You are on page 1of 19

MIDTERM - RETORIKA SA KOLEHIYO

(FILIPINO 3)

KOMPOSISYON
- Ang simpleng pagsulat ng mga natatanging karanasan,
pagpapakahulugan sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa
mga nabasang artikulo o narinig na mga talumpati ay nagagawa
sa pagsulat ng komposisyon.

- Ito ang maituturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat.

A. ANG PAKSA:
- Kapag walang paksa, walang susulatin sapagkat ito ang kalamnan
ng sulatin.

- Ang paksa ay naririto lamang sa ating paligid.

B. ANG PAMAGAT:
- Ito ay salita o parirala na ibinigay sa isang teksto upang makilala
ang paksa, maakit ang pansin ng mambabasa, at sangkap ng
pagsulat upang sundin.

Ilang manunulat ang nagmungkahi kung saan maaaring magmula


ang ipamamagat sa susulating akda. May ganito silang sinasabi:

1. Ang pamagat ay maaaring ang pinakadiwa ng komposisyon.


- Sa ganito, naipahihiwatig na mismo ang nilalaman ng
paksang-diwang tatalakayin sa komposisyon.
- Kaya kung ang paksa ay ukol sa “karanasang hindi
malilimutan”, maaaring gumamit ng pamagat na “Ang Una
Kong Halik” sapagkat ito ang karanasang magiging paksang-
diwa ng komposisyon.

2. Ang pamagat ay maaaring ang pinakamahalagang bagay sa


komposisyon.
- Ang komposisyon mo ba ay tungkol sa unang tula mong
nalathala sa school organ? Maaari mo iyong pamagatan ng “Ang
Panganay Kong Tula.”

3. Ang pamagat ay maaaring ang pinakamahalagang lugar o


tagpuan sa iyong komposisyong susulatin.
- Ang “Banawe” at “Palawan” ay dalawa lamang sa mga
pelikulang ang pamagat ay ang pook na pinangyarihan ng
estorya.

4. Ang pamagat ay maaaring mula sa pangalan ng mahalagang


tauhan.
hal. “Tata Selo” ni Rogelio Sikat at ang kanyang “Impeng Negro”

C. PAGSISIMULA
- Kadalasang sinisimulan ang komposisyon sa pagtukoy sa
pinakapaksa ng komposisyon. Sa isang maikling talata, sinasabi na
kung ano ang paksang tatalakayin sa komposisyon.

Narito ang ilang mungkahi kung paano masisimulan ang isang


komposisyon.

1. Paggamit ng sipi.

hal. Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, “Ang hindi marunong magmahal
sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda.”
2. Paggamit ng Tanong.

hal. Ano ang tunay na pag-ibig sa bayan? Ito ba’y ang pagsunod
sa bawa’t sabihin ng mga nagpapalakad ng bayan? (Angkop ito
sa komposisyon ukol sa pagkamakabayan.)

3. Paggamit ng makatawag-pansing pangungusap.

hal. Langit! Pook na wala pang nakarating na tao. Ngunit pook


na minimithi ng lahat. (Maaaring gamitin sa pagtalakay sa
paksang “Kaligayahan”.)

4. Maaaring gumamit ng pambungad na pagsasalaysay.


hal. Napatingin ako sa dakong sisikatan ng araw. Nakita kong
unti-unti nang namimitak ang haring araw. May tuwang
pumintig sa aking puso. Napangiti ako. Naunawaan kong hindi
pa huli ang lahat. (Bagay gamitin ito sa paksang “pag-asa”.)

5. Maaaring banggitin ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa-


likuran ng paksa.
hal: Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P.
Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga
Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga
Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya
at agrikultura.

6. Maaaring tahasang ilahad ang suliraning papaksain.


hal: Maraming patotoo sa buhay si Jose Rizal ang nagtuturo sa
kanyang katutubong pagmamahal at pagmamalasakit sa ating
kalikasan. Isinilang at nagkaisip siya sa isang tahanang
naliligid ng maganda at mabiyayang kapaligiran. (Pasimula ito
ng sanaysay sa “Si Rizal at ang Pangangalaga sa Ekolohiya at
Likas na Yaman”, ni A.P Tumangan, Liwayway Hunyo 20, 1994.)
7. Maaaring gumamit ng salitaan.
hal. “Nakasimangot kayo, Ba Ambo?”, bungad ni Tata Orong.
“Kasi ba naman, nakakainis ang naririnig kong balita sa
radyo.”
“Na ano ho?”
“Nag-walk-out daw ang mga congressmen sa sesyon ng
Kamara dahil ginamit ng presider ang Filipino.”
(Maaaring gamitin ito sa paglalahad sa kahalagahan ng
wikang Filipino sa opisyal na pakikipagtalastasan.)

8. Paggamit ng salawikain o kawikaan.


hal. “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo”.
“Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay”.

D. PAGWAWAKAS NG KOMPOSISYON:
- Ito ang huling nababasa o naririnig kaya ito rin ang huling bagay
na nakikintal sa isip ng mambabasa at tagapakinig.

- Ang pagbubuod na marahil ang pinakapraktikal na gamitin.

Narito ang ilang paraan ng pagwawakas na magagamit sa pagsulat


ng komposisyon.

1. Ibigay ang buod ng paksa.


2. Pag-iiwan ng isang tanong/mga tanong.
3. Mag-iwan ng hamon.
4. Maaaring gumawa ng panghuhula.
5. Magwakas sa angkop na sipi.
6. Maaaring sariwain ang suliraning binanggit sa simula.
ANO ANG TALATA?
- Binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na
naglalahad ng isang bahagi ng isang buong pagkukuro, palagay o
paksang-diwa.

MGA URI NG TALATA AYON SA KINALALAGYAN SA


KOMPOSISYON.

1. Panimulang talata.

- Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng


komposisyon.

2. Talatang Ganap.

- Makikita ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon.

3. Talata ng Paglilipat-diwa.

- Mahalaga ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga


pahayag sa mga talataan ng komposisyon.

- Ginagamit ang talatang ito upang pag-ugnayin ang diwa ng


dalawang magkasunod na talata.

- Ito ang talata na naglilipat ng isipan ng magkasunod na talata.

4. Talatang Pabuod.

- Madalas ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon.


MGA KATANGIAN NG MABUTING TALATA:
1. May isang paksang-diwa
2. May buong diwa
3. May kaisahan
4. Maayos
5. May tamang pang-ugnay sa paglilipat-diwa ng susunod na talata
6. Wasto ang kayarian

Paksang Pangungusap. Pangungusap ito sa talata na nagsasaad ng buod


ng nilalaman ng talata. Nagsisilbi itong patnubay upang hindi malihis
sa paksa ng talata at maiwasan din ang pagpasok ng mga bagay na hindi
kailangan sa tinatalakay.

Kaayusan. Tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap sa


talata.

Kaisahan sa diwa. Ito ay pagsasabi na nagtutulungan ang mga


pangungusap para sa isang diwa ng talata.

Wastong Paglilipat-diwa. Nagiging malinaw ang mga pangungusap ng


talata kapag may wastong paglilipat-diwa.

1. isipang idaragdag = at, saka, pati, gayundin

2. isipang sumasalungat = ngunit, subalit, datapwa’t, bagaman,


kahiman, sa kabilang dako

3. isipang naghahambing = katulad ng, kawangis ng; animo’y anaki’y


4. isipang nagbubuod = sa katagang sabi, sa madaling sabi, kaya nga

5. pagsasabi ng bunga o kinalabasan = sa wakas, sa dakongn huli,


kung gayon, sa ganoon
6. paglipas ng panahon = noon, habang, di-naglaon, samantala, sa di-
kawasa, hanggang, di-naglaon

ANG MABISANG PANGUNGUSAP. Mga pangungusap ang bumubuo sa


mga talata at mga talata naman ang bumubuo sa komposisyon.

PAGPILI NG TUMPAK NA SALITA NG PANGUNGUSAP. Nagiging


malinaw ang pahayag kapag gumagamit ng mga angkop na salita sa
isipang ipinahahayag. Kung minsan may mga salitang tama na ang
kahulugan sa gamit ngunit hindi naman angkop na gamitin sa pahayag.

hal.
Bunganga (ginagamit sa hayop o bagay)
Bibig (ginagamit sa tao)

SIMUNO. Ito ang paksa o pinag-uusapan.


PANAGURI. Ito ang naglalarawan sa paksa o pinag-uusapan.

PANGNGALANG PAMBALANA. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang


ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.

PANGNGALANG PANTANGI. Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng


tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.
PANGUNGUSAP. Isang sambitla na nagtataglay ng isang diwa o
kaisipan.

• PANGUNGUSAP NA DI-GANAP (may simuno lamang o panaguri


lamang)

1. Sambitlang panawag.

hal. Ate! Nanay! Ruben!

2. Nagsasaad ng damdamin.
hal.
Naku po!
Diyos ko po!
Aray!

3. Pagtawag.
hal.
Halika rito.
Lapit!

4. Pautos.
hal.
Alis diyan!
Takbo.
Talon!
5. Pangkalikasan.
hal.
Umuulan na.
Lumilindol ba?
Umaraw na sana.

6. Panagot sa tanong
hal.
Kumain ka na ba? Opo
Hindi pa po.
Kumain ka. Ayoko
Huwag na po.

7. Panahon.
hal.
Mamaya na.
Bukas pa.
Sa isang linggo na lang.

8. Pagbati.
hal.
Kumusta?
Magandang hapon po?

9. Pagpapaalam.
hal.
Paalam na po!
Aalis na po!
Ba-bay!
10. Pamuling tanong.
hal.
Ano nga?
Ilan ba?
Totoo ba?

11. Pakiusap.
hal.
Maaari ba?
Sige na.

12. Pampook (Sagot sa tanong).


hal.
Saan ka nag-aaral? Sa CLSU.
Sa Maynila
Sa U.P.

13. Eksistensyal.
hal.
May tao sa silong.
Wala na.
May bisita pala.

• PANGUNGUSAP NA GANAP (binubuo ng simuno o panaguri)

1. Paturol. Ito ang pangungusap na ginagamit upang maghayag ng


isang katotohanan o isipan. Ginagamit na bantas dito ang tuldok.

2. Pautos. Ito ang pangungusap na ginagamit sa pakikiusap o pag-


uutos. Binabantasan din ito ng tuldok.
3. Patanong. Pangungusap ito na ginagamit kapag nais na makabatid
ng tungkol sa isang bagay. Ginagamitan ito ng bantas na pananong
(?)

4. Padamdam. Naghahayag ang pangungusap na ito ng masidhing


damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na padamdam (!).

Ang mga pangungusap na ganap na may panaguring pandiwa


lamang ang maaaring magkaroon ng kaganapan. Bukod sa simuno
ng pangungusap, ang iba pang pangngalang parirala sa
pangungusap ay maaaring iugnay sa pandiwa bilang:

1. Kaganapang tagaganap. Binubuo ito ng panandang ng/ni at ng


pangngalang pambalana o pantangi na siyang gumaganap ng kilos
sa pangungusap ngunit hindi naman simuno ng pangungusap.

hal. Sinagot ni Luiz ang tanong ng guro.

2. Kaganapang tagatanggap (kung sinong tumanggap ng kilos)


hal. Humalik si Annie sa kanyang Lola.

3. Kaganapang ganapan. Sinasabi nito ang pook na kinaganapan ng


kilos na sinasabi ng pandiwa.

hal. Magbabakasyon sa Hongkong ang mag-anak na Custodio.

4. Kaganapang Kalaanan. Sinasabi nito kung para kanino ang kilos


na ginanap ng pandiwa.
hal. Bumili ng laruan si Tatay para sa inaanak niya.
5. Kaganapang Instrumental. Sinasabi nito kung ano ang ginamit
para maisagawa ang kilos ng pandiwa.
hal. Hinakot ni Andy sa pamamagitan ng karmatilya ang graba.

6. Kaganapang kadahilanan. Sinasabi nito ang dahilan sa


pagkaganap ng kilos ng pandiwa.
hal. Namatay ang magsasaka dahil sa tuklaw ng ulupong.

PAGGAMIT NG SALITA

1. pinto, pintuan

Pinto (door) – ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.

Pintuan (doorway) – ay ang kinalalagyan ng pinto.

2. hagdan, hagdanan

hagdan (stairs) – ay may mga baytang at inaakyatan at binababaan


sa bahay.

Hagdanan (stairways) – ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng


hagdan.

3. pahirin, pahiran
pahirin (to wipe) – ay nangangahulugang alisin sa pamamagitan
ng pamunas.
Pahiran (to apply) – ay nangangahulugang lagyan sa pamamagitan
ng pamunas.
4. subukin, subukan
subukin (to test) – ay nangangahulugang tignan ang bisa o husay.
subukan (to spy on) – ay nangangahulugang espiyahan ang tao o
ginagawa ng tao.

5. iwan, iwanan
iwan (to leave something) – ay nangangahulugang huwag isama.
iwanan (to leave something to somebody) – ay nangangahulugang
bibigyan.
6. sundan, sundin

sundan (follow where one is going; follow what one does) – ay


nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa
pinuntahan ng iba.

Sundin (follow an advice) – ay nangangahulugang sumunod sa payo


o pangaral.

7. hatiin, hatian

hatiin (to divide) – ay partihin o bahagihin


hatian (to share with) – ay bigyan ng kaparte

8. walisin, walisan

walisin (to sweep the dirt) ay tumutukoy sa bagay


walisan (to sweep the place) ay tumutukoy sa lugar

9. operahan, operahin

operahan (pagtistis sa tao)


operahin (pagtistis sa organo ng katawan)
PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN
1. Pagbuo ng salita

a. Sa paggamit ng mga panlapi gaya ng unlapi, gitlapi, hulapi,


kabilaang panlapi, laguhang panlapi, unlapi-gitlapi at
gitlapi-hulapi.

salitang-ugat
- ito ay salitang buo ang kilos.

Unlapi
- ang panlapi ay inilalagay sa unahan ng salitang-ugat.
(mag, um, i, ma, maka, hin, -han/-in, pa, mang, maki at iba pa.)

Hal. = magsalita
= masalita
= pasalita

Gitlapi
- ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang
karaniwang gitlapi sa Filipino ay –in at –um.

hal. = sinalita
= bumasa

Hulapi
- ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang
karaniwang hulapi ay –an, -han, -in, at -hin.
hal. = salitain
= salitaan
= basahin
Laguhang panlapi
- Kapag ang salitang-ugat ay may unlapi, gitlapi at hulapi.

hal. = magsinampalukan
= magdinuguan
= magginataan

unlapi – gitlapi
- Kapag ang salitang-ugat ay may unlapi at gitlapi.

hal. = itinalaga
= isinigaw

gitlapi – hulapi
- Kapag ang salitang-ugat ay may gitlapi at hulapi.

hal. = tinawagan
= sinabihan

Kabilaan
- Kapag ang salitang-ugat ay may unlapi at hulapi.
hal. = pagsalitain
= pagsalitaan

b. Pag-uulit nang parsyal o ganap sa salita.


Halimbawa: salitang-ugat na lakad
parsyal na pag-uulit = lalakad
malalakad
lalakarin
maglalakad
palalakarin
ganap na pag-uulit = lalakad-lakad

lumakad-lakad

maglakad-lakad

palakad-lakarin

maagpalakad-lakad

ilakad-lakad

mangaglakad-lakad

c. Pagtatambal ng mga salita

Halimbawa:
lakad-takbo basag-ulo
Lumubog-lumitaw tawang-aso
bungang-araw silid-tulugan
agaw-tulog ligaw-tingin

2. Pagkakasingkahulugan
hal: (1) salitang pangit (ugly)
di-maganda (not beautiful)
nakakatakot (fearful)
kasuklam-suklam (repulsive)
mungkhang bangkay (cadaverous)
(2) salitang kagandahan (beautiful)
maalindog (very charming) kaibig-ibig (lovely)
kahanga-hanga (admirable) marilag (gorgeous)
marikit (radiant) mapanghalina (captivating)
mapamighani (bewitching) makisig (elegant)

3. Paggugrupo ng mga salita


hal. (1) Mga uri ng hangin

hihip ng hangin (blowing wind)


simoy (breeze)
hanging palay-palay (gentle breeze)
amihan (northwind, northeastwind)
Balaklaot (monsson wind; northwest wind)
buhawi (hurricane wind)
Ipuipu (whirlwind)
sigwa (storm wind at sea)
bagyo (storm)
Unos (typhoon)

(2) Mga uri ng pag-ibig

Pagsinta (pag-ibig ng lalaki sa babae; ng tao sa Diyos;


ng tao sa bayan)

Pagliyag (pag-ibig sa kaanak; masidhing pag-ibig)

Pagmamahal (mataas na pagpapahalaga sa tao, bagay


o hayop.

pagkasi (pag-ibig na may halong pagtangkilik o


pagtatanggol)
pag-irog (pag-ibig na nagbibigay)

paggiliw (pag-ibig na may nais na makasama o


makapiling ang iniibig.

pagsuyo (pag-ibig na ipinakikita sa pagreregalo)

pagtatangi ( pag-ibig na naglalagay sa higit na


kalagayan sa umiibig.

pamimintuho (affection)
pagtingin (esteem; damdaming may kasamang
pagtatangi)

Pagsamba (worship)

4. Pagsasalungat ng kahulugan
hal.
matanda – bata matibay - marupok
puno – dulo matapat - salawahan
mayaman – mahirap tahimik - masalita
matapang – duwag mabilis - mabagal
mahinhin – haliparot maligaya – malungkot

PAGGAMIT NG IDYOMATIKONG PAHAYAG/PASAWIKAING


PAGPAPAHAYAG. Hindi ang tunay na kahulugan ng mga salita ang
“ibig sabihin ng mga ito”.
hal.
ahas na tulog = makupad sa mga gawain
alog na ang baba = matanda na
asal – Hudas = taksil
babaha ng dugo = magkakapatayan
balat-kalabaw = di-marunong mahiya
binuksan ang dibdib = nagtapat
kahig nang kahig = walang humpay ng pagtatrabaho
Ibayong dagat = ibang lupain

PAGGAMIT NG TAYUTAY. Ang tayutay ay sinadyang paglayo sa


karaniwang paraan ng paggamit ng mga salita sa layuning gawing
makulay, kaakit-akit at lalong mabisa ang pahayag.

You might also like