hangal”
sa matatalino? Bakit hindi sila pinagbigyan ng
matatalino?

5. Ano ang nangyari habang ang mga dalagang


hangal ay bumii ng langis?
6. Bakit tuluyan nang hindi nakapasok ang ang
mga dalagang hangal? Ano ang itinugon ng
kanilang Panginoon sa pakiusap nilang papasukin
sila?
PANG-UGNAY

Tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon


ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o dalawang sugnay.
Ang mga pang-ugnay ay maaari ring magsilbing
mga panandang pandiskurso na maghuhudyat ng
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
URI NG PANG-UGNAY
1. Pangatnig – ang mga kataga o salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap o ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.
Mga Halimbawa:
Kataga – at, na, o, ni
Salita – kahit, bagkus, ngunit, subalit, dapatwat, sakali,
samantala, liban,maging, habang, kung, sana, palibhasa,
sapagkat, kasi, tuloy, bunga, pati, saka, bago, upang, nang
Lipon ng mga salita – sa halip, kung bagaman, kung hindi,
sa katagang sabi, sa bagay na ito, dahil sa, kung kaya, kaya
naman, gayon din
URI NG PANG-UGNAY

2. Pang-ukol – kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o


panghalip sa iba pang salita sa pangungusap.
Mga Halimbawa: ng, sa, nasa, kay/kina, para sa/kay/kina,
ayon sa/kay/kina, tungkol sa/kay/kina, laban sa/kay/kina,
hinggil sa/kay/kina, ukol sa/kay/kina, alinsunod
sa/kay/kina
URI NG PANG-UGNAY
3. Pang-angkop – ang salitang nag-uugnay sa panuring
at salitang tinuturingan (na, -ng, -g). Sa ibang salita,
ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang
naglalarawan at inilalarawan.

a. na - Ito ay ginagamit kapag ang unang salita ay


nagtatapos sa katinig
maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang
salita. Ihinihiwalay ito. Napagigitnaan ito ng salita at ng
panuring.
Halimbawa: mapagmahal na tao
URI NG PANG-UGNAY
b. –ng - Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay
nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: mabuting nilalang

c. –g - Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay


nagtatapos sa n. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: mahanging gabi
GAMIT NG PANG-UGNAY
1. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga
impormasyon
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa
paglalahad ng pagkakasunod- sunod ng mga
pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon.
Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka,
unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa
pa, at gayon din.
GAMIT NG PANG-UGNAY
2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng
paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin,
paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa
bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi.
Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta
ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya
naman, tuloy at bunga.
Gawain 1: Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa bawat
pangungusap. Isulat sa linya kung ito’y isang pang-ukol
o isang pangatnig.
1. Ayon sa mga balita, patuloy na nakararanas ng
kaguluhan ang bansang Israel.
2. Ang labanan sa pagitan ng Israel at Palestine ay
nagpapatuloy sa loob ng napakahabang panahon.
3. Pati ang mga mamamayan ng dalawang bansa ay
damay rin sa kaguluhan.
4. Marami ang sumubok pag-ayusin ang dalawang bansa
subalit lahat ay nabigo.
5. Palibhasa, may kanya-kaniyang ipinaglalabang
pananaw ang bawat bansa.
6. Tungkol sa pag-aagawan ng teritoryo ang pangunahing
dahilan ng kaguluhan.
7. Noong Hulyo 2014, muling sumiklab ang kaguluhan
nang mapatay ang tatlong binatilyo mula Israel.
8. Nagbigay ng utos ang gobyerno ng Pilipinas na lisanin
ng mga Pilipino ang Gaza sapagkat mapanganib ang
kaguluhang patuloy na nangyari dito.
9. Para sa kaligtasan ng mga manggagawa ang utos kaya
marami ang tumalima.
10. Kung naririto pa si Hesus, ano kaya ang
mararamdaman niya sa ganitong pangyayari sa kaniyang
bansa?
Gawain 2: Punan ang mga linya sa kabilang pahina ng
angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng talata.
Piliin ang sagot mula sa kahon. Isang beses lang dapat
gamitin ang bawat pang-ugnay.
at kaya para sa kapag
dahil sa laban sa subalit ngunit
  maliban upang  
Tulad ni Osang at ng milyon-milyong OFW na nangingibang
bansa upang maghanap-buhay, ang pagkakalayo ay madalas
nagdudulot ng lamat sa relasyon at sakit na mahigit pa kaysa
sa pisikal na pagkakalayo. Panoorin ang maikling-maikling
pelikulang pinamagatang “Kay Inay” sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=W1v8eZSQ0f4 .
Punan ang mga detalye kaugnay ng element ng binasa:
 Sino-sino ang mga tauhan?
 Saan at kailan ang tagpuan?
 Sagutin ang sumusunod na mga tanong upang mabuo ang
banghay ng pinanood:
Paano ito nagsimula?
Ano ang naging suliranin ng tauhan?
4th Day
Saang bahagi naipakita ang kasukdulan?
Anong mensahe, aral, o kakintalan ang naiwan sa mga manonood?

You might also like