You are on page 1of 8

SANAYANG-PAPEL

FILIPINO 7
UNANG MARKAHAN-IKALIMANG LINGGO

PANGALAN
Dula
(PANITIKAN)
Ang Dula

Ang dula ay isang anyo ng panitikan na ang layunin ay maitanghal ang mga danas, paniniwala, at
pagpapahalaga ng mandu-dula pamamagitan ng mga diyalogo, kilos, salita, at paksa. Mandudula o dramatist ang
tawag sa mga taong sumusulat ng dula. Ang mga dula ay karaniwang ipinalalabas sa mga entablado, ngunit may
mga dula ring itinatanghal sa lansangan. Halimbawa nito ang cenaculo na ipinalalabas tuwing semana santa, at
ang panunuluyan na itinatanghal naman tuwing bisperas ng pasko.
Inilalarawan ng dula ang isang maliit na bahagi ng mahabang karanasan ng lipunang pinagmulan nito. Sa
pamamagitan nito, naitatanghal at naipararanas sa mga manonood ang naging danas ng mga tao sa isang
partikular na panahon o lugar. Sa madaling salita, ang dula ay maaaring itanghal kahit saan, ang kailangan lang ay
ang maliknaing pag-isip ng mga bumubuo nito at ng mga artistang gumaganap sa dula.
May apat na mahahalagang elemento ang isang dula. Ang mga ito ay ang:
1. Tagpuan. Ito ang daigdig na gagalawan ng tauhan at dito magaganap ang istorya. Ipinakikita rin nito
ang lipunan at panahong kinapapalooban ng mga tauhan. Tinatawag rin itong milieu.
2. Tauhan. Palaging may protagonista at antagonista ang isang dula. Sa protagonista/bida nakapokus ang
mga pangyayari sa dula at siya rin ang dahilan ng mga pangyayaring ito. Ang antagonista/kontrabida
naman ang kalaban ng bida.
3. Banghay ang tawag sa sunod-sunod na mga pangyayari sa dula. Sa pamamagitan ng banghay,
maitatakda ng mandudula ang magiging takbo ng istorya para sa dula.
4. Ang diyalogo ay hindi palaging pasalita. Maaari din itong pagtahimik, o mga kilos at galaw ng mga
tauhan.

A. Basahin ang dulang “Ang Mahiwagang Tandang” ni Arthur P. Casanova at sagutin ang sumusunod na
tanong.

1. Sino si Bagoamama? Ilarawan ang kanyang kalagayan at ang kanyang pamilya sa simula.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

2. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Lokus A Babae na ang kahirapan ng kanilang mag-anak ay kagustuhan ni


Allah? Pangatwiranan ang iyong sagot.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
3. Ano naman ang masasabi mo sa tinuran ni Bagoamama sa kanyang ina na “Talaga bang kailangang
hintayin ang ibibigay ni Allah? Wala ba tayong nagagawang paraan upang tayo'y yumaman?” Ipaliwanag
ang iyong sagot.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

4. Ano ang naisip na paraan ni Bagoamama upang makatulong sa kanyang magulang? Maganda ba ang
kanyang naisip na ito? Bakit oo o hindi ang iyong sagot?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay, aksidente nga kayáng nahuli sa patibong ni Bagoamama ang Mahiwagang Tandang
kasáma ang iba pang manok? Pangatwiranan ang iyong sagot.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

6. Bakit kaya pinili ng tandang na manatili kay Bagoamama gayong puwede naman siyang umalis na
kaagad nang maibigay niya ang pangangailangan nito?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

7. Bakit kayâ ninais ng tandang na ipakasal si Bagoamama sa anak ng sultan gayong mas mayaman na si
Bagoamama kaysa sa sultan?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

8. Kung ikaw ang nása kalagayan ni Bagoamama susundin mo bang lahat ng sinabi ng mahiwagang
tandang? Ipaliwanag ang iyong sagot.

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

9. Paano ipinakita sa kabuoan ng dula na ang pananalig sa Diyos na may kalakip na paggawa ay
mahalaga sa buhay?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
B. Manood ng isang dulang panlansangan o kahit anong uri ng sula (maaaring manood kahit sa Internet
lamang). Bigyang-pansin ang mga tauhang nagsipagganap sa dula at ilarawan kung ang kanila bang gawi
at kilos ay akmang-akma at makatotohanan sa tauhang kanilang ginagampanan.

__________________________________________
Pamagat ng Dulang Napanood

Paglalarawan sa Kilos at Gawi ng


Tauhan Papel na ginampanan
mga Tauhan.

1.

2.

3.

4.

5.

6.
Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
(GRAMATIKA)

Paggamit ng mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa


Karaniwan na nating alam na ang pangungusap ay dapat na may paksa at panaguri. Ngunit sa wikang
Filipino, may mga pangungusap na wala o hindi nakikita ang paksa subalit buo ang diwa nito. Ang uri ng mga
pangungusap na ito ay:
1. Eksistensiyal- Pangungusap ito na nagsasaad ng "pagkakaroon o "pagkawala" ng pinag-uusapan.
Halimbawa:
 Wala pang suweldo.
 May nanalo na.
 Ubos na.
2. Pakiusap- Pangungusap ito na nagsasaad ng kahilingan o pakiusap.
Halimbawa:
 Pakisuyo naman.
 Puwedeng pakibuksan?
 Pakipasok po.
3. Temporal- Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian lamang. Karaniwan na itong
pang-abay na pamananon.
Halimbawa:
 Tanghali na.
 Sa makalawa na.
4. Modal - Pangungusap ito na gumagamit ng mga salitang gusto, nais, puwede, maaari, dapat, o
kailangan.
Halimbawa:
 Gusto ko.
 Puwede ba?
 Maaari n a.
5. Penomenal - Ito ay mga pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan o pangyayari sa kalikasan o
pangkapaligiran.
Halimbawa:
 Bumabagyo.
 Maalinsangan.
 May baha.
6. Panawag- Maaari din itong tawaging vocative.
Halimbawa:
 Pssst!
 Hoy!
7. Amenidad- Ito ay magagalang na pananalita o ekspresyon na mahalaga sa pakikipagkapuwa-tao.
Halimbawa:
 Paumanhin po.
 Tao po!
 Tuloy po.
8. Padamdam na Pangungusap-Ito ay tumutukoy sa isahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Halimbawa:
 Sunog
 Aray!
9. Paghanga - Ginagamitan ito ng panlapi para sa kaantasang pasukdol na napaka-, at kay-.
Halimbawa:
 Napakaganda ni Genna!
 Kaytalino ng aking anak
 Ang tangkad mo!
10. Pandíwang may ka - Nangangahulugan itong katatapos lang ganapin ang kilos.
Halimbawa:
 Kakakain ko lang.
 Katutulog lang niya.
 Kalalaba lang ng mga damit.

A. Lagyan ng tsek () ang mga pangungusap na walang paksa at ng ekis () ang hindi.

1. Ang galing niya umarte. 11.Hoy!

2. Ay! 12. Maganda ang palabas sa plasa.

3. Asus! 13. Wala pang pera.

4. Pasko na. 14. Halika ka dito, ale!

5.Lunes na bukas. 15.Tisoy!

6. Ibig koi tong mapanood. 16.Pumayag ka nasa sa usapang ito.

7. Kainis! 17.Puwedeng makatawad?

8. Bumabagyo! 18. Tao po.

9. Makulimlim kahapon. 19. Walang anuman

10. Pasensiya na! 20. Ate


B. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang sumusunod?

____________________1. Hala!

____________________2. Sunog!

____________________3. Puwede?

____________________4. Pakikuha po.

____________________5. Kain na po.


____________________6. Tuloy po.

____________________7. Baha!

____________________8. Ang init!

____________________9. Tanghali na pala.

____________________10. Eto na.

C. Magbigay ng tig-dalawang halimbawa ng pangungusap na walang tiyak na paksa.

1. Eksistensiyal: _________________________________________________________________

2. Pakiusap: ____________________________________________________________________

3. Temporal: ____________________________________________________________________

4. Modal: _______________________________________________________________________

5. Penomenal: __________________________________________________________________

6. Panawag: ____________________________________________________________________

7. Amenidad: ___________________________________________________________________

8. Padamdam na pangungusap: ____________________________________________________

9. Paghanga: ___________________________________________________________________

10. Pandiwang may ka-:___________________________________________________________

You might also like