You are on page 1of 4

Filipino Reviewer

Prepared by: Ms. Revilla


Kayarian ng Salita (structure of a word)
1. Payak- ang salita kung wala itong panlapi, walang katambal, at hindi inuulit.Binubuo ito ng
salitang-ugat lamang.
Halimbawa: anak, kapatid, bahay
2. Maylapi- ang kayarian ng salita kung binubuo ito ng salitang-ugat na may kasamang panlapi.
● Unlapi- panlaping kinakabit sa unahan ng salita
Halimbawa: maginhawa, umasa, nagsisi
● Gitlapi- panlaping nasa gitna ng salita
Halimbawa: tumawa, tinapos
● Hulapi- panlaping ikinakabit sa hulihan ng salita
Halimbawa: usapan, mithiin
● Kabilaan- panlaping ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita
Halimbawa: kabaitan, patawarin
● Laguhan- panlaping ikinakabit sa unahan, gitna, at hulihan ng salita
Halimbawa: pinagsumikapan, magdinuguan
3.Inuulit- ang kayarian ng salita kapag ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan
ay inuulit.
Uri ng pag-uulit:
● Inuulit na ganap- buong salitang-ugat ang inuulit
Halimbawa: gabi-gabi, araw-araw, buwan-buwan
● Inuulit na parsyal- isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Halimbawa: lilima, pupunta, kakanta, tahi-tahimik, bali-balita
● Magkahalong ganap at parsyal- buong salita at isang bahagi ng pantig ang inuulit.
Halimbawa: iilan-ilan, tutulog-tulog
4. Tambalan- ang kayarian ng salita kung ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsamasama
para makabuo ng isang salita lamang.
● Tambalang di ganap- kapag ang kahulugan ng salitang pinagtambal ay nananatili.
Gumagamit ng gitling
Halimbawa: tulay-bitin, bahay-kubo, kuwentong-bayan, balik-bayan, takip-silim, silid-aralan,
bahay-ampunan, balik-eskwela, silid-hapagkainan, taong-gubat
● Tambalang ganap- kapag nakabubuo ng ibang kahulugan kaysa sa kahulugan ng dalawang
salitang pinagsama. Hini\d igumagamit ng gitling
Halimbawa: dalagambukid, bahaghari, hampaslupa, kapitbisig
Awit, Elehiya, at iba pang tulang pandamdamin
Tulang Liriko o Pandamdamin- itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at
maging ang kanyang pagbubulay-bulay. Pinakikilala sa uring ito ng tula ang awit at elehiya.

1. Awit (dalitsuyo)- paksa tungkol sa pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang


maningingibig. Madalas ang himig ng awit ay malungkot at mapanglaw. Halimbawa nito ay ang
tulang ‘’Kay Selya’’ ni Fransisco Baltazar.
2. Elehiya(dalitlumbay)- may dalawang katangiang pagkakakilanlan.
● Tula ng pananangis, lalo na sa pag-alala sa isang yumao
● Himig ay matimpi at mapagmuni-muni.
Ang elehiya ay higit na personal sa pagpapahayag ng damdamin kaysa sa ibang estilo ng
panulaan. Halimbawa nito ay ang tulang ‘’Isang Punongkahoy’’ ni Jose Corazon de Jesus bago
siya mamatay.
3. Pastoral(dalitbukid)- maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. Ito ay ang karaniwang
kinagigiliwang paksa sa tulang liriko. Halimbawa nito ay ang tulang ‘’ Bahay- Kubo’’ ni Victor S.
Fernandez.
4. Oda(dalitpuri)- may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal. Halimbawa nito ay ang
tulang ‘’Manggagawa’’ ni Jose Corazon de Jesus.
5. Dalit(dalitsamba)- maikling awit na pumupuri sa Diyos. May aliw-iw na awit subalit hindi ito
kinakanta.
6. Soneto(dalitwari)- may labing-apat na taludtod. Ito ay naghahatid ng aral sa mga bumabasa.
Unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang
suliranin o sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan. Sumusunod na mga
saknong ay nagsasaad ng katuturan at kahalagahan ng sinasabi ng walong taludtod. Huling
taludturan ay siyang pumapawi sa isinasaad ng sinundang talutod. Halimbawa nito ay ang
tulang ‘’Buhay at Kamatayan’’ ni Jose Villa Panganiban.

Panandang Pandiskurso
Nakatutulong sa pagbibigay-linaw at ayos ng pahayag. Maaaring ang pananda ay maghudyat ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o di kaya ay maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng
diskurso. Ginagamit din ang mga ito upang ipakita ang pagbabago ng paksa, pagtitiyak,
pagbibigay-halimbawa, opinyon, at paglalahat.

1. Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa bandang huli


Nang sumunod na araw pagkatapos sa dakong huli
2. Panandang naghuhudyat ng pagkakabuo ng diskurso
a. pagbabagong -lahad
Kung tutuusin sa ganang akin sa ibang salita kung iisipin
b. pagtitiyak
Kagaya ng tulad ng
c. paghahalimbawa
Halimbawa sa pamamagitan isang magandang halimbawa ay
d. paglalahat
Sa madaling sabi bilang pagtatapos bilang paglalahat
e. Pagbibigay- pokus
Pansinin na tungkol sa bigyang-pansin na
f. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari
Ang sumunod una ang katapusan
3. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda
Kung ako ang tatanungin sa tingin ko
Sa aking palagay kaya lamang
Bagaman

Uri ng Pang-abay
Pang-abay- mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
1. Pamanahon- kailan ginawa ang kilos.
Halimbawa: Naimbento ito noong bago pa mag-ikaanim na siglo.
2. Panlunan- nagsasaad ng pook, lugar, o lunan ng pangyayarihan ng kilos. Sumasagot sa
tanong na saan at nasaan.
Halimbawa: Sa India nagsimula ang larong chess.
3. Pamaraan- paano ginanap ang kilos. Sumasagot sa tanong na paano.
Halimbawa: Masayang nilalaro ng mga tao ang larong ito.
4. Pang-agam- pag-aalinlangan o kawalang katiyakan. (marahil, baka, siguro)
Halimbawa: Marahil matatalo mo na ako ngayon.
5. Inglitik- karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. (man, kasi,
sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, at
daw/raw)
Halimbawa: Madali raw matutuhan ang laro.
6. Benepaktibo- nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Pandiwa + para sa.
Halimbawa: Ang anim na milyong dolyar na nakokolekta araw-araw ay ginagamit para sa mga
pangangailangan ng templo.
7. Kawsatibo- nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa. (cause) dahil sa.
Halimbawa: Dahil sa Indian Railways ay nabigyang-hanapbuhay ang maraming tao sa India.
8. Kondisyonal- nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.
(kung, kapag opag, at pagka)
Halimbawa: Matututo ka kung maglalaan ka ng oras.
9. Panang-ayon- nagsasaad ng pagsang-ayon. (oo, opo, tunay, talaga, totoo, sadya, atbp)
Halimbawa: Totoong maganda ang larong ito.
10. Pananggi- nagsasaad ng pagtanggi. (hindi, di, ayaw)
Halimbawa: Hindi ako marunong maglaro nito.
11. Panggaano- nagsasaad ng sukat o timbang.
Halimbawa: Bumaba ng dalawang kilo ang timbang mo.

You might also like